Chapter 51

1679 Words
Habang naghuhugas ako ng kamay ay bigla na namang lumitaw ang babae kanina sa grilled house. Napasimangot ako sa inis habang nakatingin sa aking repleksiyon sa salamin. Madiin kong kinuskos ang bawat pagitan ng daliri ko. “Ouch!” bulalas ko. Nagasgasan ko ang gilid ng aking daliri dahil sa mariin na pagkuskos rito. “Buwiset talaga,” wika ko. Hinayaan kong dumaloy ang tubig mula sa gripo sa nagasgasan na parte ng daliri ko. Bigla na naman na pumasok sa isipan ko ang boses ng babae na sumagot sa aking tawag sa numero ni Gerald. “Paano yung babae na sumagot kanina?” sambit ko. Natulala ako kakaisip. “I wonder how…” wika ko. Iniisip ko ngayon kung paano ko malalaman ang mga tinatago sa akin ni Gerald. Kung paano ko mahuhuli ang babae na kasama niya kanina? Nagbalik lang ako sa ulirat nang bumukas ang pinto ng banyo. “Miss Tin,” wika ni Imee. Napalingon ako. “Pwede bang dito na lang tayo mag-usap?” aniya. Nagtaka ako pero pumayag din ako. “Nahihiya kasi ako na makita ng ibang tao na nangungutang,” saad niya. Humarap siya sa salamin at naghugas ng kamay. “Bakit ka naman nahihiya?” tanong ko. “Ayaw ko kasing kaawaan nila ako,” turan niya. Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin sa sitwasyon na ito. Ngumiti ito, kita ko iyon kahit nakatagilid siya mula sa harapan ko. “Napapalibutan kasi ako ng mga tao na may pera, tapos makikita ako ng iba na nangungutang…” Huminto siya sa paghuhugas ng kaniyang kamay, “Yung iba maawa tapos ang iba naman ay kung anu-anong iisipin tungkol sa akin o sa pamilya ko,” Napakagat labi siya. Nalungkot ako sa kaniyang mga sinabi. All those years, hindi ko alam na ganoon ang kaniyang mga nakikita at naririnig mula sa ibang tao. “Kaya nga naiilang ako kanina nang makita ko na nandito rin si Jaeryll, pero hindi ko iyon pinahalata,” saad niya. Ngumiti siya at nagpunta sa hand dryer at nagpatuyo ng kaniyang kamay. “Sana kahit sa mga ganitong sitwasyon maintindihan mo ako, Miss Tin,” aniya. Lumapit ako sa kaniyang at hinagkan siya. Nagulat ito sa akin. “Miss, ano ang ginagawa mo?” tanong niya. Nanatili lang na ganon ang sitwasyon namin. Hindi siya pumalag o umalma. “Can’t you feel? I’m comforting you,” wika ko. Naramdaman ko ang pagkabigla niya base sa kaniyang paghinga at t***k ng puso. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking likuran. “Thank you,” wika niya. Kumalas na ako sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at ngumiti. “So tell me, how much do you need?” tanong ko. “One fifty thousands, cover for one year,” sagot niya. “Okay, wait mo ako rito, kukunin ko lang ang bag ko,” wika ko. Tumango naman siya. Iniwan ko siya sa banyo at nagtungo sa aking working table. Hindi na ako dumaan pa sa lobby para mas mapabilis ang mga bagay bagay. Nakaabot na ako at kinuha ang bag. Dumiretso sa banyo ng hindi ito tinitignan. “Hey,” sambit ko. Napalingon sa akin si Imee. May kausap ito sa kaniyang cellphone. Sumenyas ito sa akin ng sandali gamit ang kaniyang kamay. Naintindihan ko naman iyon. Pinagmasdan ko siya, seryoso siyang nakikinig mula sa kabilang linya. “Sige po, Tay, pupunta na po ako diyan mamaya mga alas dose ng tanghali,” turan niya. Ibinaba na niya ang tawag at humarap sa akin. Binuksan ko ang aking bag, “Here’s the money you ne..e..d..” Nanlaki ang aking mata sa aking nakita. Inulit ulit ko itong tinignan pero walang pera na nasa loob ng aking bag. “What’s wrong, Miss?” tanong ni Imee. Tumingin ako sa kaniya na naiilang. “Walang pera,” sambit ko. Naguluhan naman si Imee gayon din ako. “Sa pagkakatanda ko ay nagwithdraw ako kanina,” wika ko. Tahimik lang na nakikinig si Imee. Sinubukan kong balikan ang nangyari kanina nang nasa hotel pa ako. “Nakabungguan ko si Sir Cristobal kanina paglabas ko ng elevator…” bulong ko. Iniisip kong mabuti ang kasunod na nangyari. “Tapos sumakay sa sasakyan ni Jaeryll,” wika ko. Naguluhan na naman ako. “Bakit nag time skipped ako?!” tanong ko. “Miss, calm down, think again, baka hindi ka po nakapag-withdraw,” aniya. I inhale and exhale. Inisip kong mabuti ang nangyari. Biglang nag pop out ang isang bumbilya ng ilaw. “I’m sorry, I really forgot to withdraw,” wika ko. “Its okay, Miss,” aniya. “Hindi ba alas dos mo pa naman kailangan?” tanong ko. Napatango naman ito. “Then, just wait, I’ll go to the nearest automatic teller machine,” I said. Hindi ko na siya hinayaan pang makasagot at dali daling lumabas. Nadaan ko si Jaeryll na nagtaka kung bakit ako tumatakbo. “Christine, wait!” sigaw nito. Napahinto ako at nilingon siya. “Why in a hurry?” tanong niya. “Sorry, can you please stay a little bit longer with Imee?” turan ko. Nagulat ito saglit at tumango. Ngumiti ako at lumabas na pero bago ko pa maisara ang pinto ay narinig kong tinawag pa ako ni Imee kaya napalingon akong muli. “Miss!” sigaw niya. Ngumiti ako at kumaway na lang. Tuluyan na akong nakalabas at nakita na may paparating na taxi kaya naman agad ko itong pinara. Huninto ito at agad akong sumakay. “Manong, sa nearest atm or bank po,” saad ko. Tumingin lang ang driver sa akin at tumango. Pinaandar na niya ang taxi. Wala pang sampung minuto ay huminto na ang taxi. “Ma’am, iyon po,” aniya. Nakaturo ito sa dalawang atm na nakapwesto. Napangiti ako. “Teka, Manong, babalik ako, saglit lang ako,” wika ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot ang driver sa akin. I feel bad pero I’m in a hurry. Nagmadali akong inilabas ang aking atm card at isinalpak ito sa atm. Pinindot ang pin code ko at nag-withdraw ng 200,000.00 pesos. Paglingon ko ay nandoon pa rin ang taxj at hindi umalis. Pumasok ako at nagpasalamat sa paghihintay ng driver. “Thank you for waiting,” sambit ko. “Ay wala iyon, hindi ka pa kasi bayad kaya naghintay ako,” aniya. Namula ako sa hiya. Kaya naman pala hindi siya umalis ay dahil agad akong lumabas ng taxi nang hindi pa nagbabayad. “Patuloy pa rin pala sa pag-andar ang metro,” wika niya. “Its okay, lets go back to the gallery,” sambit ko. Lumingon sa akin ang driver. “Saan iyon?” tanong niya. Seryoso ang pagkakatanong ng driver. Nanlumo ako, nakalimutan ko na hindi pala kilala ang aking gallery. Ngumiti ako kay Manong. “Doon po kung saan ako sumakay kanina,” wika ko. “Ay doon pala, sige mag u turn pa ako,” sambit ng driver. Umandar na muli ang taxi at nag u-turn. Nag u turn muli ito para sa harap mismo ng gallery ako ibaba. “Manong, sa gilid na lang po,” sambit ko. Itinabi naman ng driver ang kaniyang taxi. “Magkano po?” tanong ko. “245 pesos lang po,” sagot nito. Tumingin ako sa bag ko. Limangdaan lang pala ang pinaka-maliit na pera ko. “Here po, keep the change,” saad ko. Nagulat naman ang driver sa ibinayad ko. “Talaga po?” aniya. Hindi ito makapaniwala. “Oo naman po, sige po ingat,” turan ko. “Salamat po,” aniya. Tuluyan na akong bumaba sa taxi at pumasok sa loob ng gallery. Naabutan ko ang dalawa na magkatabing nakaupo at masayang nanonood ng korean drama. Umubo ako, “Ehem,” Nagulat naman ang dalawa at agad na naghiwalay ng upo. “Imee, can we talk,” saad ko. Pinapanatili kong seryoso ang aking mukha. Nagulat ito pero sumunod naman. “Sandali lang,” wika ko kay Jaeryll. “Sige,” sagot niya. Naglakad na ako papunta sa working table ko at sumunod naman si Imee sa akin. Humarap ako sa kaniya na may mga titig ng pagtataka. Umalma naman siya agad, “Hindi po ganoon, Miss, mali ang iniisip niyo,” aniya. Binigyan ko pa siya ng tingin na hindi naniniwala. “Miss, you know me,” aniya. Napabuga ako ng tawa sa reaksyon ni Imee. Nagtaka naman ito. “Imee, you won’t believe what I saw on your face,” wika ko. Napasimangot naman ito. “Kinabahan naman ako doon, Miss,” aniya. “Anyways, here’s the money you need,” wika ko Inilabas ko mula sa aking bag ang pera at kaniya namang kinuha. “Thank you, malaking tulong po ito sa mama ko,” aniya. Hinawakan ko at pinisil ang kaniyang pisngi. “Ano ka ba? Mula bata ako kakilala ko na magulang mo,” wika ko. Mangiyak-ngiyak si Imee. “Maraming salamat po talaga,” sambit niya. “Go, alis ka na, hintayin ko na lang si Joyce para may kasama ako ngayon dito,” turan ko. Napailing naman si Imee. “Mahuhuli ng oras si Miss Joyce ngayon,” sabi niya. Nagtaka ako. “May pinuntahan siya, I think birthday,” sambit pa ni Imee. “Ganoon ba? Sige, alis ka na,” wika ko. Nag-ayos na si Imee at sabay kaming bumalik sa lobby. “Jaeryll, mauna na muna ako,” aniya. Nagulat naman si Jaeryll at napatingin sa kaniyang relo. “Why?” tanong nito. “May pupuntahan lang ako,” sagot niya. “Kung ganoon, hahatid na kita,” wika nito Nagulat ako gayon din si Imee. “Ay, huwag na po,” aniya. “Okay lang, tara,” tugon ni Jaeryll. “Sumabay ka na Imee para hindi hassle,” saad ko. Napatingin naman sila sa akin. “Sige po,” Humarap siya kay Jaeryll na nakangiti naman sa kaniya. “Mauna na kami, Christine,” paalam ni Jaeryll. Tumango naman ako. Umalis na sila ng tuluyan at naiwan akong mag-isa sa gallery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD