Chapter 59

1644 Words
Nakita ko si Alexis. Nakasalo ang kaniyang kamay sa ilalim ng aking tiyan at ang isang kamay ay nasa aking balikat nakaalalay. Hindi ako agad nakasagot sa kaniyang tanong. Nagkatitigan kaming dalawa. May kung ano akong nararamdaman sa mga titig niya sa oras na ito. Mga matang nagmamahal ng palihim. Bakas din sa kaniya ang pag-aalala. Napakaswerte talaga ng babae na kaniyang mamahalin at pakakasalan. Nagbalik ako sa wisyo nang marinig kong magsalita si Jaeryll at Alexa. “Is she okay?” Tanong ni Jaeryll. “I hope she’s fine, anong gagawin ko kung nasubsob ang kaniyang mukha?!” histerikal na saad ni Alexa. Bakas sa mga tono ng kanilang pananalita ang pag-aalala. Ganoon na ba ako? Pabigat sa lahat ng tao na nakapaligid sa akin? Nakadepende lang sa kanila? Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa? Kapag may problema ako, sila ang aayos? Ayaw ko ng ganoon. Kailangan ko nang maging independent sa buhay. Kahit na andiyan sila, dapat ako ang gagawa ng paraan. Napabalikwas ako. “O-oo, ayos lang ako,” sagot ko sa tanong niya. Inalalayan niya akong makatayo. “Bessy! Sorry, hindi ko naman alam na nakadikit ka sa likod ng pinto,” turan ni Alexa. Iniayos ko ang aking sarili. “O-okay lang, my fault,” tugon ko. Ngumiti ako kay Alexa at sa dalawang lalaki na kasama namin. Natulala sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit. “Bakit naman ganiyan kayo makatingin?” Tanong ko. Nilingon ko si Alexa na ngayon ay napaka-laki ng ngiti. Nagtaka ako. Tumingin ako kay Alexis ngunit iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin. Tanging si Jaeryll lang ang nagsalita kung bakit sila nakatitig sa akin ngayon. “Napakaganda mo kasi ngayon, don’t get me wrong, your beautiful as always but damn…” Napahawak ito sa kaniyang baba, “You look more gorgeous,” aniya. Nahiya naman ako dahil sa kaniyang sinabi. “S-salamat,” sagot ko. Bigla naman na umakbay sa akin si Alexa na pinagmamayabang ang kaniyang gawa sa akin. “See? I told ‘yah,” wika ni Alexa. Natawa naman si Jaeryll. “Pero mas maganda pa rin si Alexa, okay?” saad ni Jaeryll. Naramdaman kong kinilig si Alexa sa sinabi ni Jaeryll. “H-hindi naman, grabe ka,” turan niya. “Magbobolahan lang ba kayo o aalis pa tayo? You see, its 4 in the morning,” saad ni Alexis. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at ipinakita ang oras sa kaniyang relo. “Inggit ka ba dahil walang nag-compliment sa iyo?” sambit ni Alexa. Sinamaan lang siya ng tingin ni Alexis. “Kung ganiyan ka lang lagi, tatanda ka talagang binata,” wika pa nito sa kaniyang kakambal. “Then, I will be more happy if you get married now,” turan ni Alexis. Namula si Alexa nang mapatingin kay Jaeryll. “H-hoy! H-huwag ka ngang magsalita ng ganiyan,” nauutal na wika ni Alexa. Namumula na siya sa hiya at inis dahil sa kaniyang kakambal. Inawat ko sila. Inilahad ko ang dalawa kong kamay para tumigil sila. “Aalis pa ba tayo? Tama si Alexis, alas kwatro na,” saad ko. Napakagat labi si Alexa. “Oo nga, if you want we can go to my bar,” Jaeryll suggested. Nagkatinginan kaming tatlo. “Sige, saan ba banda iyon?” tanong ni Alexis. “Kung saan ako galing,” aniya. Tumawa naman siya pagkasagot. “Exact place?” tanong ni Alexis. “Within Manila lang, don’t worry,” sagot ni Jaeryll. Nagkibit-balikat na lamang si Alexis. “So, ladies, lets go,” turan niya. Inilahad ni Jaeryll ang kaniyang braso kay Alexa para kapitan nito. Kahit na kinikilig si Alexa ay napakapit pa rin ito kay Jaeryll. “Ang laswa, pababa pa lang tayo ng condo,” saad ni Alexis. “Inggit ka? Kawawa ka naman,” turan ni Alexa. Nagsimula na naman ang kambal sa kanilang daily routine— ang mag-asaran. Nauna nang maglakad sina Jaeryll at Alexa, nabuksan na nila ang pinto nang biglang may sumigaw. “Why are you so noisy?!” bulyaw ni Tita Gladys. Nagulat kaming lahat. Nakalimutan ko na nandito na pala sa Pilipinas ang kanilang ina na siyang kasama namin ng nakaraan araw. “Christine, why are you wearing that obscene clothes?!” tanong niya. Nakatingin siya mula ulo hanggang paa ko. Grabe si Tita, hindi naman malaswa ang suot ko. Medyo revealing lang. “Mom! Its not obscene, okay? Its fashion,” turan ni Alexa. Lumapit sa amin si Tita. “Fashion ba ito? Parang makikita na kaluluwa ni Christine,” Nakaturo ito sa aking hita dahil sa iksi ng palda, “Ikaw Alexa ha! Dinadamay mo naman si Christine sa kalokohan,” Dinuro niya si Alexa. Hindi ako makasingit. Parang Aling Dionisa na may pagka Anabel Rama si Tita Gladys. Napakatapang na babae. “Mom,” Hinawakan ni Alexis ang balikat ng kaniyang ina, “Magsasaya lang kami,” aniya. Nagtaka naman si Tita. Tinuro ang orasan na nakasabit sa dingding. “Alas kwatro? Magsasaya? Baka sarado na iyon pagpunta niyo,” turan niya. Sumingit naman si Jaeryll. “Excuse me, Tita…” Naglakad ito palapit kay Tita Gladys, “I owned a private bar, so probably, yes, we can have fun all we want,” tugon niya. Napahinahon naman bigla si Tita. “Sino ka ba?” Mataray na tanong ni Tita. “Mom, he’s my suitor,” sagot ni Alexa. Napataas ng kilay si Tita kay Alexa. “Alexis, is this true?” tanong ni Tita kay Alexis. “Nakakalungkot man aminin, but yeah, may manliligaw si Alexa,” sagot ni Alexis. Bumulong ako kay Alexis. “Bakit nakakalungkot?” tanong ko Sumagot siya sa akin pero pabulong lang din. “Nalulungkot ako para kay Jaeryll,” aniya. Tumawa siya sa tuwa. Iniinis na naman pala niya si Alexa. “Nako, you deserve better,” wika ni Tita. “But Mom!” sambit ni Alexa. “Shut up, I’m not talking to you, I’m referring to your suitor,” tugon ni Tita. Natawa naman ng sobrang lakas si Alexis. Samantalang ako ay nagpipigil ng tawa. Si Alexa naman ay napasimangot. “So, may pagkakataon ka pa para iwasan si Alexa,” turan pa ni Tita. Natawa si Jaeryll. “Its okay, Tita, I think I can handle her,” tugon ni Jaeyll. Namangha naman si Tita sa dedikasyon ni Jaeryll. “Kung ganoon, sige hala! Alis,” wika ni Tita. Tinaboy niya kami. Nasa labas na kaming apat ng kanilang flat. Sumilip sa pinto si Tita. “Have fun,” aniya. Hindi pa man kami nakakasagot ay isinara na niya ang pintuan. Natulala kami. Energetic si Tita ngayon. “So, that’s your Mom,” sambit ni Jaeryll. “Yes, sana masanay ka na,” wika ni Alexis. “Nakakahiya,” wika ni Alexa. “Ang cute nga, e,” sambit ni Jaeryll. “Tama na iyan, tara na,” saad ni Alexis. Natawa naman kami ni Jaeryll samantalang si Alexa ay nakasimangot sa kaniyang kambal. “Stop it, ang pangit mo tignan,” turan ni Alexis. Tuluyan na kaming bumaba. “Sa akin ka na sumabay Christine, hayaan na natin ang dalawa,” aniya. Napatingin ako sa dalawa. Tama. Bibigyan namin sila ng quality time. Nagsisakay na kami. Mabuti na lamang ay malapit lang sa pinaradahan ni Jaeryll ang kotse ni Alexis. Dumungaw ito sa binta, “Sundan niyo na lang ako,” Sumenyas naman si Alexis kaya pinaandar na nila ang kanilang mga sasakyan. Habang nauuna sa kalsada si Jaeryll, nakasunod naman kami. “Sana walang ibang tao roon,” bulong ni Alexis. “Why?” tanong ko. Napalingon ito sa akin. “Napalakas ba ang pananalita ko?” tanong niya. Tumango ako. Natawa naman siya, “Gano’n ba,” aniya. “Oo, bakit nga ba?” tanong ko. “Para walang makakita na ganiyang ang suot mo,” wika niya. “Malaswa ba masyado?” tanong ko. “No, ayaw ko lang may makakita sa iyo na ganiyan ka kaganda,” saad niya. Napahinto ako. Naramdaman ko na uminit ang aking mukha sa kaniyang sinabi. “So, paano pala ang gagawin natin kay Gerald?” Tanong niya. Iniba na niya ang usapan. Nailang din marahil dahil sa kaniyang sinabi. “Hindi ko alam,” sagot ko. Napadaan na kami sa hotel na pinaglalagian namin ni Gerald. Napatingin ako doon. “Don’t look at it,” wika ni Alexis. “Focused your eyesight in the road or to me,” dagdag niya pa. Napasinghal siya. “Kainis, huwag mo akong titigan ng ganiyan,” aniya. Namula ako. Matagal din pala akong nakatitig sa kaniya. “Sorry,” sambit ko. “Look, malapit lang pala rito ang sinasabi niyang pag-mamay-ari niyang bar,” turan ni Alexis. Lumiko na kami at punarada. Bumaba ako agad at lumapit kay Jaeryll. “Malapit lang pala ito sa hotel? Bakit mo hindi mo sinabi,” tanong ko. “Hindi ka ba nakinig sa sinabi ko kanina?” aniya. Naguluhan ako. Nagulat naman si Alexa. “Tama! Sinabi niya na parang nakita niya si Gerald sa bar na pinanggalingan niya,” kwento ni Alexa. “So, this is…” Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi. “Yes, this is the place,” aniya. Kinabahan ako. Nauna nang pumasok si Jaeryll. Binati naman siya ng mga bouncer nito. “Come on!” tawag niya sa amin. Sumunod naman sila. Habang ako ay nag-aalangan sa pagpasok. Marami na naman ang tumatakbo sa aking isipan. Nakita ko sa aking harapan ang isang palad. Tinignan ko ang taong ito. Nakangiti siya sa akin. “Tara, magsaya na muna bago ang problema,” aniya. Napakagat labi ako. Kumapit ako sa kamay niyang nakalahad sa aking harapan. Masaya akong sumama sa kaniya. “Tara,” wika ko. Pumasok na kami sa loob at magsimula nang gumawa ng masasayang alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD