“Bakit ka bumalik dito?” tanong ni Gerald sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at inilapag ang mga dala ko para sana sa amin ni Alexa.
“Tulog na si Alexa nang datnan ko sa kwarto,” sagot ko.
“Buti naman nakatulog na iyon,” sambit ni Jaeryll.
“Kaya nga, mabuti na lang talaga,” tugon ko.
“Bukas pupuntahan ko yung flowershop,” wika ni Gerald.
“Oo, sige, samahan kita,” sambit ko.
Tumayo ako. Lumapit ako sa mga bulaklak na ngayon ay nandito pa sa loob ng silid namin.
“Who are you?” tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga chrysanthemums.
Hinawakan ko ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung anong mararamdanan ko kung malaman ko ang tunay na nangyari labinlimang taon na ang nakakalipas.
Bigla akong niyakap ni Gerald. Nabigla ako.
“Oh,” I gasped.
Gerald chuckles, “You jump out startled,” He managed to feel me safe.
“Thank you,” I said.
“No, thank you...” Pinaharap niya ako, “Thank you for loving me,” then he kissed me in lips.
Nakarinig ako nang may umuubo.
Napatigil kami sa aming ginawa nang magsalita si Jaeryll mula sa aming likuran.
Tumawa ito, “Sorry but I need to go home,” aniya.
Natawa na rin kami ni Gerald. Tumingin ito sa orasan na nakasabit sa dingding at nagsabi na, “Kailangan ko na rin matulog, inaantok na ako,” turan ni Jaeryll.
“Oo, sige, salamat,” sambit ko.
“Teka, akin na muna yung picture,” pigil ni Gerald.
Naglabas ang dalawa ng kanilang mga cellphones at nagsimulang magpasa ng larawan.
“Save mo na rin number ko, in case na kailangan mo ng drinking buddy,” natatawang turan ni Gerald.
“Yeah, sure, it will help,” tugon ni Jaeryll.
Kaniya- kaniya ang dalawa sa pag-saved ng kanilang numero.
“Okay, buddy, drive safely!” paalam ni Gerald.
“Thanks,” tuluyan nang lumabas si Gerald.
Hindi na siya nagpahatid sa hanggang lobby, kinawayan na lamang siya mula sa aming pinto.
Nang makasakay na si Jaeryll nang elavator ay bumalik na rin kami sa loon ng kwarto.
Umupo muna kami sa couch, sumandal ako sa balikat ni Gerald. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para magtanong tungkol sa aking mga nalimutang alaala labinlimang taon na ang nakakalipas.
“Babe?” tanong ko.
“Yes, Babe?” tugon niya.
Tumingin ako kay Gerald, nakapikit na pala ito.
“I just want to know...” Umayos ako ng upo kaya napadilat siya at tumingin sa akin, “Why does I have Dissociative amnesia?” Pumikit itong muli at suminghal.
“Babe, because of the trauma, remembered?” sagot niya.
“Yeah, I know, I want to know the caused of that trauma,” turan ko.
Naging seryoso ang hangin sa loob. Seryoso akong tinignan ni Gerald.
“Well, I think this is the right time,” aniya.
Napakagat-labi ako. Kinakabahan na rin dahil ito ang unang beses na may magsasabi sa akin ng tungkol roon.
“Our friend died...” Tumingin si Gerald nang diretso at hindi sa akin, “She died from falling off the cliff,” Huminto ito at tumayo.
Hindi ko alam kung kaba ba o kung ano pa man ang tawag sa nararamdaman ko ngayon.
“H’wag kang pabitin,” sambit ko.
Humarap ito sa akin.
“You saw her falling,” turan niya.
Nabigla ako sa nalaman ko. So, totoo ang mga sinabi sa akin ng mga nasa paligid ko. I was traumatized because of that.
“What else do you want to know,” tanong niya.
Huminga muna ako nang malalim. Iniisip kung ano ba ang tamang itanong sa kaniya sa sandaling ito.
Naipon ko na ang lahat ng gusto kong itanong at malaman.
“What is the name of our friend?” tanong ko.
He smile bitterly, “Her name is Arielle Joyce,” He sighed.
Biglang may nagbalik sa aking isipan. Yung pangalan na iyon ay aking nakita— ang babaeng nakalibing sa sementeryo na aking pinupuntahan kahit ‘di ko kakilala.
I gasped.
Gerald looked at me with astonishment on his face, “Why?” he asked.
“I saw her name written in a grave,” I said.
He frowned, “Where?” He asked.
He sits again beside me, caressing may back.
“In the cemetery where I go every year,” I said.
“Are you serious?” He asked shockingly.
I nodded.
“How come you ended up in that cemetery?” tanong niya.
“I don’t know how I ended up there, as if my foot had taken a life of its own towards that cemetery,” I replied.
He sighed.
“Since when?” He asked.
“Exactly one year after the accident happened,” sagot ko.
“I see, did you...” He stopped and looked at me as if he was askinh for an information, “Did you saw someone there?” aniya.
Sinubukan kong alalahanin ang bawat taon kapag dumalaw ako sa puntod na iyon. Biglang sumagi sa aking isip ang babae na nakatitig sa akin mula sa malayo.
“Yes!” bulalas ko.
“Tell me about that person,” aniya.
I closed my eyes, trying to remember its figure.
“I can’t think of it,” saad ko, “That woman was looking at me from a distance,” dugtong ko
“Woman?” tanong niya.
“Yes, kahit malayo siya alam kong babae iyon dahil sa hubog ng kaniyang katawan,” sagot ko.
“I see,” He touch his chin and gently caressed it.
Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Alexa.
“Anong ginagawa niyo diyan?” tanong nito.
“Ikaw anong ginagawa mo diyan?” tanong naman ni Gerald.
Napakunoot-noo si Alexa.
“Naalimupungatan ako at nang tignan ko ang oras sa cellphone ay nakita ko na alas dose na pala pasado,” aniya.
Naglakad ito patungo sa amin at tumabi sa couch. Niyakap niya ako at humiga sa aking balikat.
“Hey! That’s my girl,” sambit ni Gerald.
“No, this is my girl,” aniya, “right, Bessy?” ngumisi ito sa akin.
Natawa naman ako. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at inilagay sa palibot ng kanilang likod.
“You two are my best buddies!” inilapag ko ang kanilang ulo sa aking magkabilang balikat.
“Aw, so sweet,” sambit ni Alexa.
“I know, Babe,” wika ni Gerald.
Tumayo su Gerald, “Gusto niyo bang manood?” tanong niya.
Nagkatingin kami ni Alexa. Nakangiti ako samantalang siya ay naka-ngiwi.
“Why?” tanong ko.
“I need to go home,” sambit ni Alexa.
“Bakit?” tanong ni Gerald.
“Kasi...” Tumayo si Alexa at ikinumpas ang kaniyang kamay na ibig sabihin ay sandali at pumasok sa aming silid.
Nagkatingin kami ni Gerald. Nagkibit-balikat lamang si Gerald. Umupo ito sa aking tabi habang kami’y naghihintay kay Alexa.
“Bakit kaya?” tanong ko.
“Baka susundan si Jaeryll, alam mo na,” binigyan ako ni Gerald nang nakakalokong ngisi.
Hinamapas ko siya sa kaniyang balikat, “Loko ka!” Nagtawanan naman kami.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Alexa, dala na niya ang kaniyang phone at sling bag.
Umupo si Alexa sa gilid ko at ipinakita ang kaniyang phone.
“Look,” Pinabasa niya sa amin ang text ni Alexis, “My Mommy will arrived today,” aniya.
Tumango lamang kami ni Gerald.
“So, I need to go home for a while,” aniya.
“Sige, i-kumusta mo na lang ako kila Tita,” ani ko.
“Ako rin,” sagot ni Gerald.
Natawa naman si Alexa.
“Biglaan naman ata ang pag-uwi nila,” aniya.
“Oo nga, sabi mo sa akin ayaw na nilang bumalik dito?” turan ko.
“Iyon din ang pagkaka-alam ko,” tugon niya.
“Baka alam ni Alexis kung bakit?” sambit ni Gerald.
“No, he didn’t know, too,” sagot ni Alexa.
Naging pala-isipan tuloy para kay Alexa ang biglaan na pag-uwi ng kaniyang magulang.
“Baka magkita ng hindi inaasahan sila Daddy at yung babae na iyon,” inis na sambit ni Alexis.
Napatikom ako at pina-kalma si Alexa.
“Hindi ‘yan, ang laki-laki kaya ng Maynila,” wika ko.
“Sana nga,” singhal niya..
“Oo nga, hindi ‘yan, okay naman na sila ng Mom mo,” turan ni Gerald.
“Yes, okay na sila, sana hindi na niya talaga makita ang babaeng iyon,” tugon ni Alexa.
Tumayo na ako, “Tara na, hatid ka na namin,” Hinila ang kamay ni Alexa.
“Babe?” tawag sa akin ni Gerald.
“You’ll drive,” ani ko.
“Yay! I have a driver!” magiliw na sigaw ni Alexa.
Napa-iling na lamang si Gerald at kinuha ang kaniyang susi ng kotse.
“Oo na, tara na,” walang buhay niyang wika.
Pinipigilan naman namin ni Alexa ang matawa. Hindi kasi mawari ang itsura ni Gerald.
“Baka napipilitan ka lang?” tanong ko.
“Oo nga, napipilitan ka lang ata,” dagdag ni Alexa.
Humarap sa amin si Gerald, “Sa tingin niyo ba napipilitan lang ang mukhang ito?” Binigyan niya kami ng itsura na labag sa loob.
Natawa ako, “Oo, hindi nga,” at naglakad ako palabas ng silid.
“Hindi talaga,” sang-ayon ni Alexa at sumunod sa akin.
“Mga loko-loko,” usal ni Gerald.
Nang makasakay kami sa elavator at tumawag naman si Alexis kay Alexa.
“Tumatawag si Alexis, sagutin ko lang,” paalam niya sa amin.
Tumango lang ako.
“Hello?” bungad niya.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay nag-iba ang ekspresiyon ng mukha niya.
“Akala ko ba kasama si Mommy?” inis na sambit niya.
“Ano?!” sigaw niya.
Nagkatingin kami ni Alexa. Nagtataka naman ako sa naging usapan nila.
“Oo, pabalik na ako diyan,” Ibinaba na ni Alexa ang tawag at humarap sa amin.
“Nandito na pala si Daddy,” aniya, “Tumawag si Mommy na naunang sumakay ng eroplano si Daddy,” Nang-gigil na ang kaniyang pananalita, “Hinahanap na ni Alexis ang lokasyon ni Daddy ngayon,” Huminga siya ng malalim.
“Don’t tell me, nasa...” sambit ko.
“Oo, nasa babae niya,” sagot ni Alexa.