“Tara na nga, makapunta na sa kusina,” sambit ni Alexa.
“Oo nga, may trabaho pa ako ngayon,” wika ni Jaeryll.
Trabaho. Trabaho. Trabaho.
“Oh my! Ang painting!” Bulalas ko.
Nagulat sila.
“May buyer ka?” Tanong ni Alexa.
Tumango ako.
“Kung ganoon, halina’t kumain muna,” saad ni Jaeryll.
Pumayag naman kami ay sabay-sabay na nagpunta sa kusina.
Doon ay aming naabutan si Alexis na busy sa paghahanda ng mga pagkain.
Lumingon ito sa amin dahil sa ingay ng paglalakad namin at pagtawa.
“Gising na pala kayo,” wika niya.
Kumuha agad ng isang hotdog si Alexa at kinain ito.
“Mas lalo akong nagugutom,” aniya habang ngumunguya pa ng hotdog.
Humarap si Alexis sa amin na ngayon ay umupo na para kumain.
Hawak niya ang sandok habang tinuturo si Alexa.
“Ikaw, bakit ka kakain?” tanong niya.
Napasimangot si Alexa
“Because I’m your twin sister and I’m hungry,” sagot ni Alexa.
Alexis shooked his head and crossed his arms.
“And so? I can’t forget that you swayed away Christine earlier,” turan nito.
Nagtaka naman ako. Ano bang pinagsasabi ni Alexis?
Natawa naman bigla si Jaeryll.
“Why?” tanong ko.
“Hey! I didn’t do that,” Humarap sa akin si Alexa, “Right, Bessy?” aniya.
I shrugged my shoulder.
“Sorrry, can’t remember some things,” Itinuro ko ang aking suot, “Look, I still wear this kind of dress,” wika ko.
Natulala si Alexa na tila may inaalala.
Nagpatuloy naman sa pagluluto si Alexis.
“Come on, think of it!” wika ni Alexis.
Panay naman ang tawa ni Jaeryll.
“Huwag ka ngang tumawa diyan, ano bang nangyari kanina?” tanong ko.
“Oo nga, wala akong matandaan,” saad ni Alexa.
“Ganito kasi iyon…” Sumubo muna siya ng hotdog bago nagsimulang magkwento.
Dalawa kami ni Alexa na naghihintay sa sasabihin ni Jaeryll.
“Nauna kaming dumating dito ni Alexa tapos naghintay kami saglit sa pagdating nila Alexis at Christine,” kwento niya.
Huminto siya at nagpipigil ng tawa.
Hinampas siya sa balikat ni Alexa.
Hindi na napigilan pa ni Jaeryll at bumuhos ang pinipigilan niyang tawa.
“Sorry, I can’t help this thing,” aniya.
Hinimas-himas niya ang kaniyang balikat na hinampas kanina ni Alexa.
Sinamaan siya ng tingin nito.
“Dalian mo na magkwento, malapit na matapos sa niluluto si Alexis,” turan ni Alexa.
“Oo nga, dalian mo na magkwento nang marinig na niya ang kawalang-hiyaan niya kanina,” tugon ni Alexis.
I’m still confused. Paano naman nawalan ng alaala si Alexa gayon na hindi naman ito uminom ng marami.
“Nalasing ba si Alexa?” tanong ko.
“Sad to say, yes,” sagot ni Jaeryll.
“Marami kasing nainom iyan, naka sampong baso rin,” wika ni Alexis.
Kapwa kami nanlaki ng mata ni Alexa.
Kailan? Saan? Paano? Naka-sampu na siya agad kanina?
“Grabe kaya pala wala akong natandaan na nakauwi ako,” wika ni Alexa.
“So, kung ganoon, ano naman ang ibig sabihin ng tinaboy niya ako kanina?” tanong ko.
Kailangan ko malaman dahil wala akong matandaan.
“Oo nga, I can’t remember a thing,” sambit ni Alexa.
Napalingon kami nang patayin na ni Alexis ang stove.
“Luto na, guys,” saad ni Alexis.
Kinuha at dinala niya papalapit sa amin ang pot at inilapag sa ibabaw ng pot holder.
Pagbukas niya nito ay umalingasaw ang amoy na mabango kasabay ng mga usok.
“Sinigang,” bulong ko.
Nangasim naman ako bigla.
Yung amoy niya ay sobrang asim na talagang manglalaway ka kapag naamoy mo pa lang.
“Lets eat,” aniya.
Sunod na niyang inilpag ang kaldero ng rice cooker.
“Kaniya kaniya na tayong kuha ng rice,” wika niya pa.
“Salamat sa pagkain,” sambit ni Jaeryll.
“Yay! Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol kay Alexa,” saad ko.
Nagtawanan ang dalawang lalaki.
“Whats funny?” tanong ni Alexa.
Nakasimangot ngayon si Alexa dahil hindi alam kung ano nag kaniyang pinaggagagawa kanina.
“Wala, kumain ka na lang diyan,” tugon ni Alexis.
She seem so pissed.
“Alexa, kain na, para may energy kang bugbugin si Alexis,” saad ko.
Napangiti naman si Alexa dahil sa sinabi ko.
“Oo, mabubugbog ko na talaga siya kapag nakaalis na kayo,” aniya.
Nakangisi ito.
Hinayaan ko na lang sila at ako’y nagsimula na sa pagkain.
Habang kumakain ako ay biglang sumagi sa aking isipan si Gerald.
Napatigil ako sa pagkain.
Napansin pala ako ni Alexis na nasa kaliwang bahagi ng lamesa.
“What’s wrong?” tanong niya.
Napalingon ako sa kaniya ng may pagtataka.
“Hindi ba masarap?” tanong niyang muli.
Napatingin ako sa kinakain ko.
Kaunti lang pala ang bawas ng kanin at sabaw.
Napalingon ako kay Alexis. Naghihintay pala siya sa aking sagot.
Ngumiti muna ako saka siya sinagot sa kaniyang tanong.
“Oo naman, masarap ang niluto mo,” wika ko.
“Kung ganoon bakit naman iba ang itsura mo habang kumakain?” tanong niya.
Mukhang ang ibig sabihin niya ang pagtigil ko sa pagkain kanina.
“Ay, may naalala lang ako kanina,” sagot ko.
“Si Gerald,” sambit ni Alexis.
Ipinagpatuloy na niya ang pagkain niya.
Nakaramdam ako ng kakaibigang kirot sa aking dibdib.
Bakit iba ang titig ni Alexis ng bigla niyang binigkas ang ngalan ni Gerald?
May kakaiba talaga pagdating sa kaniya.
Hinayaan ko na lang siya at itinuloy ang pagkain.
Napatingin ako sa dalawang masayang nagtatawanan at kumakain.
They look so perfect together.
Bigla kong naalala si Imee.
Mas masaya pa ang mga mata na iyon ni Jaeryll kapag si Imee ang kaniyang kasama.
Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ni Jaeryll sa dalawa kong kaibigan pero isa lang ang dapat kong gawin, bantayan ang bawat kilos kapag magkakasama kami.
Napailing ako.
Ibinalik ko ang aking isipan kay Gerald.
Kumusta na kaya siya? Kahit ilang oras lang na hindi kami magkasama nag-aalala ako para sa kaniya.
Saan kaya siya natulog? Sana sa hotel room namin siya natulog.
Tumawag ba siya o nagpadala man lang ng text messages sa akin?
Isa lang ang paraan para malaman iyon.
Kailangan kong makabalik sa hotel at makita ang aking cellphone.
Teka…
Na saan nga ba ang aking cellphone?
“Excuse me,” wika ko.
Napalingon naman silang tatlo sa akin.
“Alam niyo ba kung saan ko inilapag ang cellphone ko?” tanong ko.
Nag-isip naman sina Alexa at Jaeryll.
“Nasa kwarto ko, nasa side table ko,” wika ni Alexis.
Nanlaki ang mata ni Alexa na halatang nagulat sa sinabi ng kambal niya.
“You slept with my twin?!” bulalas niya.