Chapter 60

1413 Words
Namangha ako sa loob ng bar na pag mamay-ari ni Jaeryll. Hindi ito tipikal na bar na laging pinupuntahan ng mga kabataan. Kung ako ang tatanungin. Hindi kaya ng isang average teenager na magbayad ng mga iinumin nilang alak ang presyo rito. Idagdag mo pa ang mga mga disenyo at mga naka-display sa loob. Mukhang malaki talaga ang ginastos para mapatayo at mapaganda ang loob ng bar. “Mukhang mga mayayaman lang ang nakakapasok dito,” sambit ko. Nasa counter na si Jaeryll. Umiling ito habang nakangiti. “No, want to check the price?” wika niya. Nakaupo na rin ngayon sina Alexis at Alexa. Lumapit ako papunta sa counter at nagtanong sa kaniyang bartender ng presyo ng bawat alak na narito. “Excuse me,” sambit ko. Masaya naman akong nilapitan ng lalaki at magiliw akong sinagot. “Hello, what drinks to you like?” tanong nito. Teka. Patay. Wala pala akong alam sa mga alak. “A-ano…” wika ko. Habang hindi ko pa masabi kung anong alak ang gusto ko ay nagsalita naman si Alexis. “Maglalasing ka ba or chill lang?” tanong niya sa akin. Nauutal akong sumagot sa kaniya. “Syempre hindi ako maglalasing,” saad ko. Ngumiti siya sa akin at humarap sa bartender. “One mojito, please,” aniya, “And one Tom Collins,” dagdag niya pa. “One mojito and tom collins, coming right up!” tugon ng bartender. Nagsimula na ang bartender sa kaniyang paghalo-halo ng mga inumin sa flair. “Hey, ano ba masarap inumin ngayon?” tanong ni Alexa. “Inumin mo lahat, tutal sanay ka naman na mag-inom sa mga pub,” sagot ni Alexis. “Eh, kung inumin ko iyang dugo mo tutal iyan na lang naman ang hindi ko pa natitikman,” turan ni Alexa. Nagsimula na naman ang bangayan nila. Napahawak ako sa aking ulo, samantalang si Jaeryll ay tuwang-tuwa sa kambal. Habang hindi pa sila tapos sa sagutan nila, ang bartender naman ay natapos na sa kaniyang paghahalo. “Here’s your drink, Ma’am,” wika ng bartender. Inilapag niya ang baso na may laman na alak sa aking harapan. “Enjoy!” dagdag pa ng bartender. “Thank you,” tugon ko. Hinawakan ko na ang baso at tinitigan ito. Masarap ka ba? Tanong ko sa sarili ko. Malalasing ba ako dahil sa paghalo? Puro walang kwenta lang ang nasa isip ko habang tinitigan ang baso. “Here’s yours, Sir,” wika ng bartender. Kinuha naman iyon ni Alexis dahilan para magtigil na ang dalawa sa pag-aaway. “Wow! One s*x on the beach, please,” saad ni Alexa. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. “A-alexa?!” sigaw ko. Nilingon naman ako ni Alexa na may halong pagtataka sa mukha. “Bakit?” tanong niya. “Do you want to have s*x with him?!” tanong ko. Nanlaki ang mata nila at ang bartender ay napatigil sa kaniyang gagawin. Nang makuha nila ang ibig kong sabihin ay natawa sila na umalingawngaw sa loob ng pub. Napataas ako ng kilay. Tinignan sila isa-isa. “What’s so funny about that?” tanong ko. Hindi ko sila makausap ng maayos. Kapag sila’y magsasalita ay matatawa agad. “Okay,” wika ko. Nilagok ko ang alak hanggang maubos ito. Pinipigilan ako ni Alexis pero hindi niya maagaw sa akin ang baso. “Oh my! Lasing na iyan mamaya,” turan ni Alexa. “Ang sarap pala!” saad ko. Natawa si Jaeryll. Tinignan ko siya ng masama. “Anong nakakatawa?” tanong ko. Pinipigilan niya ang kaniyang tawa. “Wala, wala,” aniya. Sinilip niya si Alexis, “Ikaw na bahala sa kaniya mamaya,” at kumindat pa kay Alexis. Sumenyas lang si Alexis ng ‘okay’ gamit ang kaniyang hinlalaki. “Whisky lang sa akin, Chris,” turan ni Jaeryll sa bartender. Natulala ako nang marinig ang pangalan na iyon.. Agad kong sinilip ang pagbaybay sa pangalan ng lalaki. Pagkakita ko ay normal na Chris lang pala at hindi ang Chrys na letrang Y. Napasinghap ako. “Are you okay?” tanong ni Alexis. “Yeah,” sagot ko. Ngumiti lang ako. Umorder pa ako ng isang inumin. “Pahingi rin ako ng kahit anong ladies drink, sorry, hindi ko kasi alam mga tawag doon,” saad ko. Ngumiti naman ang bartender at sumenyas. “Parang gusto ko ng chips,” wika ni Alexa, “What do you think, Bessy?” Humarap siya sa akin. “Anything you want, my treat,” ani ko. “Talaga ba? Kung ganoon, sige,” aniya. At hindi nga nagpapigil si Alexa sa pag-order ng drinks and foods. Inilapag naman nang muli ng bartender ang inorder ko. “Here’s your margarita,” saad ng bartender. Kinuha ko iyon at ininom ng diretso. “Malalasing ka niyan,” wika ni Alexis. Kinuha niya ang akiing cocktail glass na may laman pang inumin. Nabigla ako dahil nasa bibig ko na ang baso sabay hablot niya. “P-para saan iyon?” tanong ko. “Hindi mo dapat inumin ng diretso, malalasing ka agad,” aniya. “Fine, sorry, hindi ko alam,” sagot ko. Ibinalik na niya sa akin ang baso. “Kung ayaw mong malasing, maghinay-hinay ka sa pag-inom,” turan niya. Napangiwi ako. “Okay,” tugon ko. Bigla naman tumayo si Jaeryll at nag-aya. “Lets dance,” wika nito. Sumunod naman sa pagtayo si Alexa at inaya ako. “Tara, sayaw tayo, kaunti na lang naman ang tao,” aniya. Tumayo na rin ako dahil gusto ko rin naman maranasan ang sumayaw sa gitna ng pub. Naiwan na nakaupo si Alexis sa counter habang nakatingin sa amin at may hawak na baso ng alak. Itinaas niya ang kaniyang baso at tumalikod na sa amin. Nagkibit-balikat ako. Sumayaw ako sa himig ng ritmo. Sinasabayan bawat pag-indak ni Alexa ngunit hindi ko kaya, napaka-sexy niyang sumayaw. Naghiyawan ang mga natitirang tao dahil sa sayaw ni Alexa. Huminto sila at hinayaan na magsayaw si Alexa at Jaeryll sa gitna. Gumilid na rin ako at bumalik sa counter. “I didn’t know, Alexa can dance like that,” sambit ko. “Ikaw ba naman, magpunta sa mga pub everynight, hindi ka ba gagaling sa pagsasayaw?” saad ni Alexis. “Kaya pala, halos lahat ng nandito ay nakatingin sa pagsasayaw ni Alexa,” wika ko. Napalingon si Alexis sa kinaroroonan ni Alexa. “Karamihan pa doon ay mga lalaki na halos lumuwa ang mata kakatitig sa katawan ni Alexa,” aniya. Nilibot ko ang paningin ko. Tama si Alexis, parang mga manyak na nakatingin sila kay Alexa. “Nakakainis na, kailangan laging bantayan ang babae na iyan,” wika niya pa. Natawa ako. Masyadong protective si Alexis sa kambal niya. “Bakit ka nakangiti ng ganiyan?” tanong niya. Umakbay ako sa kaniya, naramdaman kong nagulat siya. “Wala naman, kainggit magkaroon ng kapatid na lalaki,” saad ko. “Gusto mo ba swap?” tanong niya. Naguluhan ako. Inalis ko ang pag-akbay ko sa kaniya. “Swap?” ulit ko. “Yes, swap, magiging kapatid na kita tapos ipapatapon ko na si Alexa sa bahay niyo,” turan niya. Hindi ko nakuha agad ang biro niya. “Napapansin ko na hindi mo agad makuha ang mga biro ngayon,” aniya. Nagpakita pa si Alexis ng pagkadismaya at napainom ng alak. Bigla naman napagdugtong ng aking isipan ang sinabi niya. Hinampas ko siya sa kaniyang braso dahilan para matapon ang kaniyang iniinom. Napatayo kaming pareho sa upuan. Nataranta ako. Hindi ko naisip na lalaki si Alexis kaya tinulungan ko siyang pagpagin ang damit. Humingi ako ng tissue sa bartender at binigyan ako ng tela. “Iyan na lang, para maabsorb ang basa,” wika nito. “Salamat,” tugon ko. Habang pinupunasan ko ang basa sa kaniyang ibabang damit ay hindi ko sinasadyang mahawakan ang kaniyang manoy. Pareho kaming napahinto. Nagkatinginan kami. Namula sa hiya. Napaupo si Alexis. Napaatras naman ako. “Sorry,” sambit ko, “Magbabanyo lang ako,” dagdag ko pa. Tumakbo ako papunta sa banyo. Hindi ko na naisip kung saan ang banyo rito pero tumakbo pa rin ako. Nang medyo nakalayo na ako ay huminto ako at napahawak sa magkabilang tuhod. Hiningal ako dahil sa takong na suot ko. Itinaas ko ang aking kamay na pantay sa mukha ko. “Seryoso ba iyon? Nahawakan ko?” wika ko. Napapikit ako. Sinariwa ang nangyari kanina. Napasigaw ako. “Nahawakan ko nga ang manoy niya!” sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD