Chapter 24

1522 Words
Gerald’s POV Nagtaka ako sa kinilos ni Christine kaya naman napatayo ako, nang makita ko ang itsura ni Christine na tila nangangamba at natatakot habang kinakausap ang delivery guy ay dinampot ko agad ang bouquet na kaniyang binitawan at kinakapa ito baka may malaman ako. Nang makita ko na mayroong card na nakapaloob rito ay agad ko itong binasa, “I will try to bring back your memories so that you will remeber how you killed someone... -CHRYS,” Galit kong pinuna ang delivery guy at hinawakan ito sa kaniyang kwelyo, “Kanino galing?!” nanigas ang aking kanang kamao na akmang gusto itong suntukin. Napalakas ang pagsasalita ko dahil na rin marahil sa nainom kong beer. Kaya nakuha namin ang attention ng ibang tao na nandito sa loob ng restaurant. Napalunok bigla ang delivery guy. Hindi niya alam kung papano niya sasagutin ang tanong ng isang nag-gagalaiting lalaki. “H-hindi ko po alam, Sir,” nauutal na sagot ng lalaki. Humarang si Jaeryll sa pagitan namin ng delivery guy at pilit akong hinihiwalay roon. “Teka, tama na iyan,” aniya, “Delivery guy lang iyan,” turan sa akin ni Jaeryll. Napagtanto ko sa isip ko na tama si Jaeryll, delivery guy lamang iyon, taga-hatid lamang. Binitawan ko ang delivery guy, “f**k,” mahina kong sambit at ako’y humingi ng paumanhin sa aking ginawa, “Sorry,” napaupo ako. Nakakahiya ang inasal ko sa harap ng maraming tao. “O-okay lang po...” takot na sagot ng lalaki, “Kung may tanong kayo pwede niyong tawagan yung flower shops,” pilit nitong inaabot sa akin ang papel na pinirmahan ni Christine, “kuhaan niyo na lang ng litrato dahil kailangan ko rin iyan bilang pruweba na natanggap na ng recipient yung package,” nagmamadali niyang wika. Mahahalata mo ang takot at kaba ng lalaki dahil sa pagsigaw at pagkwelyo ko sa kaniya. Hindi ko kinuha ang papel kaya si Jaeryll na lang ang kumuha nito at ito’y kaniyang kinuhaan ng litrato. Ibinalik niya namang muli ito sa delivery guy, “Sige po, pasensya na po,” Humingi rin siya ng dispensa sa lalaki kahit wala siyang ginawa roon. Mas lalo akong nahiya, tumingin ako kay Christine, alintana pa rin sa kaniyang mukha ang kaba na dulot ni Chrys— kung sino man iyon. Naglabas si Jaeryll ng pera pambayad danyos sa nangyari, noong una ay ayaw itong tanggapin ng delivery guy pero may ibinulong rito si Jaeryll kaya tinanggap na din niya ito ‘di kalaunan. Huli na nang dumating ang mga waiter at manager ng restaurant. “Ano pong nangyayari rito?” Usisa sa amin ng babae. Tinignan ko ang name plate niya. Siya pala ang manager ng restaurant. “Maari na ba akong umalis?” halata sa tinig ng deliveey guy na kinakabahan pa rin siya kapag kaharap ako. Sumenyas ako at humingi ulit ng dispensa, “Sorry,” Yumuko ako habang humihingi ng papaumanhin. Taos puso akong humihingi ng tawad sa ginawa kong pamamahiya sa kaniya kanina. Tumango tango lamang ito sa akin at nagmadaling umalis sa restaurant. Sumingit namang muli ang manager, naka-ngiti lamang ito sa amin pero alam ko sa loob loob niya ay naiinis din ito dahil sa ginawa naming eksena. “Wala bang sasagot sa akin tungkol sa naganap na sigawan kanina?” wika ng manager. Huminga ako ng malalim, sasagot na sana nang biglang sumagot si Christine. “I’m sorry, its my fault,” sambit niya. Nakayuko ito, nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang tiyan. “Its me who caused that scene,” dagdag pa ni Christine. Tumaas ng bahagya ang kilay ng manager pero muling ngumiti, “We didn’t want to know who caused that scene,” napataas naman ng ulo si Christine, “We want to know what happened, because look...” Itinuro ng manager ang kaniyang daliri sa mga nakapaligid na tao, “You see? Everyone here stops what they’re doing, how about this restaurant’s reputation?” giit ng manager sa amin. Tumayo na ako, “Patawad,” yumuko ako sa managers at staff gayon din sa ibang mga tao na narito sa restaurant, “Let’s go, balik na tayo sa room,” hinigit ko si Christine para maakalis sa eksena na ito. Sumigaw naman si Jaeryll pero hindi ko siya pinansin. Hinigpitan ko ang hawak ko kay Christine dahilan kaya siya napa-aray. Pumipiglas si Christine, “Let go,” hindi ko iyon pinapansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa tapat ng elevator. Hinintay kong bumukas ito saka ko siya binitawan, “I’m sorry,” humarap ako sa kaniya, “I promised I will find that Chrys, whoever that person,” hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Naluha naman si Christine sa aking sinabi, “Salamat,” dama ko ang kaba na nadarama niya ngayon. Bumukas na ang elevator at lumabas na kami, kinuha ni Christine ang kaniyang cellphone at binasa ang text nagreply siya rito. “He can’t let Alexa to sleep alone,” aniya. “So?” tanong ko. Napakagat labi ito, “She’s staying with us tonight,” naglakad si Christine sa hallway at sumunod na ako. Hindi na ako umapela pa dahil ayaw kong makadagdag pa sa iniinisip niya. Kamuntik ko na siyang mabunggo, “Bakit ka huminto?” tanong ko. Hindi siya kumikibo kaya naman tinignan ko kung ano ang nasa harapan niya. Nagulat ako. Tatlong bulalak na pang burol ang nasa tapat ng aming kwarto at sa bawat isa ay may nakalagay na sulat. Nilapitan ko iyon at humarap sa cctv. Itinabi ko iyon sa gilid para makadaan kami ni Christine at nang makapasok na kami ay dali-dali akong pumunta sa kung na saan nakapwesto ang telepono. Tinawagan ko na agad ang security. “Hello?” bungad ko, “What the heck is happening?” inis kong tanong. “Excuse me, what’s the matter Mr...” Hindi pala ako nakapagpakilala agad nang tumawag ako. “Mr. Hortaleza of romm 1021,” wika ko. “Oh, Sir, what’s the matter?” tanong sa akin. “Check the cctv’s, I need to know if there’s a suspicious person roaming around our floor,” turan ko. “Okay, Sir, we’ll check all the camera’s there,” ibinaba na nila ang tawag. Pagtapos kong tumawag ay hindi makita ng aking mga mata si Christine, nagpunta ako sa kwarto ngunit wala ito roon, tinignan ko na rin ang kusina at banyo pero siya’y wala rin. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan siya. Sumagot naman agad ito sa aking tawag. “Saan ka?” nag-aalala kong tanong. Hindi ako mapakali gayong may nagpapadala sa kaniya ng mga pagbabanta. “Sa labas, inaabangan sila Jaeryll,” sagot niya. Nagmadali akong lumabas at naabutan kong binabasa ni Christine ang nakasulat sa mga bulaklak. “Don’t read those shits,” pigil ko sa kanya. “No, I need to know the ttruth” mariin niyang sagot sa akin. Seryoso ang mukha ni Christine. Binasa njya sa akin ang isang kataga, “Don’t forget what you have done 15 years ago,” humarap sa akin si Christine na tila may gustong malaman mula sa akin, “You’ll be forever hunt by doing that,” seryoso lang niyang sinasabi ang nakasulat sa mga bulaklak, “You will never be rest in peace,” alam kong iniisip niya na may pinatay siya. “Christine, don’t think much about that,” sambit ko. Nanginig sa galit si Christine, “Huwag kong isipin? Tell me, how can’t I think of this s**t?” naluluha na siya. Kaunti na lang at bubuhos na ang mga luha na nakatago sa kaniyang mga mata. Hinagkan ko si Christine, “Don’t cry, you never done that,” pagpapakalma ko sa kaniya dahil tuluyan nang hindi napagilan ang pag-iyak. “Then why?!” tanong niya habang umiiyak. “One thing is for sure, you never killed someone,” hinaplos-haplos ko ang kaniyang likuran at hinalikan siya sa kaniyang ulo. “I want to believe in you, but because of this I don’t know what to do or think right now,” humagulgol na ito ng nang iyak. Sakto naman na dumating sina Alexa at Jaeryll. Gising na si Alexa at mukhang na-himasmasan na. Tumakbo ito palapit sa amin at inagaw mula sa akin si Christine. Tinignan ni Alexa ang bawat bahagi ng katawan ni Christine, tinitiyak na walang masamang nangyari rito, “Are you okay?” natataranta nitong tanong. Natuwa si Christine habang umiiyak nang makita niya ang reaksiyon ni Alexa, “Bessy, yes, I’m okay,” sagot nito at niyakap ng mahigpit si Alexa. “Let’s go inside and wait for the copy of cctv,” wika ko. Sumang-ayon naman silang tatlo at pina-una ko sila. Tinignan ko muna ang mga bulaklak, isa lanh ang naiisip ko at hindi ako pwedeng magkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD