Chapter 68

1566 Words
Walang pag-aalinlangan na sinagot ni Alexis ang tanong na iyon ni Alexa. Lahat ay nagulat na may halong pagka-dismaya. “Oo, may gusto ako kay Christine pero…” Tumingin si Alexis kay Gerald, “Hindi totoo na naghihintay ako na maghiwalay sila,” aniya. Napangisi naman si Gerald sa narinig. “Galingan mo naman,” wika ni Gerald kay Alexis. Sasagot pa sana si Alexis nang magsalita si Alexa. “Tama na,” mahinang bigkas ni Alexa para tumigil na ang dalawang lalaki. Naging emosyonal si Alexa sa mga nangyayari. “Hindi niyo ba naisip si Christine? Talagang sa harapan niya pa mismo kayo nag-aaway,” saad pa ni Alexa. Napatingin ang dalawang lalaki kay Christine na ngayon ay tahimik na nakikinig at nanonood sa kanila. Napaiwas ang dalawang lalaki ng tingin sa dalaga. “Christine…” tawag ni Alexa sa kaibigan. Nakangiti naman siyang tinugunan ni Christine. “W-why?” sagot ni Christine na tila ayaw pang magsalita dahil sa nagaganap. Lumapit sa kaniya si Alexa at at siya’y niyakap. Bahagyang nagulat si Christine pero agad din naman ibinalik ang yakap mula sa kaibigan. “Mauna na muna kami para makapag-usap kayo ng maayos ni Gerald,” Umalis si Alexa sa pagkakayap nang sabihin niya iyon kay Christine, “Malalagot talaga sa akin ang kambal ko mamaya,” Nananatili silang magkadikit at tuluyan na silang sa yakap ng isa’t isa. “Sige, mag-iingat kayo,” paalala ni Christine sa kaibigan. Kinalabit naman ni Alexa ang kaniyang kakambal. Napatingin si Alexis sa kaniyang kambal na nangalabit sa balikat. “Bakit ka naman ganiyan makatingin? Tara na,” inis na utos ni Alexa kay Alexis na ngayon ay nagdadalawang isip na tumayo at umalis sa naturang gallery. Napailing si Alexis at nagpakita ng pagkadismaya sa kambal. Napilitan siyang tumayo dahil ayaw niyang makipagtalo ngayon kay Alexa. Nang makatayo na siya ay tumingin pa muna kay Christine, “Christine…” tawag niya sa dalaga kaya naman nagkatitigan sila, “If anything bad happens, feel free to go to our place,” mahinahon niyang batid kay Christine. Nagulat naman si Christine at napatingin kay Gerald. Seryoso lang ang itsura ni Gerald. Naghihintay din ng isasagot ni Christine. Napapikit si Christine. Huminga ng malalim at ibinuga ito ng malakas, sapat para maintindihan ng mga tao roon na nahihirapan si Christine sa mga oras na iyon. Habang si Christine ay nahihirapan dahil sa mga nangyayari, napagpasyahan pa rin niya na sumang-ayon kay Alexis dahil naisip niya na matagal na silang magkaibigan. “Oo, sige, salamat,” sagot ni Christine. Malaking ngiti ang ipinakita ni Alexis, na nag-aakala na iiwanan ni Christine ni Gerald. Samantalang si Gerald naman ay napapikit, gustuhin man niyang pigilan ang desisyon ng kaniyang kasintahan ay wala siyang magagawa dahil may sarili pa silang problema na kailangan na ayusin. “Sige, kita na lang tayo, Bessy,” paalam ni Alexa. Napatingin naman si Alexa kay Gerald, nag-aalangan ito na magpaalam sa lalaki. “A-ano, mauna na kami, bye,” paalam ni Alexa kay Gerald. “Christine, papasok na rin ako sa work,” Paalam naman ni Jaeryll kay Christine. Humarap din siya kay Gerald para makapagpaalam ng maayos, “Pare, goodluck!” He gestures his right hand and motion it up and down with a close fist. Tumango naman si Gerald. Naglakad na sila palabas ng gallery nang dumating si Imee. “Aalis na ba kayo?” tanong ni Imee sa apat na taong paalis. Napahinto sa paglalakad si Jaeryll. Lumingon si Alexa, “Oo, pakibantayan naman si Christine para sa akin,” pakiusap ni Alexa kay Imee. Nabigla naman si Imee pero agad na napangiti. Naisip niya na pinagkakatiwalaan siya ng maraming tao. “Oo naman Miss Alexa, ingat kayo,” masayang tugon ni Imee. Dumiretso na ng lakas si Jaeryll na hindi man lang nilingon si Imee, marahil ay mahuhuli na ito sa kaniyang appointment. Tuluyan na silang lumabas. Sumakay si Alexa sa sasakyan ni Alexis para dumiretso sa kanilang condo. Sumakay naman sa sariling sasakyan si Jaeryll para magtungo na sa paroroonan. Sa loob naman ng gallery ay nabalutan ito ng katahimikan. Nailang si Imee dahil sa katahimikan na usually naman ay sanay siya. Ngayon ay may halong tensyon ang katahimikan, na kung may maglalakas ng loob na mag-ingay ay sasabog ang mga matagal ng kinikimkim at poot na nakatago. Napagpasyhan ni Imee na magpaalam muna. “Miss, may bibilhin lang ako sa labas, isasama ko na rin si Miss Joyce,” aniya. Sumang-ayon naman sa kaniya si Christine. Dali-daling tumakbo si Imee patungo sa working area at tinawag si Joyce. “Miss Joyce!” sigaw ni Imee. Nagulat naman si Joyce sa pagtawag sa kaniya ni Imee. Agad itong napatayo sa harap ng kaniyang pinipinta. “Hoy, bakit?!” nagtatakang tanong ni Joyce kay Imee. “Tara, samahan mo ako,” wika ni Imee. Naguluhan naman si Joyce kaya naglakad palapit kay Imee. “Huh? Saan?” Tanong ni Joyce. “Sa ano… doon…” magulong sagot ni Imee. Hindi ito naintindihan ni Joyce. Inakbayan ni Joyce si Imee at hinaplos sa likod. “Dahan-dahan lang, saan ka ba magpapasama?” mahinahon na bigkas ni Joyce para hindi mataranta si Imee. Natawa naman si Imee. “Ang intense kasi sa labas, eh,” paliwanag ni Imee. Hindi pa rin maintindihan ni Joyce ang nangyayari. “Bakit? Ano ba mayroon doon? Bakit nandoon sila lahat?” sunud-sunod na tanong ni Joyce kay Imee. “Mamaya ko na sasabihin, tara samahan mo na muna ako,” sagot ni Imee. Nagkibit-balikat na lamang si Joyce. “Teka, kuhain ko lang ang bag ko,” aniya. Tumango naman si Imee. Bumalik na sa lamesa si Joyce at kinuha ang kaniyang wallet at cellphone. “Wallet na lang pala para hindi hassle,” wika ni Joyce. Natawa naman si Imee. “Tara na!” pag-aaya ni Imee. Naglakad na sila at nadatnan sa lobby sina Christine at Gerald na tahimik. Magkatapat sila ng upuan. Walang nagsasalita sa kanila. Naghihintay sila na makaalis sila Imee at Joyce bago mag-usap. “Ang tahimik naman dito,” Mahinang bigkas ni Joyce nang makita ang posisyon ng upo ng magkasintahan. “Kaya nga, tara na,” sambit ni Imee. Nagpaalam muna ang dalawa na palabas na sila. “Miss, Sir, labas po muna kami,” paalam ni Imee sa magkasintahan. Napangiti naman si Christine at tumango. Gayon din si Gerald. Tuluyan na silang lumabas dalawa. Nang makalabas ang dalawa saka nagsimulang magsalita si Gerald. “Christine, where have you been? Pumunta ako sa condo nila Alexa pero umalis din daw kayo,” kwento ni Gerald sa nangyari kanina. Sinubukan ni Christine na maging seryoso sa pag-uusap. “Nagpunta kami sa isang pub,” matipid na sagot ni Christine sa kaniyang nobyo. Medyo nagulat si Gerald sa narinig. “Pumunta kayo? Alas kwatro na iyon mabuti at may bukas pa,” Hindi makapaniwalang tanong ni Gerald sa kaniyang kasintahan. “Yes, the one that Jaeryll’s owned,” matipid na sagot ni Christine. Hindi na nagdadagdag ng ibang detalye si Christine sa kaniyang mga sagot, sinasagot lang niya ang saktong sagot sa tanong ni Gerald. “Nakatulog ka ba?” usisang muli ni Gerald. “Yes,” matipid na naman na sagot ni Christine. Tila ginalingan ni Christine ang kaniyang pagsagot na animo’y wala siyang paki-alam at nababagot sa mga katanungan. Napakagat ng labi si Gerald sa mga narinig na sagot mula sa kaniyang kasintahan. “Tapos ka na bang magtanong?” tanong ni Christine. “Y-yes,” nauutal na sagot ni Gerald dahil sa pagkabigla. Umayos ng upo si Christine. “Saan ka ba nagpupunta tuwing hating gabi?” diretsong tanong ni Christine sa kaniyang kasintahan. Bakas sa mukha ni Gerald ang pagkabalisa na tila may nililihim. Napasinghap ang binata. “Sa company,” sagot niya. Napataas ng kilay si Christine dahil alam niyang nagsisinungaling ang kaniyang kasintahan. Hindi pinuna ni Christine ang pagsisinungaling ni Gerald sa kaniya. Ipinagpatuloy niya ang pagtatanong. “Sino ang babaeng sumagot sa tawag?” tanong ni Christine. Medyo natagalan bago makasagot sa kaniya si Gerald. Madaming gumugulo sa isipan ni Gerald. Nagtatalo ito kung sasabihin niya ba ang lahat sa kaniyang kasintahan o pananatilihin na lihim ang lahat. Muli, nanaig na naman ang paglilihim. “Si Steph,” sagot niya sa dalaga. Humagalpak naman sa tuwa si Christine. Alam niyang nagsisinungaling ang kaniyang kasintahan. Nagtaka naman si Gerald sa pagtawa ni Christine. Nakitawa na lang siya sa pag-aakala na pinaniwalaan siya ni Christine at tumawa lamang dahil iniisip na mali ang akala niya. Biglang huminto si Christine sa pagtawa nang marinig niyang tumawa na rin si Gerald. “You know what’s funny?” tanong ni Christine. “Yung alam mong nagsisinungaling sa iyo ang isang tao,” dagdag pa ni Christine. “Hindi ako nagsisinungaling,” giit ni Gerald sa dalaga. “Okay, okay,” nakangising sagot ni Christine. Akala ni Gerald na nakalusot siya kay Christine, hindi niya alam na naghahanap lang ng pruweba ang dalaga sa lahat ng kasinungalingan niya. “Tara kain na tayo,” paanyaya ni Christine kay Gerald. Nabigla naman si Gerald sa narinig. “P-pinapa-t-tawad mo na ba a-ako?” nauutal na tanong ni Gerald. Ngumiti lang sa kaniya si Christine at tumango. Tinawagan ni Christine si Imee para pabalikin na ang dalawa sa gallery. Limang minuto lang ang nakakalipas ay nasa gallery na ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD