Chapter 37

1677 Words
Tila nanonood ako ng palabas sa isang tanghalan na ang mga gumaganap ay mga dalubhasa. “Mom, stop it!” sambit ni Alexis. Habang pinipigilan nila Alexis at ng kaniyang Ama ang ginagawang pag-sambunot ni Tita Gladys kay Aling Pina, si Alexa naman ay nakisali at nakitulong sa kaniyang Ina sa pananambunot dito. “Tama na,” wika ni Aling Pina. Mangiyak-ngiyak na si Aling Pina ngunit hindi ito lumalaban kay Tita Gladys na ngayon ay nagngingitngit sa galit. Hindi nila ito maawat. “Gladys, please, let go,” sambit ni Tito George. Nagmamakaawa na ito kay Tita Gladys, mababatid sa mukha ni Tito ang nadaramang awa sa p*******t nila kay Aling Pina. “Alexa, stop grabbing that woman’s hair, take Mom away!” bulyaw ni Alexis. Patuloy pa rin sa pananambunot ang mag-ina, naawa ako kay Aling Pina. “Why would I stop? I need to help Mom,” tugon ni Alexa. Nang marinig ko iyon ay nakisali na ako, hindi sa p*******t kay Aling Pina kung hindi para hugutin sa kaguluhan si Alexa. Hinawakan ko ang mga kamay ni Alexa na mahigpit na nakakapit at hinihila ang mga hibla ng buhok ni Aling Pina. “Please, Alexa, stop,” wika ko. Hindi pa rin iyon napigilan si Alexa pero naibsan naman ang lakas ng pananambunot nito. “Bessy, huwag ka nang makisali rito!” sigaw ni Alexa. Bumitaw ako, hindi dahil sinunod ko ang sinabi ni Alexa kung hindi para lumabas at humingi ng tulong sa ibang mga tao. Iniwan ko ang limang tao na nagkakagulo roon, agad akong nagtungo sa tirahan nila Mang Ruben. Hindi na ako kumatok sa kanilang pinto, dumiretso ako agad sa loob. Nagulat sa akin ang mag-anak sa biglaan kong pagsulpot sa kanilang tahanan. Natigil sila sa kanilang pagkain. “Ikaw ang babae kanina,” bulalas ni Raul. Hingal na hingal ako dahil napatakbo ako. Hindi naman kalayuan ang kanilang bahay mula kay Aling Pina. Napansin naman agad ni Raul ang hindi maipinta kong mukha kaya agad itong lumapit sa akin. Samantalang ang kaniyang ina ay nagtataka. “Sino ka ba at bakit ka bigla na lamang pumasok sa aming bahay?” tanong ng ina ni Raul. Tumayo si Mang Ruben at pinakalma ang kaniyang asawa. “Siya ang sinasabi namin kanina ng anak mo,” aniya. “Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Raul. Sumenyas ako. Huminga nang malalim. “Tulong,” sambit ko. Pagkasabi ko no’n ay agad na kinuha nila Mang Ruben at Raul ang kanilang itak. “Pa? Saan kayo tutungo?” tanong ng bunsong kapatid ni Raul. “Dito lang kayo ng mama mo,” sagot ni Mang Ruben. “Pasensiya na po,” wika ko sa asawa ni Mang Ruben. Naiwan ang mag-ina ni Mang Ruben sa kanila at sumunod sa akin papunta sa bahay ni Aling Pina. Habang tumatakbo kami ay nagtatanong ang mag-ama sa nangyari. Hindi ko sila masagot dahil hindi ko alam kung papano ko sasabihin ang nangyari sa sobrang haba nito. Nakapasok na kami sa loob at nadatnan na hindi pa rin nila naalis sa pananambunot ang dalawa. Sumigaw si Mang Ruben at itinaas ang kaniyang itak. “Hindi ba kayo titigil?!” wika ni Mang Ruben. Nagulat sila Alexa at napahinto. “Bitiwan niyo si Pina,” sambit ni Mang Ruben. Nakatingin sila Alexa sa hawak na itak ni Mang Ruben kaya napabitaw ito, samantalang si Tita Gladys ay hindi nagpapigil at tuloy pa rin sa pananambunot. Lumapit si Mang Ruben, kaya naman pilit pinapatigil nila Tito George si Tita Gladys. “Gladys, stop it,” sambit nito “Mom, please,” wika ni Alexis. Nagmamakaawa na ang mag-ama kaya naman huminto rin sa wakas ito. “We’re not done yet,” ani ‘to. Nagbabanta pa rin si Tita Gladys rito, at tumingin kay Mang Ruben. “You want to kill me?” sambit nito. Umiling si Mang Ruben. “Hindi, nais ko lang pigilan ang inyong ginagawa kay Pina,” tugon ni Mang Ruben. Itinayo naman ni Tito George si Aling Pina na nakasalampak na halos sa sahig. “I’m sorry,” sambit ni Tito George. Hinahaplos haplos nito ang mukha ni Aling Pina. Akmang susugurin ito muli ni Tita Gladys nang magsalita si Mang Ruben. “Isa pang hakbang, baka maituloy ko na ang pag-itak sa mga kamay mo,” saad nito. Napa-atras si Tita Gladys dahil sa narinig. Inalalayan ni Tito George si Aling Pina papunta sa kinatatayuan ni Mang Ruben. “Dad, are you choosing that woman than Mom?” tanong ni Alexa. Hindi tumingin si Tito George tanging ang mga mata niya ay nakatuon lamang kay Aling Pina, “Kung patuloy pa rin na sasaktan ng Mommy mo si Pina...” Humarap ito kay Alexa, “Yes, I will choose her over your Mom,” seryoso nitong sabi. Napa-iyak si Alexa. “Are you serious, Dad?” tanong ni Alexis. Kung kanina ay kalmado lang si Alexis ngayon na narinig niya iyon mula sa kaniyang ama ay tila gusto na rin maglabas ng galit para sa babaeng pinili ng kaniyang ama. Taas noo na nagsalita si Tita Gladys, “Well, then...” Pumikit ito, “I’ll send the divorce papers,” Humarap ito sa mga anak niya at umiyak. Ang sakit makita na masisira ang pamilya ng iyong kaibigan. Saksi ag dalawang mata ko na sa isang saglit gano’n na lamang ang kahihinatnan ng lahat. “You’re unbelievable, Dad,” sambit ni Alexis. Tila nawala ang mataas na respeto nito para sa kaniyang ama. Napapaloob sa kaniyang pananalita ang pagkadismaya sa kaniyang ama. Nagsalita naman na si Aling Pina, “George, ayos lang ako, balikan mo na ang iyong pamilya,” nakangiti nitong sabi. Mas lalong nainis si Alexa nang marinig iyon, “Nagpapa-awa ka marahil kay Daddy kaya ka niya pinili,” Galit niyang kinompronta ito. “H-hindi,” sagot ni Aling Pina. “Yes, you are, such a w***e,” wika ni Alexa. Hindi na nakapagtimpi si Tito George sa inaasal ngayon ni Alexa, binitiwan nito si Aling Pina at lumapit kay Alexa. Nagulat kami sa ginawa niyang pagsampa rito. “Ganiyan ba ang itinuro sa iyo ni Gladys?” tanong nito. Nagulat si Alexa at hinawakan ang kaliwang pisngi na namumula-mula pa mula ss pagkakasampal. “Dad!” sigaw ni Alexis. Inilayo niya si Alexa sa harapan ng kaniyang ama. “Ganiyan ba ang tinuro sa iyong gawin mo kay Alexa?” wika ni Alexis. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Alexis na ngayon ay masamang tinitignan si Aling Pina. “Marahil ay panahon na,” sambit ng kanilang ama. “No,” umiiling na sambit ni Tita Gladys. “Huwag,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Aling Pina. Sabay nilang binigkas iyon pero hindi iyon pinansin ni Tito George. “Nasa tamang edad na kayo...” Huminga ito at ibinuga ang hangin ng malakas, “Wala sana akong balak na ibunyag ang katotohanan pero napilitan na ako dahil kay Gladys,” aniya. Naguguluhan na ang kambal, gayon din kami na nanonood at nakikinig. “George, no, please,” saad ni Tita Gladys. “I said that, too,” sagot ni Tito George. Lumapit si Aling Pina kay Tito George para pigilan. Hinawakan niya ang braso ni t**i George, “No, don’t,” aniya. “I need to, para hindi ka na nila isapan ng masama,” sambit nito. Naglakas loob si Alexis. “Then say it,” utos nito. Tumingin si Tito George kay Tita Gladys at Aling Pina. “I’m sorry, but U had to tell our children about the truth,” aniya. Tahimik lang ang kambal, hinihintay ang sasabihin ng kanilang ama. “You remember her as your nanny, right?” wika nito. Tumango naman ang kambal. “Well, that’s true, she’s been your nanny since you were born,” saad pa niya. “Because...” naudlot ito nang pigilan siya ni Tita Gladys. “Don’t you dare,” aniya. Dinuro-duro naman nito si Aling Pina, “Is this you plan all along?” Papalapit ito roon at humarang naman si Tito George sa harapan ni Aling Pina, “What? Are you sure you want to leave the life of having lots of money?” tanong nito kay Tito George. “George,” sambit ni Aling Pina mula sa likod. “Yes, I can live without that money,” sagot ni Tito George. “Mom, please stop,” saad ni Alexis. Hinili niya ang kaniyang ina palayo sa kaniyang ama. “Mom, we want to know the truth,” sambit nito. Kahit gustuhin na intindihan ni Tita Gladys ang nararamdaman ng kaniyang anak, ay mas pinili pa rin nito ang kaniyang dignidad. “I’m sorry but I can’t let that happen,” tugon ni Tita Gladys. Nag-alangan si Alexis kaya naman si Alexa na ang nagsalita. “Mom, whatever the truth that Dad’s want to reveal, you’re my one and only Mom,” aniya. Naluha na nang tuluyan si Tita Gladys at niyakap si Alexa. Isa na iyon sa mga senyales na kanina pa inaabangan ni Alexis. “I want to hear it out from Dad,” saad ni Alexis. “Well, I guess, I can’t keep that secrets forever,” sambit ni Tita Gladys. Humarap ito kay Tito George at binigyan ng senyas para sabihin na ang totoo. Tumingin si Tito George kay Aling Pina na nasa likuran niya. Umiiling si Aling Pina at ayaw pa rin ipaalam ang totoo pero ngumiti lamang si Tito George sa kaniya. “The kids need to know, and I know they already had a feeling about this,” sambit niya. Humarap na siya sa kambal. “Josephine, gave birth to you and Alexa,” turan ni Tito George. Lahat kami ay nagimbal sa tinuran ni Tito George, maging sina Mang Ruben at Raul na kasama namin dito sa loob ng bahay ay nagulat rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD