Chapter 66

1026 Words
“Handa na ang mga make-up!” wika ni Alexa. Napaatras ng bahagya si Christine sa nakita. Agad na lumapit sa kaniya si Alexa at pumaroon sa kamiyang likuran. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Christine at marahan na itinutulak palapit sa salamin. “T-teka, hindi naman kailangan ng make-up,” sambit ni Christine. Nagbingi-bingihan si Alexa at itinuloy lang ang pagtulak sa kaniyang kaibigan hanggang sa mapa-upo na si Christine sa tapat ng salamin. “There, behave,” saad niya sa kaniyang kaibigan. Napasinghap naman si Christine saka ngumiti. “Sige na nga, minsan lang naman ako maglagay ng kolorete sa mukha,” aniya. Masayang kinuha ni Alexa ang head band at inilagay sa ulo ni Christine. “I’ll make you perfect,” turan sa kaniya ni Alexa. Nagsimula na si Alexa sa pagpapaganda kay Christine. Samantala habang nagpapaganda si Christine sa kamay ni Alexa ay nasa gallery at naghihintay sa kaniyang pagdating. Magmula alas otso ng umaga ay naroon na siya. Nauna pa siya kay Imee na makarating sa gallery. Sa loob ng dalawang oras na paghihintay, sa wakas tumawag na si Christine kay Imee upang ipaalam ang oras ng kaniyang pagdating. Hindi naka-loud speak ang tawag kaya naman ay hindi naririnig ng binata ang usapan. Pagtapos ng tawag ay agad na nagtanong ito kay Imee. “Imee, what time will she arrives?” tanong nito sa secretary na si Imee. Nag-alangan naman si Imee kung paano niya iyon sasagutin pero naisip ng sekretarya na kailangan din malaman ni Gerald ang oras dahil hindi naman nito alam ang nangyayari. “Sir, ang sabi lang kasi 30 minutes daw po,” sagot sa kaniya ng sekretarya. Ngumiti lang si Gerald kay Imee. “Sige, Sir, manonood po muna ako ulit,” paalam sa kaniya ni Imee. “Sige, salamat,” tugon niya kay Imee. Nagsimula naman nang manood si Imee sa kaniyang pwesto at si Gerald naman ay napaupo sa sofa na nasa lobby habang naghihintay. Napaisip si Gerald ng kaniyang magandang sasabihin at paliwanag kay Christine. Napahawak ito sa kaniyang buhok nang wala siyang maisip na maayos. “Ano ba iyan!” wika niya. Napatingin sa kaniya si Imee at tumayo sa kina-uupuan. “Sir, ayos lang ba kayo?” tanong ng dalaga sa kaniya. Napangiwi naman si Gerald at saka sumagot dito. “Yes, sorry,” aniya. Tumanggi naman si Imee sa narinig na sorry mula kay Gerald. “Ay nako! Bakit ka po nagsosorry?” tanong ni Imee. Naguguluhan na si Imee sa nakikita na ginagawa ni Gerald. “Naguguluhan ka ba? Pasensya na,” sambit ni Gerald. Mas lalong nagtaka naman si Imee. Wala siyang maisip na dahilan para magsorry sa kaniya si Gerald. “Sir, may kailangan ba kayo? Gusto niyo bang bilhan ko kayo ng makakain?” tanong ni Imee sa kaniya. Iniisip ata ni Imee na nalipasan ng gutom si Gerald dahil sa trabaho bilang presidente ng isang kompanya. Tumawa lang si Gerald. “Hindi, pero baka ikaw gusto mong kumain?” wika ni Gerald sa kaniya. Tumayo si Gerald at may kinuha sa kaniyang bulsa. Nanlaki naman ang mata ni Imee sa nakita mula sa nobyo ng kaniyang amo. “Heto, bumili ka ng makakain niyo hanggang meryenda,” saad ni Gerald. Iniaabot sa kaniya ang limang tig iisang libo. Nagulat si Imee at agad na tumanggi sa alok ni Gerald. “Nako, Sir, okay lang po ako, kumain naman ako kanina bago umalis sa bahay,” turan ni Imee kay Gerald. Pinagmasdan ni Imee ang mga mata ni Gerald. Napansin niyang malungkot ito kahit na nakangiti sa kaniyang harapan. Biglang pumasok sa kaniyang isipan na baka nagkatampuhan ang kaniyang amo at ang nobyo nito. Napakagat labi na lang ang dalaga at mabagal na naglakad upang kuhain ang pera na inaabot sa kaniya. Nang makuha na niya ang pera ay agad siyang nagsalita. “Kung may problema kayo ni Miss Tine, sana agad kayong magka-ayos,” aniya. Bahagyang nagulat sa kaniyang sinabi si Gerald pero agad na naman na ngumiti. “Sana nga, thank you,” sagot ni Gerald kay Imee. “Baka may gusto ka rin? Tubig? Kape? Juice?” tanong ni Imee sa kaniya. “Kape na lang, yung malamig,” tugon ni Gerald. Itinuro ni Gerald ang kaniyang malalim na eyebags, “You see, puyat ako kahahanap kay Christine,” Pagtapos niyang sabihin iyon ay agad na tumawa. Kahit na naiilang ay ngumiti pa rin si Imee kay Gerald. “Sige, mauna na muna ako, Sir,” paalam sa kaniya ni Imee. Naglakad na si Imee papunta sa kaniyang pwesto at kinuha ang cellphone at earphone. Bago pa siya tuluyan na makalabas ay sumulyap pa ito kay Gerald. “How I wish na magka-ayos sila ni Miss Tine,” bulong nito sa sarili niya. Tuluyan na jtong lumabas at naiwan mag-isa si Gerald sa gallery. “Christine, where are you?” tanong ni Gerald habang nakatingala sa kisame. Tumayo si Gerald at naglakad papunta sa working area ng kaniyang nobya. “Chinese style?” aniya. Nakatitig siya ngayon sa ginagawang obra ng kaniyang nobya. Napangiti si Gerald. “Ang galing talaga ng girlfriend ko,” wika niya pa. Hinaplos niya ang pinipinta ni Christine, mabuti na lang ay tuyo na nag mga pintura nito. Biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Napahawak ito sa kaniyang tiyan. Nagugutom na siya. Hindi pa pala ito kumakain. Sumabay pa ang kaniyang pantog. “Naiihi na ako,” wika niya. Naglakad na ito palabas ng working area at pumunta sa banyo. 20 minutes magmula na makaalis si Imee ay ang pagdating naman ni Christine sa gallery. Nadatnan niyang walang tao sa gallery. Sinilip niya pa ang pwesto ni Imee at nakitang naroon ang bag ng dalaga. “Where is she?” pagtataka ni Christine. Habang inililibot niya ang kaniyang paningin ay napukaw ang kaniyang paningin sa lalaki na papalapit sa kaniya. Tila naging estatwa ang dalaga mula sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Hindi niya inaasahan na si Gerald ang kaniyang aabutan sa gallery at hindi si Imee at Joyce na mga empleyado niya. “Gerald…” mahinang tawag ni Christine sa pangalan ng kaniyang nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD