Papasok na kami nang makita ko si Imee na nanonood na naman ng korean drama.
Binuksan ko ang pinto at agad na napatayo si Imee, “Good morning, Miss Tine,” magiliw niyang wika.
Ngumiti lang ako at nagulat siya nang may lalaking nakasunod sa aking likuran.
“Oh,” aniya, “Nandito ka pala, good morning,” masaya niyang binati si Jaeryll.
“A-ano, good morning,” bati ni Jaeryll.
Lumihis ng tingin si Jaeryll, marahil ay nahihiya.
“Maupo na muna kayo,” turan ni Imee.
Napalingon si Jaeryll sa kaniya gayon din si Imee.
Pinagmasdan ko sila. Tila may kislap ang kanilang mga habang nagkakatitigan.
“Jaeryll, maupo ka muna, kausapin ko lang si Imee,” saad ko.
Tumango naman ito at naupo sa sofa.
Kinalabit ako ni Imee at napailing.
Kinausap niya ako pero mahina lang ang lumalabas sa kaniyang boses.
“Mamaya na lang po, kapag paalis na siya,” aniya.
Nagtaka naman ako at hinintay ang kaniyang sasabihin na dahilan.
Pinilit niyang tumawa, “Nakakahiya kasi kapag narinig niya,” Inilihis niya ang kaniyang mukha.
Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kaniyang pisngi. Nagulat ito sa akin.
“Kung iyon ang gusto mo, sige, later na lang,” saad ko.
Napangiti ito.
“Teka, bili lang muna ako pang almusal,” wika ni Imee.
Narinig iyon ni Jaeryll at napatayo.
“Hindi ka pa ba nag-aalmusal?” tanong niya.
Nguniti sj Imee at umiling.
“Nagmamadali kasi ako,” sagot ni Imee.
“Why? Dapat nag-almusal ka muna,” wika ko.
Tumawa ito ng mahina na medyo naiilang.
“Nakalimutan ko po kasi,” sagot niya.
“If that so, then ako na lang ang bibili,” saad ni Jaeryll.
Nagulat kaming pareho ni Imee.
“Ay, huwag na po,” sambit ni Imee.
Sumenyas ito na ayaw niyang bumili si Jaeryll.
“Oo nga, huwag na Jaeryll, nakakahiya,” wika ko.
“Ano ba kayo, kaibigan niyo na ako,” aniya.
Natahimik kami ni Imee. Napansin naman iyon ni Jaeryll.
“Hindi niyo pa ba ako kaibigan?” Tanong niya.
Umiling ako.
“Bisita ka kasi dito sa gallery,” wika ko, “I treat you as my friend,” dagdag ko pa.
Ngumiti si Imee.
“Gayon din ako, kahit nahihiya ako na maging kaibigan mo,” saad nito.
Ngumisi si Jaeryll at nakapamewang.
“Kung ganoon pala, hayaan niyo akong bilhan kayo ng almusal,” turan niya.
Wala na kaming nagawa dahil pinipilit niya iyon.
“Okay, Imee, samahan mo na muna siya,” sambit ko.
Nabigla naman si Imee pero agad naman na sumang-ayon.
“Ano bang gusto mo, Miss Tine?” tanong niya.
“Kung anong gusto mo,” wika ko.
Ngumiti ito at muling humarap kay Jaeryll.
Palabas na sana sila nang pinahinto ko sila.
“Teka,” Lumingon sila sa akin.
“Bakit?” tanong ni Jaeryll..
“May allowance pa ba diyan?” tanong ko.
“Mayroon pa po,” wika niya.
“Okay, ingat kayo,” saad ko.
Tuluyan na silang lumabas at sumakay ng sasakyan.
Napaisip ako sa dalawa.
Kung sana sila ang unang nagkakilala marahil ay masaya sila sa kanilang relasyon.
Kaso hindi, si Alexa ang unang nakilala ni Jaeryll. Kahit hindi nila sabihin, ramdam ko naman na may espesyal silang nararamdaman para sa isa’t isa pero hindi na pwede.
Hindi ko alam kung sino ang kaawaan ko. Si Alexa na best friend ko? Si Imee na kaibigan ko simula pagkabata o Jaeryll na naiipit sa dalawang babae. Ang gulo talaga.
Pinilit ko na hindi na iyon isipin. Nagtungo agad ako sa aking workplace. Inilpag ang aking sling bag.
“Nakalimutan ko na ang tungkol sa gagawin ko na chinese style painting,” wika ko.
“Kailan kaya paparito si Mr. Salcedo?” tanong ko sa sarili.
Sinambunutan ko ang aking ulo.
“Kapag may problema na may darating na isa pa at sunud-sunod na iyon,” saad ko.
Sinuot ko ang aking apron at naupo na sa harapan ng canvass.
Kinuha ko ang aking cellphone, “Well, lets see,” Naghanap ako ng mga halimbawa patungkol sa mga chinese style paintings.
“Medyo mahirap pala, pero kakayanin,” wika ko.
Nakatuon ang aking paningin sa flower and bird painting style.
“So, lets starts practicing,” wika ko.
Inilapag ko na ang aking cellphone at hinawakan na ang color pallete at paint brush.
Nagsimula na ako.
Hindi ko na namalayan pa at inabot na pala ako ng higit tatlumpo’t minuto.
“Miss Tine,” sigaw ni Imee.
Tumayo ako at hinubad ang suot na apron.
“Teka, lalabas na,” wika ko.
Dumiretso muna ako sa banyo para makapaghugas ng kamay.
Pagkatapos ay nagtungo na sa lobby kung na saan sila Imee at Jaeryll.
Nagulat ako sa dinatnan ko. Maraming pagkain ang nakahain sa ibabaw ng center table.
“Miss, si Jaeryll bumili niyan, hindi niya ako pinagastos,” saad ni Imee.
Napatingin ako kay Jaeryll. Napaka-galante niya.
“Salamat sa libre,” wika ko.
“No worries, kain na,” sambit niya.
Umupo na ako sa tabi ni Imee, samantalang si Jaeryll ay nakaupo sa harapan namin.
Kinuha ko ang isang porksilog at tinitigan.
Pumasok sa isipan ko si Hailey, ang babaeng may-ari ng grilled house kanina na kinainan namin ni Gerald.
Paano kung siya ang babae na sumagot ng aking tawag kanina? Tanong ko sa sarili ko.
“Miss? Are you okay?” tanong ni Imee.
Napangiti ako.
“Oo, okay lang ako, may sumagi lang sa isip ko,” sagot ko.
Ngumiti ito sa akin.
“Kain na po,” aniya.
“Oo, sige, salamat,” wika ko.
Napatingin ako kay Jaeryll. Nakatingin din ito sa akin ng walang emosyon at nang magkasalubong ang aming tingin ay ngumiti ito sa akin. Ang weird.
Binuksan ko na ang porksilog. Nabitin din kasi ako kanina dahil sa irita sa may-ari doon.
Sumubo na ako at kumain.
Mga 30 minutes din kaming masayang nag-kwentuhan tungkol sa buhay habang kumakain.
“Oo, ganoon si Miss Tine noong mga bata pa kami,” wika ni Imee.
Nagkekwento kasi siya ng tungkol sa kaniyang pagkabata which is kasama ako dahil doon sila nakatira sa amin.
Tumawa ako sa pagkailang.
“Hindi naman, grabe ka naman maka-kwento,” saad ko.
Humarap ito kay Jaeryll.
“Hindi, totoo talaga iyon,” aniya.
Natawa si Jaeryll, “Oo, naniniwala ako sa iyo,” aniya.
Napangiti naman si Imee sa narinig na pag-sang ayon nito.
Uminom na ako ng tubig sa bote na binili rin nila.
Iniligpit ang pinagkainan.
“Ako na po,” saad ni Imee.
“No, its okay, konti lang naman ito,” sambit ko
“Pero…” aniya.
Ngumiti ako.
“Okay lang,” wika ko.
Napasimangot siya.
Itinapon ko na ang aking styro at nagpunta sa banyo para maghugas ng kamay.
“Diretso muna ako sa banyo,” saad ko.
Tumango naman sila.