Nang makaalis na sila ay agad akong nagtungo sa aking working table para maipagpatuloy ang aking chinese style painting kung kaya kong gawin.
Nang makaayos na ako, ay siya naman na tumawag si Joyce.
“Hello, Joyce, napatawag ka?” bungad ko.
“Medyo late na ako pupunta diyan,” aniya.
“Oo, sinabi nga ni Imee kanina,” sambit ko.
“Kung pwede gabi na lang, may sarili naman na akong susi,” turan niya.
Napaisip ako sandali. Bakit gugustuhin ni Joyce na gabi pumarito sa gallery?
“May nangyari ba, Joyce?” tanong ko.
Mabilis lang din siyang sumagot sa akin.
“Ay! Wala po, trip ko lang,” wika niya.
At tumawa ito na may halong pagka-ilang.
“Akala ko naman kung ano, oo maaari kang magpunta rito ng gabi,” saad ko.
“Mabuti naman kung ganon, thank you,” aniya.
“Walang anuman,” wika ko.
“Bye, Miss,” paalam niya.
“Sige, bye,” tugon ko.
Ibinaba na niya ang tawag. Napatitig ako sa aking cellphone.
Maraming katanungan sa aking isipan, pero ni isa ay walang konkretong sagot.
Napailing ako. Bakit ko nga ba pinoproblema iyon? May sarili akong problema na kailangan kong lutasin agad.
Hinawakan ko na ang painting pallete at brush.
Nagsimula ko nang paganahin ang aking imahinasyon.
Pero iisang bulaklak lang ang laging pumapasok rito— ang chrysanthemums.
Ang ibang bulaklak ay kapag naiisip ko ang ngalan, hindi lumilitaw sa aking isipan ang kanilang anyo o wangis.
Kaya wala na akong nagawa kundi iyon na lamang ang ipinta.
Nagsimula na akong igalaw ang brush sa aking canvass.
Sineryoso ko ang pagpipinta para naman hindi madismaya si Mr. Robinson.
Halos isang oras din ang ginugol ko sa sa iisang bulaklak lang. Hindi pala ito madaling gawin gaya ng inaasahan ko dahil sa mulyiple color layers nito.
Nag-unat ako ng aking mga kamay.
“Grabe naman pala!” bulalas ko.
Nagsimula na ako ulit pero sa pagkakataon na ito ay ang ibon na robin ang aking ipipinta.
Inabot ako ng isa’t kalahiting oras para sa ibon na iyon.
Tinignan ko ang aking ipininta.
“Not bad for a first timer!” turan ko.
Nagalak ako dahil walang nagturo sa akin noon.
“Teka, manood kaya muna ako ng tutorial para mas maganda ang kalalabasan?” tanong ko sa sarili ko.
So, I decided na manood ng tutorial sa youtube.
Naubos ang isang oras ko sa panonood ng basic nito.
“Grabe!” ani ko.
Isang mahabang salita ang aking winika para ilabas ang aking nararamdaman.
“I’m a painter, I need patience for my work,” saad ko.
Tumayo ako.
Muling tinignan ang gawa ko.
Napangiti ako.
“Sandali lang, gugugulan kita ng sapat na oras,” wika ko.
Naglakad ako palabas at nagtungo sa banyo para umihi.
Habang naghuhugas ako ng aking kamay ay naalala ko na naman si Gerald.
Hindi ko alam kung mali na sa akin dahil sa sobrang kakaisip tungkol doon.
Napasinghap ako.
“I better do things well,” sambit ko.
Ngumiti akong muli.
“Malalaman ko rin ang lahat,” saad ko.
At tuluyan na akong lumabas ng banyo para agad na makaupo sa aking ginagawang painting.
Nang makadaan ako sa lobby, napansin ko na may nakatingin na babae mula sa labas.
Lumapit ako at nang malapit na ako ay agad itong naglakad mng mabilis.
“Teka!” sigaw ko.
Humabol ako pero paglabas ko ng pinto ay wala na roon ang babae.
Bigla naman bumalik sa aking isipan ang babaeng nakatingin din sa akin mula sa malayo sa sementeryo three months ago.
“Iisa lang ba sila?” tanong ko.
Pabalik balik ang aking tingin sa kaliwa’t kanan ko, nagbabakasaling makita ko ang babaeng iyon.
I lost my hopes.
Bumalik na lang ako sa loob.
“Sino kaya iyon?” tanong ko.
Tanong na muling gumugulo sa aking isipan. Marami na ngang problema, dumagdag pa iyon.
“Sinusundan niya ba ako?” wika ko pa.
Napailing ako. Hindi maaring sumusunod siya sa akin dahil ngayon ko lang ito napansin. Bigla ko naman naisip si Chrys na siyang nagpapadala sa akin ng mga notes na nakaka-gimbal.
“Baka siya si Chrys?!” bulalas ko.
Napaisip ako ng sobra. Hindi maiiwasan na isipin ko iyon, knowing that someone’s sending me those threats.
Nagulat naman dahil biglang nag-vibrate sa bandang puson ko.
Kinuha ko ang cellphone na nakalagay doon.
May nagtext pala sa akin. Hindi ito nakaregister sa akin.
Binuksan ko iyon para basahin.
“Hindi mo ba naiisip na may ibang babae ang iyong nobyo?” sambit ko.
Napakunot noo ako.
Sinubukan kong tawagan ang numero pero cannot be reach na ito.
Nataranta ako dahil iyon nga ang aking naiisip. Knowing that someone is thinking the same way with me.
I replied to that number hoping na may babalik na text message sa akin.
Inilagay kong muli ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong apron at naglakad pabalik sa kwarto kung saan kami nagpipinta.
Naupo na ako at ipinagpatuloy ang aking pinipinta.
Lumipas ang pitong oras. Natapos ko na ang pininta ko. Kulang pa iyon ng mga karagdagang kulay pero masasabi kong maayos na ito.
“Practice pa lang naman ito, bukas gagawin ko na talaga ang para kay Mr. Robinson,” saad ko.
Ngumiti ako.
“Kahit na abutin pa akong mg mahigit isang linggo para mapaganda iyon,” wika ko pa.
Tinanggal ko na ang suot kong apron at nag-unat.
Naalala ko naman na tignan ang aking cellphone pero wala akong natanggap na mensahe mula sa numero kanina.
Napakagat labi ako habang nakatitig rito.
“Who are you?” saad ko.
Bigla naman akong nagutom dahil sa pitong oras na walang tigil sa pagpipinta kaya naman naisipan ko ng magligpit ng mga ginamit ko.
Habang nag-aayos ako ay dumating naman si Joyce.
“Miss Tin,” tawag niya.
Napalingon ako.
“Oh, you’re here,” wika ko.
Ngumiti ito.
“Yes, it’s seven in the evening na, and yet, you’re still here,” aniya.
“Yeah, I’m working on the projects that Mr. Robinson wants,” saad ko.
She gasped and nod.
“I see,” Tumingin ito sa mga nililigpit ko, “Are you done with it?” tanong niya.
“No, I’m just practicing it to paint,” sagot ko.
Lumapit ito sa ginawa ko.
“It looks great,” aniya.
Namula naman ako.
“Hindi naman pero thank you,” wika ko.
Humarap siya sa akin.
“Pauwi ka na ba?” tanong niya.
Tumango ako.
“Yes, nagugutom na kasi ako,” tugon ko
“Tulungan na kita sa pagliligpit,” sambit niya.
Tumanggi ako sa alok niyang pagtulong.
“No need, I can handle this, kaunti lang naman ito,” ani ko.
Medyo nabigla siya sa pagtanggi ko pero agad na ngumiti.
“Ganoon ba, teka ilalalag ko lang ang bag ko,” aniya.
Nagtaka naman ako.
“Sabay na lang tayong kumain, hindi pa rin naman ako kumakain, eh,” kwento niya.
“Hindi nga?” tanong ko.
“Yep, dito na ako dumiretso,” tugon niya.
“Saan ka ba galing?” usisa ko.
“Sa bahay… sa bahay ng friend ko,” wika niya.
“Mukhang malayo pa ang pinanggalingan mo,” wika ko.
Tumawa ito.
“Medyo, birthday kasi niya and syempre kahit na kumain ako doon magugutom pa rin ako habang nasa biyahe,” kwento niya pa.
“Kaya pala, tapon ko lang ito,” saad ko.
Tumango naman ito.
Naglakad na ako at pumunta sa trash bin, itinapon ang mga lagayan ng pangkulay sa painting.
Bumalik na ako sa upuan ko at nakita na nakabukas ang screen ko.
Agad ko itong kinuha at nakita na muling nagpadala ng mensahe ang numerong iyon pero sa pagkakataon na ito, larawan ang kaniyang ipinadala.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko iyon.
Agad kong tinignan ang time and date ng picture.
Kumpirmado, kanina nga lang umaga iyon.
Naglihim sa akin si Geeald. May tinatago siyang ibang babae mula sa akin.