Habang kumakain ang magkasintahan, hindi nila alam na may nakatingin sa kanila sa ‘di kalayuan.
“Ang rupok naman talaga ng babaeng ito,” wika ng isang tao na nakatingin sa magkasintahan.
Nakasilip lang ito sa pagitan ng dalawang sasakyan na nakaparada.
“Maka-alis na nga…” Tumalikod na ang taong nakatingin sa kanila, “Grabe, sayang lang oras ko, akala ko mag-aaway ang dalawa, hindi pala,” wika ng taong iyon habang naglalakad at sinisipa ang maliit na bato sa daan.
Sumipol-sipol pa ang taong iyon habang naglalakad palayo.
Samantala, masayang kumain si Gerald sa harapan ng kaniyang kasintahan. Si Christine naman ay naiinis pa rin dahil sa nangyari pero kumain pa rin ng leche plan.
“Alam mo, Babe…” usal ni Gerald.
Napatingin si Christine sa kaniyang nobyo.
Nakangiti ito habang hinihiwa ang fried chicken. Nagtaka naman ang dalaga sa biglaan na pagtawag sa kaniya ng kasintahan.
“Oh?” Tugon ni Christine.
Hindi pa rin inaalis ni Christine sa kaniyang isipan na nagloko at nagsinungaling sa kaniya si Gerald kaya hangga’t maari ay kailangan niyang magpakita ng kakaibang lamig na pakikitungo sa kasintahan.
Tumingin si Gerald sa kaniya.
“Do you want to have a vacation in Maldives?” tanong ni Gerald.
Seryoso ang kaniyang mukha na walang halo na biro ang kaniyang tanong.
Napapikit ng mata si Christine at suminghap.
“Hindi ba napag-usapan na natin na hindi tayo mag-aaksaya ng pera hangga’t hindi pa tayo kasal?” saad ni Christine.
Napaisip bigla si Gerald at pilit inaalala ang nakaraan.
3 years ago..
“Babe, congratulations for being promoted as the new ceo of your Dad’s company!” bati ni Christine sa kaniyang kasintahan na si Gerald.
Ngayon ay naghanda ng munting selebrasyon ang dalaga dahil sa pag-angat ni Gerald sa trabaho.
Kahit na alam nila na si Gerald ang magmamana nito sa hinaharap.
Ngumiti ang binata sa kaniyang nobya.
Hinagkan niya ito agad.
“Babe, you don’t need to do this…” panimula ni Gerald.
“Why not? This is your success, you work hard as you can,” giit ni Christine.
Tinignan ni Gerald sa mata si Christine.
“Yeah, but you know, its nothing special, all the employees in the company knows that I’ll inherited it in the future,” Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata.
Napansin naman iyon ni Christine at agad na hinaplos ang mukha ng kasintahan.
“Why? Is someone’s bothering you?” nag-aalalang tanong ni Christine.
Umiling si Gerald.
“Wala naman, pero kung gusto mo talagang ipagdiwang ito…” Huminto at nag-isip so Gerald ng magandang ideya, “We can go to a beach or countryside in the United States or Europe,” dugtong ng binata sa kaniyang sinasabi.
Kumawala sa yakap si Christine matapos marinig iyon.
“No, I don’t want to,” mariin na sagot ng dalaga.
Naguluhan naman si Gerald at hindi mawari ang dahilan sa pagtanggi ng kaniyang kasintahan.
“Why?” tanging nasambit ni Gerald.
Napahawak sa kaniyang braso si Christine at hinaplos ito.
“Gusto ko, mag-ipon para sa future ng magiging anak natin, ayaw kong gumastos sa mga panandalian na saya lang,” turan nito sa kaniyang kasintahan.
Bigla naman napangiti ang binata sa narinig.
Kinuha ni Gerald ang kamay ng kasintahan at kaniyang hinawakan.
“Can we have a deal?” tanong nito.
Kahit na nag-aalinlangan ay tumango si Christine bilang pagsang-ayon sa suhestiyon ng kaniyang nobyo.
“If ever we get married, can we finally go on a vacation abroad?” aniya habang kumikislap pa ang mga mata.
Napa-isip sandali si Christine.
Umabot ito ng halos dalawang minuto ng pag-iisip kung papayag ba o hindi.
“Babe,” tawag sa kaniya ng nobyo.
Napangiti si Christine matapos makapag-isip.
“Okay, deal… but we have to wait until that day,” wika ng dalaga.
Napayakap sa galak si Gerald nang marinig ang pagsang-ayon ng nobya.
Natawa naman si Christine at niyakapa rin ang nobyo.
“I love you, Christine,” bulong ni Gerald.
“I love you more, Gerald,” tugon naman ni Christine.
Napasimangot naman si Gerald nang maalala ang nangyari na iyon.
Napasinghap ito.
“Oo nga pala, out of town na lang, less expenses naman iyon,” panibagong suhestiyon nito kay Christine.
Tila napa-isip pa si Christine doon.
Dire-diretso lang ang kain niya sa leche plan habang nakatingin kay Gerald.
“Okay, kailan ba?” mabilis nitong sagot sa nobyo.
Malaking ngiti ang ipinakita ni Gerald kay Christine.
“Ngayon na,” sagot ni Gerald.
Napataas ng kilay si Christine.
Sumeryoso ang mukha habang kumakain.
“Abala pa ako sa paggawa ng obra para kay Mr. Robinson,” diretso niyang sagot.
Napakagat labi naman si Gerald.
“Next week?” pagbabaka-sakali ng binata.
Ngumiti si Christine.
“I’ll see it first if I finish that before the comply date,” saad ni Christine.
Kahit na hindi sigurado ang sagot ni Christine ay natuwa pa rin si Gerald.
Pinagmasdan na lamang ni Gerald ang kaniyang nobyo na ngayon ay umiinom na ng tubig dahil naubos na nito ang kinakain.
Napansin naman iyon ni Christine at napatanong.
“Why are you looking at me like that?” tanong ni Christine.
Nakangiti lang si Gerald habang umiiling.
“Wala naman, you’re so beautiful even if you’re mad,” wika ni Gerald.
Parang nananaginip ng gising ang nobyo ni Christine habang pinagmamasdan siya nito.
“Epekto ba iyan ng pagsapak sa iyo kanina?” tanong ni Christine.
Nagbago naman bigla ang timpla ng mukha ni Gerald pagkarinig no’n.
“Ano na bang tingin mo kay Alexis?” biglang tanong ni Gerald kay Christine.
Mabilis lang na sumagot si Christine. Dahil kahit na nalaman niya na may lihim na pagtingin sa kaniya ang kaibigan ay walang nagbago sa kaniyang pakikisama o nararamdaman para doon.
“Kaibigan, kambal ng best friend ko,” tapat na sagot ni Christine.
Napangisi si Gerald.
“Bakit?” tanong ni Christine.
“Wala naman, gusto ko lang malaman,” sagot ni Gerald.
Nakahinga ng maluwag si Gerald sa kaniyang narinig.
Bigla kasing sumagi sa kaniyang isipan na baka iwan siya ni Christine at ipagpalit na lang kay Alexis dahil sa mga nangyari ngayong araw.
“Bilisan mo na kumain, ako ay magpipinta pa,” usal ni Christine na ngayon ay nakatingin sa kaniyang relo.
“Busog na ako,” sagot ni Gerald na may malaking ngiti pa, “Order lang ako food para sa inyo mamaya,” aniya saka tumayo para sana magtungo sa counter.
Agad naman napigilan ni Christine ang kasintahan, nilingon siya nito na may pagtataka.
“Babe, what’s wrong?” tanong ni Gerald.
Kapwa sila nagulat nang pigilan siya bigla ni Christine sa paglakad.
Nataranta naman si Christine at hindi alam ang sasabihin, “Ano…” putol ni Christine dahil hindi alam ang sasabihin, kusa na lamang gumalaw mag-isa ang kaniyang kamay para hawakan ang kamay ng nobyo.
Naghihintay naman si Gerald sa sasabihin ni Christine sa kaniya.
Ngumiti si Christine at kinalma ang sarili.
“Can I asks Imee first for what they like to eat?” aniya.
Nagkibit-balikat si Gerald at muling naupo.
Kinuha ni Christine ang kaniyang cellphone at tumawag kay Imee. Inilagay biya ito sa loud speak mode para marinig rin ni Gerald ang usapan.
“Hello, Imee,” bungad ni Christine.
“Yes, Miss Tine?” tanong ni Imee.
“What do you want to eat?” tanong naman ni Christine.
“Ay wala po! Mayroon na po akong nabili na pagkain na pinabili ni Sir Gerald kanina,” sagot ni Imee.
Napatingin naman si Christine kay Gerald.
Nakita niyang nakangiti ito na halatang ginawa niya talaga.
Napailing na lang si Christine.
“You sure?” paninigurado ni Christine.
“Yes,” sagot sa kaniya ni Imee.
“Okay, I’ll buy some anyway,” turan ni Christine.
Hindi na hinintay pa ni Christine na makasagot sa kaniya si Imee at binabaan na niya ito agad ng tawag.
Nagkatingin ang dalawa at natawa na lang sa ginawa.
Samantala sa loob ng gallery ay kakabalik lamang ni Joyce.
Naabutan pa ni Joyce na nakatingin si Imee sa kaniyang cellphone.
“Anong problema? Nasira ba phone mo?” tanong ni Joyce.
Napailing lang si Imee at nakanguso.
“Ang kulit lang ni Miss Tin, sabi ko na ngang may pagkain na kaso bibili pa rin daw sila,” sagot ni Imee habang nakatitig pa rin sa cellphone.
“Baka fried chicken ang bibilhin?” wika ni Joyce.
Napatingin naman si Imee sa kaniya saka tumawa.
“Sana nga tapos may kanin para may lakas ako sa buong araw na panonood ng palabas,” saad ni Imee.
Natawa naman si Joyce sa sinagot ni Imee.
“Mauna na muna ako, tatapusin ko lang ang ineensayo kong obra,” wika ni Joyce.
“Oo sige, pero natapos mo na ba na mag-bank transferred?” tanong ni Imee.
Ngumisi si Joyce.
“Oo natapos ko, naurat na nga ako kahihintay kanina sa bangko,” sagot ni Joyce.
“Ganoon ba, sige manood na ako ulit tapos magpinta ka na doon,” sambit ni Imee sa kaniya.
Sumesenyas pa si Imee na tila tinataboy na sa kaniyang harapan si Joyce.
Napailing na lang sa tuwa si Joyce dahil sa kinikilos ni Imee.
Nagtungo na si Joyce sa working area at ipinagpatuloy ang pagpipinta.