Nasa loob na kami ng banyo ni Alexa. Umihi ako habang siya’y nasa harapan ng salamin.
Bigla niya akong tinanong tungkol kay Jaeryll.
“Anong tingin mo kay Jaeryll?” aniya.
Hindi muna ako sumagot, hininhintay ko ang sunod na mga salita na manggagaling sa kaniya
“Sa tingin mo ba ay maaring maging kami?” aniya.
Tumayo na ako at nag-flash ng toilet. Binuksan ang pinto at naabutan ko itong naghihintay sa akin.
Ngumisi ako, yung pang-asar na ngisi habang naghuhugas ng kamay sa lababo.
“Bessy, answer me!” Nanggigil na ito dahil sa tagal kong sumagot
Tumawa ako, “Teka lang kasi, excited?” Nagpagpag ako ng aking mga kamay at pinatuyo iyon, “Alam mo...” Humarap ako sa kaniya, hindi ito makapaghintay sa sasabihin ko, “Okay naman siya, as long as hindi ka niya sasaktan,” giit ko.
Napabuga naman siya ng malalim na hinga, “Bessy...” Humarap siyang muli sa salamin, “I like, Jaeryll, the way he looks at me, treats me, and how he managed me when I was a liitle bit drunk earlier,” Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa salamin, “But...” Muli siyang humarap sa akin, “There’s something about him,” aniya.
Hindi ako nakasagot ng ilang sandali, parehas ata kami ng nasa isip ni Alexa.
“What do you mean?” tanong ko.
Nagmaang-maangan ako na hindi ko iyon napapansin kay Jaeryll para malaman ko kung ano ang na sa isip ni Alexa.
“I don’t know, but it felt strange being with him,” malungkot niyang wika.
“Kind of what?” usisa ko.
“The way we met...” tugon niya.
“Huh?”
Nagtaka naman ako, ‘di ba ang sabi niya sa akin ay nagkakilala sila sa isang dating app site, ano naman ang nakakapagtaka roon?
“I told you that I met him in an dating app, right?” Tumango naman ako, “Actually, he’s friend recommend him,” Napakunoot-noo ako, “He’s friend actually my matched then after an hour of chatting, he send a photo of Jaeryll claiming that Jaeryll likes me,” Napanganga ako nang bahagya, “So, after a minute, Jaeryll message me until we meet here in Manila,” Kwento niya.
Ang haba ng kwento niya, pero grabe naman nakakapagtaka naman talaga.
“So, you mean, Jaeryll isn’t the one who’s in that dating app?” I asked to clear up my mind.
“Yes, its his friend, Rolan,” tugon niya.
“Oh,” I gasped.
“Bessy, do you think its just an coincidence that Jaeryll saw me while chatting with his friend?” tanong niya sa akin.
Hindi ko naman ang isasagot ko dahil hindi ko pa naman lubos na kakilala si Jaeryll.
“Bessy, you know that I don’t know much about Jaeryll...” Hinawakan ko ang kaniyang kamay, “But I know eventually you will find the answer to all your questions to clear all the doubts about him,” Nginitian ko siya.
Napasinghal naman siya at nagsabing, “I don’t know what to do but I’ll take your advice,” Ngumiti rin siya sa akin.
“Lets go?” pag-aaya ko sa kaniya.
“Yeah, lets go outside, we’ve been here for almost 20 minutes,” tugon niya.
“Seriously? We took 20 minutes here in the washroom?” wika ko.
“Yes, so come on!” bulalas niya.
Lumabas na kami ng banyo. Naabutan namin ang dalawang lalaki na umiinom na ng beer habang nanonood ng movie.
Hindi nila napansin na naroon na kami kaya napagpasyahan namin ni Alexa na magpanggap na galit.
“Well, well, well...” bungad ni Alexa.
“What’s happening here?” tanong ko.
Sabay na tumingin ang dalawa sa amin habang may kagat kagat na chicken sa kanilang bibig. Hindi nila kami sinagot, bumalik lang sila sa panonood ng movie.
Natawa naman ako gayon din si Alexa, palpak ang plano namin na magpanggap na galit sa harapan nila dahil abalang abala sila sa panonood ng horror movie.
Tumabi na kami sa kanila sa sahig, hindi pa rin nila kami pinapansin, tutok na tutok ang kanilang mga mata sa screen ng tv.
Katabi ko ang remote at nakita rin ito ni Alexa. Nagkatitigan kami ni Alexa. Ngumisi ito at napangisi rin ako.
“Do you thinking what I am thinking?” tanong ko.
“I guess I am,” tugon nito.
Kinuha ko ang remote ng tv. Nagbilang si Alexa hanggang tatlo at pinindot ko ang power button ng remote.
Nagulat ang dalawang lalaki nang biglang mamatay ang tv.
“Anong nangyari?!” takang tanong ni Jaeryll.
“Teka, na saan ang remote,” Hinanap naman ni Gerald ang remote ng tv.
Hindi niya ito makita dahil isiningit ko iyon sa may couch.
“Babe, did you see the remote?” tanong sa akin ni Gerald.
“No, I haven’t,” sagot ko.
Pinipigilan ko ang tumawa, kailangan kong galingan ang pag-arte.
“How ‘bout you, Alexa,” tanong ni Jaeryll.
“No, I haven’t seen it,” sagot ni Alexa.
Patuloy pa rin ang dalawa sa pagkapa sa sahig at paikot-ikot sila sa buong sala.
Samantalang kami ni Alexa ay kumain at uminom na din ng beer habang abala ang dalawa sa paghahanap ng remote.
“Ang sarap pala nitong chicken wings,” giit ni Alexa.
“Oo, sarap nga,” tugon ko.
Natigilan ang dalawa nang marinig kaming nag-uusap.
“Are you two sure, you didn’t see the remote?” muling tanong ni Gerald.
Sa pagkakataon na iyon ay nakatingin ang dalawang lalaki sa amin.
Nagkatinginan kami ni Alexa at sabay na humarap sa dalawang lalaki.
“Yes, we are sure,” sabay namin na sagot.
Muli naman kaming humarap sa pagkain at nang makayuko kami ay palihim kaming ngumisi.
Napasinghal ang dalawa dahil hindi nila mahanap ang remote.
Sumandal si Jaeryll sa couch at pagkaupo niya ay biglang bumukas ang tv.
“What the—” usal ni Jaeryll.
Tumayo si Jaeryll at tinignan ang inupan niya, itinaas ang cushion at do’n nakita ang remote.
“Nandiyan lang pala iyang remote,” Napakamot-ulo si Gerald, “Hindi ko matandaan na nilagay ko ‘yan diyan,” giit nito.
“Oo, ako man din, dahil ang layo natin sa couch,” turan ni Jaeryll.
Napatingin ang dalawa sa amin na abala sa pagkain at pinipigilan na tumawa.
“H’wag n’yo nang pigilan,” sambit ni Gerald.
Umupo nang muli sa tabi namin ang dalawang lalaki.
“Oo nga ang gagaling niyo,” tugon ni Jaeryll.
“Hala, pinagsasabi niyo?” sambit ko.
Ginalingan ko talaga ang ‘di pagtawa at nagmaang-maangan.
“Galing kaming banyo tapos sisisihin niyo kami?” turan ni Alexa.
Naggalit-galitan si Alexa at wari’y naiinis kay Jaeryll.
Tumawa naman ang dalawang lalaki at sabay lagok ng kanilang beer.
“Manood na lang kaya kayo,” wika ni Gerald.
Tinaasan ko siya nang kilay.
“Oh bakit?” tanong niya.
“Wala,” galit kong tugon.
Umusog ito palapit sa akin at niyakap ako, “H’wag ka na magtampo, sige na yayapusin na lang kita habang ako’y nanonood nito,” Hinalikan niya ako sa aking ulo.
Medyo kinilig ako sa sitwasyon na iyon.
“Gusto mo rin ba?” tanong ni Jaeryll kay Alexa.
Namula naman si Alexa at hindi agad nakasagot.
“Ayaw mo?” tanong muli ni Jaeryll.
Lumapit ito kay Alexa at tumabi.
“Tabi na lang tayo kung ayaw mo ng yakap,” aniya.
Mas lalo naman na namula ang mukha ni Alexa.
Hindi niya matiis na matitigan si Jaeryll kaya sa pwesto namin siya tumingin at nagtanong.
“Ano ba iyang pinapanood ninyo?” tanong niya.
“Annabelle,” tugon ni Jaeryll.
“Oh,” I gasped.
“Why?” usisa ni Gerald.
Humarap ako kay Gerald.
“May phobia sa dolls si Alexa, remembered?” usal ko.
Napa-palakpak naman si Gerald nang maalala iyon.
“Hala, sorry, palitan na lang namin yung palabas,” aniya.
“O-okay lang...” sagot ni Alexa.
“Sorry, I didn’t know,” sambit ni Jaeryll.
“I-it’s okay,” sagot ni Alexa.
Tumayo ako at inaya na lamang si Alexa sa aming kwarto.
“Tara sa kwarto muna tayo,” sambit ko.
Tumayo naman si Alexa at nagpaalam kay Jaeryll.
“Kayo na lang muna ang manood,” aniya.
“Okay, sorry,” sambit ni Jaeryll
Ngumiti lamang si Alexa at sumama na sa akin papaunta sa kwarto.
“Buti ‘di natin napanood yung paglitaw ng doll sa screen,” aniya.
Tumalon ito pahiga sa aming kama at gumaya rin ako.
“Kaya nga, kapag nagkataon problema na naman,” tugon ko.
“Kaya nga, ‘di pa natin alam kung sino yung nagpadala ng bulaklak,” turan niya.
Napatayo ako, nakalimutan ko na ang tungkol roon.
“Teka,” wika ko.
Lumabas akong at iniwan sa kwarto si Alexa. Nagtungo ako sa kinaroroon nila Gerald.
“Babe, are you done checking the cctv’s?” tanong ko kay Gerald.
Nanlaki ang mga mata ni Gerald nang maalala iyon, maiinis na sana ako nang bigla itong tumawa.
“Tawa?” inis ko.
“The woman you saw in the cctv, is also a guests here,” sambit niya.
“I confirmed it at the front desk,” aniya.
“Okay, balik na ako sa kwarto,” paalam ko sa dalawa.
Kumuha muna ako ng dalawang beer para doon na lng kami mag-inom ni Alexa sa kwarto.
“Hep!” pigil sa akin ni Gerald.
“Drink moderately,” paalala niya.
“Yes, Sir!” tugon ko.
Bumalik na ako sa kwarto at nabigla ako sa naabutan ko.
Nakatulog na si Alexa sa sobrang pagod.