Pagkababa ng tawag ay biglang napaisip si Christine ng ideya.
Agad siyang sumeryoso, nagtaas ng isang kilay at pinagmukhang nayayamot na siya.
“Sige na, bili ka na foods and desserts nila,” utos ni Christine sa kaniyang nobyo.
Natawa naman si Gerald sa narinig.
“Opo, Madam, ibibili ko na po sila,” tugon ni Gerald sa utos ni Christine.
Sumenyas na lamang si Christine bilang tugon nito sa nobyo na mas lalong nagpatawa kay Gerald.
Napiling na lang si Gerald at tumalikod na para magtungo sa counter.
Nang makalayo na si Gerald saka bumulwak ang pagtawa ni Christine na kanina pa niya sinusubukan na pigilan.
“Grabe, ang hirap pala magpanggap na seryoso kahit na hindi,” aniya.
Habang naghihintay ay naisipan na lang ni Christine na kuhaan ng larawan ang kaniyang nobyo.
Tinutok niya ang lente ng kaniyang cellphone sa ngayon na nakatalikod na si Gerald habang ito’y naghihintay sa pila.
Panay ang kuha ni Christine. Hindi na niya inangguluhan pa ang bawat larawan.
Habang kinukuhaan niya ito ay saktong lumingon sa kaniya so Gerald kaya naman nakuhaan din na nakangiti sa kaniya ang nobyo.
Pasimpleng napangiti si Christine dahil doon.
May galit sa kaniyang puso pero nananaig pa rin ang pagmamahal niya para sa binata.
Tinawag na ng kahera ang sunod na customer kaya naman agad na humarap ito at naglakad papunta sa counter.
Patuloy pa rin sa pagkuha ng larawan si Christine. Nang magsawa na siya ay tumigil din siya at tingnan ang lahat ng larawan na nakunan niya.
Kinilatis niya itong maigi para ma-post sa kaniyang social media.
“Ang pangit,” aniya habang nililipat-lipat niya ang mga pictutes.
Nakanguso siya habang pumipili.
Napukaw ang paningin niya sa isang larawan.
Agad niya itong binalikan at tinitigan ng mabuti.
“Such a genuine smile,” aniya.
Napangiti siya.
Ito ang nakunan niya na sabay sa paglingon ni Gerald sa kaniya.
Nilagyan niya agad ng mga salita ang litrato at ipinost niya sa kaniyang i********:.
Sakto naman na dumating na si Gerald.
Nakangiti agad sa kaniya si Gerald.
“I’m glad that I make you happy today,” wika nito sa dalaga.
Napangiwi si Christine.
Naalala na naman niya ang babae na sumagot kanina sa tawag.
Nalungkot naman si Gerald nang mapansin ang pagbabago ng reaksiyon ni Christine. Alam niya na muling pumasok sa isipan ni Christine ang nangyari.
Mabuti na lamang ay dumating na ang order niya for take out.
“Here’s your take out, Sir,” wika ng lalaki na crew.
Matipid na ngiti ang ibinigay ni Gerald.
Agad din naman na umalis ang crew at napatayo na si Gerald.
“Babe,” tawag niya kay Christine. Napatingala naman si Christine at tinignan si Gerald, “Balik na tayo sa gallery,” sunod na sinabi ni Gerald kaya naman tumayo na lang din si Christine.
Hindi sila naghawak-kamay gaya ng ginagawa nila dati. Nagkailangan ang dalawa.
Hindi alam kung sino ang unang gagalaw para mahawakan ang kamay ng isa’t isa.
Hanggang tuluyan na silang makalabas sa restaurant.
Hindi makatingin ang dalawa sa isa’t isa. May distansya rin sa pagitan ng dalawa habang naglalakad. Tila nanumbalik ang nakaraan kung saan ang dalawa ay magkaibigan pa lamang.
Napasipol si Gerald para maalis ang katahimikan na nakapalibot sa kanila ng kaniyang kasintahan.
Napasinghap na lamang si Christine.
Habang naglalakad ay nadaan nito ang isang batang babae na nagtitinda ng mga bulaklak sa patay.
Napahinto si Christine nang lapitan siya ng dalagita at alukin ng bulaklak.
“Ate, bili na po kayo,” wika ng dalagita sa kaniya.
Napatitig si Christine. Hindi sa dalagita kundi sa bulaklak na binebenta nito— ang chrysanthemums.
Ilang minuto rin ang tinagal ng pagtitig ni Christine sa bulaklak.
“Ate, bibili ka po ba?” tanong ng dalagita.
Humarang naman bigla si Gerald at ngumiti.
“Ano, sige, magkano ba?” tanong ni Gerald.
Ipinakita naman ng dalagita ang mga bulaklak kay Gerald para makapili ito.
“Alin po ba rito?” Masayang tanong ng dalagita kay Gerald.
Tumanggi naman bigla si Gerald.
“Ay, wala akong gusto sa mga bulaklak na iyan, babayaran ko na lang lahat para makauwi ka na,” saad ni Gerald.
Nagulat ang dalagita sa narinig. Hindi makapaniwala na may bibili sa kaniya ng lahat ng paninda niya kahit hindi nito ibigay ang mga bulaklak.
Napatingin naman bigla si Gerald sa kaniyang tagiliran, kumapit bigla sa kaniya si Christine.
Nakayuko si Christine sa kaniyang likuran, agad naman naintindihan ni Gerald iyon, natatakot si Christine.
Hinawakan naman ni Gerald ang kamay ni Christine na nakakapit sa kaniyang suot na damit.
“Its okay, naghahanap-buhay lang yung dalaga,” turan ni Gerald.
Napa-iwas si Christine at napatingin sa mga dumaraan na sasakyan.
Bigla naman nagsalita ang dalagita.
“T-talaga po ba? Gagawin niyo iyon?” hindi makapaniwala ang dalagita.
Agad naman na tumingin si Gerald sa dalagita na nag-aalok ng bulaklak.
“Oo, magkano ba lahat?” tanong muli ni Gerald.
“Teka po, bibilangin ko pa po,” sagot ng dalagita.
Agad itong tumakbo sa pwesto ng lahat ng kaniyang mga bulaklak na binebenta.
Hindi na iyon tinignan ni Gerald.
Nagsalita naman si Christine.
“Bigyan mo na lang ng pera, para makaalis na tayo,” saad ni Christine.
Humarap sa kaniya si Gerald at hinaplos siya sa kaniyang pisngi.
“Teka, lalapitan ko lang siya,” sambit ni Gerald.
Naiwan sa gitna si Christine habang naglalakad naman si Gerald patungo sa gilid ng kalsada kung saan naroroon ang tinda ng dalagita.
Habang nagbibilang ang dalagita, inilabas ni Gerald ang kaniyang wallet at naglabas ng limang libong piso.
“Ineng, ito, huwag mo nang bilangin pa ‘yan,” sambit ni Gerald.
Napatigil naman ang dalagita sa pagbibilang at napatingin sa iniaabot sa kaniya ni Gerald.
Nanlaki ang mata ng dalagita sa nakitang pera.
Pilit na ibinibigay ni Gerald ang pera.
“Here, get this money, nagmamadali kasi kami,” aniya.
Nag-aalangan pa ang dalagita kung tatanggapin niya iyon. Mabagal niyang iginalaw ang kaniyang kamay para makuha ang pera.
Ngumiti lang si Gerald.
“Sige na,” wika ni Gerald.
Si Gerald na mismo ang naglagay ng pera sa palad ng dalagita.
Hindi makasagot ang dalagita pero agad na tinignan kung ilan ang isang libo na ibinagay sa kaniya.
Umalis na si Gerald nang hindi nagsasabi at hinawakan ang kamay ni Christine. Naglakad na sila palayo sa dalagita.
Napaluha naman ang dalagita nang makita na limang piraso na tig iisang libo ang inabot sa kaniya.
Tumayo ang dalagita at napatakbo.
Sumigaw ito sa magkasintahan.
“Ate, kuya! Salamat po!” sigaw niya.
Huminto at napalingon naman sina Christine at Gerald sa dalagita.
Kumaway na lamang sa dalagita si Gerald at ipinagpatuloy ang paglalakad pabalik sa gallery.