Chapter 38

1286 Words
"Wait..." wika in Alexa. Hindi makapaniwala si Alexa sa kaniyang narinig. "As what I thought," ani ni Alexis. Umiyak naman si Tita Gladys. "I'm sorry," wika nito. Niyakap ito ni Alexa, "No, Mom," Napa-iyak na rin siya, "You did great all of these years," Mas lalong silang naiyak. "Mga anak," sambit ni Tito George. Tumingin ng masama si Alexa sa kaniyang ama. "Patawarin niyo kami sa pagtatago ng totoo niyong pagkatao," wika nito. Napasinghal si Alexa. "Do you think, that we eventually accepts that woman as our mother?" aniya. "Alexa," sambit ni Tita Gladys. "No, I know it will be hard," tugon ni Tito George. "I'm sorry but this woman," tukoy ni Alexa kay Tita Gladys na siyang nagpalaki sa kaniya, "Is the only one mother I have," nangingilid ang kaniyang mga luha na nasa mga mata niya. "Come on, Mom," sambit ni Alexa. "But..." wika ni Tita Gladys. Hinigit ni Alexa ang kamay nito ay akmang aalis. Tumingin ito kay Alexis, "Alexis, don't you want to go with us?" aniya. Hindi alam ni Alexis ang gagawin. "Alexa, I know something is up from the time Mom and Dad is arguing before," turan ni Alexis. Hindi makapaniwala ang mukha ni Alexa sa narinig mula sa kaniyang kambal. "So, you didn't tell that to me," tugon ni Alexa. "Sorry, but I wasn't sure to that before," sagot ni Alexis. Habang nag-uusap ang kambal ay napatingin ako ngayon sa sinasabi ng kanilang ama na tunay nilang ina. Umiiyak na rin ito at nagtatago pa rin sa likod ni Tito George. May sinasabi si Aling Pina kay Tito George ngunit hindi ko iyon marinig dahil sa sobrang hina niyang magsalita. Kumapit ito ng mahigpit kay Tito George samantalang si Tito George naman ay hinawakan ang kamay ni Aling Pina na nakakapit sa kaniyang braso. Kung mapapansin ko ay mas mahal talaga ni Tito George si Aling Pina kaysa kay Tita Gladys na siyang nakasama niya sa iisang bahay. Ibinalik ko ang aking tingin sa pwesto nila Alexa na ngayon ay nag-iiyakan. "No, I cannot accepts that woman," giit ni Alexa. "Ako rin, alam kong hindi ko siya agad matatanggap," saad ni Alexis. "I'll take a dna test," wika ni Alexa. Nagulat naman sila sa tinuran ni Alexa. "I can't just accept that because you just told us," aniya. Masamang tingin ang ipinukaw ni Alexa kay Aling Pina. "Sorry but for me, you're just some random stranger," turan niya. Napayuko si Aling Pina, "Patawad," mahina nitong sambit. Natawa naman si Alexa, "Nagpapa-awa ka na naman ba? Sorry but it will not works at me," Inismiran niya si Aling Pina. "H-hindi..." sagot ni Aling Pina, "Alam ko naman na hindi niyo ako matatanggap," aniya. "Alexa, please consider Josephine," sambit ng kaniyang ama. Napangisi si Alexa, "I don't want to hear that," saad niya. Natahimik si Aling Pina. "I think I should go," wika ni Tita Gladys. Nakaka-isa pa lamang siya ng hakbang ay agad itong pinigilan ni Alexa. "Mom, I'm coming with you," sambit niya. "No, you should talk about it," giit ni Tita Gladys. "No, kahit anong paliwanag pa niyan," Tumingin ito kay Aling Pina, "You're still my mom," turan niya kay Tita Gladys. Hindi matanggap ni Alexa na ibang babae ang kaniyang tunay na ina. "I'm sorry, Dad..." Hinawakan din ni Alexis ang kamay ng kaniyang ina, "Thank you for telling us the truth but we have our one and only Mom," Ngumiti ito ng mapakla sa kaniyang ama at sa tunay niyang ina. "Kung gusto niyong makilala ng lubos si Pina, maari kayong magpunta rito," wika ng kanilang ama. Nasa likuran pa rin ni Tito George si Aling Pina na tila walang lakas na loob para ipagtanggol ang kaniyang sarili. Kinalabit siya ng Tito George para mabigyan ng pagkakataon na magsalitang muli. Tumanggi ito. Mukhang ayaw talaga ni Aling Pina na magsalita. "George, tomorrow you'll receive the divorce papers," sambit ni Tita Gladys. Tumango naman ito. "As you know, you can't have any of the properties we bought, right?" dagdag pa ni Tita Gladys. "Yes, I know what I signed before," tugon ni Tito George. "About the kids, they're already older enough to decide by themselves," saad ni Tita Gladys. "Yes, we know, and we are willing to wait," Ngumiti ito sa kambal ngunit ang kambal ay walang reaksiyon doon. "Mom, let's go," saad ni Alexa. Naglakad na sila palabas. Tumingin sa akin si Alexa at sumenyas sa akin ng, 'tara na' kaya naman sumenyas din ako kay Alexa nang 'sandali lang' tumango naman ito at tuluyan nang lumabas. Nagpaalam muna ako sa mag-ama na sina Mang Ruben at Raul. "Mauna na po kami, salamat na rin pala," wika ko. Ngumiti naman sila sa akin. "Mag-iingat kayo," saad ni Mang Ruben. Ngumiti ako at tumingin kanila Tito George. "Mauna na po kami Tito George, Aling Pina, paumanhin po," sambit ko. "Ay sige, Christine, pakisabi naman sa kambal na maari silang magtungo rito kung nais nila," aniya. "Mag-iingat kayo," saad ni Aling Pina. "Salamat po," tugon ko. Palabas na sana ako nang sumabay na sa akin sina Mang Ruben. "Tara na iha, sabay na tayo," wika nito. "Sige po," tugon ko. Nasa labas na kami at wala na roon sina Alexa. "Ay, nauna na pala silang maglakad," wika ko. "Samahan na kita sa paglalakad," wika ni Raul sa akin, "Tay, hatid ko lang po muna," Tumingin siya sa tatay niya. "Osiya, sige, ingat kayo ulit," saad ni Mang Ruben. Kumaway na ako kay Mang Ruben, at nang mapatingin ako sa bahay ni Aling Pina, nakita ko itong nakadungaw sa bintana, ang kaniyang mga ay malungkot at walang kabuhay-buhay. Nalungkot ako. Nalungkot sa magkabilang panig. "Ano pa bang ginagawa mo diyan?" tanong ni Raul na nasa unahan ko na. Natawa ako ng bahagya, "Wala naman," Nauna na akong maglakad kasunod si Raul. Habang nasa daan kami ay napatanong ako kay Raul tungkol kay Aling Pina. "Anong klaseng babae ba si Aling Pina?" tanong ko. Tila nag-isip naman si Raul. "Ano nga ba?" mahinang bigkas niya. Tumawa ako. "Alam ko na!" bulalas nito. Hinayaan ko lang siyang magsalita habang naglalakad kami. "Mabait iyon, mapangkawang-gawa at tumutulong sa mga bata," wika nito. Matulungin pala si Aling Pina, marahil ay naalala niya ang kambal niya na hindi niya nakakasama. "Matagal na ba siya rito?" tanong ko. "Oo, simula bata ako nandito na siya," sagot niya. "Wala ba siyang kasamang kapamilya rito?" usisa ko. "Mayroon, yung pamangkin niyang lalaki, siya nag-aruga no'n nang mamatay ng kapatid niyang lalaki," tugon nito. "Bakit wala rito?" tanong ko. "Nasa Maynila, nagtatrabaho," aniya. Tumango ako. "Dati madalas umuwi rito 'yon, ngayon hindi na, siguro mga tatlong buwan na," aniya. "Kaya pala baka naging abala sa trabaho," sambit ko. "Siguro nga..." Huminto ito, "Maiba naman tayo," Naglakad siyang muli, "Anong trabaho mo sa Maynila?" tanong niya. "Isa akong pintor," sagot ko. "Maganda pala ang trabaho mo," aniya. "Hindi naman, passion lang naman ang pagpipinta ko," saad ko. "May boyfriend ka na ba?" tanong niya. Napahinto naman ako. Bakit naman bigla niyang naitanong sa akin iyon. Nang mapansin niyang huminto ako sa paglalakad ay napatingin siya sa kaniyang likuran. "Bakit ka huminto? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" tanong niya. Umiling ako at ngumiti. "Nabigla lang ako sa tanong mo," sagot ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. "Mayroon," saad ko. Itinaas ko ng kaliwang kamay ko para ipakita na may suot na akong singsing. "Malapit ka na palang ikasal," wika niya. "Oo," sambit ko. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay biglang lumitaw sa harapan namin si Alexis. "Ang tagal mo naman," wika nito. "Nagpaalam pa kasi ako sa mga tao roon," saad ko. "Gano'n ba," aniya. "Sila Tita ba?" tanong ko. "Nasa sasakyan na," sagot niya. "Raul, salamat," wika ko. Ngumiti ako at napangiti naman sa akin si Raul. "Halika na," sambit nito. Medyo naiinis ang pananalita ni Alexis, hindi ko alam kung bakit. "Teka, magpaalam na muna tayo sa kaniya," wika ko. Nakaturo ako kay Raul na ngayon ay dumi-distansiya sa akin. "Pare, salamat pala kanina," saad ni Alexis. Hindi pa man nakakasagot si Raul ay muling nagsalita si Alexis. "Salamat na rin sa pagsama kay Christine sa paglalakad," aniya. Hinigit ako ni Alexis at inakbayan. Nabigla ako pero hindi ko iyon ipinahalata. "W-wala iyon," sagot ni Raul. "Sige, mauna na kami, bumalik ka na roon, pakisabi na lang ulit kay Mang Ruben na salamat," saad ko. Ngumiti ito sa akin, "Sige, mag-iingat kayo," Kumaway ito sa amin. Kumaway na rin ako at tumalikod. Naglakad na kami ni Alexis habang naka-akbay siya sa akin. Nang makalayo na kami ay bahagyang itinaas ko ang balikat na inaakbayan niya. "Sorry," aniya. Tinanggal niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. "Para saan iyon?" tanong ko. Tinutukoy ko ang pag-akbay niya sa akin sa harapan ni Raul. "Uma-aligid-ligid kasi," sagot niya. Binigyan ko siya ng tingin na hindi naniniwala. "Baka kung ano ang mangyari sa iyo rito, magalit pa sa amin si Gerald," saad niya. Gaya nga ng hinala ko, iyon ang kaniyang isasagot sa akin. Napa-ngiti ako. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko. "Salamat," wika ko, "Pero ayos lang ba kayo?" tanong ko. "Magiging ayos lang ako, may kutob na ako dati kaso hindi ko iyon mapatunayan," saad niya. "Malalagpasan niyo rin iyan," wika ko. "Oo naman, kasama ka namin, eh," tugon niya. Binilisan na namin ang paglalakad at agad na nakarating sa pinaradahan namin kanina. "Saan sila Alexa?" tanong ko. Naabutan namin na sasakyan na lang ni Alexis ang narito. "Teka tatawagan ko," turan nito. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Alexa. "Saan kayo?" bungad niya. "Ano?!" wika niya. Nagtaka ako. Sumenyas naman ito sa akin at inilagay sa loud speaker ang tawag. "Ang tagal niyo kasi," sagot ni Alexa. "Kailangan kong pakalmahin si Mommy," dagdag pa nito. "Magkita na lang tayo sa condo, paki-hatid na lang si Christine, magtetext kamo ako sa kaniya," Ibinaba na ni Alexa ang tawag. "Tara na, hapon na, aabutin tayo ng traffic jam," wika ni Alexis. Wala na akong nagawa, sumunod na ako sa kaniya sa loob ng sasakyan. Pinaandar na ni Alexis ang kaniyang sasakyan at nagbiyahe na kami pa-Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD