Someone’s POV
Pumasok ang isang babae na nakasuot ng itim na dress at may itim na sombrero.
“Good evening, Ma’am,” bati sa kaniya ng isang waiter na nakatayo sa bukana.
Ngumiti ito at nagsabi, “Table for one, please,” aniya.
Nagsimula naman na maglakad ang waiter at pinapasunod siya no’n, “This way, Ma’am,” sambit ng waiter habang tintungo ang mesa na pang isahan lang ang sukat at nasa bandang gilid pero malapit sa glass wall na tanaw ang siyudad ng Maynila at ang tanawin ng Manila Bay.
Inusog ng waiter ang upuan para makaupo ng maayos ang babae saka inabot ang menu, “Here you go, Ma’am,” Ngumiti ang waiter at ngumiti rin ito sa kaniya.
Sumenyas ang babae sa waiter at ito’y pansamantalang pinaalis para makapili siya ng maayos. Habang hawak ang menu ay palinga-linga ito na tila ay may hinahanap na tao.
Napukaw ang direksiyon ng kaniyang tingin sa ‘di kalayuan— sa pwesto na kinaroroonan ng grupo ni Christine na masayang nagkwentuhan patungkol sa buhay.
Ngumiti ang babae— isang mapait na ngiti ang ipinakita nito.
Yumuko ito upang tignan ang menu at bumulong sa sarili, “Ayaw kong makita ang mukha mo na masaya,” saka tumawa nang mahina.
Tumingin ito sa kaniyang relo, tila ay may inaabangan na sandali.
“Ang tagal,” sambit niya.
Mahahalata sa kaniyang tinig na naiinis ito, ngunit hindi niya ipinapakita ang kaniyang buong mukha. Tanging labi lang at kalahati ng kaniyang mukha ang nakikita dahil sa suot nitong malaking sombrero.
Nagtaas ito kamay, lumapit naman agad ang waiter na nakapwesto sa malapit.
Naglabas ito ng maliit na notebook at ballpen, “What’s your order, Ma’am?” tanong ng waiter.
Hindi tumingin ang babae sa waiter, “I want some salad,” Pagkasabi ng babae ay isinara niya ang libro ng menu at inilapag sa gilid ng kaniyang mesa.
“For drinks or desserts?” tanong ng waiter.
“Two glasses of wine is enough, and bring me a glass of water, please,” aniya, “I don’t want desserts,” dagdag niya pa.
Isinulat naman iyon ng waiter at ngumiti, “Just wait for your oder, Ma’am,” sambit nito saka umalis.
Muling itinuon ng babae ang tingin sa grupo ni Christine na ngayon ay nag-iiyakan. Nainis itong muli.
“Ang aarte,” sambit niya.
Inilabas niya ang kaniyang cellphone at palihim na kinuhaan ng litrato si Christine sa malayuan.
Tinitigan nito ang mukha ni Christine na naiiyak at siya’y ngumisi, “Can’t wait to see that tears falling down your eyes,” kinuhaan din niya ng litrarto si Gerald, “Oh goodie, sayang, matalino ka pa naman sana, kaso tanga ka,” bakas dito ang pagka-inis habang tinitignan sila Christine.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kaniyang order, tinignan niya ito, “I want carbonara, too,” sambit niya
Ngumiti naman ang waiter at sumagot, “One carbonara, right away,” Umalis na ang waiter at inumpisahan naman na kainin ng babae ang inorder niyang salad.
“Ang tagal ng palabas,” inip niyang sabi.
Nakatingin lamang ito sa direksiyon nila Christine.
Dumating naman ang waiter na may dalang carbonara at inilapag iyon sa mesa, “Sorry, for the long wait, Ma’am,” depensa ng waiter.
“It’s okay, my fault,” tugon ng babae.
Umalis nang muli ang waiter. Maya maya pa ay biglang nag-announce ang isang staff ng restaurant.
“Good evening everyone, may I have the attention of Ms. Christine Gallerno of room 1021, you have a delivery that arrived,” Sabi ng announcer.
“Finally!” isang pinahabang salita ang nilabas ng babae.
“Please raise your right hand, if you are here,” dagdag ng announcer.
Nagtaas naman ng kamay si Christine. Nakita ng babae na may papalapit roon na isang delivery guy. She took out her phone again start capturing the moment.
Sinimulan niyang paandarin ang video, naghihintay ng magandang eksena na marerekord para mamaya sa kaniyang pag-uwi ay mapanood niya muli ang eksena sa kaniyang condo.
Kinuha at pinirmahan na ni Christine, maya-maya pa’y ibinagsak niya ang bouquet sa ibabaw nv mesa at pinigilan agad ang delivery guy sa pag-alis. Marahan na nagtanong pero maririnig ng ibang naroon.
“Teka, kanino galing ang mga bulaklak na ito?” tanong ni Christine.
Sumagot naman ang delivery guy kay Christine, “I’m sorry, Ma’am,” inilabas nito ang papel na pinirmahan nito, “Ang nakasulat po rito ay...” binasa niya ang nasa papel, “Galing po kay Chrys, wala pong nakalagay kung Mr. Or Ms.” Paliwanag ng lalaki.
Nagpipigil naman ng tawa ang babaeng kumukuha ng video nang mapansin nito na tumayo si Gerald, “Here comes the leading man,” aniya habang inaayos ang pagkuha sa eksena.
Kinuha ni Gerald ang bouquet at may hinanap, nakakita ito ng maliit na card at tahimik na binasa ang nakasulat do’n.
Mahahalata sa mukha ni Gerald ang galit kaya mas lalong ginalingan ng babae ang pagpigil sa kaniyang tawa.
Hinawakan ni Gerald ang kwelyo ng delivery guy at pasigaw na nagtanong, “Kanino galing ito?!” napatingin naman ang ibang kumakain sa restaurant kaya iniikot ng babae ang kaniyang cellphone at makasama sa loob ng video ang ibang tao na nakapansin sa pangyayari.
Bakas sa mukha ng delivery guy na kinakabahan ito dahil hindi niya alam ang isasagot.
“H-hindi ko po alam, Sir,” nauutal na sagot ng delivery guy.
Itinuon naman ng babae ang camera sa delivery guy nang may biglang umeksena na isang lalaki na kasamahan nila Christine.
Pilit na inaalis nito ang pagkakahawak ni Gerald sa kwelyo ng delivery guy, “Teka, tama na iyan,” Sambit ng lalaki, “Delivery guy lang iyan,” pagtapos niyang sabihin iyon ay binitawan naman ni Gerald ang delivery guy.
“Fvck!” inis na wika ni Gerald at agad na humingi ng dispensa sa nangyari, “Sorry,” mapagkumbaba nitong sabi.
“O-okay lang po...” takot na sagot ng delivery guy, “Kung may tanong kayo pwede niyong tawagan yung flower shops,” Pilit niyang inaabot ang papel na pinirmahan ni Christine kanina kay Gerald, “kuhaan niyo na lang ng litrato dahil kailangan ko rin iyan bilang pruweba na natanggap na ng recipient yung package,” turan niya.
Hindi naman iyon kinuha ni Gerald bagkus ito’y kinuha ng kasama nilang lalaki at kinuhaan ng litrato.
Ibinalik naman ng lalaki ang papel sa delivery guy at nagsabing, “Sige po, pasensya na po,” Tumango-tango lang ang delivery guy at itinago na ang papel.
Nakita ng babae na naglabas ng pera ang kasamahan nila Christine at iniabot iyon sa delivery guy. Noong una ay ayaw tanggapin ng delivery guy ang pera, pero may binulong sa kaniya ang kasamahan na lalaki ni Christine kaya kaniya itong tinanggap. Nakuhaan niya ang lahat ng pangyayari.
Nakaisip ng bagong ideya sa kaniyang isipan ang babae dahil sa video na kaniyang kuha.
“It will goes viral,” natatawang sambit ng babae na nakaupo sa ‘di kalayuan.
Inihinto niya muna ang video at hinintay ng isa pang magandang eksena na kukuhanan.
Tinitignan lang ng babae ang tatlo sa ‘di kalayuan, nakita niya na napaupo si Christine at nakatitig sa card na kasama ng bouquet.
Ininom niyang muli ang wine na nasa baso niya, “Kulang ba iyang pananakot ko?” tanong niya sa sarili.
Napatingin naman ang babae kay Alexa na ngayon ay natutulog sa upuan, “You’re my phase 4 plan,” ini-ikot nito ang pasta sa kaniyang tinidor at kinain ang carbonara.
Napamadali itong kumain nang mapansin niyang tumayo nang muli ang grupo nila Christine. Itinaas niya ang kaniyang kamay at gumawa ng parisukat na hugis gamit ang daliri upang makuha ang kaniyang bill.
Lumapit sa kaniya ang waiter at inilapag ang bill, hindi na tinignan ng babae kung magkano ang inabot ng kaniyang bayarin basta na lamang ito naglabas ng pera at inipit ito do’n, “Keep the change,” ngumiti ito sa waiter, “I’m in a good mood,” hindi na niya hinintay na makasagot ang waiter, dali-dali itong tumayo at lumabas sa restaurant.
Sumakay ito ng elevator at may tinawagan.
“Nailagay niyo ba ng maayos ang mga camera sa paligid ng room 1021?” tanong ng babae sa kaniyang kausap.
“Yes, Ma’am,” turan ng kausap niya.
“Thank you,” tugon ng babae.
Ibinaba na niya ang tawag at pinanood sandali ang video na kaniyang nakuhaan habang nasa loob ng elevator.
“Poor, Christine,” sambit ng babae habang umiiling iling, “hindi man lang alam kung ano ang kahihinatnan ng ginawa nila sa delivery guy,” ngumisi ang babae habang pinapanood ang video.
Nakababa na siya mula sa restaurant at ngayon ay nasa basement parking ng hotel. Mag-iisang oras din siyang nasa loob ng kotse at panay tingin sa kaniyang cellphone.
Maya-maya pa’y may lumapit sa kaniyang sasakyan at kumatok sa salamin.
Napangiti ito at binuksan ang salamin, may ina-abot sa kaniya ang babaeng dumating, tinanggap naman niya ito at nagpasalamat sa babae.
“Salamat,” aniya.
Sumagot ang babae, “Wala iyon, tulong ko na ito,” pagkasabi ng babae no’n ay lumakad na iyo palayo papunta sa isa pang sasakyan at sumakay.
Tinignan ng babae ang ini-abot sa kaniya, “Let’s wait until makarating ako sa phase 4,” Tumawa ng malakas ang babae na tila nasisiraan na ng bait.