Chapter 30

1619 Words
Nagising ang diwa ko nang may masarap akong naamoy. Napabangon ako st pinilit sinusundan kong saan iyon nagmumula. Kinusot-kusot ko ang aking dalawang mata at napatingin sa aking tabi, si Alexa na mahimbing pang natutulog. Dahan-dahan akong bumaba sa higaan at dumiretso sa banyo para makapaghilamos at mumog. Paglabas ko ay dahan-dahan kong binuksan at isinara ang pintuan ng kaniyang silid para hindi ito magising. Mas lalong tumapang ang masarap na aking naamoy, dinala ako nito hanggang sa kusina. Naabutan ko ang isang lalaki na nagluluto roon. Dahil kasing-laki ito ng katawan ni Gerald ay tinawag ko ito. “Gerald?” tawag ko. Lumingon ang lakaki sa akin at nabigla ako nang si Alexis pala iyon. “Tulog pa si Gerald, ang himbing ng tulog,” aniya. “Ay, akala ko si Gerald,” ssmbit ko. Natawa naman si Alexis. “Si Alexa, tulog pa ba?” tanong niya. Nakatalikod ito sa akin, samantalang ako ay naupo pansamantala at inilapag ang ulo sa ibabaw ng mesa. “Oo,” tugon ko. “Yung tanong mo kanina...” turan niya. Nanlaki ang mata ko, naalala pala niya iyon. Napatayo ko ang ulo ko, “Nako! H’wag mo nang alalahanin iyon,” depensa ko. “Bakit mo gusto malaman?” tanong niya Tumayo ako at nagtungo sa kanilang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Inilabas ko ang pitsel at inilapag sa mesa bago kumuha ng baso na paglalagyan. Habang nagsasalin ako ng tubig, nabablanko na naman ang isip ko. Walang tumatakbo roon kung paano ko sasagutin ang katanungan na ipinukol sa akin ni Alexis. Huminga ako nang malalim. “Kasi kaibigan mo ako,” sagot ko. Naoahinto sa pagluluto si Alexis at tumawa nang malakas. “Hala! Bakit?” tanong ko Umiling lang ito at ipinagpatuloy ang pagluluto. “Tama, kaibigan,” aniya. Nagtaka ako sa kaniyang ikinilos pero hindi na ako nag-abalang magtanong baka masira at maudlot pa ang plano ni Alexa na magkaroon ito ng kapareha base sa kaniyang standards. “Ano ba iyang niluluto mo?” tanong ko. Lumapit ako sa kaniyang gilid para makita ang putahe na ginagawa niya. Medyo umatras si Alexis nang makadikit ako sa kaniya. “Ano ba iyan?” tanong ko. Naramdaman ko na huminga ito nang malalim bago nagsalita, hindi ko kasi siya tinitigan tanging sa niluluto niya ako nakatingin. “Hindi mo alam ito?” tanong niya. Umiling ako. “Gusto mo bang tikman muna?” aniya. Tumango-tango ako. Hindi ko pa kasi natitikman iyon, wala akong maalala na ipinagluto ako ni Manang Conching ng gano’n. Sumandok si Alexis gamit ang maliit na sandok. “Open your mouth,” aniya. Humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Binuksan ko na ang aking bibig at tinikman ang kaniyang luto. “Ang sarap!” bulalas ko. “Hulaan mo kung ano iyan,” sambit niya. Kahit hindi ko alam ay sinubukan ko pa rin na manghula. “Kare-kare?” wika ko. Umiling ito. “Baboy ba o baka?” tanong ko. “Beef,” tugon niya. Napangiwi ako. “American dish?” wika ko. “Yes,” aniya. “Sirit na,” sambit ko. Tumawa ito. “Ang bilis mo naman sumuko,” aniya. “Alam mo naman na hindi pa ako nakakapunta sa Amerika,” wika ko. Itinuloy na niya ang pagluluto. Umupo muna ako sa mesa habang hinihintay na matapos siya sa pagluluto. Matapos ang halos limang minuto na pagluluto ay natapos na niya ito. Sakto naman na pumasok sa kusina si Alexa at patungo sa kaserola. “Goulash,” she moaned. “Goulash?” pagtataka ko. “An old fashioned style meal,” wika ni Alexa. “oh,” I gasped. Akmang sasandok na sana si Alexa nang pigilan siya ni Alexis. “Lets wait for the others,” wika nito. “Okay,” Humarap sa akin si Alexa, “Gisingin mo na si Gerald, alas nuwebe na,” turan niya. Patayo na ako nang magsalita si Alexis. “Ako na ang gigising, titignan ko rin naman kasi ang location ni Daddy,” wika nito. “Go, shooo!” Sumenyas pa si Alexa at ginawa pang aso si Alexis. “Sige, salamat,” wika ko. Nang makaalis na si Alexis ay agad naman na tumikim ng goulash si Alexa. “Tara dito, tikman mo,” aniya. Lumapit naman ako dahil talaga naman na masarap ito. “Tinikman ko iyan kanina,” sambit ko. Sinubuan ako ni Alexa, “Ano? Itutuloy ba natin ang plano?” tanong niya. “Oo, mamaya,” sambit ko. “Teka magsasandok na ako para diretso kain na lang,” turan ni Alexa. Kumuha ako ng mga plato at inilapag na sa mesa samantalang si Alexa ay nagsandok sa mangkok. “All set,” wika ni Alexa, “Kakain na lang ang kulang,” dagdag niya pa. Umupo na kami nang bigla kong maalala ang tubig, wala pa pala akong inilalagay na pitsel at baso sa lamesa. “Teka, tubig,” sambit ko. Sakto naman na pagkuha ko ng pitsel ay dumating sina Gerald. “Ang bango,” wika ni Gerald. “Luto ni Alexis,” tugon ko. Nilapitam naman agad ako ni Gerald at kinuha ang dala kong pitsel. “Ang sweet,” kantyaw ni Alexa. “Magpatulong ka rin kay Jaeryll,” sagot ni Gerald. “Jaeryll?” tanong ni Alexis. “Oo, yung manliligaw niya,” turan ni Gerald. Inilapag na niya ang pitsel at naupo na. Umupo na rin ako nang mailapag ko na ang mga baso na aming gagamitin. “May bago?” wika ni Alexis. “Wala, luma mayroon,” tugon ni Alexa. Mukhang magkakapikunan na naman ang kambal kaya inawat ko agad. “Oh, tama na iyan, magsi-kain na lang tayo,” turan ko. “Okay, let’s pray,” sambit ni Alexa. Napatingin kaming tatlo sa kaniya. “What?” tanong niya. Ito kasi ang unang beses na narinig namin na mananalangin siya. “Totoo ba ito?” tanong ni Alexis. “Nananaginip pa ata ako,” wika ni Gerald. “Lakas ng tama ni Jaeryll,” sambit ko. Inismiran lang kami ni Alexa. “Kung ayaw niyo, huwag na,” aniya. Nainis naman si Alexa sa pangbubuyo namin. “Oo na, you lead the prayer,” wika ni Alexis. “First time kong maririnig ito,” sambit ko. Napasinghal si Alexa at walang pasabi na magsisimula na siya. “Our Father in heaven, thank you for giving us some foods to sustain our daily lives, may this food gives us strength, Amen,” turan ni Alexa. “Amen,” sabay sabay namin banggit. “Let’s eat na,” sambit ni Alexa. Nagkaniya-kaniya na kami sa paglagay sa aming plato. Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang tungkol sa paghahanap sa kanilang Ama. “The last location of Daddy is in Cavite,” wika ni Alexis. “Since last night?” tanong ko. “Yes,” tugon niya. “The problem is, we don’t know the surname of Josephine,” aniya. “We need to find another way,” wika ni Alexa. “You can hire a detective if you want,” suhestiyon ni Gerald. “Can you recommend someone?” tanong ni Alexis. “Yes,” sagot ni Gerald. “Then can you recommend it to me?” tanong ko Napatingin naman sila sa akin. “For what?” tanong ni Alexis. Oo nga pala, hindi pala alam ni Alexis ang nangyayari sa akin. “I need to find someone,” tugon ko. “Yes, I hired it now,” sagot ni Gerald. “Then, can that detective handles two investigation at the same time?” tanong ni Alexis. “Yes,” tugon ni Gerald. “If that so, I want yo have a meeting with the detective,” turan ni Alexis. “I’ll call her later,” wika ni Gerald. “Her?” sambit ko. “Yes, my cousin, Stef,” aniya. “Oh, I haven’t heard any from her for a while,” wika ko. “She’s in Baguio right now,” sagot ni Gerald. “I see,” tugon ko. “Stef?” tanong ni Alexa. “The most beautiful cousin of Gerald,” sagot ko. Tumango-tango naman si Alexa. Bigla tuloy may pumasok sa isipan ko. “I never thought she’ll end up as a detective,” turan ko. Tumango naman si Gerald. “Ako rin, nagulat na lang din ako, last month,” aniya. Humarap ako kay Alexis na ngayon ay kumakain. “Alexis,” tawag ko. Tumingin naman ito sa akin. “Triple date tayo?” wika ko. Muntik nang mabunan si Alexis nang marinig iyon. “Bessy,” wika ni Alexa. Ngumiti lamang ako kay Alexa. “Babe, may girlfriend na ba si Alexis?” tanong ni Gerd. “Baka magkaroon,” tugon ko. “Loko ka talaga,” sambit ni Alexis. “Kailan ba iyan?” tanong ni Alexa. “Huwag niyo na ako idamay sa ganyan,” turan ni Alexis. “Nako, sama ka na sa amin,” sambit ko. “Oo nga, kj ka talaga,” tugon ni Alexa. “Sama ka na, para makausap mo na rin si Stef,” wiak ni Gerald. Napatingin ako kay Gerald. Nakangiti ito ng nakakaloko. “Naisip mo iyon?” tanong ko. “Syempre, sa tagal na natin na magkakilala,” aniya. “Pupunta ako para makausap ang detective, pero ang tungkol sa date, no,” tugon ni Alexis. “This Saturday,” wika ni Gerald, “I’ll call Stef to inform her,” Ngumiti siya sa amin. “Bahala nga kayo,” wika ni Alexis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD