Chapter 25

1439 Words
Hindi ko na alintana ang mga natanggap kong pagbabanta dahil alam ko may makakasama ako para malampasan ang mga iyon. Nandiyan na ang aking nobyo na walang sawang ipinagtatanggol ako, isama pa namin ang aking matalik na kaibigan na si Alexa na sobra kung mag-alaala para sa akin. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang aking gagawin. Ngayon ay nandito kami sa loob ng aming silid, naghihintay sa mga security para ipanood sa amin ang mga cctv. Nakaupo lang ako habang hawak-hawak ni Alexa ang aking mga kamay. Mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin na siyang nakakatanggap ng mga mensahe. Napangiti ako, labis ang pasasalamat ko at nakatagpo ako ng isang mabuting kaibigan. Napatingin ako kay Gerald na ngayon ay hindi mapakali, ramdam ko iyon kahit na nananatili siyang kalmado habang kausap si Jaeryll sa mesa. Biglang tumayo si Gerald, may kumatok sa aming pinto. Bigla akong kinausap ni Alexa, “Bessy, hindi ko alam ang nangyari, 15 years ago,” seryoso ang kaniyang mukha at boses, “Pero naniniwala ako sa iyo kahit anong mangyari,” Hinagkan ako ni Alexa. Naluha naman ako. Sobrang sarap sa pakiramdam. Napatingin naman sa amin si Jaeryll matapos bigkasin ni Alexa iyon, nag-iba ang timpla ng mukha nito. Hindi ko alam pero may kakaiba sa titig ni Jaeryll. Napansin din ni Alexa na nakatingin sa amin si Jaeryll, agad niya itong tinawag at pinalapit sa amin. “Jaeryll,” Tumayo siya at kumapit sa braso nito, “You’ll help us, right?” tanong ni Alexa. Huminga ng malalim si Jaeryll at ngumiti, “Yeah, I’ll help,” tugon niya kay Alexa. Nagtataka na talaga ako sa mga reaksiyon ni Jaeryll pero baka guni-guni ko lamang iyon. Narinig namin na may kausap na si Gerald mula sa pinto. Hinintay ko silang makapasok ng tuluyan at tatlong lalaki ang pumasok sa silid. “Good evening, Miss Gallerno,” bati sa akin ni Mr. Cristobal ang head of security ng hotel. “Good evening,” tugon ko. Binati rin ito nila Alexa at Jaeryll. “Have a seat,” wika ni Gerald. Tumabi sa akin si Gerald at naupo naman sa tapat namin si Mr. Cristobal samantalang sila Jaeryll at Alexa ay nakatayo sa aming gilid. Naglabas ng tablet si Mr. Cristobal at pinaandar ang video na kuha sa cctv. “Look, aroung 9:45 P.M, four delivery guys approached the staff in the front desk,” turo nito sa apat na lalaki na nakuhaan ng video. Pinanood naman namin ang parte na kung saan nasa loob na sila ng elevator. Makikita sa video na unang lumabas ang tatlo na may dalang malalaki na bulaklak at naiwan ang isa pataas kung na saan kami. Inilipat nila ang video sa hallway namin, makikita na isa isa tinignan ng mga nagdedeliver ang bawat kwarto para malaman ang eksaktong kwarto ko, at nang makita na nila ay inilapag na lamang nila iyon at saka umalis. Naghintay pa kami ng ilang minuto sa hallway namin ngunit walang ibang dumating kaya inilipat na lang namin ang video sa ibang parte ng hotel. Sa kasamaang palad ay wala kaming nakitang kakaiba sa mga tao na nandito sa hotel, kaya naisip namin na tama nga alam na alam ni Chrys kung saan ako naglalagi at kung sino ang mga kasama ko sa bawat oras. “As you can see in the videos, no particular person is suspicious,” giit ni Mr. Cristobal. Tumayo si Gerald at nakipag-kamay, “Thank you, but can we keep this copy?” Tumango naman at sumang-ayon si Mr. Cristobal sa pakiusap ni Gerald. Ipinasa nito ang video sa cellphone ni Gerald at sila’y umalis. “Can we watch again the video?” tanong ni Alexa na hindi pa rin kumbinsido. “Yes,” Inilapag ni Gerald ang kaniyang cellphone at isinalpak sa tv para mas malaki ang makita namin. Nagsi-upo kami sa couch, katabi ko si Gerald samantalang magkatabi naman sila Jaeryll sa kabilang sofa. Inumpisahan niya sa sandaling dumating ang mga nagdedeliver. Tinignan namin ng maigi ang bawat tao na pumasok at lumabas ng hotel. Hanggang sa may napansin ako, isang babae ang sunod na dumating sampung minuto makalipas na ilagay sa tapat ng aming silid ang mga bulaklak. “Stop right there!” sigaw ko. Nahinto naman ni Gerald ang video dahil sa pagkakagulat kasabay no’n ay ang pagkahulog ng remote sa sahig. Napatingin sa akin si Alexa at Jaeryll. “Kagulat ka naman, Babe,” sambit ni Gerald. “Kaya nga, bakit ka naman bigla biglang sumisigaw d’yan?” nagtatakang tanong ni Alexa. “Didn’t you see that?” Tinuro ko ang screen ng tv kung saan mayroon na isang babae na huminto sa tapat ng room namin. Napatingin naman sila sa tinuro ko at pinagmasdan maigi iyon. “Yes, that’s a housekeeper, right?” giit ni Alexa. “Yeah, kind of,” sang-ayon naman ni Jaeryll. Tanging si Gerald lang ang hindi nagsasalita, pinaandar na niyang muli ang video, tinitigan at pinag-aaralan nitong mabuti ang kilos ng babae sa video. Hindi ko alam kung anong iisipin, hindi sa naninisi ako or kung ano pero malakas talaga ang kutob ko sa babaeng iyon. “Bessy, do you want some drinks?” alok sa akin ni Alexa. Tumingin ako sa kaniya, nakayapos siya ngayon kay Jaeryll habang ako’y tinatanong. “Nako! Huwag na, baka matuluyan kang makatulog niyan,” sagot ko. “Gerald,” Tawag ni Jaeryll, lumingon naman si Gerald, “Another round?” Tumango naman ito at binalik muli ang mata sa screen ng tv. “So, I will call some room service,” sambit ni Alexa. Hindi na ako nakapalag pa, tumayo na si Alexa at lumapit sa telepono. Kinuha nito ang telepono, “Anong number?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi pa pala ako nakasubok magpa room service, “Try mo number two,” alanganin kong sagot. Napangiwi si Alexa, “Hindi ka sure?” Tumango ako at dinial naman niya ito. “Hello, room service?” bungad niya. “One bucket of beer, please,” Ngumiti ito sa akin. So, tama ako. Habang kausap niya iyon ay tumingin ako kay Jaeryll, nagpaalam ito kay Gerald na magbabanyo muna. Itinuro naman ni Gerald kung saan naroroon ang banyo at siya’y dumiretso na roon. Lumapit ako kay Gerald pagkaalis ni Jaeryll, “Ano napansin mo?” Nagulat naman ito sa aking presensya, “Hala ka, magugulatin ka na, Babe,” Tumawa ako ng bahagya. “Kakagulat ka bigla bigla ka na lang sumu-sulpot,” aniya. “Hala, pasensya naman,” turan ko. Ngumiti ito, “Dalawang beses kong inulit ang video,” Ibinalik ang kaniyang mga mata sa harapan ng screen, “Kaso wala naman kakaiba dahil putol ang video,” Humawak ito sa kaniyang baba, “Kailangan ko atang mapanood yung buong kuha ng cctv,” seryoso niyang sambit. Sumingit naman sa amin si Alexa, tapos na pala siyang umorder ng makakain namin, “Ano may napansin ka bang kakaiba?” Naki-upo ito sa sahig, “Naka-order na rin ako,” aniya. “Mayroon akong isang napansin,” usal ni Gerald. Seryoso ang pagkakasabi niya no’n kaya nakinig kami. “Si Alexa, inlove, iyon ang aking napansin,” Tumawa ng malakas si Gerald, akala ko naman ay patungkol sa kuha ang kaniyang sasabihin, aasarin lamang pala niya si Alexa. Namula naman si Alexa, hindi dahil sa naka-inom siya kundi dahil sa tinuran ni Gerald. “Someone’s blushing...” hindi na natuloy ni Gerald ang pang-aasar niya dahil dumating na si Jaeryll. “Who’s blushing?” usisa ni Jaeryll na ngayon ay tumabi sa amin sa pag-upo. “W-wala...” Tumayo naman si Alexa, “Punta muna ako sa banyo,” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis siyang naglakad palayo sa amin. "Anong nangyari do'n?" nagtatakang tanong ni Jaeryll. Hinampas ko si Gerald sa kaniyang balikat at ngumisi lang ito. Sinamaan ko ng tingin ito at bahagyang tumigil sa pag-ngisi. Tumayo ako, “Teka, samahan na kita,” Huminto naman siya para hintayin ako pero hindi niya kami nilingon. Narinig ko pang nagtanong si Jaeryll sa nangyari at isinagot lamang ni Gerald ay, “Girls talk,” Tumawa ito ng malakas. Naabutan ko si Alexa at pagkakita ko sa kaniya ay sobrang pula ng kaniyang mukha. Nagmadali akong maglakad para mahi-masmasan siya sa banyo. Hininaan ko ang aking boses, "Seryoso? Lakas ng tama mo kay Jaeryll," bulong ko kay Alexa. Bumulong din itong sumagot sa akin, "Oo, tinamaan ako, Bessy," aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD