Nang sabihin ni Alexis ang pangalan ng babae ay napatikom si Alexa ng sandali.
“Josephine, sounds familiar,” aniya, “What is her last name?” tanong niya.
Umiling si Alexis.
“Hindi ko alam, hindi naman nabanggit ni Mom iyon,” sagot ni Alexis.
Habang nag-uusap ang kambal ay napatingin ako kay Gerald. Nakatulog na ito sa sobrang pagod at dahil sa nakainom ito.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Napangiti ako at bumulong sa kaniya.
“I love you,” bulong ko.
Habang nakatitig ako sa natutulog na boyfriend ko ay tinawag naman ako ni Alexa.
“Bessy,” tawag niya.
Napalingon agad ako.
“Bakit?” tanong ko.
“Gusto mo bang sumama sa amin?” tanong niya.
“Hindi ata p’wede si Christine,” sambit ni Alexis.
Nag-alangan akong sumagot dahil pasado alas dos na ng madaling araw.
“Saan ba?” tanong ko.
“Tagaytay,” sagot ni Alexa.
“Ngayon na ba?” wika ko.
Umiling ito.
“Matutulog muna tayo syempre,” aniya, “Dapat mauna kaming makahanap kay Daddy bago makarating dito si Mommy,” Umupo siya sa higaan ni Alexis, “Baka kasi magkaroon ng world war 3 kapag nagkataon,” Tuluyan na itong humiga sa higaan.
Tumayo naman si Alexis at tumungo sa higaan niya.
Hinila niya si Alexa, “Tayo, may sarili kang kama,” ayaw pa rin tumayo ni Alexa sa pagkakahiga, “Gusto mo ba akong matulog sa kwarto mo?” Ngumiti nang nakakaloko si Alexis.
Agad naman na napatayo si Alexa, “No!” Umalis sa higaan at nagpunta sa harapan ko, “Don’t you dare,” Pagbabanta ni Alexa.
Natawa naman ako, gaya pa rin sila ng dati, tila aso’t pusa sa isa’t isa.
“I will dare kapag wala ka rito,” sagot ni Alexis.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Alexa.
“Subukan mo talaga,” inis na sabi ni Alexa.
“Oh, paano iyan?” tanong ni Alexis.
“Ano?” tugon ni Alexa.
Tumingin si Alexis sa natutulog na si Gerald.
“Para naman ang sama ko kung gigisingin pa natin si Gerald,” aniya.
“Masama ka naman talaga,” sagot ni Alexa.
Mag-uumpisa na naman ang kambal sa bangayan nila.
“Hep!” Itinaas ko ang mga kamay ko, “Maya na kayo mag-away, tulungan niyo muna ako kay Gerald,” sambit ko.
“Oo nga pala,” wika ni Alexis.
“Sa kwarto ko na lang ikaw matulog, Bessy,” turan ni Alexa.
“Tapos dito na si Gerald,” sang-ayon ni Alexis.
“Paano? Ganito na lang siya matulog?” tanong ko.
“Syempre, hindi,” aniya, “Uminom ba kayo?” tanong niya.
Tuma-tango ako.
Lumapit sa pwesto namin si Alexis at pinatayo ako. Ini-ayos niya ang mga cushion at inilapag sa gilid ng sofa, hinawakan niya ang ulo at balikat ni Gerald at dahan-dahan inilapag sa pinaglagyan ng mga unan.
“Ito ang maganda kapag nakainom, hindi agad nagigising,” natatawang sabi ni Alexis.
Bigla naman akong hinawakan ni Alexa.
“So, paano? Ikaw na bahala kay Gerald,” wika ni Alexa.
Akmang hahakbang na siya nang pigilan siya ni Alexis.
“Teka, iligpit mo muna ito,” utos niya.
Nakaturo ito sa dalawang tray na dala nila.
“Magbabantay pa ako sa gps ni Daddy,” aniya.
Hindi mawari ang itsura ni Alexa. Labag man sa loob niya na kunin ang mga tray ay ginawa pa rin niya.
“Pasalamat ka, ayaw kong magising yung tulog,” mahinang sambit ni Alexa.
Ngumisi lamang si Alexis.
“Akin na ‘yang isang tray,” sambit ko.
Iniabot naman sa akin ni Alexa.
“Thank you,” turan niya.
Bago kami tuluyang makalabas ay humarap pang muli si Alexa sa kambal niya at sinamaan ng tingin.
“Loko talaga kayong dalawa,” wika ko.
“Gano’n talaga kami, wala nang pagbabago,” turan ni Alexa.
Nagtawanan kami hanggang makarating sa kanilang kusina.
Inilapag na namin ang mga tray sa lababo. Pumunta ako sa kanilang ref at kumuha ng malamig na tubig at uminom.
“Ang sarap,” singhal ko.
“Pahingi rin ako,” wika ni Alexa.
May dala siyang sariling baso at hinihintay na buhusan ko ito ng malamig na tubig mula sa pitsel.
“Sasama ka ba mamaya?” tanong ni Alexa.
Napatingin ako sa kaniya. Malungkot ang kaniyang mga mata gaya dati noong kami’y kolehiyo pa lamang.
Ngumiti ako, “Oo naman, sasamahan kita kahit saan,” sambit ko.
Ngumiti sa akin si Alexa marahil ay nakakaramdam ito ng takot na baka masirang muli ang kanilang pamilya.
“Salamat, babawi ako sa susunod ako naman tutulong sa paghahanap sa taong nagpapadala sa iyo ng mga pagbabanta,” turan niya.
“What friends are for?” wika ko.
Inilapag ni Alexa ang hawak niyang baso sa mesa at ako’y niyakap.
“I really do appreciates our friendships,” aniya.
Gumanti rin ako ng yakap sa kaniya.
“Gano’n din ako,” wika ko.
Tumigil sa pagyakap si Alexa at humarap sa akin.
“Gawin na ba natin ang plano?” tanong niya.
Naguluhan naman ako sa kaniyang sinasabi.
“Anong plano?” tanong ko.
“Tungkol sa babaeng gusto ni Alexis,” tugon niya.
“Oh right!” I gasped.
Umupo si Alexa sa upuan, at ako naman ay isinara ang refrigerator.
“Paano natin gagawin?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko alam kung paano.
“Paano kaya kung tawagin ko siya tapos ikaw mag-halungkat?” aniya.
Umiling ako.
“Ako na lang ang tatawag tapos ikaw na ang maghalungkat,” wika ko.
Sinang-ayonan naman ni Alexa ang turan ko.
“Ngayon na?” sambit ko.
Ngumiti si Alexa at tumango. Tumayo na ito at akmang lalabas na sa kusina.
“Teka, wala pa ako maisip na sasabihin,” wika ko.
Pinigilan ko siya sa paglabas.
“Kahit ano, basta unang pumasok sa isip mo,” aniya.
Wala talaga akong maisip pero sumunod na lang ako para malaman na rin namin kung sino ang babae na nagugustuhan ni Alexis.
Naglakad na kami pabalik sa kwarto ni Alexis. Kumatok si Alexa ng tatlong beses at saka pinihit ang pinto.
“Bakit?” bungad ni Alexis.
“May itatanong raw sa iyo si Christine,” panimula ni Alexa.
Kinabahan naman ako bigla dahil walang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
“A-ano kasi...” Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit, “Sino ba yung first love mo?” diresto kong tanong.
Dumilat ako at nakitang nanlaki ang mga mata ng kambal . Nasira ko ang plano.
“Seryoso ka ba?” tanong ni Alexis.
Binilisan naman ni Alexa ang lakad niya at hinila ako palabas ng silid ni Alexis.
Ngayon ay nasa silid kami ni Alexa. Napaupo ako sa kaniyang higaan samantalang nakatayo sa aking harapan si Alexa at nakapamewang.
“Ano iyon?” naguguluhan niyang tanong.
“Sabi mo kasi unang pumasok sa isip ko,” sagot ko.
“Grabe naman iyon, kakabigla ka,” aniya.
“Kahit ako nabigla,” tugon ko.
Umupo sa tabi ko si Alexa.
“Paano kaya natin malalaman ang pangalan ng first love niya,” aniya.
Napa-singhal ako.
“Hindi ko alam,” sagot ko.
Sabay kaming nahiga sa kaniyang higaan at tumingin sa kisame.
“Puti pala kulay ng kisame mo,” wika ko.
“Oo para maaliwalas,” sagot niya.
“Its reminded me of our former school,” turan ko.
Napabangon naman bigla si Alexa.
“I got a new plan,” aniya.
“What?” tugon ko.
“I’ll set him on a date with his social media friends and followers,” turan niya.
Hindi ako kumbinsido na magtatagumpay ang plano ni Alexa.
“Are you sure with that?” pag-aalinlangan ko.
“Yes, but I will choose the best,” aniya.
Tumayo ito, nagpunta sa side desk at kinuha ang kaniyang laptop.
Ngumiti muna ito sa akin bago niya pinindot ang bawat letra ng pangalan ni Alexis.
“Bessy, look over here,” aniya.
Inilapit ko naman ang aking sarili para matignan ang nais niyang ipakita sa akin.
“Charlotte Estrada, bet mo ba?” tanong niya.
Nandiri ako. Kilala si Charlotte noon bilang play girl.
“Naloloka ka na ba? Play girl ‘yan,” turan ko.
“Okay, okay,” nag scroll na siyang muli, “Lucy Mendez?” aniya.
“Too nerd for him,” tugon ko.
“There are 2,000 plus in the list, na sa pang 34th pa lang ako na pangalan,” turan niya.
“Ikaw may gusto niyan,” sambit ko.
Napasimangot na lamang si Alexa at ipinagpatuloy ang paghahanap para may ipareha sa kambal niya.
Ilang sandali pa, sa loob ng bente minutos na paghahanap ng tamang babae na pwede ipareha kay Alexis ay nakahanap na kami.
“Zinnia Lopez,” saad ni Alexa.
Naalala ko si Zinnia noong college, lagi siyang kasama ni Alexis sa mga group projects, perfect silang pagsamahin dahil halos lahat ng katangian ay tugma sila.
“Okay, contact mo na mamaya si Zinnia,” turan ko.
“Bakit ako?” aniya.
Umangal si Alexa, napatingin ako sa kaniya at bigla kong naalala na hindi pala sila magkasundo ni Zinnia.
“Ay, ako na lang pala,” wika ko.
“Buti naman,” aniya.
“Matulog na kaya tayo?” tanong ko.
“Oo, inaantok na rin ako,” sagot niya.
Isinara na niya ang kaniyang laptop at itinabi sa side desk.
Nauna na akong humiga samantalang pinatay na muna ni Alexa ang ilaw sa kaniyang silid at lumitaw ang mga bituin doon.
“Wow! Ang ganda,” wika ko.
“Kasing ganda ko,” aniya.
“Oo dahil silid mo ito,” sambit ko.
Bago siya mahiga sa tabi ko ay sinindihan niya muna ang side lamp para kahit papano ay may liwanang na nagmumula sa aming silid.
“Good night,” sabay naming sambit at nakatulog na kami dahil sa antok.