Nasa expressways pa rin kami, nakita ko sa sign board na 5 km na lang at malapit na kami sa express toll.
“Anong oras na ba?” tanong ni Gerald.
Tumingin ako sa relo ko, pasado ala-sais na pala. Mas matagal ang biyahe namin kaysa sa pamamalagi namin sa tahanan ni Aling Pina na siyang tunay na ina nila Alexa.
“Six na,” sagot ko.
“Gano’n ba,” aniya.
“Bakit?” tanong ko.
“Wala naman, ano nga pala ang gagawin sa makalawa?” tanong niya.
Napa-isip ako. Anong araw ba ang makalawa? Tinignan ko ang aking cellphone at nagpunta sa calendar. Sabado pala iyon, ang nakatakdang araw para makilala ni Alexis si Stef.
“Meeting Stef,” sagot ko.
“Maganda ba iyon?” aniya.
Napatitig ako sa kaniya at ngumiti ng nakakaloko.
“Don’t stare at me like that, its giving me chills,” turan niya.
Nakangisi pa rin ako.
“Why are you asking if she’s pretty?” tanong ko.
“Bawal ba?” aniya.
Napa-iling ako.
“Hindi pala, eh,” sambit niya.
Inisip kong maigi kung maganda ba si Stef sa magiging paningin ni Alexis.
Naiisip ko ang hubog na hubog nitong katawan na kahit babae ay mahuhulog sa alindog nito. Naisip ko rin ang laki ng kaniyang hinaharap na gustong gusto ng mga kalalakihan. At ang kaniyang kutis na mala-porselana na animo’y perlas sa puti. Itinaas ko pa ang imagination ko para maabot ang mukha ni Stef, isa itong perpektong mukha na nanaisin ng kahit sinong babae na may mapupulang labi, at may prominenteng pisngi.
Kung iyon ang pagbabasehan ay oo napakaganda niya sa panlabas na anyo pa lang ay panalo na ang magiging nobyo no’n.
Mas lalong maswerte ang lalaki dahil hindi lang panlabas na anyo ang maganda kay Stef, gayon din ang kaniyang panloob na pag-uugali.
Napaka-maawain no’n, matulungin, at malapit sa Diyos.
Naputol ang iniisip ko nang sikuhin ako ni Alexis.
“Oh,” I gasped.
“Is she pretty or what?” tanong niya.
Napatagal ata ako sa pag-iisip sa itsura ni Stef.
“All I can say about her, she’s perfect,” saad ko.
“I see, then I’ll be there,” aniya.
Nagulat ako. Sumang-ayon si Alexis nang walang sapilitan na naganap.
“S-seriously?” sambit ko.
“Don’t you like it?” tanong niya.
Napa-iling ako ng dalawang beses.
“Then, just text me the address or hotel or restaurant,” wika niya.
Tumango ako. Hindi ako makapaniwala na gano’n kadali lang siyang kausap ngayon. Dati-rati ay sapilitan pa ang ginagawa namin ni Alexa para pumayag siya.
“Why don’t you speak?” tanong niya.
“Naalala ko kasi noon habang nasa college tayo, sapilitan pa bago ka mapa-payag,” wika ko.
Tumawa siya kaya mas lalo akong nagtaka.
“People change,” aniya.
Nakarating na kami sa toll way, nakahinto ang mga sasakyan dahil sa dami ng sasakyan na lalabas.
“Ang haba,” sambit ko.
“Oo nga, mga alas syete pa ata tayo makakarating sa hotel niyo,” aniya.
Naalala ko naman si Gerald, hindi pa rin kasi ito tumatawag o sumasagot sa text ko.
“Kaya nga eh, pero okay lang,” sagot ko.
Bigla naman na tumunog ang aking cellphone. Nagmadali akong kunin iyon sa aking bag dahil akala ko ay si Gerald ang tumawag pero hindi si Imee lang pala.
Sinagot ko naman iyon baka kasi importante.
“Hello, Imee,” bungad ko
“Hello, Miss Tin,” aniya.
“Oh, bakit?” tanong ko.
“Hindi po muna ako ulit papasok bukas,” sambit niya.
Nagtaka ako. Hindi gawain ni Imee na mawala sa Gallery ng magkasunod na araw.
Hindi ako nagsalita naghintay ako ng sunod niyang sasabihin.
“Kailangan kasi namin na humingi ng second opinion sa ibang ospital,” turan niya.
“Second opinion? Are you sick?” tanong ko.
“Ay hindi po ako, si Mama po,” sagot niya.
Naiimagined ko habang sinasabi ni Imee iyon na tila nasa harapan ko lang siya.
“Akala ko ikaw, sige, mag-iingat kayo, sana hindi malala ang sakit ni Aling Marites,” turan ko.
“Salamat po,” tugon niya.
Ibinaba ko na ang tawag at tinitigan ang aking cellphone. Nagbabakasakaling tumawag sa akin si Gerald.
Three minutes has passed pero wala, ang tanging nangyari lang ay nasa counter na kami ng toll gate.
Ibinaba na ni Alexis ang front door glass at lumitaw ang cashier na sobrang cute.
“Twenty five pesos, Sir,” wika ng babae.
Naglabas naman ng pera si Alexis.
“Here,” aniya.
Kinuha naman ng cashier ang pera at naglabas ng ticket.
“Thank you,” sambit ng cashier.
Pinaandar nang muli ni Alexis ang sasakyan. Hinintay ko na magbigay ng komento si Alexis patungkol sa itsura ng cashier kanina pero wala. Tuloy tuloy lamang ito sa pagmamaneho.
I snap my fingers to get his attention and I succeed.
“What?” aniya.
Tanong niya sa akin na tila nagtataka.
“Walang komento about sa cashier kanina?” saad ko.
“For what?” aniya.
Akala ko nagbago na siya, hindi pa pala. Wala pa rin pala itong hilig sa babae.
“Wala wala,” saad ko.
“Gulo mo,” wika niya.
Nagmukmok ako sa kinauupuan ko at napanguso.
Naghintay ako na mapansin niya ang itsura ko at sa pangalawang pagkakataon ay nakuha ko na naman ang atensiyon niya.
“Ano ba kasi iyon,” tanong niya.
“Akala ko kasi nahilig ka na sa mga babae,” wika ko.
He gave me astonishment and turned his gaze back to the road.
“Kasi ‘di ba kanina bigla ka na lang pumayag without being forced,” turan ko.
He looked at me with a raised eyebrow after hearing what I had told him.
“Your kidding me, right?” sambit niya.
He turned his gaze back to the road again.
“Whatever, basta sa Sabado,” wika ko.
Hindi na ito lumingon sa akin.
“Yeah, I’ll be there,” tugon niya.
“I’ll call Alexa,” saad ko.
“Bahala ka,” aniya.
I dialed Alexa’s phone thru video call. I placed my phone in a stand.
“Yo, Alexa,” bungad ko.
“Saan na kayo?” tanong ni Alexa.
“Nasa Parañaque na kami, kalalabas lang namin ng toll gate,” sagot ko.
“Buti tumawag ka, hindi na kita tatawagan para sabihin na magkita na lang tayo sa isang restaurant,” aniya.
Oh crap. Kain na naman.
Napansin marahil ni Alexis na hindi ako makasagot kay Alexa kaya sumingit ito sa pagsasalita kahit na hindi siya kita sa video.
“Kumain na kami, kayo na lang ni Mom,” saad ni Alexis.
Pagkasabi ni Alexis no’n ay sumilip sa camera si Tita Gladys.
“Oh, is that true, Christine?” tanong ni Tita Gladys.
Medyo nailang ako na nahiya after what I witnessed earlier.
“O-opo, Tita,” sagot ko.
Tila nadismaya si Tita nang marinig iyon kaya naman ngumiti ako.
“Pero Tita kung libre mo naman po, go po ako,” wika ko.
Napangiti si Tita nang marinig iyon.
“Sige, we’ll text you the address kapag nakahanap na kami ng magandang restaurant,” turan ni Tita Gladys.
“Okay po, Tita, we’ll wait po,” sagot ko.
Itinapat naman nang muli ni Tita Gladys ang camera kay Alexa na nagmamaneho ng sasakyan.
“Bessy, magtetext na lang si Mom sa iyo, kita mo naman na abala pa ako sa pagmamaneho,” turan ni Alexa.
Nang marinig iyon ni Alexis ay agad sumingit sa usapan namin ni Alexa.
“Akala mo naman ay ngayon lang nagmaneho, eh,” sambit ni Alexis.
“Ay, epal ka?” wika ni Alexa.
“Hindi, ikaw ata,” sagot ni Alexis.
Nagsimula na naman ang kambal sa asaran nila.
“Oh, ano, tama iyan, magmaneho ka,” saad ni Alexis.
“Yari ka talaga sa akin mamaya,” sambit ni Alexa.
Alexa raised her right arm and clenched her fist.
“Do you want this fist hits your face?” tanong ni Alexa.
Alexis glanced at her in the video.
He laughed, “Are you sure you can hit me with that?” He then he gazed back to the road.
“With a little help of my Bessy, you will be hit very hard,” Alexa rolls her eyes.
“Are you done?” tanong ni Tita Gladys.
Natawa naman ako kasi huminto sila bigla sa pangyayamot sa isa’t isa.
“Yes, Mom, we are done teasing each other,” sagot ni Alexis.
“Christine, we will call you back, I think I found a good restaurant,” sambit ni Alexa.
And then the call ended.
After ten minutes, I received a text from Alexa.
“We are here at Tito’s Chef located at Presidents Avenue, Corner Adelfa. Just use waze app to get here,”
Binasa ko iyon ko ng malakas para hindi ko na ulitin kay Alexis.
“Malapit na tayo doon,” sambit ni Alexis.
“Mabuti naman kung gano’n,” wika ko.
Ilang sandali pa ay nagpadalang muli ng text si Alexa ngunit sa pagkakataon na iyon ay may kalakip na larawan.
“Is that Gerald?”
Nang aking iyon na buksan, laking gulat ko kung sino iyon. Ang lalaking nasa larawan ay si Gerald at may kasama itong ibang babae.
Alexis frowned.
“What happened?” tanong niya.
Hindi ko siya sinagot.
I immediately call Alexa.
“Is Gerald still there?” wika ko.
“I don’t know, I’m not sure if its Gerald so I just took photo of him,” saad ni Alexa.
“Are you sitting near to that guy?” tanong ko.
“No, is that really Gerald?” tanong niya.
“I’m pretty not sure its him, but the man’s wearing is the same one that Gerald’s wore today,” saad ko.
I heard she gasped.
“Wait, I’ll check it…” hindi niya ibinaba ang tawag kaya naman narinig ko pa itong kinausap si Tita Gladys, “Mom, I just need to see something, I’ll be right back,” Narinig kong paalam niya sa kaniyang ina
“Malayo pa ba kayo?” tanong niya.
“Hindi, sabi ni Alexis, malapit na kami,” tugon ko.
“Okay, malapit na ako sa pwesto ng lalaki kanina,” aniya.
“Sige, huwag mong ibababa ang tawag,” wika ko.
Hindi ko na alam ang nangyayari dahil phone call lang ito.
“Bessy, wala na, nakaalis na ang nakaupo rito kanina,” kwento ni Alexa.
“Gano’n ba, sige salamat,” turan ko.
“Sige, ingat kayo,” sambit ni Alexa.
Namatay na ang tawag at bigla akong nanlumo at nanlambot sng mga kalamnam.
Itinabi ni Alexis ang kaniyang sasakyan sa service road.
“Ano bang nangyari?” tanong niya.
Iniabot ko ang aking cellphone.
“What the—” sambit ni Alexis.
Mas lalong nabigla ito nang makita niya iyon. Hindi ito makapaniwala na magagawa sa akin ni Gerald iyon.
“Saan ito?” tanong niya.
Nagpupuyos sa galit si Alexis. Pinakalma ko siya.
“Hindi naman raw sigurado ni Alexa kung si Gerald iyan.
“Sa tingin mo ba hindi si Gerald iyan?” aniya.
Natahimik ako. Tama siya, hindi mapagkakaila na si Gerald ang lalaki sa larawan.
“Malapit na tayo doon,” sambit niya.
Huminahon sa pananalita si Alexis. Hindi ko naman alam ang tamang iisipin ko. Minabuti kong subukan ma tawagan si Gerald.
Nag-ring na. Naghintay akong sagutin niya iyon, pero wala.
I sighed.
“He didn’t answers your phone call?” tanong ni Alexis.
Tumango ako.
“Do you want to go straight to your hotel?” wika niya.
Napaisip ako saglit.
Kung uuwi na ako baka mauna pa ako kay Gerald na makarating sa hotel pero baka naman magtampo sa akin si Tita Gladys kapag ‘di ako nagpunta sa restaurant.
“No, we have dinner later with your Mom,” tugon ko.
Seryoso ang mukha ko. Mas pinili kong hindi komprontahin si Gerald dahil baka may dahilan siya at baka kakilala naman namin ang babae na kasama niya kasi nakatakikod ang babae, kaya hindi ko lang makilala.
Tumingin siya sa akin pero agad din niyang ibinalik ang kaniyang mga mata sa daan.
“O-okay,” sagot niya.
“Please, don’t talk to Gerald, I’ll take care of it,” saad ko.
Suminghap si Alexis.
Kahit nag-alangan si Alexis, tumugon pa rin ito sa aking paki-usap.
“Pero once na naulit iyan, hindi na ako makakapagpigil,” giit niya.
Ngumiti ako.
“Thank you, I’m much grateful having a friend like you,” sambit ko.
Alexis chuckles, “I am beyond grateful that I am your friend,” He said.
Kapwa kami nagtawanan at ilang minuto lang ang lumipas ay nasa Tito Chef’ Restaurant na kami.