Bakas ang pagkagulat ni Alexa sa narinig mula sa kaniyang kakambal.
Dinepensahan ko ang aking sarili.
“Kung ano ang iniisip mo ay hindi talaga iyon nangyari,” paliwanag ko.
“Kalma, hindi naman kasalanan ngayon ang matulog ng magkasama,” saad ni Jaeryll.
“Paano kasing nangyari iyon?” Tanong niya.
Oo nga pala, hindi pala matandaan ni Alexa ang nangyari dahil lango siya sa alak na ininom.
“Yes, magkatabi kaming natulog,” tugon naman sa kaniyang ni Alexis.
Nanlaki ang mga mata ko sa direktang pananalita ni Alexis.
Hinampas ko ang noo ko.
“Grabe talaga,” bulong ko.
Tinignan ko ang itsura ni Alexa na mukhang nalugi.
Hindi pa rin makapaniwala si Alexa sa kaniyang naririnig.
“Seriously?” aniya.
Kalmado lang na kumain si Alexis.
“Ano bang big deal doon?” Saad ni Alexis.
Mukhang naghistirekal na si Alexa.
“The deal is, you slept with her!” Sigaw niya.
Hinawakan naman siya sa kamay ni Jaeryll
“Hey calm down,” sambit ni Jaeryll.
Pinapakalma niya ito.
“Ang ingay mo, sa tingin mo ba may nangyari sa amin?” wika ni Alexis.
Kumalma naman si Alexa dahil doon.
“Okay, explain,” utos niya.
“Tinaboy mo si Christine tapos hinila mo papasok sa kwarto si Jaeryll,” kwento ni Alexis.
Diretso lang ang pagkain ni Alexis at sinabi ng diretso ang nangyari.
Namula ang mukha ni Alexa.
“You’re kidding me, right?” sambit ni Alexa.
“Do I look like someone that jokes around?” wika ni Alexis.
Nagpipigil naman ng tawa si Jaeryll. Mukhang totoo nga.
“So, ganoon pala ang nangyari,” banggit ko
“Yes, ang kasunod noon ay ang sinabi ko kanina na naghuhubad siya kapag naiinitan,” turan ni Jaeryll.
Mas lalong namula si Alexa.
“Stop embarrassing me,” aniya.
Nakayuko ito at nakasara ang kamao.
Inihampas niya ang dalawang kamao sa mesa.
“Ihahagis ko talaga sa inyong dalawa itong sabaw,” Pagbabanta ni Alexa kaniyang kambal na si Alexis at sa kaniyang manliligaw na si Jaeryll.
“Okay, chill,” wika ni Jaeryll.
Humarap sa akin si Alexa at malapit nang umiyak.
“Sorry, Bessy,” aniya, “Sorry dahil sa akin ay natulog ka kasama ang mabahong nilalang na iyan,” Tinuro niya si Alexis na ngayon ay walang tigil sa pagkain.
“A-ano ka ba, ayos lang, natulog lang naman kami, wala naman na kakaibang nangyari,” saad ko.
Naglakad palapit siya palapit sa akin.
Hinagkan ako.
“Kahit na, naawa ako sa iyo,” sambit niya.
Natawa naman ako.
“Grabe ka talaga sa kambal mo,” sambit ko.
“Tara na, tapusin na natin itong nakahain na pagkain at maligo,” turan ni Alexa.
“Hindi pa ba kayo tapos?” tanong ni Alexis sa amin.
Napatingin naman kami sa kaniya.
Umiinom na siya ng tubig, at inililigpit na ang kaniyang pinagkainan.
“Ang bilis mo naman kumain,” wika ko.
“Paano naman kasi, ang daldal niyo kaya hindi matapos tapos iyang kinakain niyo,” aniya.
Ilang sandali pa ay natapos na rin si Jaeryll.
Dumighay pa siya dahil sa kabusugan.
“Salamat sa pagkain!” bulalas niya.
Uminom na rin siya ng kaniyang tubig at nagligpit.
“Ang bibilis niyo naman kumain,” wika ni Alexa.
Bigla naman sumagot si Alexis mula sa lababo.
“Ang daldal mo nga kasi,” aniya.
Naghugas pa ito ng kaniyang kamay habang nagsasalita.
“Nye, nye,” sambit ni Alexa.
“Tara na nga, Alexa,” wika ko.
Tumango naman ito at tahimik na kaming kumain.
“Sa veranda muna kami, maninigarilyo,” wika ni Jaeryll.
Sumenyas naman ako ng ‘okay’.
“Sige, sunod ako,” saad ni Alexa.
Tuluyan na silang umalis at naiwan kami ni Alexa sa kusina na kumakain.
Nang naramdaman namin na tuluyan ng nakalayo ang dalawang lalaki ay siya naman simula ng kwentuhan namin ni Alexa.
“Alexa, nabigla talaga ako nang makita ko sa tabi ko si Alexis,” kwento ko.
“Ako rin nagulat nang malaman na roon ka natulog,” aniya.
“Pero mas nabigla ako nang makita kitang nakahubad kanina,” wika ko.
Tumawa naman ako.
“Ako rin, takte! Lakas makalasing ng alak sa pub ni Jaeryll,” turan niya.
Ngumisi ako. Tinignan ko siya ng kakaiba.
“Wala bang nangyari sa inyo?” tanong ko.
Namula naman si Alexa.
“How I wished, but, I can’t remember anything,” saad niya.
Nalungkot naman ako.
“How sad, akala ko may ‘kayo’ na,” wika ko.
“Sooner or later,” aniya.
Kumindat pa ito sa akin habang kumakain.
“Pero sigurado ka ba na walang nangyari sa inyo ni Alexis?” tanong niya.
I frowned.
“Yes, naka-suot naman ako ng damit paggising ko,” tugon ko.
She sighed.
“Pero grabe ka, tinaboy mo ako kanina sabi nila,” wika ko.
Nagtawanan naman kami.
“Kung hindi ako nalasing, baka sila pa naitaboy ko,” sambit niya.
Uminom na ako ng tubig.
Sa wakas natapos na rin ako sa aking kinakain.
Napadighay pa ako dahil sa kabusugan.
“Excuse me,” saad ko.
“Your excused,” sambit ni Alexa.
Nagtawanan naman kaming dalawa habang inililigpit ko ang plato ko.
“Oh, are you done, too?” Tanong ko.
Nagliligpit na rin kasi ito ng kaniyang pinagkainan.
“Yes, I’m full,” sagot niya.
“Akin na iyan, ako na,” wika ko.
Iniabot naman niya ang kaniyang pinagkainan at dumighay.
“Excuse me,” aniya.
“Your excused, too,” wika ko.
Pagpunta ko sa lababo ay kumuha ako ng basahan para ipang-punas sa lamesa.
“Bessy, ako na diyan,” wika ni Alexa.
Ngumiti ako.
“Ako na, magpupunas lang naman ng mesa,” sambit ko.
“You sure?” tanong niya
“Yes, go labas ka na,” turan ko.
Tumango naman ito.
“Sige, sumunod ka na lang doon,” wika niya.
Habang nagpupunas ako ay lumabas na siya ng kusina.
Naiwan ako mag-isa.
Napaisip akong muli.
Wala nga bang nangyari sa amin ni Alexis?
Habang pinipilit kong isipin iyon ay biglang pumasok sa aking isipan si Gerald.
“Oh! I forgot him,” bulalas ko.
Nagmadali na ako sa pagpupunas ng mesa at naghugas na rin ng mga pinggan.
Nang matapos ako ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Alexis at hinanap ang aking cellphone.
Nakita ko nga ito sa ibabaw ng side table.
Pagbukas ko ay nakita ko na sobrang missed calls and text messages ang ipinadala sa akin mula kay Gerald.
Nang tatawagan ko na si Gerald ay biglang nagsalita mula sa aking likuran si Alexis.
“May naalala ka ba kanina?” tanong niya.
Napalingon ako sa kaniya na nakasandal sa pinto habang naka-crossed arm pa.
Nagtaka ako at napa-iling.
“Is there something that happened?” tanong ko.
Ngumiti ito.
“Wala naman, normal lang naman iyon na humihilik ka kanina,” kwento niya.
Nahiya naman ako.
“Malakas ba ang hilik? Sorry,” turan ko.
Naglakad ito.
“Hindi naman masyado,” aniya.
Napsinghap ako.
Mabuti naman kung ganoon, nakakahiya naman na nakitulog ako tapos malakas pa ang paghilik ko.
“Tatayo ka lang ba diyan?” tanong niya.
“Bakit?” tanong ko.
“Maliligo kasi ako,” aniya.
Napatingin ako sa hawak niya. Isang tuwalya.
Namula ako sa hiya.
Napatakbo ako palabas ng kwarto.
“Sorry, sige maligo ka na,” saad ko.
Isinara ko na ang pinto ng kaniyang kwarto at dumiretso na sa veranda kung na saan sina Alexa at Jaeryll.