Chapter 39

1486 Words
Habang nasa biyahe kami pabalik sa Maynila, naisipan kong tanungin si Alexis sa mga bagay-bagay patungkol sa tunay niyang pagkatao. "Kumusta naman nang malaman mo ng totoo?" tanong ko. Halatang nabigla siya tanong ko pero napanatili niya ang pagiging kalmado habang nagmamaneho. Ngumiti ito sa akin, "Gusto mo lang maki-usisa, eh," May tono itong tila nang-aasar. "Loko ka, syempre kaibigan niyo ako, kaya gusto kong malaman," sagot ko. "Hindi ba itinanong mo na iyan kanina?" aniya. Umiling ako. "Magkaiba iyon, itong tanong ko ay tungkol sa nararamdaman mo," saad ko. Nag-isip ito, huminga ng malalim at ngumiti. "Malungkot ako," Tumawa siya. Hala. Nasiraan na ata ng katinuan ito. "Malungkot?" sambit ko. "Malungkot ako for both parties, including ourselves," saad niya. "At nasasaktan para kay Mommy na siyang kumalinga sa amin mula noon," wika niya pa. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa babaeng iyon," sambit niya. Marahil ay tinutukoy niya ang kaniyang tunay na ina. "Nakasama naman namin siya pero hindi naman ganon kalinaw ang mga naalaala ko," turan niya. Tumawa siya. "Hindi ako makapagdesisyon ng tama, dahil hindi ko alam ang buong kwento sa pagkatao namin," aniya. "Ang alam ko lang ngayon na ang kinagisnan kong ina ay hindi namin totoong nanay," saad niya. Natahimik ako. "Kung ano man ang totoong kwento sa likod no'n, isa lang ang naiintindihan ko iyon ang pag-abandona niya sa amin," mariin niyang sabi. He remained calm as he spoke but I could feel the anger and hatred, and at the same time the grief he felt in his heart. He laughed a little and he spoke again. “Nakakatuwang isipin na hindi pala buo ang akala mong pagkatao mo,” aniya. “Alexis…” sambit ko. Ngumiti siya sa akin. “Okay lang, makakayanan ko rin ito,” wika niya. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang kaniyang loob na ngayon ay naguguluhan. “Gusto mo bang kumain muna?” tanong niya. Napatingin ako sa kaniya na naka-nguso sa unahan na daan. Tinignan ko iyon, may fast food na malapit. Sumang-ayon ako, hindi dahil nagugutom ako kung hindi para masamahan siya kahit sandali. Lumiko na kami papasok roon, pumarada na rin siya. Bumaba na ako, inilibot ko ang aking paningin, magkakadikit ang mga kainan na narito. “Tara?” wika ni Alexis. Tumango ako. Nauna na siyang maglakad at sumunod ako. Bigla siyang huminto. “Bakit?” tanong ko. Humarap siya sa akin na medyo nag-aalangan. “Saan mo ba gusto kumain?” aniya. Natawa ako. Akala ko naman ay may nais siyang kainan. “Bakit ka natatawa?” tanong niya. “Wala…” Ngumiti ako, “Ikaw bahala kung saan mo gusto,” sambit ko. “Sa Jollibee na lang?” aniya. Hindi pa rin siya sigurado kung saan niya gustong kumain. “Ikaw bahala, basta sasama ako sa iyo,” wika ko. Namula siya, epekto ata ng emosyon niya kanina. “Namumula ka na, tara na pasok na tayo sa loob para malamigan ka,” saad ko. Hinigit ko ang kaniyang braso at hinila kasunod sa akin. Dumiretso ako sa Jollibee, para bida ang saya kahit saglit lang na narito kami. “Teka, maupo ka na ako na ang pipila sa counter,” wika niya. “Smile ka muna,” sambit ko. Napatikom siya at nag-isip ng ilang segundo. “Ang tagal,” wika ko. “O-okay, fine,” saad niya. Ngumiti siya pero saglit lang. “Happy?” aniya. “Super happy,” tugon ko. Binitawan ko ang kaniyang braso at naghanap ng magandang pwesto na mauupuan. Wala naman masyadong tao dahil nga nasa gitna ito ng expressways, so I just need find a good spot. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng establisimento, at doon nakanap ako ng magandang pwesto. Pumunta ako sa terrace, at umupo roon. Tanaw mula sa kinaroroonan ko ang mga sasakyan na mabibilis ang takbo. Kumpara kasi sa ibaba, isang side lang ang makikita mo. “Matawagan nga muna si Gerald,” sambit ko. Inilabas ko ang aking phone at inumpisahang tawagan siya. Nag-ring lamang ito. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya talaga iyon sinasagot. Nagpagpasyahan ko na magpadala na lamang ng mensahe baka kasi abala ito sa kaniyang kompanya. “We’re still here, a lot has happened while we were there. I’ll talk to you later. I love you!” Binasa ko pang muli ang text ko. “Okay na iyan, tatawagan naman niya ako kapag nabasa na niya,” sambit ko. Nagulat ako nang may kumalampag sa ibabaw ng lamesa. Ini-angat ko ang ulo ko at nakita si Alexis na matalim ang mga tingin. “Panay ang ikot ko kanina sa ibaba, nandirito ka lang pala,” aniya. Tumawa ako ng malakas. “S-sorry, akala ko nakita mo akong umakyat kanina,” tugon ko. Napasinghap naman siya at naupo na rin. “Kumain ka ng kanin,” aniya. Naalala ko naman ang kaniyang sinabi kanina habang nasa loob kami ng kotse kasama si Alexa. “I thought you were concerned about your health,” saad ko. Sumubo ito ng kanin at kinagat ang fried chicken. “Sometimes, you also need to eat greasy foods,” tugon niya. Ngayon ay kumakain siya ng spicy fried chicken. Idinaan na lang niya sa pagkain ang nararamdaman niya. Kumain na rin ako, sinabayan ko siya. Tuloy-tuloy ang pagkain ko hanggang makalahati ko agad ang sa akin. Medyo bumara sa lalamunan ko ang kinakain ko kaya humawak ako sa aking dibdib. Tinignan ko ang baso ko pero hindi na iyon sapat para matanggal ang bara. Nakuha naman iyon ang atensiyon ni Alexis. “Whats wrong?” tanong niya. “T-tubig,” wika ko. Nataranta naman itong tumayo at kinuha ang baso niya na may laman na soft drinks. “Drink this one, I’ll go downstairs to get you some water,” aniya. Dali-dali siyang bumaba sa counter at naiwan akong mag-isa. Ininom ko ang laman ng baso niya at hinintay ko siyang bumalik. Umakyat na siya na may dalang isang pitsel at baso para sa tubig. Inilipag na niya sng tray sa mesa namin at nilagyan ng tubig ang baso. “Ito, inumin mo,” sambit niya. Ini-abot niya sa akin ang baso at kinuha ko naman iyon. Isang lagukan ang ginawa ko para maalis ang bara sa aking lalamunan. Nakahinga ako ng maluwag. “Paano ka ba kasi kumain?” tanong niya. Tila naiinis si Alexis sa nangyari. “Sorry, napadami kasi subo ko,” sagot ko, “Tapos napalaki kasi ang kagat ko sa chicken,” dugtong ko pa. “Next time, huwag na gano’n, nakakataranta,” saad niya. Nag-aalala pa rin siya kahit na naiinis sa nangyari. Tumango naman ako. “Okay ka na ba?” tanong niya. Naging malumanay na ang pananalita niya pero bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Oo, salamat,” tugon ko. Tumingin siya sa mga pagkain. “Kakainin mo pa ba iyan?” tanong niya. “Oo, sayang kasi,” sagot ko. Suminghap naman siyang muli. “Okay, ayusin mo na,” aniya. Umupo na siyang muli. Napaisip ako kung bakit walang mga staff na umakyat para tignan ako. “Bakit walang mga staff na pumarito?” tanong ko. “Hindi ko na kasi sila inabisuhan, baka maging dahilan lang iyon ng komusyon dito,” sagot jiya. “Kaya pala,” tugon ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Naubos ko na ang kanin at may natira pang chicken pero hindi ko na iyon inubos. Kinuha ko ang ketchup at binuksan, inilagay ko iyon sa ibabaw ng tissue at doon ko isinawsaw ang french fries. Nasa huling piraso na ako ng french fries nang magsalita si Alexis. “Christine, can I call you whenever I need someone?” aniya. Napatingin ako sa kaniya, hindi ito makatingin sa akin ng diretso. “Oo naman, magkaibigan tayo,” sagot ko. “Ah, tama, magkaibigan,” aniya. Ngumiti siya sa akin at uminom ng tubig. “May gusto ka pa bang kainin?” tanong niya. Napa-isip ako. Ano bang gusto kong kainin? Pasta? “Pasta?” wika ko. “Spaghetti ba?” tanong niya. “Oo, sige,” sagot ko. “Teka, kukuha ako ng spaghetti,” aniya. Tumayo na ito at naglakad pababa sa hagdan. Naubos ko na ng french fries, at uminom na ako ng tubig. Mga dalawang minuto lang ay naka-akyat na si Alexis. “Spaghetti mo,” aniya. “Thank you!” saad ko. Hinalo ko muna ang sauce sa pasta at inikot na sa tinidor, kinain ko na iyon at inubos. “Tara na, busog na ako,” saad ko. “Paano ka hindi mabubusog, may kanin na, may pasta pa, at samahan mo pa ng french fries,” aniya. Natawa naman ako. “Loko ka, tara na nang makita ko na si Alexa,” wika ko. Tumayo na kami at lumabas na. Sumakay sa sasakyan at muli nang bumyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD