OoSa wakas, nakarating na kami sa tapat ng hotel.
“Hanggang dito na lang ako,” wika ni Alexis.
Ngumiti ako.
“Salamat sa paghatid sa akin,” sambit ko.
Bumaba na ako ng sasakyan at isinara ang pinto ng kotse.
Dumungaw ako sa may bintana ng kotse nang nakangiti.
“Mag-iingat ka, see you,” saad ko.
Tumango naman si Alexis at kumaway pa sa akin bago umandar ang sasakyan.
I sighed.
“I hope everything will be alright,” bulong ko.
As I turned back, I saw Gerald standing there.
“Babe, bakit ka nandito?” Tanong ko.
“Hinihintay ka,” sagot niya.
Lumapit siya sa akin at umakbay.
“Ang tagal mo,” aniya.
Naglakad na kami papasok sa may lobby ng hotel.
“Oo nga, eh…” sagot ko, “Nanlibre kasi si Tita Gladys ng dinner,” dagdag ko pa.
“Kumusta naman pala sila?” tanong niya.
“Teka,” Nag-isip ako, “Paano ko ba sisimulan?” wika ko.
Nakarating na kami sa tapat ng elevator, pinindot na ni Gerald ang ika-sampung palapag.
“Mula sa umpisa?” aniya.
Bumukas naman agad ang elevator kaya pumasok na kami.
“Sa kwarto ko na lang sasabihin,” saad ko.
Tumingin sa akin si Gerald.
“Masyado kasing madami, eh,” sambit ko.
“Sige, basta sa higaan mo lahat sasabihin, eh,” pabiro niyang wika.
Kinurot ko naman siya sa kaniyang tagiliran at siya’y natawa.
“Ito naman,” aniya.
Hinaplos-haplos niya ang parteng kinurot ko.
“Madiin ka na mangurot, ah,” sambit niya pa.
Pinipigilan ko naman ang sarili ko na tumawa.
“Grabe ka na talaga, Christine Gallerno,” turan niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ako’y tumawa na kasabay no’n ay ang pagbukas ng pinto ng elevator.
“Nasa 10th floor na agad tayo,” sambit ko.
Naglakad na kami palabas ng elevator.
Bumulong naman sa akin si Gerald.
“Ayaw mo bang makarating agad sa silid natin?” tanong niya.
Nilingon ko siya. Nakangiti ang loko.
“Puro ka talaga kalokohan, Babe,” turan ko.
Tumawa ito.
“Hanggang ngayon namumula ka pa rin sa gano’n,” saad niya.
“Ewan ko sa iyo, Mr. Gerald Hortaleza!” pa-bulyaw kong sabi.
Tumatawa pa rin ito hanggang sa pagbukas ng pinto.
Huminto siya sa pagtawa at biglang nagsalita at pomorma na tila isang magiting na kawal.
“Please, come in, my Princess,” wika niya.
Nakayuko ito habang ang kaniyang kanang kamay ay nakalagay sa kaniyang dibdib, at ang kaliwang kamay ay nakadikit sa kaniyang likod.
Nagpanggap din naman ako na isang prinsesa.
Ngumiti ako ng abot hanggang tainga at naglakad gaya ng isang prinsesa at taas noo na dumaan kay Gerald.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kwarto ay humagalpak kaming dalawa sa tuwa at saya.
Umupo kaming dalawa sa sofa. Yumakap pa sa akin si Gerald.
“So, tell me, anong nangyari? Para kasing need natin dalawin si Tita Gladys,” aniya.
Napangiti ako habang hinahaplos ang kaniyang ulo.
“Kailangan talaga natin, si Tita na nagsabi na dalawin natin siya, eh,” turan ko.
Nanatili lang si Gerald sa pagyakap sa akin hanggang inihiga na niya ang kaniyang ulo sa aking hita.
Nakaharap na ngayon ang kaniyang mukha sa akin.
“Ang ganda mo talaga kahit saan na anggulo,” sambit niya.
Sinamaan ko siya ng tingin kuno. Kinurot ang kaniyang ilong.
“Sobrang gwapo mo na kahit maging babae ka ay maganda pa rin ang kalalabasan,” saad ko.
He pout. Hinamas din niya ang kaniyang ilong.
“Yeah, I know, I’m too beautiful in your eyes,” aniya.
“Ang kapal mo,” wika ko, “Its only a joke, okay?” dagdag ko pa.
Pabiro kong sagot kay Gerald.
“Ay sus!” He exclaimed.
Hinawakan niya ang kaniyang baba.
“Kaya pala,” He smirked.
Natawa ako sa kaniya.
“Umayos ka na,” wika ko.
Napakunoot noo si Gerald at nagtaka naman kung bakit ko siya pinapaayos.
“Ayaw mo na ba sa akin?” tanong niya.
Ang kaniyang mga mata ay tila naluluha na at napapasimangot na siya.
Muli na naman akong humagalpak sa tuwa.
“Sige, pa cute ka pa, mukha kang tuta,” sambit ko.
Umayos na siya.
“Hindi ka ba nanghihinayang?” saad niya.
Natulala ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kanina ay naglolokohan lang kami pero biglang nagbago ang ihip ng hangin at naging seryoso ito.
“Nangyari ba’y gano’n na lamang,” wika niya pa.
“A-anong pinagsasabi mo?” tanong ko.
“Wala na ba ang init ng pag-ibig mo?” sambit niya.
Mas lalo akong naguluhan.
“T-teka!” bulalas ko.
“Naglaho ba sa puso mo,” aniya.
Tumayo na ako. Hindi ko na alam ang pinagsasabi niya.
Hinawakan niya ako sa aking kamay.
“Kaya’t ngayon ang mahal mo’y ‘di na ako,” saad niya.
Seryoso ang kaniyang mukha habang binabanggit niya ang mga kataga na iyon.
“Babe, what are you talking about?” tanong ko.
Nananatiling gano’n ang kaniyang expression.
“Kung mawawala ka, hindi ko makakaya,” saad pa niya.
Hinayaan ko lang siyang magsalita.
“Harapin ang bukas ng nag-iisa,” aniya.
Nangingilid na ang kaniyang mga luha.
“Kung ako’y iiwan mo, paano na tayo?” dagdag niya pa.
“Hindi naman kita iiwan, Gerald,” saad ko.
“Sayang ang pangako sa isa’t isa,” wika niya pa.
Umupo ako at hinawakan ko ang kaniyang kamay.
“Kung mawawala ka,” sambit niya pa.
“Hinding hindi kita iiwan,” turan ko.
Mula sa seryosong mukha ay bigla na lamang siyang ngumiti.
Nagtaka ako.
“Bakit ka nangiti?” tanong ko.
Bigla naman siyang tumawa ng malakas.
Hinampas ko ang kaniyang balikat.
“Ano bang nakakatawa?” tanong ko.
Patuloy pa rin siya sa pagtawa at umiiling iling pa.
“Teka,” aniya.
I frowned but I patiently waited until he finish laughing.
Halos tatlong minuto rin siyang tumatawa ng tuloy-tuloy.
Nang medyo humina na ang kaniyang pagtawa ay nagsalita na ako.
“Ano bang nangyayari sa iyo?” tanong ko.
Umubo siya para pigilan ang pagtawa niya.
“Wala naman. I love you,” aniya.
“I love you, too,” tugon ko.
Sumandal naman siya ng maayos sa sofa.
“Hindi mo ba naririnig ang mga kataga na binanggit ko?” tanong niya.
Napailing ako. Hindi ko pa naman narinig iyon kahit sa mga drama na ipinapalabas sa mga tv.
“Are you sure?” sambit niya.
Binigyan niya ako ng ngiting nang-aasar.
“Yes, I haven’t,” tugon ko.
“Well then, if not, lets sing for a while,” saad niya.
Tumayo ito at nagtungo sa flat screen tv. Tinignan niya ang guidebook nito at inumpisahan na mailagay sa kantahan.
“Sino mauuna, ako o ikaw?” tanong niya.
Pinauna ko na siyang kumanta dahil wala ako sa mood kumanta ngayon
“Ikaw na ang mauna, ikaw naman ang nakaisip na kumanta eh,” sagot ko.
Ngumiti ito at nagpindot na ng mga numero para sa mga kakantahin niya.
Umupo na ito sa tabi ko dala ang mikropono.
“Mahal mo ba’y hindi na ako by Roselle Nava,” sambit ko.
Ngumiti lang ito.
Nagsimula na siyang kumanta. Damang-dama niya ang bawat letra at linya ng kaniyang kinakanta.
“Wow,” I said.
Nasa chorus na ata siya ng kanta nang marinig ko ang pamilyar na kataga.
“Hindi ka ba, nanghihinayang,” Humarap siya sa akin.
“Nangyari ba’y gano’n lamang,” Nagpipigil siya ng tawa.
Parang iyan ang mga salitang binitawan niya kanina lamang.
Binigyan ko siya ng tingin na tila nagtataka. Nakataas ang isa kong kilay para may tense.
“Wala na ba ang init ng pag-ibig mo, naglaho ba sa puso mo,”
Nabigla ako nang biglang mag-sink in sa akin ang liriko ng kanta.
“Walang hiya!” bulalas ko.
“Kaya’t ngayon ang mahal mo’y ‘di na ako,” aniya.
Hindi na niya tinapos ang kanta at tumawa na lamang.
“Tumigil ka nga!” sambit ko.
Medyo nainis ako dahil sa kalokohan niya.
Patuloy pa rin siya sa pagtawa hanggang mag-play na ang sunod na kanta.
The songs is played by Ogie Alcasid.
“Kung mawawala ka? Kaya mo ba iyan?” wika ko.
Nagsimula na ulit siyang kumanta. Grabe na talaga, bigla na lang siyang nahilig sa pagkanta.
Nasa chorus na naman siya nang marinig kong muli iyon.
“Kung ako’y iiwan mo, paano na tayo? Sayang ang pangako sa isa’t isa,” May papikit-pikit pa siya ng mata habang kinakanta iyon.
Okay. Naloko niya ako sa part na iyon.
Nakabusangot ang mukha ko hanggang matapos siya.
Samantalang siya ay tuwang tuwa sa kaniyang biro.
“Whats with the long face?” aniya.
Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya ng masama.
Niyakap niya ako at ginalaw galaw na para kaming sumasayaw.
Hinawakan niya ako sa kamay at inayang tumayo.
Tumugtog ang favorite song niya.
Ang moonlight sonata ni Beethoven.
Tumayo na rin ako kapag labag sa loob ko dahil sa inis.
Nagsayaw kami sa saliw ng magandang musika.
“I love you, Christine, always and forever,” aniya.
Inilapat ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
“I love you more than anything,” tugon ko.
“I will do anything for you,” sambit ni Gerald.
Nagsayaw lang kami hanggang sa mapagod kami.