Chapter 67

1192 Words
“G-gerald?” Tawag ni Christine sa kaniyang nobyo. Malungkot na naglalakad papunta sa kaniya ang kaniyang nobyo. Agad siya nitong hinagkan. “Sorry,” wika sa kaniya nito. Natahimik si Christine at hindi alam ang gagawin o sasabihin. Hinayaan niya lang na yakapin siya ni Gerald. Nag-simulang umiyak si Gerald sa pag-aalala sa dalaga. “Where have you been?” Tanong ni Gerald. Bigla naman na naalala ni Christine na mayroong ibang babae si Gerald kaya agad nitong itinulak ang binata palayo sa kaniya. Nagpakita ng galit si Christine. Nagulat naman si Gerald sa nangyari. “Let me explain,” wika ni Gerald. Ngunit ayaw itong pakinggan ni Christine, galit ang kaniyang pinauna. Sinubukan ni Gerald na hawakan sa kamay si Christine ngunit agad din itong hinawi ng kamay ng dalaga. “Christine, will you just listen?” nagmamakaawang bigkas ni Gerald sa kaniyang nobyo. “Niloko mo ako,” sagot sa kaniya ni Christine. Sinamaan ni Christine ng tingin si Gerald. Pilit pa rin na sinusubukan ng binata na mahawakan si Christine. Nang magtagumpay siya ay pinipilit naman ni Christine na kumalas sa pagkakahawak. “Let me go!” sigaw ni Christine sa kaniya. “No, I won’t just listens first,” aniya. Hindi namalayan ni Gerald na may kamao na papalipad sa kaniyang mukha. Agad na bumagsak ito sa sahig. Nagulat naman si Christine sa nangyari. “Oh my God!” bulalas ng dalaga nang bunagsak sa kinatatayuan si Gerald. Nagdugo ng bahagya ang kaniyang labi. Napahawak ito sa labi niya at iniangat ang kaniyang ulo. “You f*****g asshole! Stay away from Christine,” Galit na binantaan si Gerald ni Alexis. Dinuro-duro si Gerald ni Alexis habang inaawat ito ni Christine. Nananatiling nakaupo si Gerald habang tinatanggap ang masasakit na salita mula kay Alexis. “Alexis, stop it!” sigaw ni Christine sa kaniyang kaibigan. Huminto naman si Alexis at pinapakalma ang sarili. Tumalikod pa si Alexis para pahupain ang galit. Napailing si Gerald at saka tumayo. Nakatitig lang sa kaniya si Christine. Ang mukha ni Christine ay awang-awa sa natamong suntok ni Gerald. Isintabi ni Christine ang galit para sa binata at tinulungan na makaupo ng maayos sa sofa. “Teka, kukuha ako ng first aid kit,” wika ng dalaga sa kaniyang nobyo. Napangiti naman si Gerald dahil sa pag-aalala na ipinapakita ng kaniyang kasintahan. Tumakbo si Christine papunta sa kanilang banyo at doon hinanap ang nakatabing first aid kit. Kinuha niya ito agad at bumalik sa may lobby. Doon ay naabutan niya ang kaniyang kasintahan at kaibigan na masama ang tingin sa isa’t isa. Napaatras siya nang marinig na nag-uusap ang dalawang lalaki. “Ang lakas din naman ng loob mo para lokohin si Christine,” saad ni Alexis na ngayon ay nanggigil pa rin. Napangisi si Gerald dahil sa narinig “Alam mo ba ang kwento? Hinayaan ba niya akong magpaliwanag?” tugon naman ni Gerald. “May pruweba siya, dalawang beses na ng babae mo sinagot ang tawag mula sa cellphone mo,” giit naman ni Alexis. Tumawa naman si Gerald. “Ako rin may pruweba kung sino ang nagugustuhan mo,” bigkas ni Gerald. Napatahimik si Alexis sa sinabi ni Gerald. “Natahimik ka? Akala mo ba hindi ko iyon nakikita at nararamdaman?” turan pa ni Gerald. “Pwede ba, huwag mong ibahin ang usapan, tungkol ito sa inyo ni Christine at hindi tungkol sa nararamdaman ko,” paliwanag ni Alexis. Habang nakikinig si Christine sa dalawang lalaki na nagtatalo naisipan niyang humakbang pero agad din na nahinto dahil sa sunod na isiniwalat ng nobyo. “Usapin pa rin iyon, alam kong naghihintay ka lang ng tamang pagkakataon para maukha mula sa akin si Christine,” mariin na binigkas ni Gerald. Hindi namalayan ng dalawang lalaki na hindi lang si Christine ang nakarinig ng pag-uusap nila kung hindi pati na rin sina Alexa, Imee at Jaeryll. “What did you say?” tanong ni Alexa. Nagulat naman ang dalawang binata nang sumulpot ang tatlong tao sa gitna ng kanilang pagtatalo. “Miss Tin,” mahinang banggit ni Imee kay Christine na nakatayo sa hindi kalayuan at hawak ang first aid kit. Agad na napalingon ang lahat kay Christine. Napailing si Alexis. Wala na ang sikretong itinago niya ng matagal. Tumayo naman agad ng sabay sina Gerald at Alexis. “Babe,” tawag ni Gerald. “Christine,” tawag naman ni Alexis. Tahimik lang na naglakad palapit si Christine sa kaniyang nobyo. Maingat na nilinis ang labi ni Gerald. Lahat ng nasa gallery ay tahimik na naghihintay sa gagawin ni Christine. “Hey, what are you guys doing here?” tanong ni Joyce na kakapasok lang sa loob. Hindi siya nilingon ni Christine dahil itinuon ng dalaga ang atensyon sa nobyo niyang nasuntok. Tanging sina Imee, Alexa, Alexis at Jaeryll lang ang pumansin kay Joyce. “Ano kasi Miss Joyce, paano ba ito,” hindi naman masabi ni Imee ang pangyayari sa kadarating lang na katrabaho niya. Nagtataka naman si Joyce sa nangyayari at binati na lamang ang mga tao na nasa loob. “Good morning,” aniya. Si Imee lang ang tumugon sa kaniya. “Good morning din,” sambit ni Imee. Napaupo si Alexis. Si Jaeryll naman ay inalalayan si Alexis na makaupo at pinapakalma. Napansin naman ni Joyce na may sugat si Gerald sa labi. “Oh, what happened? Bakit ka may sugat?” tanong ni Joyce. Umiwas lang ng tingin si Gerald. “Nako! Dapat ata umiwas ka sa away, Sir, mukhang nasapak ka,” turan ni Joyce. Base sa pagbigkas ni Joyce ng mga salita ay tila nang-aasar. “Joyce, you can start doing your work,” utos sa kaniya ni Christine. Ngumiti naman si Joyce at nagpaalam na sa mga tao na nasa lobby. “Mauna na muna ako at may gagawin pa ako,” paalam nito. Walang sumasagot sa kaniya maliban kay Imee na tahimik lang sa kaniyang pwesto. Nagkibit balikat na lamang si Joyce at iniwan ang mga tao. Nang makaalis na si Joyce ay sakto naman na natapos na si Christine sa paggamot sa labi ni Gerald. Tahimik lang siyang tumayo. “Imee, pakibalik naman itong kit sa banyo,” wika niya. Lumapit naman agad si Imee at kinuha ang kit. Dumistansya si Christine at tumayo lamang. Tumingin siya sa kaniyang nobyo. “Mamaya na natin pag-usapan ang babae mo,” saad niya. Tumango naman si Gerald bilang pagsang-ayon. Hindi naman na nakapagpigil si Alexa at siya ay napatayo. “Bessy,” tawag nito kay Christine. Tumingin naman sa kaniya si Christine. “Maari bang ako muna ang magsalita, may gusto lang akong malaman,” aniya. Tumango naman si Christine. Humarap si Alexa kay Gerald at nagtanong “Totoo ba ang sinabi mo kanina o dinadamay mo lang ang kakambal ko sa away niyo ni Christine?” tanong nito. Napasinghap naman si Gerald at saka sumagot kay Alexa. “Yes, totoo lahat ng iyon,” sagot ni Gerald. Napapikit si Christine at Alexa sa narinig. Muling tumingin si Alexa sa kakambal. “Is this all true?” tanong ni Alexa kay Alexis. Huminga ng malalim si Alexis. “Oo,” matipid nitong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD