Chapter 61

1749 Words
Hindi na ako natuloy pa sa banyo. Bumalik ako sa pwesto namin at nakita na nakaupo na rin doon sina Alexa at Jaeryll. Inayos ko ang sarili ko. Kailangan ipakita ko na hindi ako apektado sa nangyari. Taas noo akong naglakad palapit sa kanila. “Where have you been?” bungad ni Alexa. “Sa washroom,” sagot ko. Nagtaka naman si Jaeryll sa sinabi ko. “Pero bakit ka doon nanggaling?” tanong niya. Nakaturo ito sa direksyon na pinanggalingan ko. “Bakit mo naman natanong Jaeryll?” tanong ni Alexa. “Hindi naman doon ang washroom,” wika niya. Patay na. Bakit ko pa kasi sinabi na galing ako doon. Sana kainin na lang ako ng lupa. Wala na, finish na. “Baka naman galing siya ng washroom tapos naisipan na mag-ikot,” saad ni Alexis. Nagulat ako sa sinabi ni Alexis. Tinignan ko siya, kalmado lang siya hindi gaya ko na masyadong inisip ang nangyari kanina. “Ano, bessy? May nabingwit ka bang boylet?” tanong ni Alexa. Mas excited pa si Alexa kaysa sa akin. “What do you mean?” tanong ko. “Look,” aniya. Nakaturo ito sa bandang likuran ko. Tatlo kaming tumingin nila Jaeryll at Alexis sa tinuro ni Alexa. May dalawang lalaki na nakatingin sa akin. Teka… Sa akin? Humarap muli ako kay Alexa. “Sa iyo ata nakatingin dahil sa pagsayaw mo kanina,” wika ko. Umiling si Alexa habang nakangisi. “Kung sa akin nakatingin iyan, lumapit na sana sila sa akin,” saad niya. Hindi ko siya maintindihan. “Lalapit lang sila sa iyo kapag gusto ka nilang makausap or magbibigay sila sa iyo ng drinks,” paliwanag ni Jaeryll. “Tatayo na ba ako at aakbay sa iyo?” tanong ni Alexis. Naguluhan ako. Ang intense naman pala sa loob ng isang bar. Ang huling punta ko rito ay noong inaya ako ni Gerald bago maging kami. Tumawa naman si Jaeryll. “Is this your first time?” tanong niya. Umiling ako. Gumamit pa ako ng senyas na dalawa gamit ang daliri. “Pangalawa na ito,” sagot ko. Ilang sandali pa ay naglapag ang bartender sa harapan ko ng inumin. “Kanino po iyan?” tanong ko. Naghihintay naman ng sagot ang mga kasama ko. Itinuro ng bartender ang dalawang lalaki sa aking likuran. Nanginig ako. Hindi ko kinakaya ang nangyayari. “Ay nako! Huwag na po,” sambit ko. Iniurong ko ang baso pabalik sa bartender. “Its okay, Ma’am, they’ll paid it for you,” tugon ng bartender. Napangiwi ako. Tumayo naman si Alexa at kumapit sa akin. Bumulong siya, “Tanggapin mo na, tapos ipakita mo sa kanila na iniinom mo,” aniya. Nagtaka ako. “Bakit naman?” Tanong ko. Lumingon siya sa likod ko kung saan nakatayo ang dalawang lalaki. “Para madagdagan pa iyan,” aniya. Hindi ako makapaniwala. Loko talaga itong si Alexa. “Ayaw ko nga, kung gusto mo ikaw na lang,” wika ko. “Bakit naman?” tanong niya. “Hanggang tatlong shot lang ako,” turan ko. Naguluhan naman si Alexa. “Bakit?” tanong niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at tinapak iyon ng aking kamay. “Baka kasi buntis ako,” wika ko. Tinignan ko ang itsura niya. Nakatulala ito. Hindi siya makapaniwala sa aking tinuran. Hindi siya makapagsalita tanging pagsenyas lang ang nagawa niya. Umupo ako. Nagsalita naman si Alexis. “Alexa, kung ayaw ni Christine, huwag mong pilitin,” wika nito. Nananatili ang ekspresyon ng mukha ni Alexa. “Bessy,” tawag ko sa kaniya. Hinila ko siya paupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. Inalog-alog ko pa para bumalik ito sa wisyo. “Nabigla ka ba?” Wika ko. Tumango siya. “Dapat hindi ko muna sinabi iyon,” Iniangat ko ang baso at akmang iinumin na, “Dapat sinigurado ko muna,” Nang dumampi na ang baso sa aking bibig siya naman na pag-agaw sa akin ni Alexa no’n. Muntik ng matapon ang cocktail sa aking suot. “Alexa?” sambit ko. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. “Don’t you dare,” aniya. Naintindihan ko ang kaniyang ibig sabihin. “Anong nangyayari?” tanong ni Jaeryll. Nakasilip naman sa amin si Alexis. “Wala naman, nahihilo na raw kasi si Christine kaya pinigilan ko siya sa pag-inom,” kwento ni Alexa. Uminom muna si Jaeryll bago magsalita. “Kaya pala, uuwi na ba tayo?” tanong nito. Mabilis naman na tumayo si Alexa. “Yes, uuwi na tayo,” sagot niya. Hinila ako ni Alexa. Nagulat naman sina Jaeryll at Alexis. Agad naman silang sumunod sa amin. “T-teka,” wika ko. Sinamaan lang ako ng tingin ni Alexa. Mukhang galit ito sa nalaman. “Bessy,” tawag ko. “Mag-usap tayo mamaya,” wika niya. Nakalabas na kami ng pub. Nakatayo lang si Alexa sa harapan ko at tahimik. Lumabas na rin ang dalawang lalaki. “Ang bilis niyo naman maglakad,” sambit ni Jaeryll. “Ano bang nangyayari sa iyo, Alexa?” tanong ni Alexis. Humarap si Alexa sa amin at binitawan ang pagkakahawak sa akin. Ngumiti siya. “Inaantok na ako,” wika niya. Naguluhan sina Alexis at Jaeryll. Tinignan ni Jaeryll ang oras sa kaniyang relo. “We’ve been here for almost an hour, okay, ihahatid na kita,” saad ni Jaeryll. Bumulong muli sa akin si Alexa. “Sa kwarto ko ikaw matutulog,” wika niya. Ngumiti siya kay Jaeryll at doon kumapit. “Lets go,” aniya. Humarap siya sa kambal niya. “Drive safely,” wika niya rito. Tumango lang naman sa kaniya si Alexis at binigyan ang kambal ng itsura na nandidiri. “Mas kadiri ka, wala kang jowa,” tugon ni Alexa. Natawa naman si Alexis at Jaeryll dahil doon. “Tara na nga, ang pangit ng katabi ko, eh,” wika niya. Ang kaniyang katabi ay si Alexis maliban kay Jaeryll. Napailing ako. Grabe talaga mag-asaran ang kambal. Tumawa naman si Jaeryll at naglakad na. “Pare, kita na lang maya sa parking lot,” wika ni Jaeryll kay Alexis. Pare? Wow. Close na sila. Yay! “Sige, kahit itapon mo na lang iyan na babae sa ilalim ng tulay, okay lang,” turan ni Alexis. Sinamaan ng tingin ni Alexa si Alexis. “Ipapakulam na talaga kita,” sambit ni Alexa. “Oo, pakulam mo,” sagot ni Alexis. Binuksan na ni Jaeryll ang pinto ng kotse niya. “Kita na lang sa condo,” aniya. “Sige, ingat kayo,” sambit ko. Tumingin muna sa akin si Alexa bago pumasok sa loob ng kotse. Kinabahan naman ako bigla dahil sa mga tinginan niya. “Tara, pasok na!” Sigaw ni Alexis. Nasa loob na siya ng sasakyan at nakaandar na rin iyon. Naglakad na ko papunta sa sasakyan nang tawagin ako ng dalawang lalaki na nasa loob ng bar kanina. “Miss, wait!” tawag nila. Napahinto ako at nilingon sila. Nasa tapat ko na sila at ngumiti sa akin. Inilahad ang kanilang kamay. “I’m Steph,” pakilala ng lalaking may kulay ang buhok. “And I’m Carlo,” bigkas naman ng lalaking may kahabaan ang buhok. Nag-alangan pa ako ng una pero naisip ko na baka maging bastos ako kung hindi ako makikipagkamay sa kanila. Ngumiti ako at nakipag-kamay. “I’m Christine,” pakilala ko. Una kong kinamayan si Steph, sunod naman si Carlo. “If you have time,” Inabot ni Steph ang kaniyang business card sa akin, “You can call me, and lets hang out,” aniya. Binasa ko iyon, Montenegro Enterprise, Inc. “And this is mine,” Inabot din ni Carlo ang kaniya, “Call me, when you need me,” Kumindat pa ito sa akin. Medyo nailang ako sa ginawa niya pero sumagot pa rin ako. “S-sige, bye,” wika ko. Kumaway na sila sa akin. Pagpasok ko sa sasakyan ay nakatingin sa akin si Alexis. “Can I look at their cards?” wika niya. Pagkasabi naman niya ay agad ko itong ibinigay sa kaniya. “Montengero and Saavedra?” aniya. “Bakit?” tanong ko. “Mga anak ng bigatin dito sa Pilipinas,” saad niya. Nagulat naman ako. “Mukhang ang ganda mo ay pang mayaman lang talaga,” wika niya. “Hoy, hindi naman, grabe ka,” turan ko. Tumawa ito at ibinalik sa akin ang mga cards. “Tara na nga,” sambit niya. Inilabas niya muna ang kaniyang kaliwang at iniangat sa bandang itaas ng kotse pero hindi ko nakita kung ano ang ginawa niya. “Naiinitan ka ba?” tanong ko. “No, why?” tugon niya. Tinuro ko ang bintana na nakabukas pa, “Nakabukas kasi ang bintana ng sasakyan,” sambit ko. Natawa naman siyang muli. “Oo nga pala,” wika niya. Ipinasok na niya ang kaniyang kamay at isinara ang bintana. Habang nasa biyahe kami ay bigla siyang napatanong. “Totoo ba?” tanong niya. “Totoo ang alin?” tanong ko rin. “Na may babae si Gerald?” wika niya. Napayuko ako. “H-hindi ko alam pero these past few days, lagi na lang nawawala si Gerald sa madaling araw…” kwento ko, “And twice nang babae ang sumasagot sa mga calls ko para sa kaniya,” dagdag ko pa. “I see, and you don’t know the girl’s name?” aniya. Iniangat ko ang aking ulo. “Yes,” sagot ko. “May pinaghihinalaan ka na ba?” Tanong niya. Umiling ako. Halos lahat kasi ng nagtatrabaho sa company ay kilala ko at masasabi na may mga edad na rin ang mg babae roon. “Aalamin ko para sa iyo,” wika niya. Nabigla ako. “Hindi ko alam kung tumawag si Gerald sa akin, dahil nakapatay ang cellphone ko,” turan niya. “You can check your phone now,” wika niya pa. “Ayaw ko muna, palilipasin ko muna ang buong isang araw,” tugon ko. Seryoso lang akong tinignan ni Alexis. “Sa bahay ka ba matutulog?” tanong niya. Mukhang iniba na niya ang usapan. Nahalata niya na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa amin ni Gerald. “Oo, paghanda mo ako ng masarap na agahan, ah?” saad ko. Ngumiti naman ito. “Oo naman, ikaw pa ba,” wika niya. “Idlip ka muna kaya,” wika niya. “Sige, pakigising na lang ako,” sambit ko. Tumango ito. Umidlip na rin para makapagpahinga kahit saglit na minuto lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD