Nakarating din sina Christine at Gerald sa gallery.
Binuksan na ni Gerald ang pinto at pinaunang makapasok si Christine sa loob saka siya pumasok.
Binati naman sila ni Imee na agad na nagtanggal ng earphone pagkakita da dalawa.
“Welcome back po,” bati ni Imee.
Ngumiti ang magkasintahan sa dalaga.
“Kumain na ba kayo ni Joyce?” Tanong ni Christine kay Imee.
Umiling si Imee.
“Bumili lang ako ng snacks,” Itinaas ni Imee ang isang balot ng chichirya at malaking ngiti ang ipinakita kay Christine, “Galing pa nga kay Sir itong pinambili ko,” aniya.
Dumiretso ng upo si Gerald at napasandal.
“Ganoon ba… iyon,” turo ni Christine sa plastic bag na inilapag ni Gerald sa ibabaw ng mesa, “Food later,” wika ni Christine.
“Sige po, Miss, thank you,” tugon ni Imee.
“Sige, manood ka na,” turan naman ni Christine sa dalaga.
Napangiti naman si Imee at isinalpak na muli ang earphone at tiningnan si Christine na naglalakad.
“Mabuti naman at nagkaayos na sila,” mahina nitong sambit saka umupo at tumutok sa kaniyang cellphone para manood ng korean drama.
Napaupo si Christine sa tabi ni Gerald at nahiga sa nakasandal na braso ng nobyo.
Hinalikan naman ni Gerald ang si Christine sa ulo at ipinulupot ang braso sa balikat ng nobya.
Sinungkit ni Christine ang kamay ni Gerald gamit ang kanan niyang kamay at doon ay naghawak kamay sila.
“I love you,” bulong ni Gerald sa kasintahan na si Christine.
Umungol naman ng mahina si Christine at napapikit.
Hindi na pinansin ito ni Gerald. Ilang minuto pa ang lumipas, nakaramdam ng pamamanhid ng braso si Gerald.
“Babe?” tawag niya kay Christine.
Narinig na lamang niya na humilik ang kaniyang kasintahan.
Napangiti si Gerald..
Napaisip siya habang nakatingin sa kisame ng gallery.
“Paano na lang kung iwanan ako ng babaeng ito? Baka hindi ko kayanin,” sa isip isip ni Gerald.
“I’m so thankful, and blessed having her as my girl friend,” dagdag pa sa isipan niya.
Muli niyang tinignan ang kasintahan na mahimbing na natutulog.
Pumikit na din si Gerald para sabayan si Christine sa pagtulog.
Habang tulog ang magkasintahan, sa condo naman ng kanilang kaibigan na sina Alexa ay nagmukmok si Alexis sa kaniyang kwarto.
Nakailang katok si Alexa sa kaniyang kambal.
“Mag-usap tayo, kuya!” Sigaw ni Alexa sa kakambal.
Patuloy pa rin sa pagkatok at pagkalampag ng pinto si Alexa ngunit hindi natitinag doon si Alexis. Hinayaan lang niya na mag-ingay ang kambal sa labas.
“Open the door, please, let’s talk,” pakiusap ni Alexa.
Tila nawawalan na ng pag-asa si Alexa sa pagpupumilit na makausap ng maayos ang kambal tungkol sa mga nangyari.
Mahinahon niyang muli na kinatok ang pintuan.
“If you’re feeling okay, you know you can talk to me,” aniya.
Saka siya suminghap at naglakad palayo sa tapat ng kwarto ni Alexis.
Sa loob naman ng kwarto, kung na saan si Alexis. Nakaupo lamang siya sa kaniyang kama.
Nakatingin sa kisame.
“Mabuti naman at tumigil na sa pag-iingay,” aniya.
Bumaba siya sa kama niya at dumiretso sa kaniyang computer.
Nagsimula na siyang buksan ang folder na mayroong password.
Isa-isang lumitaw ang lahat ng larawan ni Christine mula noong high school pa lang ang dalaga. Lumalabas na palihim niya itong kinukunan ng larawan kahit na magkaiba sila ng eskwelahan.
Tinitigan ni Alexis ang mga larawan, napahinto siya nang may mapansin na mukha na tila pamilyar sa kaniya.
Ito ang larawan ni Christine na hindi sinasadya na makunan din ng litrato na kasama ang mga kaibigan niya.
Masayang nakikipagtawanan si Christine sa kuha niya sa litrato.
Habang nasa kanan niya ang dalawang babae.
Magkahawig ang dalawang babae pero ang isa sa kanila ay tila pamilyar sa paningin niya.
Pilit inisip ni Alexis kung saan o sino iyon.
Ngunit walang sagot ang pumapasok sa kaniyang isipan.
“You look so familiar, but…” wika niya habang pinagmamasdan ang larawan.
Itinuon niya ang kaniyang paningin pati ang pag-iisip.
Napakamot siya ng ulo.
“Hindi ko talaga malaman kung sino ka pero mukha ka talaga pamilyar sa akin,” sambit pa ni Alexis.
Hinayaan na lamang niya ang iyon at ipinagpatuloy ang pagtingin sa lahat ng larawan ni Christine na nakatago sa kaniyang computer.
Muli na naman nahagip ng kaniyang paningin ang mukha ng babaeng pamilyar sa kaniya.
“Ano ba iyan!” bulalas niya sa pagkainis, “Ang epal naman,” aniya sa mukha ng babaeng kasama ni Christine sa larawan.
Ngayon lang napansin ni Alexis na pamilyar ang babae na iyon, dati naman ay wala lang sa kaniya iyon kahit na makita niya ito sa larawan ni Christine ngunit ngayon ay ginugulo siya ng kaniyang isipan tungkol doon.
Pinatay na lang ni Gerald ang screen ng kaniyang computer at lumabas ng kaniyang kwarto.
Dumiretso siya sa kanilang kusina kung saan naisipan na lamang niya na magluto.
Kinuha niya nag apron na nakasabit sa gilid at sinuot iyon.
Nagtungo sa refrigerator nila at tinignan kung alin ang mga pwedeng gawin o lutuin.
Nakita lamang niya ang mga karne ng manok sa freezer.
“Manok?” aniya.
Kinuha niya iyon at inilagay sa lababo.
Kumuha na rin siya ng mangkok para doon ilagay ang manok at mababad sa tubig.
Habang nakababad ang manok, kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon.
Naghanap ito ng maaring lutuin gamit ang manok.
“Nakakasawa na ang pagkain na Pinoy, maiba naman tayo,” wika niya pa.
Habang naghahanap ay nakahanap ito ng ibang panlasa.
“Greek chicken marinade? Sounds delicious,” aniya.
Ipinagpatuloy niya iyon at isa-isang tinignan sa refrigerator kung may mga sangkap siya para roon.
Una niyang hinanap ang greek yoghurt, ngunit wala ng natira.
Napailing siya, “Inubos na naman siguro ni Alexa,” aniya.
Isinara na niya ang refrigerator at binuksan ang cabinet ng mga pang rekado.
“Wala pala akong dried leaves ng oregano, makapunta na nga lang muna sa supermarket,” wika niya.
Inilabas niya muna ang mga kakailanganin niya sa pagluluto.
Inilagay lahat sa iisang pwesto.
Hinubad ang apron saka lumabas para makabili ng sangkap.
Sakto naman na lumabas mula sa kwarto si Alexa.
“Hoy!” sigaw ni Alexa.
Napatigil sa paglalakad si Alexis.
Agad na tumakbo si Alexa, hinigit niya ang kamay ni Alexis.
“Ikaw, mag-usap muna tayo,” utos ni Alexa.
Nagkibit-balikat lang si Alexis.
Hinila naman siya ni Alexa at tinulak paupo sa sofa.
Binantayan ni Alexa si Alexis habang umuupo sa kabilang upuan para hindi makatakas si Alexis.
“Sabihin mo na ang sasabihin mo, mamimili pa ako,” walang buhay na wika ni Alexis.
Hindi na lang iyon pinansin ni Alexa.
“All these years, si Christine lang pala ang sinasabi mong first love?!” panimula ni Alexa.
Nakikinig lang si Alexis. Hindi niya pinakialaman si Alexa sa pagsasalita.
“Sana man lang, nagsabi ka sa akin, para magawan natin ng paraan,” aniya.
Nang marinig iyon ni Alexis ay medyo nagulat ito.
“Sana kayo na ngayon, para masaya ka,” dagdag pa ni Alexa.
Napangiti na lamang si Alexis sa mga narinig niya.
“Huwag kang ngumiti diyan, kitang broken ka,” inis na sambit ni Alxa nang makita niyang nakuha pang ngumiti ni Alexis.
“Ayos lang, maari na ba akong bumili?” mahinahon na sambit ni Alexis.
“Not yet, answer me first,” wika ni Alexa.
Nakatingin lang sa kaniya si Alexis.
“Do you really love, Christine?” tanong ni Alexa.
Napa-iwas saglit ng tingin si Alexis.
“Hey, answer me, para makatulong man lang ako sa iyo kuya,” pakiusap ni Alexa.
Nilingon siya ni Alexis.
“Hayaan na natin, kung saan masaya si Christine, doon ako,” sagot ni Alexis.
Nagalit si Alexa sa narinig.
“Alam mo bang simula pa sa college tayo ay gusto ko na maging kapatid si Christine? This is my perfect timing para magkatotoo iyon, sa pamamagitan mo,” saad ni Alexa.
Nagulat naman si Alexis.
“Alexa, naririnig mo ba iyang sinasabi mo?” tanong ni Alexis.
“Yes, mula pa noon, gusto ko na ligawan mo siya pero hindi ko nakikita sa iyo ang kagustuhan na magkaroon ng kasintahan hanggang si Gerald na ang nanligaw kay Christine mas lalo akong nawalan ng pag-asa,” kwento ni Alexa.
Napasinghap si Alexis. Hindi siya makapaniwala na gusto ni Alexa na makatuluyan niya si Christine.
Tumayo si Alexis at lumapit kay Alexa.
Niyapos niya ang kambal niya.
“I’m sorry, torpe ako noon at sa tingin ko hanggang ngayon, torpe pa rin ako,” aniya.
Napapikit na lamang ang kambal dahil sa pighati na nadarama.