Chapter 31

1761 Words
“Ang sarap! Salamat sa pagkain,” bulalas ko. “Salamat at nasarapan kayo,” sambit ni Alexis. Kaniya-kaniya kaming ligpit ng aming pinagkainan. Ako ang huling nagpunta sa lababo at akmang maghuhugas na sana ako ng pinggan nang pigilan ako ni Alexis. Hinawakan niya ako sa aking kamay at marahan na idinulas para tanggalin ang dishwashing foam. “No, ako na, bisita ka namin,” aniya. Nagulat ako. “O-okay, salamat,” wika ko Medyo nailang ako kaya binilisan ko na lang ang paghugas ko ng aking kamay dahil nalagyan na ito ng sabon. “Sure ka?” tanong ko. “Oo naman, sanay na ako maghugas,” sagot niya. “Sige, punta na muna ako sa sala,” sambit ko. “Sige,” tugon niya. Lumabas na ako sa kusina. Nag-aalangan ako sa nangyari at inisip ng mabuti kung bakit ko iyon naramdaman. Umiling-iling ako. “Imagination mo lang iyon,” wika ko sa sarili ko. Iniayos ko ang sarili ko. Pinakalma, at hinayaan na lamang ang nangyari. Naabutan ko si Gerald na busy sa kaniyang cellphone. Marahil ay kausap niya ang mga investors. Niyakap ko siya at ngumiti ito sa akin. Bumitiw agad ako at umupo sa sofa. Naalala ko na sa silid pala ni Alexa ang aking cellphone kaya naman ay nagtungo ako doon. Pagkapasok ko doon ay nadatnan ko si Alexa na nakahiga at may kausap sa phone. “Triple date nga sa Sabado,” aniya. Umupo ako sa gilid niya. “Oo, mamaya pupunta kami sa Cavite,” sambit pa nito. Kinuha ko ang aking cellphone sa side table at agad tinignan kung may text o tawag. Mayroon pitong nag-text sa akin. Inuna kong buksan ang text ni Imee. “Hindi ako makakapunta sa Gallery, may aasikasuhin kami ni Mama.” Nagreply naman ako. “Okay, take care!” Sunod kong binuksan ang mensahe ni Manang Conching. “Kailan ka ba uuwi, iha? Nandito ang Papa mo,” Nabigla ako pero agad na natuwa dahil ito ang pangalawang beses na umuwi si Papa sa aming bahay. Nagreply ako. “Hanggang kailan po si Papa diyan?” Hindi agad nagreply si Manang, marahil ay abala ito sa gawaing bahay. Sunud-sunod ko nang tinignan ang iba pang mga mensahe. Puro na lang ito, text advisories ng data network. At pinakahuli, isang text na naman na mula sa nagngangalang Chrys. “Are you now afraid to know your past? Just come to me, I’ll help you gaining your memories,” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko ipinahalata kay Alexa ang kaba na nadarama ko dahil ayaw ko pang dumagdag sa problema niya. “Yes, see you!” sambit ni Alexa. Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti ito siguro ay pumayag si Jaeryll sa gagawin na triple date. “Bessy, okay na may partner na ako,” aniya. Lumigid-ligid ito sa kaniyang higaan habang nakalagay ang kaniyang cellphone sa kaniyang dibdib. “Sobrang saya mo,” sambit ko. “Oo,” Humarap siya sa akin, “Tawagan mo na si Zinnia, gusto ko marinig,” aniya. Kailangan kong itago ang kaba ko kaya sinunod ko na lang si Alexa. “Ano na?” tanong niya. “Teka, nag-ring pa lang,” sagot ko Tinawagan ko iyon gamit ang video call. “Christine, hello,” bungad ni Zinnia. “H-hello, Zinnia,” bati ko. “Anong mayro’n at napatawag ka?” tanong nito. Tumingin ako kay Alexa na nasa gilid ko at ayaw magpakita sa camera. “Ano kasi, available ka ba for a date?” tanong ko. “Date? No. Sorry,” aniya. “Why?” tanong ko. “You’ll see...” Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kamay at nakita na may suot na itong singsing, “I’m getting married,” Ngumiti ito sa akin. Medyo nahiya ako. Hindi ko naman kasi muna tinignan kung mayroon siyang boyfriend. “Oh, congratulations!” bati ko. “Thank you,” tugon niya. “Kailan ka ikakasal?” wika ko. “By December, and just wait, we’ll send invitations to some of our collegues,” aniya. “I can’t wait to attend to your wedding,” sagot ko. Hinigit ko si Alexa. Tinakapan niya ang kaniyang mukha. Nahihiya pa na makita si Zinnia. “Is that Alexa?” tanong ni Zinnia. “Yes,” tugon ko. “Hello, Alexa,” bati niya. Ngumiti ng alanganin si Alexa. “H-hello,” sambit nito. “Kumusta?” tanong nito. Ini-abot ko ang cellphone kay Alexa. Noong una ay ayaw niya itong tanggapin pero ‘di kalaunan ay hinawakan na niya rin ito. “O-okay lang, ikaw ba?” tugon ni Alexa. “I’m good, I hope you’ll come to my wedding,” wika ni Zinnia. “Y-yeah sure! Congratulations,” sambit ni Alexa. “I need to hang this, we have an appointment with the wedding coordinator,” turan ni Zinnia. “Oh, sige ingat kayo, bye!” tugon ni Alexa. “Bye, bye rin kay Christine,” sagot ni Alexa. Ibinaba na nito ang tawag at binigay na sa akin ang cellphone. “Hindi natin inalam muna kung may boyfriend ito o asawa,” sambit ko. “Kaya nga,” tugon ni Alexa. Humiga itong muli sa higaan. “Nakaka-inggit, ikakasal na ang mga ka batch natin,” aniya. Tama siya, halos lahat ng ka batch namin ay ikakasal na o hindi kaya ay kasal na. “Oo nga,” sagot ko. “Sana ako rin,” turan niya. Napatingin ako sa kaniya, nakatitig ito sa kaniyang kisame. “Hindi ko na mahintay na ikasal kayo,” wika niya. “Ako man din,” sagot ko. “Oh!” I gasped. “Bakit?” tanong niya. “Naalala ko na nagtext pala si Imee na hindi siya makakapunta sa Gallery ngayon,” wika ko. “Ano naman?” tanong niya. “Paano makakapasok sa loob ang apprentice ko?” sambit ko. “Si Imee lang ba may susi?” aniya. “Oo, tapos ako, nakalimutan kong bigyan si Joyce,” tugon ko. Bumangon na ako at nnag-ayos. Lumabas sa sala at inaya na umalis na kami. “Babe, need to go now,” wika ko. Nakaupo ngayon si Gerald at wala roon si Alexis. “Why?” tanong niya. “Yung Gallery sarado,” wika ko. Naoakunoot-noo ito. “Wala si Imee?” tanong niya. “Oo,” sambit ko. “Okay, sige,” aniya. “Tara paalam na muna tayo kay Alexis,” sambit nito. “Huwag na, ako na bahala doon,” sagot ni Alexa. Tumayo na si Gerald at naglakad papunta sa pinto. “Bessy, asikaso lang ako tapos daan sa Gallery,” wika ko. “Oo, sige, kita na lang mamaya,” aniya. “Oh siya, baba na kami,” saad ko, “Bye,” dagdag ko. Nag-besohan kami bago ako tuluyan na lumabas sa kanilang condo. “Paalala mo kay Jaeryll, this coming Saturday,” turan ni Gerald. Natawa naman si Alexa. “Nasabihan na nga kanina,” sagot ni Alexa. “Okay, gayon din kay Alexis, baka makalimutan,” turan ni Gerald. “Oo mamaya, ipapaalala ko,” tugon ni Alexa. “Sige, bye,” sambit ni Gerald. Tuluyan na kaming nagpaalam sa isa’t isa at nagtungo sa elevator. “Babe, I’ll drop you off to Gallery then headed back to our hotel room,” wika niya. “Why?” tanong ko. Naguguluhan ako. “To sleep,” aniya. Natulala ako. Gano’n na ba siya katakaw sa tulog ngayon? “Seryoso?” tanong ko. “Biro lang pero kasama na rin doon ang pagtulog,” aniya. “Ano nga gagawin mo?” wika ko. Sakto naman na nagbukas ang elevator kaya pumasok na muna kami sa loob. “To talk with the security,” aniya. Pagkasabi niya no’n ay bigla kong naalala yung text message sa akin ni Chrys. Inilabas ko ang aking cellphone mula sa bulsa at ipinakita iyon kay Gerald. “Look, I forgot to tell you this,” sambit ko. Tinignan naman ni Gerald iyon at nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. “I’ll locate that number, don’t delete it,” aniya. Tumango naman ako. Nakababa na kami at naglakad sa lugar na pinaglagakan namin sa sasakyan. “Babe,” sambit ko. “Yes?” tugon niya. “I don’t know but somehow I feel that I want to know the better me,” wika ko. “Better you?” aniya. “Yes, the me who was 15 years ago,” tugon ko. “You’re the same as before,” saad niya. “Then if that so, I want to know all the people surrounds me before,” turan ko. Napatikom siya. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Huminga muna siya ng malalim bago ako hinarap “Do you want to?” aniya. “Yes,” sagot ko. “Then, do you want me to tell everything or do you want to know it by yourself?” tanong niya. Natigilan ako ng ilang sandali, nag-isip ng mabuti. “I will find the truth by myself,” sagot ko. Hindi na umimik pa si Gerald, nagmaneho na lamang ito. “I want you to tell to me all the informations,” sambit niya. “Informations?” tanong ko. “Yes, informations that you will find,” sambit niya. Tumango ako at napangiti. “Oo naman, I will,” tugon ko. “Good girl,” aniya. “Idlip na muna ako,” wika ko. “Sige, gisingin na lang kita mamaya,” turan niya. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko na may kausap sa kaniyang cellphone si Gerald. Hindi ko iyon maintindihan, humarap sa akin si Gerald at ako’y napapikit nang muli. Hindi ko na namalayan kung nakatulog ba ako o hindi. Kung panaginip lang ba iyon o kung ano. Ginising ako ni Gerald. “Babe, wake up, we are here,” aniya. Tinapik-tapik niya ako. Napadilat ako. “Come on,” wika niya. Nag-unat ako. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Humikab saglit bago bumaba ng kotse. “Mauna ka na sa kwarto, Babe,” sambit ni Gerald. “Bakit?” tanong ko. “Asikasuhin ko muna yung sa security,” aniya. Tumango naman ako. Sabay na kaming pumasok sa loob ng hotel pero naghiwalay din sa gitna dahil ay pasakay sa eleavtor samantalang siya ay tatahakin ang daan malapit sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD