Nagising ako. Mukhang napasarap ang idlip ko kahit na sandaling minuto lang ang tinagal niyon.
Napabangon ako.
Nag-unat ng mga buto sa kamay.
“Teka, bakit ang ganda na ng pader sa basement?” Wika ko.
Inilibot ko ang aking paningin.
Hindi ito ang basement.
Isa itong kwarto.
Napatingin ako sa katawan ko. Akala ko ay nawalan ako ng suot mabuti na lamang ay kompleto pa ito sa aking katawan.
Nakarinig ako ng hilik.
Dahan-dahan ko iyon na nilingon.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.
Si Alexis iyon. Mahimbing na natutulog sa kanan ko.
Napahawak ako sa kumot at itinakip sa aking kalahating bahagi ng mukha.
“Oh my, what happened?” tanong ko sa sarili ko.
Pilit kong iniisip ang nangyari.
Ngunit wala akong matandaan dahil nga tulog ako.
Dahan-dahan kong iginalaw ang aking dalawang paa para makababa sa higaan.
Ngayon ang aking pwesto ay parang nakaupo na sa higaan, dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si Alexis.
Nang maka-angat na ang aking pwet mula sa higaan at ang tanging naiwan ay ang dalawa kong kamay na ginamit ko bilang pantukod, siya naman na biglang gising ni Alexis.
“Did you sleep well?” tanong nito sa akin.
Para akong nanigas sa kinaroroonan ko.
Hindi ko siya nilingon.
“Y-yes, thank you,” wika ko.
Naramdaman ko na bumangon na rin ito.
“You can stand straight, Christine,” aniya.
I composed myself.
“Lalabas na muna ako,” sambit ko.
“Yeah, sabay na tayo,” wika niya.
Hindi ko pa rin siya nililingon.
“B-bakit?” tanong ko.
“I’ll prepare some breakfast for all of us,” saad niya.
Naglakad na ito.
What does he mean for all of us?
“Wait…” Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako sa nakita ko, wala siyang pang-itaas na damit, muli na naman akong tumalikod sa kanya, “Magsuot ka nga ng tshirt,” utos ko sa kaniya. Narinig ko naman na mahina itong tumawa.
“Yes, boss,” wika niya.
Hindi ko na alam ang kaniyang ginagawa dahil nakatalikod ako.
“What do you want to eat?” tanong niya.
Pagkatanong niya ay bigla naman na kumalam ang aking sikmura.
Napatingin ako sa aking suot na relo, alas diyes na pala.
“Anything that is heavy,” tugon ko.
Bigla siyang umakbay sa akin.
Nagulat ako.
“Mas masarap kung magsasabaw tayo,” wika niya, “Or may sarsa? What do you think?” Tuminin siya sa akin.
Bakit ganon, bakit parang masyado akong apektado sa lahat ng ginagawa ni Alexis?
Dati naman hindi ako ganito sa kaniya.
“Christine? Are you okay?” tanong niya.
Tinapik-tapik niya ako.
Nilingon ko siya.
“Y-yes, kahit ano,” sagot ko.
Nagkibit-balikat siya.
Binuksan na niya ang pinto at naunang lumabas.
“Maghilamos ka pala muna, may bakas ng laway sa gilid ng labi mo,” saad niya.
Nanlaki ang aking mga mata at agad na pumunta sa banyo.
Nakita ko na tama ang kaniyang sinasabi na may nanigas na laway malapit sa aking bibig.
Agad akong naghilamos.
“Grabe ka,” wika ko.
Nagpagpag ako ng kamay at ipinunas iyon sa towel na nakasabit.
Lumabas na ako ng banyo at kwarto ni Alexis.
Napadaan sa kwarto ni Alexa, sinubukan kong pihitin ang doorknob pero ito’y nakalock.
“its locked,” sambit ko.
Sinubukan ko rin na kumatok.
“Alexa?” tawag ko.
Naka-limang katok ako ngunit walang sumasagot.
“Mukhang tulog pa siya,” sambit ko.
Nang tumalikod ako ay biglang bumukas ang pinto.
Masaya ko itong binati.
“Good morning! Ale-xa,” wika ko.
Napalitan ng pagtataka ang mga ngiti ko nang hindi si Alexa ang bumungad sa pinto.
“Jaeryll?!” bulalas ko.
Kinusot-kusot pa ni Jaeryll ang kaniyang mata habang humihikab.
“Why so loud, Christine?” tanong niya.
“Why are you here?” tanong ko.
Sinilip silip ko ang bawat butas sa mga gilid ni Jaeryll.
Hinanap ng aking paningin si Alexa.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko itong bumangon at walang suot na damit.
“Did they do it already?” mahina kong bigkas.
Tumawa naman si Jaeryll.
Napatingin ako sa kaniya.
Nakangisi ito sa akin.
“Do you think we already do it?” tanong niya sa akin.
Napangiwi ako.
“Alexa! Put some clothes, please!” sigaw ko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Alexa at agad tinakpan ang kaniyang mga dibdib.
Hinagisan niya si Jaeryll ng unan at sakto naman na sa ulo ito tumama.
“Labas!” Bulalas niya.
“Bakit nananakit? Chill, lalabas na,” aniya.
Isinara na niya ang pinto at napasinghap.
“Ang intense ni Alexa mapagising o tulog,” aniya.
Nagtaka ako sa kaniyang sinabi.
“Bakit naman ganiyan ang mukha mo?” Tanong niya.
Hindi ako sumasagot sa kaniya.
Pinipilit kong intindihan ang mga bagay-bagay.
“Alam mo, kung ano ang nasa isip mo ngayon na ginawa namin ni Alexa ay pawang walang katotohanan,” wika niya.
Naglakad si Jaeryll papunta sa kusina kung na saan si Alexis.
Naiwan ako sa harap ng pinto ni Alexa.
“Hindi ko gawain ang ganoon,” usal niya pa.
Naginhawaan naman ako sa kaniyang sinabi pero ang pinagtatakahan ko ay kung bakit nakahubad si Alexa kung walang nangyari sa kanila?
Bigla naman bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Alexa.
“Ohayo,” bati niya sa akin.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Nailang naman si Alexa sabay tawa.
“Ano ka ba, bakit ka ganiyan makatingin?” tanong niya.
“Alam mo, mamaya na ang kwentuhan, at ako’y nagugutom,” wika niya.
Umakbay siya sa akin.
Napapansin ko na ilang beses na nila akong inaakbayan.
Porket mas mataas sila ng 2 inches sa akin, ganiyan na silang kambal.
Naglakad na kami patungo sa kusina.
Habang papalapit na kami ay unti-unting umalingasaw ang sarap at bango ng niluluto ni Alexis.
“Smells so good,” sambit ni Alexa.
“Yeah, I think, Alexis will be a good husband someday,” tugon ko.
Napahinto si Alexa.
“Saan ka pala natulog kanina?” tanong niya.
“Sa kwarto—” naputol ang aking sinasabi dahil biglang sumulpot si Jaeryll.
“Goodness, Alexa,” wika nito.
“Why?” tanong nito.
“Ang ligalig mo,” aniya.
Naguluhan naman ako.
“Naghuhubad ka pala kapag naiinitan,” wika niya.
Namula naman si Alexa dahil sa sinabi ni Jaeryll.
Sakto naman na dumating si Tita Gladys.
“My goodness, Alexa,” wika nito.
Umiling iling pa si Tita.
“Good morning po Tita Gladys,” bati ko.
“Good morning, Tita,” bati rin ni Jaeryll.
“Good morning,” tugon niya sa amin.
“By the way, I have an appointment with our attorney,” saad niya.
Tungkol ito marahil sa annulment nila ni Tito George.
“Okay, Mom, take care!” turan ni Alexa.
Nagbeso sila sa isa’t isa .
“Kain na kayo,” aniya.
Umalis na si Tita, at naiwan kaming nasa kanilang condo.