Chapter 36

1833 Words
Nagkagulatan ang lahat. Palipat-lipat ako ng tingin. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang unang magsasalita. Pabukas na sana ako ng aking bibig nang maunang masalita ang Aling Pina na mukhang bata pa. “Kayo na ba iyan?” aniya. The twin’s frowned. Tila nagtataka na nagagalit ang mga ito. “Who are you?” tanong ni Alexis. Nagtanong ito na may bakas ng pagtataka. “Yeah, who the f— are you?” sambit ni Alexa. Sa pananalita naman ni Alexa ay mararamdaman mo ang galit. “L-let me explain,” saad ng kanilang Ama. Naglakad ito patungo sa kambal. Hindi lumapit si Alexa rito samantalang si Alexis naman ay nakatitig lamang, walang bahid ng emosyon. Huminga ng malalim ang kanilang Ama at sinenyasan ang babae na lumapit na rin. Lumapit naman ang babae sa kanila. “This is Josephine,” saad ng kanilang Ama. Ngumiti naman si Aling Josephine o mas kilalang Pina sa lugar na ito. Nag-alinlangan ako. Bakit naman ngingiti pa sa mga anak nito ang kaniyang kalaguyo. Parang may mali dito. “Don’t smile, your a home wrecker,” sambit ni Alexa. Kontrolado ni Alexa ang lakas ng kaniyang boses kaya naman hindi nahalata at narinig ng mga kapitbahay iyon. Samantalang si Alexis ay nakatingin lang sa kaniyang Ama at kay Aling Josephine. Nagalit naman ang kanilang Ama sa sinabi ni Alexa. Mas lalo akong naguluhan... “Alexa, stop it, it’s not what you are thinking,” wika ng kanilang Ama. Hinawakan naman ni Aling Josephine ang balikat ng Ama nila Alexa. “George,” aniya. Umiling-iling ito habang nakatitig kay Tito George. “Let’s go inside first,” sambit nito. “No, why we should? Is she ashamed? Wow,” saad ni Alexa. Alexa smiled bitterly and bites her upper lips. “No, just please don’t cause any trouble here,” turan ng kanilang Ama. Tila nag-aalala si Tito George sa nangyayari. Hinawakan ko ang kamay ni Alexa. Pinisil-pisil iyon. Hininaan ko ang aking boses. “Alexa, we should go inside, I guess,” bulong ko. “Why?” aniya. “You guys need to talk privately,” saad ko. Tila nahimasmasan si Alexa sa aking sinabi. Naudlot ang gustong sabihin ni Alexa nang magsalita si Alexis. “We will listen to all your explantions,” ani ‘to. Ngumiti si Tito George at pinapasok kami sa loob. Wala ng nagawa pa si Alexa kung hindi sumunod papasok sa loob ng bahay ni Aling Josephine. Malawak ang loob ng bahay kumpare kapag nasa labas ka. Namangha ako ng bahagya dahil sa simpleng pamumuhay rito. “Maupo na muna kayo,” sambit ni Aling Josephine. Umalis ito at nagtungo marahil sa kusina. Naupo naman kaming tatlo sa parang sofa na upuan pero gawa sa kawayan at sa harapan namin ang kanilang Ama na nakaupo na rin. “What’s this all about?” tanong ni Alexis. Mahinahon ang pananalita ni Alexis at kalmado rin ito. “Pina is my childhood friend,” saad ni Tito George. “Why are you here without giving us some noticed?” tanong muli ni Alexis. “Something came up,” sagot nito. “Lame excuses,” sambit ni Alexa. Medyo naiirita na naman si Alexa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at magagawa ko para mapagaan ang pakiramdam ng aking mga kaibigan dahil nahuli nila sa akto ang kanilang Ama na may kasamang ibang babae. “I didn’t tell this to your Mom,” Napayuko ito, “I know she’ll get mad knowing this,” Tumingala ito at ngumiti. “Oh great, now our family will be ruin,” saad ni Alexa. Sinuway naman siya bigla ni Alexis dahil sa inaasal nito. “Alexa, stop it, your not helping,” turan ni Alexis. “Helping for?” tugon nito. “Your not helping us to know the truth, so please, shut up,” saad ni Alexis. Seryoso ang itsura ni Alexis. Ngayon lang namin nakita na gano’n kaseryoso ito. Napatikom si Alexa, nalinawan ata ang kaniyang isip at nakinig na lamang. “I’m sorry,” saad ng kanilang Ama. Hindi nila ito sinagot bagkus nagtanong ng kakaibang tanong si Alexis. “Is our family broken?” aniya. “O-of course not, I love you as well as your Mom,” giit ng kanilang Ama. Natawa naman si Alexa. “Love?” sambit ni Alexa. “Yes I do,” sagot ni Tito George. “If you do, why are you with another woman?” tanong niya, “I still don’t get the idea,” dugtong niya pa. Nag-cross legs si Alexa sa pagkakaupo. Ilang sandali pa ay bumalik na sa sala si Aling Josephine na may dalang tray at sa ibabaw no’n ay may pitchel at mga baso. Inilpag nito ang tray sa ibabaw ng lamesa at kaming naroroon ay inalok ng maiinom. “Uminom na muna kayo,” wika nito. Ngumiti ito sa amin at saka inisa-isa ang paglalagay ng mga baso sa bawat tapat namin. Hindi sumagot ang kambal sa kaniya, bagkus ay inismiran lamang siya ni Alexa. “Ay, thank you po,” wika ko. Kinuha ko ang baso at binuhusan naman ito ng juice ni Aling Josephine. “Pagpasensyahan niyo na, teka,” aniya. Kinuha nito ang tray at umalis. Naiwan lamang sa ibabaw ng lamesa ang apat na baso at isang pitchel. Kinuha ko ang isa at ininom. Nakakahiya kasi kung hindi ko iyon tatanggapin. “Bessy, inom na kayo...” Tumingin ako kay Alexa, “Alexis,” at tumingin din kay Alexis. Umiling lang sa akin ang dalawa. Napangiwi ako. Humarap na lang ako kay Tito George para alokin ito. “Tito, inom po muna kayo,” wika ko. Ngumiti si Tito sa akin, “Salamat, Christine,” Kinuha nito ang baso at nilagyan ko naman ng laman. “Maari mo bang tapusin ang paliwanag mo?” wika ni Alexis. “Kapag hindi mo sinabi ang buong detalye, mapililitan kaming kasuhan ang babae mo,” saad ni Alexa. “No, don’t,” sagot ng kanilang Ama. Tila nag-panicked ang kanilang Ama. “Don’t you remembered her?” tanong ng kanilang Ama. “No,” sagot ni Alexis. Muli naman na bumalik sa sala si Aling Josephine na may dalang makakain. Natahimik ang tatlo, walang gustong magsalita nang sandaling iyon. “Wow, fresh fruits,” sambit ko. Ngumiti ito pagkapalag niya ng mga dala niyang prutas. Kasama ni Aling Pina si Raul na may bitbit na isa pang tray ng mga prutas. “Sabi ko na nga ba, ang hinahanap niyo ang kasamang lakaki ni Aling Pina,” saad ni Raul. Nailang ako pero pinilit pa rin na ngumiti sa harap nito. “Oo, salamat,” tugon ko. Nagpaalam naman na si Raul sa aming lahat. “Mauna na muna ako, magpapakain pa ako ng mga alagang hayop,” aniya. Tumango naman ako. “Aling Pina, punta ka na lang po sa bahay kapag may kailangan ka pa po,” saad niya. Ngumiti naman si Aling Pina at humarap sa amin. “Hatid ko lang siya sa may pintio,” saad ni Aling Pina. Walang kumibo sa kambal. Nalungkot ang mukha ni Aling Pina. Ngumiti lang ako sa kaniya at napangiti itong muli, humarap siya kay Tito George at tuluyan nang inihatid sa may pinto si Raul. Wala pa ring nagsasalita sa mag-ama. Kinuha ko isang hiwa ng pakwan at kumain. “Alexa, try this,” wika ko. Ngumiti lamang sa akin si Alexa. Nakaramdam ako na mali ang pagsama ko rito pero nakaramdam din ako ng lungkot para sa kaibigan ko kaya tama na rin na sumama ako para may umawat kay Alexa kung sakali man. Nagsimula na naman na magsalita si Alexis. “Are you in love with that woman?” tanong nito. Tumango ang kaniyang Daddy. “Since we were kids,” sagot nito. “Then why did you marry, Mom?” wika nito. “Arranged marriage,” sagot nito. “How long have you been in a relationship?” tanong niyang muli. Hindi sumagot ang kanilang Ama. “Did you cheated on Mom?” tanong ni Alexa. Umiling ang kanilang Ama. “Please don’t hate her,” wika ng kanilang Ama. Nag-aapoy na sa galit si Alexa pero pinilipit lamang nito na huminahon. “Please don’t defend her, you are not her attorney, Dad,” saad ni Alexa. “Have we been here before?” tanong ni Alexis. Nabigla kami sa katanungan na iyon ni Alexis. Ngumiti ang kaniyang Ama, “May naalala ka ba?” “A liitle bit,” sagot ni Alexis. “Hey! What are you talking about?” turan ni Alexa. “7th birthday,” tugon ni Alexis. Naguluhan si Alexa. “You mean...” naudlot ang kaniyang sinasabi Tumango naman si Alexis. Natahimik si Alexa at pilit inaalala ang kanilang pang pitong kaarawan. Ilang sandali pa ay napailing ito. “Huwag ninyong pilitin alalahanin,” sambit ng kanilang Ama. “Please, Dad,” wika ni Alexis Palipat-lipat ako ng tingin at nagulat ako kay Alexa. Napasinghap si Alexa at napatakip ng kaniyang bibig. “No way,” aniya. Napatingin kaming tatlo sa kaniya. “Why?” tanong ko. Nag-aalala kong tanong kay Alexa, paano ba naman grabe kung magulat. “I remembered her, she’s our nanny?!” turan niya. Napangiwi si Alexis nang marinig iyon samantalang ang kanilang Dad na si Tito George ay napapikit ang ga mata at pinalo ng mahina ang kaniyang noo. “O-o tama siya ang inyong nanny,” sambit ng kanilang Ama. Tila nag-alangan pa ang kanilang Ama sa pananalita pero nakuha pa rin nito na kumalma. “Is it true, Dad?” tanong ni Alexis. Inulit naman nang muli nito ang kaniyang tanong sa Ama. “What do you think, son?” sambit ng kaniyang Ama. “I don’t know what to think, we’re only seven that time,” tugon ni Alexis. Inikot ko ang aking paningin habang nakikinig sa mga-aama, napansin ko si Aling Josephine na nakasilip mula sa gilid ng pader na kawayan. Hindi ko ito lumalapit sa amin. Maya-maya pa ay biglang may babae na pumasok sa loob ng bahay. Sinambunutan si Aling Josephine ng babae na kakapasok pa lamang. “Walang hiya kang babae ka!” bulyaw nito. Tumayo si Tito George at tumakbo patungo sa malapit ng pinto kung saan naroroon sina Aling Pina at ang babae. Inaawat ito ni tito George. “Gladys, stop it,” wika ni Tito. Pilit pinaglalayo ni Tito ang dalawa, kasabay no’n ang pagdepensa niya kay Aling Pina para hindi ito mapuruhan sa mga sampal na binibigay sa kaniyang pisngi ni Tita Gladys. “Mom?!” Sabay na bigkas ng kambal at tumayo ito para pigilan ang kanilang Ina na hindi nagpapa-awat sa pagsambunut at pagsampal kay Aling Pina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD