Chapter 42

2149 Words
“Mmm…” ungol ko. “Masarap pala talaga dito kaya pala maraming kumakain,” saad ni Alexis. Nag-mayabang naman si Alexa sa kaniyang kambal habang naghihiwa ng eye rib. “I’m so good, right,” wika nito. Napatigil naman si Alexis sa pagkain niya at tumingin sa kaniyang kambal. “I’m the one who chose this restaurant,” dagdag pa nito. Tumawa naman si Alexis. “Inaangkin ko ba?” wika niya. Natigil na rin sa pagkain si Alexa at binigyan ng masamang tingin si Alexis. “Sinabi ko ba?” sambit ni Alexa. “Hindi mo direktang sinabi pero gano’n ang pagkakarating sa pagkakasabi mo,” turan ni Alexis. Nagpalitan naman sila ng mga salita sa isa’t isa. Para akong nakikinig ng bangayan sa radiyo. Ilang sandali pa ay hindi na nakapagtimpi si Tita Gladys at nagsalita na. “Hindi ba talaga kayo titigil?” saad ni Tita Gladys. Tumingin ito ng masama sa kambal na siyang kinatahimik ng dalawa. “What?” mataray nitong wika. Nakataas ang isang kilay ni Tita na tila napupuno sa asaran ng kaniyang mga anak. “How old are you, again?” tanong nito. “28,” sabay na sagot ng kambal. Tila nag-isip si Tita at itinuloy ang paghiwa sa kaniyang karne. “Should I ground you two?” aniya. Napalunok naman sina Alexis at Alexa. “Hala?” bulalas ko. “Mom, you know you can’t,” sambit ni Alexa. Tumawa naman ng mahina si Tita. “Yes, I can’t but I need to,” wika nito. Tuloy lang sa pagkain si Tita pero ang tono ng kaniyang pananalita ay tila nananakot sa kambal. “Mom, what’s happening?” tanong ni Alexis. “It will happened if you two continue to mock each other,” saad ni Tita. “Hala siya,” bulalas ni Alexa. Napansin ko na nagpipigil ng tawa si Tita habang sinasabay ito sa paglunok ng kaniyang kinakain. Tumingin naman si Alexa kay Alexis ng masama. “Its your fault,” aniya. Lumingon naman si Alexis sa kaniya. “Me? Nah. It’s you,” tugon ni Alexis. Nag-umpisa na naman ang kambal. Nagtuturuan na sila kung sino sa kanila ang may sala. “Can you two stop? It was a joke, okay?” turan ni Tita. She laughed. Alexa and Alexis felt relieved. They both sighed. “Mom, don’t joke around, I don’t want to experience that again,” saad ni Alexa. “Yes, me too, I’m too old for that,” turan naman ni Alexis. “Then please, stop annoying each other,” tugon ni Tita. Kinuha ni Tita ang bote ng wine at nagsalin sa kaniyang baso. Inikot ikot nito ang laman ng baso at saka uminom ng konti. “It tastes sweet,” aniya. Natulala naman ang kambal. Napasinghap si Alexa, “Mom, I missed you,” Ngumiti ito sa kaniyang ina. Ibinalik naman ni Tita ang matamis na ngiti ni Alexa. “I missed both of you,” wika nito. Nakaramdam ako ng selos habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang mag-iina. Bata pa lang kasinaoo nang mamatay ang aking ina dahil sa pagkalason. Naiinggit ako sa mga may nanay na kasama sa buhay. Napangiti na lamang ako. Kahit na wala akong ina na kasama, masaya pa rin ako para sa iba lalo na sa mga malalapit sa akin. Naglagay na lamang ako ng wine sa aking baso at kumain ng cake. Habang pinagmamasdan ko sina Alexa na masayang kausap ang kanilang ina ay bigla naman na tumawag si Gerald. “Excuse me,” wika ko. Napalingon naman sila sa akin. “I have to take this call,” saad ko. Ngumiti ako sa kanila saka tumayo at naglakad palayo sa maraming tao. Nagpunta ako sa may labas ng restaurant at doon ay sinagot ko ang tawag. Inhale. Exhale. “Hello, Babe,” wika ko. Nakatayo lang ako at iniisip kung babanggitin ko ba ang nakuhaan na picture ni Alexa. “Are you still with them?” tanong niya. “Yes,” tugon ko. Hindi ko maitanong iyon, baka kasi pagmulan pa ng hindi pagkakaunawan namin. “Oh, okay, do I need to fetch you?” tanong niya “No need, Alexis will drive me home,” sagot ko. “I see, see you later,” sambit niya. “See you,” tugon ko. Ibinaba na ni Gerald ang tawag na hindi man lang siya nagsabi ng I love you sa akin. It feels so weird, ngayon lang kasi iyon nangyari. Dati rati, siya ang nauunang magsabi no’n pero ngayon wala. Nagsisimula nang magkaroon ng circulation sa isipan ko na may babae si Gerald. I don’t know what to think after seeing that picture of him with another woman. I stared at my phone hoping that Gerald will send an I love you message but after a couple of minutes, there’s no text from him. I sighed as I felt being ignored. Papasok na sana ako nang mag-vibrate ang aking cellphone. Tinignan ko iyon, at nakita na si Gerald ang nagtext. I opened my messages, and clicked his name. As I read his text, my lips genuinely smile. “Sorry, I hang up the call, I love you,” wika ko Paulit-ulit ko iyong binasa. Idinikit ko ang cellphone sa aking dibdib sa tuwa. Naglakad na ako papasok sa loob at nagtungo sa aming mesa. Nakangiti akong umupo roon. “Ang saya mo,” saad ni Alexa. Nakatingin pala ito sa akin buhat ng bumalik ako at maupo. “Sakto lang, narinig ko kasi boses ni Gerald,” tugon ko. “Oh, kumusta naman si Gerald, dalawin niyo naman ako minsan,” wika ni Tita. Ngumiti ako. “Yes, Tita… we will,” tugon ko. Tinapos ko na ang kinakain ko. Nawala na ang pangamba na nasa isipan ko. Natapos na rin sila Tita sa kanilang pagkain at sabay naming ininom ang mga wine sa aming baso. Kaniya-kaniya na kaming punas sa labi. “Thank you for the foods, Tita,” sambit ko. “No worries, ‘til next time,” turan nito. Itinaas naman nang muli ni Tita ang kaniyang kamay at sumenyas na pa-parisukat. Agad naman na lumapit sa amin ang waiter na kumuha ng aming order at inilapag ang aming bill. Kinuha iyon ni Tita at tinignan. Hindi na binanggit ni Tita ang kabuuan na bayad ng aming mga kinain. Naglabas na lamang ito ng pera at inilagay sa loob ng bill booklet. Kinuha naman iyon ng waiter. “Keep the change,” sambit ni Tita. Napangiti naman ang waiter sa sinabi ni Tita. “Thank you po,” tugon nito. Tumalikod na ang waiter sa amin. “Excuse me, I need to go to the comfort room,” saad ni Alexa. “Are you going to do that again?” tanong ni Alexis. Nagtaka naman si Alexa. “What ‘that again’ are you talking about?” tanong ni Alexa. “The one you do earlier?” wika ni Alexis. Ngumiti naman ito ng nakakaloko kay Alexa dahilan para mamula si Alexa dahil nakuha na nya ang ibig ipahiwatig ni Alexis. “For Mom’s sake, I will not hit on you,” saad ni Alexa. Tumayo naman ito at hinigit ako. “T-teka,” bulalas ko. Nilingon niya ako at ngumiti. “Dalian mo, may hindi magandang tanawin dito,” aniya. I get it as I looked at what she’s looking at. Humarap naman si Alexis sa kanilang ina. “Mom, I think it will stink later,” turan ni Alexis. Nagtaka naman si Tita sa sinabi ni Alexis. “Why?” tanong nito. Nagkibit-balikat ito. “I don’t know,” aniya. Saka ngumiti. “Mom, excuse us,” saad ni Alexa. Nagpupuyos sa inis si Alexa nang umalis kasama ako. She looked at the signs inside the restaurant to find the rest room. As we entered the rest room, she burst her annoyed feelings towards her twin brother. “Hindi talaga kami magkakasundo ni Alexis,” aniya. Humarap siya sa salamin. “Kung wala lang si Mommy, baka sinapok ko na mukha niya,” dagdag pa nito. Natawa naman ako. “Why?” tanong niya. “Wala, natutuwa lang ako,” sagot ko. She frowned. “Are you glad that I’m disgusted?” wika niya. Hindi ko pa rin napigilan ang tawa ko. Hinawi-hawi ko ang dalawang kamay ko. “No, its not like that…” saad ko, “Natutuwa lang ako kapag nag-aasaran kayo, alam mo naman na I don’t have any siblings, I don’t know what are the feeling having one,” dagdag ko pa. Bigla naman kumalma si Alexa. “Sorry,” aniya. Hinagkan naman niya ako na siyang kinabigla ko. Tinapik-tapik ko siya sa kaniyang likuran ko. “Okay ka lang ba? Nalasing ka ata sa wine,” wika ko. Hindi pa rin siya nabitiw sa pagkakayakap. “No, I just want to hug you,” saad niya. Nagulat ako pero hinayaan lang na yakapin ako para kasing kailangan ko rin ng yakap ng isang kapatid sa oras na ito. Natanggal lang ang pagkakayakap sa akin ni Alexa nang may pumasok na sa loob ng restroom na ibamg mga guests ng restaurant. “Teka, I need to refresh my face,” wika nito. Tumawa ako. Beauty first talaga ang motto niya. Binuksan na niya ang kaniyang sling bag na dala at naglabas ng mga basic needs sa make up. Nag-umpisa na siyang mag-ayos ng kaniyang mukha at ako naman ay pumasok sa isang bakanteng cubicle dahil nakaramdam ako ng pagka-ihi. Natapos na akong umihi at nagtungo sa lababo para makapaghugas ng aking kamay. “Bessy, ayusan kita?” sambit ni Alexa. Nanlaki mata ko. Pag-eexperimentuhan na naman ata ako ni Alexa kaya naman napailing ako. “No need na, Bessy, pauwi na rin naman,” sagot ko. Napangiwi si Alexa. “Simple lang naman gagawin ko, hindi naman kita gagawing model ngayon,” aniya. Nakasimangot na si Alexa kaya naman medyo nakaramdam ako ng hiya. Ngumiti ako. “Sige, ayusan mo na ako,” sabi ko. Mula sa pagkasimangot ay ngumiti ito ng pagkalaki-laki. “Sige, stand straight,” utos niya. Sinunod ko naman. Nag-umpisa na siyang lagyan ako ng kung anu-ano sa aking mukha. Medyo nailang pa ako dahil nga nasa loob kami ng restroom ng restaurant at madaming lumalabas at pumapasok rito. Hindi na niya sinasabi ang aking gagawin dahil simula pa nang nasa kolehiyo kami ay ako na ang kaniyang ginawang model sa bawat make-up na ginagawa niya. Ilang sandali pa ay natapos na si Alexa sa kaniyang ginagawa sa aking mukha. “Tadaaa!” bulalas niya. Humarap ako sa salamin. Wala naman nagbago sa itsura ko maliban na lang sa naging sariwa ito kumapara kanina na medyo oily at tuyo dahil sa biyahe. “See, simple lang,” aniya. Napangiti ako at pinagmasdan muli ang aking mukha. “Maganda pa rin ako, with or without make-up,” saad ko. Pabiro ko iyon na sinambit habang hinahaplos ang aking pisngi . “Syempre, maganda rin Bessy mo,” wika ni Alexa. Ibinabalik na ni Alexa ang kaniyang mga gamot sa kaniyang bag. “Kaya nga tayo magkaibigan dahil maganda tayo,” tugon ko. Nagtawanan naman kami. “Tara na nga, nagbolahan pa tayo rito,” sambit ko. Sumang-ayon naman si Alexa at kami’y lumabas na. Nakabalik na kami sa ming mesa at inaya na sila Alexis at Tita Gladys na umuwi na. “Lets go, Mom,” sambit ni Alexa. Tumayo naman na si Tita kasunod si Alexis. Naglakad na kami palabas sa restaurant. Nang nasa labas na kami ay nagpaalam na sa amin si Tita. “Mauna na muna kami, Christine, ihahatid ka na lang ni Alexis,” saad ni Tita. “Ay opo, Tita, salamat po,” tugon ko. Nag-beso naman kami ni Tita sa isa’t isa. Humarap naman ito kay Alexis at pinaalalahanan. “Alexis, mag-ingat sa pagmamaneho,” wika ni Tita. “Yes I will, Mom,” sagot ni Alexis. He kissed her Mom’s cheeks. “Ingat, Bessy…” sambit ni Alexa. Bineso rin ako ni Alexa at pagtapos ay humarap ito kay Alexis. “Hoy! Ayusin mo sa paghatid kay Christine,” wika niya pa rito. Binigyan niya ito ng masamang tingin na tila nagbabanta kay Alexis. “Yes, Madam, I will,” sagot ni Alexis. “Good, ingat!” wika ni Alexa. We bid our goodbyes and go to our parking spot. Binuksan na ni Alexis ang kaniyang sasakyan at nakasakay na kami. “Lets go,” wika ko. Ngumiti naman si Alexis at pinaandar na ang sasakyan at binaybay ang daan pabalik sa Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD