Chapter 41

1438 Words
Crowded pala ang place na ito marahil ay masarap ang mga hinahain dito. “Christine, its so popular, isn’t it?” sambit ni Alexis. Nakasilip kami ngayon sa restaurant at naghahanap ng mapaparadahan ng sasakyan. “There, there!” sambit ko. Turo ko sa bakanteng parking space sa pagitan ng itim na vios at asul na ford. “Okay,” tugon ni Alexis. Tinungo naman agad ni Alexis ang bakante pwesto at saka siya doon nag-park. “Grabe, full na agad ang parking space nila,” wika ko. “Baka masarap ang luto,” sambit ni Alexis. Bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa restaurant. Pagkapasok pa lang namin ay agad na bumungad ang isang staff ng restaurant. “Good evening!” bati nito. “Good evening,” tugon ko. “This way, please,” aniya. “Ay, hindi na po, I’ll call my friend na lang,” wika ko. “Sige po, enjoy!” tugon nito. Tinawagan ko si Alexa at agad naman itong sumagot sa tawag. “Tayo ka nga,” wika ko. Pinatayo ko ito para madali namin silang mahanap. “Sige,” aniya. Inikot ko ang aking paningin mula sa kaliwang bahagi ng kainan patungo sa kanang bahagi nito. Nang hindi ko siya makita ay muli kong ibinalik ang aking paningin pa-kaliwa at doon nakita ko na nakatayo si Alexa sa gitnang parte ng restaurant. Kumaway ito sa akin at saka ibinaba ang tawag. “Tara na,” wika ko kay Alexis. Ngumiti ako sa staff at saka pinuntahan ang pwesto nila Alexa. Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa makarating kami sa mesa. Nag-besohan muna kami nila Alexa at Tita Gladys saka umupo. “Grabe, ang daming tao,” sambit ko. “Oo nga, nabigla rin ako,” wika ni Alexa. Sumingit naman sa amin si Tita. “Mamaya na kayo mag-usap, mag-order na muna tayo ng makakain,” turan nito. Natawa naman kami ni Alexa at sumunod na lang kay Tita. Kinuha namin ang bawat menu sa harapan at saka namili ng makakain. Nakapili na ako ng makakain ko kaya naman inilipag ko na ang menu book. Napansin naman iyon ni Alexa kaya tumingin sa akin. “Nakapili ka na?” tanong ni Alexa. “Yep, roasted beef fillet and foei…” Ngumiti ako, “And one strawberry shortcake for dessert,” saad ko. Alexa pout her lips, “Buti ka pa, ako hindi makapili dahil lahat mukhang masarap,” aniya. “Nakapili na ba kayo? Tatawag na ako ng waiter,” wika ni Tita Gladys. “Yes, Mom,” tugon ni Alexis. “Call the waiter, Mom,” sambit ni Alexa. Itinaas naman ni Tita Gladys ang kaniyang kanang kamay ng bahagya para makuha ang atensiyon ng isa sa mga waiter na nakatayo sa gilid. Lumapit naman ang isang waiter at binati kami. “Good evening, may I take your orders?” wika nito. “Good evening, I’ll take Thyme Loin Chops, and a bottle of your best seller wine,” tugon ni Tita. Habang sinusulat naman ng waiter ang order ni Tita, si Alexa naman ay nagmadali sa pagpili. Nang matapos na magsulat ang waiter ay sunod naman nitong tinanong si Alexa na abala sa pagtingin ng mga pagkain sa menu book. “What’s yours, Ma’am?” tanong nito. “Oh,” Alexa gasped. Inagaw ko ang atensiyon ng waiter, at ngumiti ako. “Ako na muna,” ani ko. “O-okay,” sagot ng waiter. Nakahanda na ang kaniyang kamay para isulat ang aking order. “I’ll take Roasted beef fillet and foei, and one strawberry shortcake for dessert,” wika ko. Sunod naman na nagsalita si Alexis. “I like to have Surf and turf beef tenderloin,” saad ni Alexis. Tumango-tango naman ang waiter habang sinusulat iyon. “Okay, I’m done,” sambit ni Alexa. Humarap sa kaniya ang waiter at naghihintay sa sasabihin niya. “Grilled rib eye,” aniya. Ngumiti ito sa waiter. Nang matapos na isulat ng waiter ang aming mga order ay inulit niya itong banggitin. “One Thyme loin chops, roasted beef fillet and foei, surf and turf of beef tenderloin, grilled eye rib… and for the dessert one strawberry shortcake and for beverage, a bottle of wine,” aniya. Tumango ako. “Anything you want to add?” wika ng waiter. Nagtinginan kaming apat saka nagsi-iling. “Just serves us with water, thank you,” saad ni Tita Gladys. “I’ll be back with your foods for less than 10 minutes,” wika ng waiter. Ngumiti naman si Tita at tuluyan nang umalis ang waiter. Nang makaalis na ang waiter ay bigla namang inungkat ni Tita ang tungkol sa kambal. “Do you want to know more about your true identity?” saad nito. Natulala ako. Napakagat labi naman si Alexa samantalang si Alexis ay walang ipinakitang emosyon. “Mom,” sambit ni Alexa. “You have all rights to know the truth because you already know,” aniya. “Mom, this is not the right place for that issue,” turan ni Alexis. “Sorry, we’ll talk about it in our house,” sambit ni Tita. “We’ll go home?” tanong ni Alexa. “Yes, in our house,” tugon ni Tita. Mariin nitong binanggit ang salitang house kaya naman hindi na naka-hindi si Alexa sa kaniyang ina. Humarap naman sa akin si Alexis at nagtanong. “Do you want me to take you home?” aniya. “Yeah, sure, thank you,” sagot ko. Ngumiti ito saglit at iniwas ang tingin sa akin. Minsan hindi ko siya maintindihan, magmula pa noong college kami. “So, Hija…” sambit ni Tita Gladys, “I heard that you are already engaged to Gerald,” Ngumiti ito. “Yes po, Tita,” tugon ko. “Kailan ba ang kasal?” tanong niya. “They still don’t have an exact date and place for their wedding,” sagot ni Alexa. Tinaasan naman ni Tita Gladys ng kilay si Alexa. “Are you Christine now?” tanong nito. Alexa started to defend herself. “Well, sorry, can’t help it, Christine is my best friend,” aniya. Natawa naman kami ni Alexis. “Sawsawera kasi,” sambit ni Alexis. Sinamaan naman ito ng tingin ni Alexa. “Ikaw naman para kang rebulto kaya hindi nagkakaroon ng girlfriend,” wika nito. Natahimik kami. Parang below the belt na ang asaran nila. “Okay lang, atleast hindi niloloko,” tugon ni Alexis. Nagkamali ako. Hindi pala below the belt iyon dahil gumanti rin ng asar si Alexis. “Atleast I feel the loved…” saad ni Alexa, “Before they cheated on me,” She pouts her lips. Humagalpak naman sa tawa si Alexis. “Now, you admitted,” sambit nito. Sinuway naman sila ni Tita Gladys. “Stop that, it annoys me,” wika ni Tita. Napatikom ang dalawa pero nag-gagantihan pa rin sa pamamagitan ng pagbuka ng bibig kahit walang tinig na lumalabas. “Hindi ba kayo titigil?” tanong ni Tita sa kambal. Nakatingin pa pala ito sa kambal kaya sa pangalawang pagkakataon ay napatigil sila. “Sa bahay na kayo mag-asaran, huwag dito nakakahiya,” saad nito. Tumango naman ang kambal. Kahit papano ang taas talaga ng respeto nila sa kanilang ina. Makikita na talagang mahal nila ito kahit na nalaman nila na hindi ito ang babaeng nagluwal sa kanila. “So, Christine, magsalita ka na,” aniya. Nanlaki ang mata ko na hindi malaman kung ano ang sasabihin ko. “A-ano kasi Tita gaya ng sabi ni Alexa wala pa pong date and venue,” saad ko. Tumango naman ito. “Pero po balak namin na next year na agad,” wika ko pa. “I see,” tugon nito. “Syempre po hindi kayo mawawala sa listahan,” sambit ko. “I know, you are like my daughter to me,” saad niya. Ngumiti ako. “Thank you, Tita,” tugon ko. Ilang sandali pa ay dumating na ang waiter na may trolley. “Here’s your foods,” wika ng waiter. At isa-isa na nitong inihain sa amin ang mga pagkain. Una niyang inilabas ang order ni Tita, sunod ang sa akin, pangatlo kay Alexis, pang-apat kay Alexa at huli niyang inilabas ang isang bote ng wine at isang pitsel. “Thank you,” saad naming apat. “My pleasure to seeve you,” saad ng waiter. Nagsimula na kaming mag-hiwa ng mga karne. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD