Chapter 35

1513 Words
After some minutes of driving, we finally reached our destinations. “Is this the place?” tanong ko. Napangiwi si Alexis. “I think so, the app says this is the right place,” tugon ni Alexis. “If that so, we need to get out of this car, and walk,” turan ni Alexa. Sumang-ayon naman kami, kinuha at dinala ang mga mahahalagang gamit namin. “Teka, puwede ba mag-parada dito?” tanong ni Alexis. Nakalabas na kami sa kotse at inilibot ang paningin sa paligid. Nagkibit-balikat kami ni Alexa dahil hindi rin namin alam. I looked around, I feel so refresh because of the trees and plants that surrounds us. Ilang sandali pa ay may paparating na dalawang lalaki. We wait until they reach our spot. “Excuse me,” wika ko. Lumapit sa aking pwesto si Alexa at gumild sa akin. “Ano po iyon?” tanong ng isang lalaki. Kung ako ang tatanungin, mukhang nasa edad na bente ito hanggang bente singko. Maganda rin ang pangangatawan kumpare sa kasama nito. “Maari ba muna kaming magparada ng aming sasakyan dito?” wika ko. Tumango naman ng sabay ang dalawang lalaki “Maari naman po,” tugon ng isa pa. Pinagmasdan ko ito, base sa pangangatawan nito ay nasa trenta anyos na. Maganda naman sana ang pangangatawan nito pero malaki ang kaniyang tiyan, marahil ay panay inom ng alak. “Oh great!” bulalas ni Alexa. “Then we’ll leave this car here,” saad ni Alexis. Ibinalik ko ang aking tingin sa dalawang lalaki. “Salamat po,” sambit ko. “Thank you,” saad ni Alexa. Akmang aalis na ang dalawang lalaki nang pigilan sila ni Alexis. “Wait,” sabi ni Alexis. Umikot naman sa kinaroroonan namin si Alexis. Huminto naman ang dalawa at hinintay ang sasabihin ni Alexis. Inilabas ni Alexis ang kaniyang cellphone at may ipinatingin sa dalawa. “Did you see him?” aniya. “See? Nakita ba iyon?” tanong ng isang lalaki na may magandang pangangatawan. “Oh, sorry,” sambit ni Alexis, “Oo, nakita niyo ba?” aniya. Napakamot naman sa ulo ang dalawang lalaki at nag-usap. “Siya ba yung kasama ni Aling Pina?” tanong ng lalaki sa kasama niya. “Oo ata, siya ata,” sagot ng kasama nito. Muling humarap ang dalawang lalaki kay Alexis. “Ikaw ba ang anak ni Aling Pina?” tanong ng lalaki na may malaki ang tiyan. Alexis frowned. “No, hindi ko po nanay iyon,” tugon ni Alexis. Lumapit naman si Alexa. “Alam niyo ba kung saan nakatira ang Aling Pina na sinasabi niyo?” tanong niya. Tumango ang dalawang lalaki. “Oo, kapitbahay namin iyon,” sagot nila. Ngumiti si Alexa sa kanila. “Pauwi na ba kayo sa inyo?” tanong niya. “Oo, gusto niyo bang sumabay?” tanong ng medyo bata bata na lalaki. Walang anu-ano ay sabay na sumagot ang kambal. “Oo/Yes,” sambit nila. Medyo natawa ako. Twin connection ba ang tawag roon? Sumingit na ako at nagtanong. “Malayo ba ang lalakarin mula rito?” tanong ko. “Hindi naman,” sagot ni nakakatanda. Nauna nang maglakad ang lalaki. “Halina kayo, sumunod sa amin,” sabi sa amin ng nakababata. Sumunod naman kami ng walang alinlangan sa dalawa. Sobrang tahimik lang habang naglalakad kami kaya naman naisipan ko na magtanong na lamang para hindi kami mailang sa isa’t isa. “Magkapatid ho ba kayo?” tanong ko. Tuloy-tuloy lang silang naglalakad. “Hindi, mag-ama kami,” sagot ng lalaki. “Tatay ko iyan,” sagot ng nakababata. “Bakit parang hindi nagkakalayo ang edad niyo?” tanong ko. “Nasa kwarenta na ako, iha,” sagot ng may malaki ang tiyan. Nabigla ako, hindi halata sa itsura niya na gano’n na ang kaniyang edad. “Bente kwatro naman ang edad ko,” saad ng isa pa. “Ako nga pala si Ruben at siya ang aking pangalawang anak na si Raul,” sambit ni Mang Ruben. “Hello po, ako pala si Christine,” wika ko. Humarap sila sa akin at ngumiti. “And this is Alexa and Alexis, kambal po sila,” saad ko pa. Ngumiti naman ang kambal at binati rin sila. “Hello po,” wika ni Alexa. “Halina’t bilisan na natin ang paglalakad, at kami’y manananghalian pa lamang,” saad ni Mang Ruben. I checked my wrist watch, it’s already past 2 in the afternoon. “Hala!” bulalas ko. Nagulat naman ang mga kasama ko at medyo nataranta. Nagsilapitan sila sa akin. Huminto sa paglalakad sila Mang Ruben at kaniyang anak para tignan ako. Samantalang sina Alexis naman ay nagmadali sa paglakad patungo sa akin. “What happened?!” tanong ni Alexis. Natataranta si Alexis habang tinitignan ang buong katawan ko. Bawat parte kasi ay kaniyang tinitignan. “Are you hurt? Where?” tanong nito. Nakahawak ito sa magkabilang braso ko. “I-I’m o-okay,” turan ko. “Are you sure? You’re not hurt?” tanong pa nito. Tumango naman ako. Nabigla ako sa kinilos ni Alexis. “I was just startled to see the time,” saad ko Binigyan ako ni Alexis ng tingin na tila nagtataka. “Time?” tanong niya. “Oo, sabi kasi ni Mang Ruben ay kakain pa lang sila,” tugon ko. Bigla naman binatukan ni Alexa ang kaniyang kambal. “Ano ka medic?” sambit ni Alexa. Umiling-iling ito sa kaniyang kambal habang hinihimas-himas ni Alexis ang parte ng ulo na binatukan ni Alexa. “What was that for?” tanong ni Alexis. “Kanina na nasa loob tayo ng sasakyan, umaarte ka na health nutritionist, ngayon naman ay umaarte ka na tila isang manggagamot,” turan ni Alexa. “I’m just concerned to Christine,” saad niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano pa dahil sa pinag-gagawa ng kambal ngayon. Nagtataka naman ang mag-ama sa kilos ng kambal pero ‘di kalaunan ay natawa. “Gan’yan din kami ng aking kapatid no’n,” saad ni Raul. “Huh?” saad ng kambal. Binigyan nila ng kakaibang itsura sa mukha si Raul. “Nakakatuwa naman kayo, naalala ko tuloy ang kapatid ko,” wika pa nito. “Na saan ba ang iyong kapatid?” tanong ko. “Nasa Maynila, nagtrabaho,” sagot nito. “Kaya pala, matagal na atang hindi nakakauwi?” sambit ko. “Oo, tatlong buwan na,” aniya. “Ituloy niyo na lamang ang pag-uusap habang naglalakad,” saad ni Mang Ruben. Natawa naman kaming apat. “Opo, pasensya na po,” wika ko. Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad. Habang na sa daan ay patuloy pa rin kami na nag-uusap tungkol sa buhay. Sila pala ay limang tao sa pamilya na binubuo ni Mang Ruben, Aling Pasing, Ang ate niya, siya, at isang nakababatang lalaki. Napasarap ang aming mga kwentuhan at hindi ko namalayan na nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Aling Pina— ang sinasabi ng mag-ama na kasama ng Daddy nila Alexa. “Ito ang bahay ni Aling Pina,” saad ni Raul. Nakaturo ito sa dalawang palapag na bahay na yari sa kawayan. Napapalibutan ito ng mga sar-saring halaman. “Doon naman banda ang aming tahanan, maari kayong magpunta kung nais ninyo,” turan ni Mang Ruben. “Sige po, salamat po,” sagot ni Alexa. “Salamat po,” sabay namin na sambit ni Alexis. “Walang anuman, mauna na muna kami,” tugon ni Mang Ruben. Nagpaalam na kami sa kanila. Naglakad na ito patungo sa tinuro nilang bahay. Inilabas naman ni Alexis ang kaniyang phone at tinignan ang gps. “Confirmed,” aniya. Bumuga ng napalakas na hinga si Alexa. “Kakatok na ba ako?” tanong niya. “Go, malakas loob mo,” sagot ni Alexis. Napangiwi si Alexa. “Bakit hindi na lang ikaw? Tutal ikaw ang lalaki,” turan ni Alexa. “Mas mukha ka kasing lalaki kaysa sa akin,” tugon ni Alexis. Mukhang magbabangayan na naman ang dalawa kaya sumingit na ako. “Ako na,” wika ko Natigil ang dalawa at tumango. Napangiti ako sa kambal. Humarap na akong muli sa bahay at naglakad palapit sa may pinto. “Tao po,” wika ko. Walang sumagot. “Tao po?” sambit ko. Maya-maya pa ay may lumabas na isang babae na maganda “Good afternoon po, nandiyan po ba si Aling Pina?” tanong ko. Nagtaka naman ang babae sa akin. “Oo, nandirito, sino ho sila?” wika ng babae. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang matandang lalaki na mataba. “Pina, sino ang naghahanap?” wika ng lalaki Nagulat ako pero mas nagulat ang kambal na nasa likuran ko. Napatikom ako. Hindi dahil bata tignan ang sinasabi nilang Aling Pina kung hindi dahil sa lalaking lumabas. “Dad?” sambit ni Alexa. Napatingin sa amin ang lalaki at nabigla sa kaniyang nakita. “Alexa, Alexis,” wika ng Daddy ng kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD