Chapter 73

1248 Words
Nagising si Christine. Pinakiramdaman niya muna ang paligid, saka niya napagtanto na nakatulog siya sa piling ni Gerald. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Gerald na nakasabit sa kaniyang balikat. Nang maalis na niya ito ay pinagmasdan niya ang mukha ng kasintahan. Napaisip si Christine kung maniniwala ba siya sa sinabi ng kasintahan kanina o hindi. Nagtatalo ito at hindi alam ang gagawin. Napapikit na lang ito at mahinang nagsalita. “I will find the truth, no matter what,” aniya. Saka siya dahan-dahan na tumayo sa sofa. Sinubukan niyang maglakad na hindi gumagawa ng anumang ingay mula sa kaniyang sandals na suot. Dumiretso ito sa kinaroroonan ni Imee. Ang hindi alam ni Christine ay nagising din si Gerald nang tinanggal niya ang kamay nito. Nanatili lamang siyang nakapikit at hinintay na makaalis si Christine. Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ni Christine ng una, pero agad na nag-sink in ito sa kaniyang utak. Napasinghap si Gerald at tumingin sa naglalakad na si Christine. Tumayo siya at tinawag si Christine na akmang tatawagin na si Imee. “Babe,” sambit ni Gerald. Napalingon naman si Christine dahil doon. Nagulat pa ng bahagya si Christine marahil ay napaisip ito kung narinig ba ni Gerald ang kaniyang binigkas kanina habang tulog ito. “Oh, gising ka na pala,” tugon ni Christine. Medyo natawa si Gerald at napahawak sa ulo. “Oo, bigla kasing gumaan ang braso ko,” aniya. Napasimangot naman si Christine. Naglakad palapit sa kaniya si Gerald. “Mauna na muna ako, may meeting pa ako with the biard members,” paalam ni Gerald sa kasintahan. Napatingin naman si Christine sa wall clock. “Ay, ganoon ba? Hindi ka na ba dito magla-lunch?” tanong ni Christine. Iniangat ni Gerald ang kaliwa niyang kamay at tumingin sa oras. “Matagal din pala tayong nakatulog, pasado ala una na pala,” aniya. Tumango si Christine. Napatingin naman si Imee sa kanila at nagulat. “Gising na pala kayo!” bulalas ni Imee. Agad na napalingon ang magkasintahan sa kaniya. Umikot agad si Imee para makalabas sa pwesto niya. “Kakain na ba kayo?” tanong ni Imee. “Gutom ka na ba, Imee?” tanong ni Christine sa kaniya. Saktong pagkatanong ni Christine ang pagkalam ng sikmura nito. Nahihiya pang tinakpan ng dalaga ang kaniyang tiyan at pilit na tumawa. Napangiti naman si Christine. “Medyo po,” sagot ni Imee. Naalala ni Gerald ang dala niyang pagkain. Napabalik ito sa center table at kinuha ang supot. Tinawag niya si Imee. “Imee, ito, kaso hindi na siya mainit,” wika ni Gerald. Tumingin pa muna si Imee kay Christine kung papayagan ba siyang kunin iyon at mabuti naman ay tumango si Christine ng may ngiti. Agad naman na kinuha iyon ni Imee. “Thank you, Sir, re-heat ko na lang po ito,” sambit ni Imee. Ngumiti si Gerald at lumapit kay Christine. “Balik na muna ako sa company, bye, I love you,” aniya sabay halik sa pisngi ni Christine. Hindi naman nagpakita ng pagtanggi ang dalaga ng halikan siya ng kaniyang kasintahan. Ngumiti pa ito at sinabihan na mag-ingat ito sa pagmamaneho. Bigla naman na sumulpot sa kanilang likuran si Joyce. “Aalis kayo?” tanong ni Joyce. Ngumiti naman si Imee. “Hindi sila aalis, si Sir lang,” aniya. Nagbago naman ang ekspresyon sa mukha ni Gerald nang makita si Joyce. Napansin naman iyon ni Christine nang mapatingin siya sa kasintahan. “Ganoon ba, ingat po, Sir,” paalam ni Joyce kay Gerald. Nakangisi si Joyce kay Gerald. Hindi naman naging komportable si Gerald sa presensya ni Joyce kaya naman mabilis lang niya itong kinausap. “Oo, sige, ingatan niyo si Christine,” aniya. Saka niya inakbayan si Christine at ngumiti sa harap nila Joyce at Imee. Magiliw naman siyang sinagot ni Imee. “Aba! Syempre naman, Sir, baka siya ang boss namin,” wika ni Imee. Natawa naman si Christine. “Sige na, baka mahuli ka pa sa meeting niyo,” sambit ni Christine. Hinalikan naman siyang muli ni Gerald na medyo kinabigla ni Christine. “Bye, see you later,” paalam ni Gerald. Naglakad na ito palabas ng galley at naiwan ang tatlong dalaga sa loob. Habang kinikilig si Imee dahil sa nasaksihan na matamis na sandaki ni Gerald para kay Christine, puno naman ng pagtataka ang mukha ni Christine dahil sa galaw ni Gerald kanina. Napatingin si Christine kay Joyce na parang walang nangyari. “Ano iyang hawak mo?” tanong ni Joyce kay Imee. Itinaas ni Imee ang supot, “Teka, pero amoy chicken, eh,” saka niya tinignan ang laman ng supot. Napangiti si Imee nang makita na isa itong fried chicken. “Fried chicken,” aniya. Nagkibit-balikat si Joyce, “I told you, chicken,” aniya saka siya tumawa. “Ang galing mong manghula kanina,” wika ni Imee na namamangha pa. Ngumisi lang si Joyce saka nagpaalam na magbabanyo. “Punta muna ako sa banyo,” aniya. Tumango naman si Imee. “Miss, alis muna ako,” paalam din niya kay Christine. “S-sige,” tugon ni Christine. Umalis na su Joyce. Sunod naman na nagpaalam si Imee para initin ang manok. “Punta muna ako sa kusina, initin ko lang ito,” wika ni Imee. “Sasama na ako, nauuhaw na rin ako,” sambit ni Christine. “Ay, sige, tara na, Miss,” aya ni Imee. Naglakad na sila papunta sa kusina. Habang masaya si Imee siya naman na pag-iisip ni Christine sa mga nangyari. Tulala lang si Christine habang naglalakad at tila hindi naririnig ang sinasabi ni Imee. “Miss, alam kong wala akong karapatan na makisali sa inyo, pero sana maayos niyo ito ng tuluyan,” seryosong wika ni Imee. Ngunit hindi iyon naririnig ni Christine hanggang sa kalabitin na siya ni Imee. “Miss, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Imee. Medyo nagulat si Christine dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Ngumiti ito kay Imee. “Y-yes, may iniisip lang,” sagot ni Christine. Nakarating na sila sa kusina at agad na pumunta si Christine sa water dispenser. Kumuha siya ng tubig at agad itong ininom. Samantalang si Imee ay inilabas ang manok at inilagay na sa microwave oven. Humarap si Imee kay Christine matapos niyang pa-andarin ang microwave. “Miss, you don’t look okay,” aniya. “Ha?” pagtataka ni Christine. “You seems so out of space,” wika pa ni Imee. Medyo nailang pa si Christine. Hindi alam ang sasabihin dahil ayaw niya pang dagdagan ang iisipin ni Imee na problema. Naisipan na lamang ni Christine na ngumiti. “I’m okay, masyado lang malala ang iniisip ko,” saka tumawa si Christine. Hindi iyon pinaniwalaan ni Imee pero ngumiti na lang dahil naiintindihan niya na baka ayaw ni Christine ni magkwento tungkol sa private life niya. “If ever, I’m here, always,” bigkas ni Imee kay Christine. Naantig naman ang puso ni Christine sa narinig. “Thank you,” wika nito kay Imee. Bigla naman tumunog na ang microwave, naka sampung minuto na rin pala silang nag-usap. Agad na kumuha ng pot gloves si Imee saka kinuha ang chicken sa loob. Umangalingasaw ang bango ng fried chicken. “Yay! Yummy,” bulalas ni Imee habang inaamoy ito. Natawa naman si Christine. “You better call, Joyce, para sabay na kumain,” wika ni Christine. Ngumiti si Imee at inilapag ang chicken sa lamesa, hinubad ang gloves at lumabas ng kusina para tawagin si Joyce.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD