Chapter 28

1362 Words
Ala-una na pasado. Nakarating na kami sa condo nila Alexa at Alexis. Diret-diretso lang kami, batid kong nagagalit si Alexa. Alam ko iyon, dahil iyon ang naging problema ng pamilya nila na muntik nang humantong sa paghihiwalay ng kanilang magulang. “Alam mo ba kung saan?” tanong niya kay Alexis. Umiling ito. “Hindi pa, ina-alam ko pa lang,” sagot sa kaniya ni Alexis. Ngayon ay nasa silid kami ni Alexis, naka-upo ito roon at busy sa paghahanap sa kanilang Ama through GPS. “Ang tagal mo naman na hanapin,” sambit ni Alexa. Kung pagbabasehan ko ang kaniyang pananalita, mahahalata na naiinis na si Alexa. “Gusto mo bang ikaw na ang maghanap?” tugon ni Alexis. Inikot lamang ni Alexa ang kaniyang mga mata. “Okay, I get it,” aniya. Hinawakan ko ang kamay ni Alexa na siya niyang kinabigla. “Kasama ko pala kayo,” wika niya. Napatingin sa amin kinaroroon namin si Alexis. “Nandito pala kayo,” turan ni Alexis. Ngumiti ako, “Hello,” medyo nailang din dahil sa pagtitig na ginawa ni Alexis.. “Hello, Bro,” bati naman sa kaniya ni Gerald. Ngumiti sa amin si Alexis. “Upo muna kayo,” aniya, “Hindi ko kasi alam na kasama kayo niyan,” dugtong niya. Tumayo ito sa kinauupuan at iniayos ang mga cushion sa sofa. “Hala, ako na,” sambit ko. “Ako na, bisita kayo,” tugon niya. Natapos na niyang ayusin ang sofa, at bago makalabas ng silid ay hinarangan siya ni Alexa. “Where are you going?” tanong ni Alexa. “To get some foods for Christine and Gerald,” sagot niya. Ibinaba naman ni Alexa ang kaniyang kamay na ipinang-harang niya sa pinto at tuluyan nang nakalabas ng silid si Alexis. Samantalang si Alexa naman ay umupo sa harap ng computer. Bago pa ako tuluyan na makaupo ay tinawag ako ni Alexa. “Bessy,” tawag niya sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya. “Bakit?” tanong ko. Humarap sa akin si Alexa at nagsabing, “Look,” Itinuro niya ang screen ng computer. Tumingin naman ako sa bahagi ng screen kung saan niya pinupunto ang kaniyang daliri. “Anong ibig sabihin niyan?” tanong ko. “Thats my Dad’s gps,” She explains. “Oh,” I gasped. Namangha ako. Gano’n pala iyon, kapag may hahanapin ka sa pamamagitan ng gps. “Ngayon lang siguro nagbukas ng cellphone si Daddy,” aniya. “Paano mo naman nalaman?” tanong ko. “Ngayon lang lumitaw yung gps niya sa screen,” paliwanang niya. Tumango-tango naman ako. Sa kabilang banda naman ay may isang nilalang na tumatawa sa gilid. “What are you laughing at?” tanong ko. “Nothing, Babe,” sagot niya. Nagpipigil siya ng tawa at hindi iyon ipinapakita sa akin. “Sa susunod, Babe, tuturuan kita tungkol sa gps na ‘yan,” aniya. “Ewan ko sa iyo,” I rolled my eyes on him. “Bessy, look, gumagalaw gps ni Dad,” turan ni Alexa. Tinignan ko ang screen, tama si Alexa, gumagalaw ang gps. “Based on the speed, my Dad is in a car,” aniya. Natulala lang ako, hindi ko pa rin makuha ang ibig niyang sabihin. “Sa ngayon, nasa Laguna siya,” kwento niya. “Bakit ka ba hindi nagsasalita?” tanong niya. Humarap ito sa akin. “Hindi ko naiintindihan,” sagot ko Natawa naman si Mga trenta minutos na din simula nang lumabas si Alexis kaya napagpasyahan ni Alexa na sumunod sa kusina. “Teka, tignan ko lang muna si Alexis,” paalam niya sa amin. Tumango naman ako. “Pakibantayan naman ‘yong gps,” aniya. Tumango akong muli. Tuluyan na siyang lumabas at naiwan kami ni Gerald sa silid, umupo ako sa harap ng computer at tinawag si Gerald. “Babe, come here,” ani ko. Tumayo naman si Gerald at lumapit sa akin. “Why?” tanong niya. “Ikaw magbantay nito,” utos ko. Napangiwi si Gerald. Napansin ko sa mga mata niya na antok na siya. “Inaantok ka na ba?” tanong ko. Tumango at bigla itong umiling. “Hindi pa,” aniya. Tumayo na ako at si Gerald naman ang umupo sa harapan ng computer. “Sa sofa na muna ako,” wika ko. “Sige, pahinga ka na muna,” aniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at pumunta na ako sa sa kinaroroonan ng sofa malapit sa kama ni Alexis. Saktong pag-upo ko ay ang pagpasok ni Alexa na may dalang pagkain. “Kain na muna kayo,” wika niya. “Hala, nag-abala pa kayo,” sambit ko. Tumayo si Gerald at kinuha ang tray na dala ni Alexa. “Pampagising,” sambit ni Gerald “Saan nga pala si Alexis?” tanong ko “Nandito ako,” wika ni Alexis. Kasunod siya ni Alexa at may dala rin na tray ng na may mga tasa sa ibabaw. “Ito, kape,” aniya. Tumayo naman ako at akmang kukunin ang tray nang pigilan niya ako. “Ako na, baka matapon pa ito,” turan niya. “Oo nga, huwag kang makulit, Babe,” tugon ni Gerald. Inilapag na nila ang dalawang tray sa center table na katapat ng sofa. Tumabi sa akin si Alexa at napasandal. “Tara kape,” paanyaya ni Alexis. Nagsikuha na sila ng kaniya-kaniyang tasa ng kape at kinuha ko ang naiwan na tasa roon. “Doon na muna ako,” wika ni Alexis. Pumaroon ito sa kaniyang computer at naupo. “Oh,” He gasped. Napatingin naman kaming tatlo kay Alexis. “Bakit?” tanong ni Alexa. “Huminto ang gps ni Daddy,” aniya. Tumayo si Alexa at lumapit sa kambal niya na nasa tapat ng computer. “Saan banda nakahinto?” tanong niya. Tumingin ito sa tinuro ng kaniyang kambal. “Cavite?” wika ni Alexa. Tumango naman si Alexis. “Nang makapalag na ang kaniyang eroplano, hindi ko alam kung saan siya dumiretso, nakita ko na lang ang kaniyang gps na nasa Laguna at ngayon ay nakahinto sa Cavite,” kwento ni Alexis. Sumingit muna ako at nagtanong. “Paano niyo nga ulit nalaman na naunang umalis Daddy niyo?” tanong ko. Tumingin naman sa akin si Gerald. “Nalaman ni Mommy nang hindi niya matagpuan si Daddy kahit saan,” sagot ni Alexis. “So, wala talagang balak umuwi dito ang Mommy niyo?” tanong kong muli. “Yes, napagpasyahan na lamang ni Mommy na sumunod dito at sinabi sa akin na nauna nga si Daddy pabalik dito,” turan ni Alexis. “Anong oras dumating ang eroplano na sinakyan ng Daddy niyo?” tanong kong muli. “Kahapon pa raw nakaalis si Daddy, so it means, kaninang umaga or tanghali, no exact time,” aniya. “Kung babablikan natin ang kahapon...” Huminto ako sa pagsasalita. Pinagmasdan ko ang kambal. Nakikinig ito sa akin. Huminga ako ng malalim at itinuloy ang aking sinasabi. “Taga saan nga ba ang babaeng iyon?” tanong ko. Humarap sa isa’t isa ang kambal at sabay na sumagot sa akin. “Tagaytay,” sambit ng kambal. “Alam niyo pa ba ang pangalan ng babae?” tanong ko. “No,” sagot ni Alexa. “Yes,” sagot ni Alexis. Napatingin si Alexa sa kambal niya at kumunot ang noo. “How did you know?” tanong niya. Humarap muli sa screen ng kaniyang computer si Alexis at nagsimulang magkwento. “Nang araw na gustong makipag-hiwalay ni Daddy, nasa kusina ako no’n...” Naging seryoso ang panananalita ni Alexis, “Narinig ko silang nagtatalo, at nagtataas ng boses si Mommy at umiiyak,” Humarap siya kay Alexa, “Akala ko simpleng away lang, pero nang banggitin ni Mommy ang pangalan ng babae na iyon ay natahimik si Daddy,” Napapikit ng mata si Alexis, “Tapos nagmakaawa si Daddy ma huwag galawin yung babae na iyon,” Galit na kinwento iyon ni Alexis. Napatingin ako sa reaksiyon ni Alexa, nanginginig na nang-gigil ito. “Ano bang pangalan ng babae?” tanong niya. “Josephine,” sagot ni Alexis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD