Chapter 5

2373 Words
Ngayon gabi, ang araw nang aming anibersaryo na siya ring araw na nagpropose sa akin si Gerald. Gabi na hindi ko malilimutan. Habang ang aking pakiramdam ay nasa alapaap at hindi makapaniwala, may biglang yumakap sa akin na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. “Bessy!!!” Sigaw ng babae. Dahan-dahan kong nilingon ang babaeng yumakap sa akin mula sa likod. “A-alexa?” sambit ko, “Ikaw nga!” dagdag ko pa. “I miss you, Bessy!” saad ni Alexa. Nagyakapan kami. Nasa America na kasi naka-base ang pamilya ni Alexa, isang taon na rin mula nang huli naming pagkikita. “Congratulations, Christine,” wika ng kambal ni Alexa. Nilingon ko ang taong bumati sa akin. “Thank you, Alexis,” sagot ko kay Alexis. Bumitiw ako sa pagkakayapos kay Alexa at niyakap ko naman ang kambal nito— si Alexis. “Hanggang kailan kayo dito sa Pinas?” tanong ko. “Ewan. Kailan ba kasal niyo?” tanong ni Alexa. “Ay. Wow? Grabe ha,” sarkastiko kong sambit. Bahagyang natawa si Alexis sa amin dahil patanong din akong sinagot ng kambal niya. “I’m sorry to interrupt you guys, but I think we should be sitted and continue this conversations over that table,” wika ni Gerald. Humawak si Gerald sa aking kanang kamay at ang isa naman niyang kamay ay nakaturo sa nakareserbang table para sa amin. Natawa naman kaming tatlo at pumaroon na sa mesa. Nahagip ng paningin ko si Joyce. Nabigla ako sa nakita ko. Ang mga mata niya, nanlilisik na tila gagalit. Tumingin ako sa paligid baka nagkakamali lang ako at baka hindi siya sa akin nakatingin ngunit walang ibang tao sa direksiyon ko. Bumalik ang tingin ko sa kanya at ngayo’y siya ay nakangiti na sa akin. Marahil ay namalik-mata lamang ako dahil sa luha nangilid sa aking mga mata kanina. Umupo na kaming apat. Sa harapan ko nakaupo si Alexis, si Gerald at Alexa naman ay nasa magkabilang parte ko. “So, kailan nga kayo uuwi?” tanong ko. Nagkibit-balikat lamang si Alexis. “After your wedding?” patanong na sagot ni Alexa. “Kailan ba ang kasal?” tanong ni Alexa kay Gerald. “Siguro...” Hindi pa man nasasagot ni Gerald ang katanungan ay biglang sumulpot ang kaniyang magulang. “There you are!” sigaw ni Tita Rose, “Congratulations. Hoping for the wedding right away,” Dugtong pa ni nito. Niyakap niya si Gerald, gayon din ako. Ramdam ko ang init ng pagmamahal ni Tita para sa amin ni Gerald. Seryoso pa rin ang mukha ni Tito Rey. Hindi mapapansin ng ibang tao kung ngumiti ito kahit konting angat lang ng labi pero ako, alam kong ngumiti ito ng bahagya. Napangiti ako ng makita iyon. “Thank you, Mom and Dad,” wika ni Gerald. Niyakap ni Gerald ang kaniyang magulang, at nagsimulang maluha ang kaniyang ina. Sunud-sunod na ang pagpunta sa amin ng mga bisita para kami’y batiin. Hinihintay ko ang aking ama na batiin kami pero wala na siya. Medyo nalungkot ako pero masaya pa rin dahil nasaksihan niya ang araw na ito. Sila Imee at Joyce na lang ang hindi pa nabati sa amin. “Congrats, Miss Tin! Sir Gerald!” wika ni Imee. “Congrats. Masaya ako para sa iyo—,” bati ni Joyce, “sa inyo,” dugtong pa nito. Alam kong kakaiba si Joyce pero wala naman siyang dahilan para magalit or what sa akin. Marahil ay guni-guni ko lang ang mga napapansin ko. “Salamat, Imee at Joyce,” sagot ko sa kanila. Bumalik na sila sa kanilang mesa at alam ko na ang next na mangyayari. “There’s a new face here,” Saad ni Alexa, “who’s Joyce?” tanong niya. “She’s my apprentice,” sagot ko. “Since when?” tanong niya. “Two weeks ago,” sagot ko. “She seem so familiar,” aniya, “Right, Alexis?” tanong niya sa kambal niya. “I don’t know. Everyone here is familiar with me,” sagot ni Alexis. “Baka you’ve mistaken her with someone else,” wika ko. Tiniti-tigan talaga ng maigi ni Alexa si Joyce kahit malayo ang pagitan ng aming pwesto doon. Pilit nitong inaalala kong saan niya ito nakita. “She’s so familiar,” wika ni Alexa. Natatawa naman ako sa reaksiyon ni Alexa patungkol kay Joyce. Naalala ko na sa ibang bansa pala nagtapos ng kolehiyo si Joyce. “Oh! Joyce graduated from one of the universities in America,” bulalas ko. “Which university?” tanong niya. “I can’t recall. Sorry, Alexa,” sagot ko. Napabuntong hininga na lamang si Alexa at ngumiti sa akin. “Its okay. Lets have drinks and celebrates this special day of yours,” aniya. Nagpalinga-linga akong muli, hinanap muli ang aking ama na matagal kong hindi nakasama sa buhay. “Why?” tanong ni Gerald. “Hindi ko na makita si papa,” sagot ko. Nalungkot ako ng bahagya, pero alam ko na masaya rin si papa para sa akin. “Its okay, Babe,” aniya, “makikita mong muli ang papa mo,” dagdag pa ni Gerald. Napangiti ako dahil sa sinabi sa akin ng Fianceé ko. “Salamat, dahil inimbita mo si papa rito kahit saglit lang siyang nanatili,” sagot ko. Bigla naman tumayo si Alexa sa kaniyang upuan at itinaas ang kaniyang wine glass at bahagyang pinukpok ito ng kutsara. “Excuse me everyone. We gathered here for the special moment in life of our dearest friends, Gerald and Christine,” wika ni Alexa, “Let’s give them a toast for their new level in relationships. May this engagement gives courage and happiness before entering the married world. Our next toast will be on their wedding day. Hoping for it! Cheers!” dagdag pa nya. Biglang umingay ang paligid. Lahat ng nandirito ay mahinang pinukpok ang kanilang mga baso at nagpalakpakan. Tumayo naman si Gerald, at inalalayan akong tumayo. “Thank you for helping me to surprised my girlfriend,” aniya, “I mean my Fianceé that soon to be Mrs. Horteleza,” dagdag pa niya. Namula ako, hinalikan niya ako sa aking noo sa harap ng maraming bisita at magulang niya. “Kainggit!” wika ni Alexa. Nagpalakpakan nang muli ang mga tao. Umupo na kami ni Gerald. Uminom muna ako nang biglang may mag pop-up na text message sa aking cellphone. Binuksan ko ito, at nanginig nang mabasa ang text. “Masaya ka na ba? Kung oo, sisimulan ko nang gawin impyerno ang masaya mong buhay.” -ChrysXOXO Yan ang nakalagay na mensahe na pinadala sa akin mula sa unknown number. Nabitawan ko ang aking cellphone at bumagsak ito sa aking kinakainan. Napatingin si Gerald sa akin, at nang mapansin niya na nananginginig ang aking kamay ay tinanong niya ako. “Anong problema?” tanong niya. Hindi ako makasagot, hinawakan niya ang aking kamay at saka tinignan ang cellphone na nasa plato ko. Kinuha niya ito at dali-daling binasa ang mensahe. “Prank lang ito, o baka namali lang ng send,” sabi ni Gerald. “You sure?” tanong ko. “Yeah, wala naman tayong kilala na Chrys ang name ‘di ba?” sagot niya. “Bakit?” usisa ni Alexa. “Are you okay?” tanong ni Alexis. “Yeah, I’m okay,” sagot ko kay Alexis. Ngumiti ako kay Alexis at sinagot rin ang tanong ni Alexa. “Wala naman, Bessy,” sagot ko, “may nagkamali lang ng send na message sa akin,” dagdag ko pa. “Mabuti naman kung gan’on,” wika ni Alexa. “Kain na kayo guys,” singit ni Gerald. Kumain na kami, pero hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang mensahe na iyon. Hindi mapakali ang aking isipan kung sino yung Chrys at kung bakit siya nagpadala ng gan’on na mensahe sa akin. “Para sa akin ba talaga ang mensahe na iyon?” “Baka tama si Gerald, namali lang ng send yung sender,” “Pero kung para sa akin iyon, sino siya?” “Wala akong maalala na Chrys sa buong buhay ko,” Mga tanong na nasa isipan ko habang kumakain. “Bessy,” tawag sa akin ni Alexa. Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Alexa at nag-snap ng finger. “I called your name three times,” aniya, “you’re spacing out,” dagdag pa niya. “Iniisip niya ata gagawin namin after this,” singit ni Gerald. Natawa ng bahagya si Alexis sa tinuran ni Gerald. Tinapik-tapik naman ni Alexa ang aking likuran. “Loko kayo. May iba akong iniisip,” sagot ko. “Like what?” usisa ni Alexis. “Nothing much, not important though,” sagot ko. “Bakit mo pa iniisip kung ‘di importante?” tanong ni Alexa. “Hayaan na nga natin,” wika ko. Tumingin ako kay Gerald, ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. Gumaan ang aking pakiramdam ng mga sandaling iyon, dama ko ang pagmamahal sa akin ni Gerald, gayon din ng aking mga kaibigan. Biglang tumayo si Tita Rose at nagsalita. “Bigyan natin ng isang masigabong palakpakan ang soon to be husband and wife,” aniya. Pumalakpak naman ang lahat ng bisita. Tumingin sa amin si Tita na animo’y sumesenyas kay Gerald. “Let’s do this, Babe,” bulong sa akin ni Gerald. Naguluhan naman ako sa kaniyang tinuran at bigla akong hinigit patungo ss centro ng restaurant. Magtatanong pa sana ako kung anong nangyayari ngunit biglang nagsalitang muli si Tita. “This will be your last dance as a couple in our eyes,” aniya, “the next one will be the dance after your wedding,” dugtong pa nito. Nahiya naman ako nang mabanggit ni Tita ang patungkol sa sayaw, hindi dahil ‘di ako marunong sumabay sa tyempo kung hindi dahil never pa akong sumayaw sa harap ng napakaramimg tao. “Just follow the rythm,” bulong na naman sa akin ni Gerald. Tumango lamang ako at biglang namatay ang primerang ilaw at napalitan ng medyong madilim na liwanang. Nagsimula naman na tumugtog ang orkestra gayon din ang sikat ma mang-aawit na si Adele. ? Let's have conversations in the dark World is sleeping, I'm awake with you, with you Watch movies that we've both already seen I ain't even looking at the screen It's true, I got my eyes on you. ? Muntik ko pa ngang matapakan ang kaliwang paa ni Gerald. Grabe, nahihiya talaga akong sumayaw sa harap ng maraming tao. “Naiilang ako,” mahina kong sambit. “It’s okay, Babe,” sagot nya, “I’ll lead, just follow me,” dagdag pa niya. ? And you say that you're not worthy You get hung up on your flaws Well, in my eyes, you are perfect as you are.? “Grabe, magkano naman ang nagastos mo dito?” tanong ko. “200,000 Pesos?” patanong naman nyang sagot na tila ‘di sigurado. “What?!” nagitla ako sa narinig ko kaya napalakas ang pagkakasalita ko. Napatigil ang lahat pati ang umaawit at tumingin sa amin. “Sorry,” wika ko. Napangiwi ako ng bahagya, at bigla naman nang nagsalita si Gerald. “Nagulat siya nang sabihin kong pakakasalan ko na siya bukas,” aniya. Nagtawanan ang lahat at sumenyas na ituloy ang awit at tugtog. ? I won't ever try to change you, change you I will always want the same you, same you Swear on everything I pray to That I won't break your heart I'll be there when you get lonely, lonely Keep the secrets that you told me, told me And your love is all you owe me And I won't break your heart. ? “Huwag mong alalahanin ang gastos,” bulong niya sa akin. Damang-dama ko ang init ng hininga niya sa aking tainga habang siya’y bumubulong sa akin. “Just enjoy this night,” dagdag pa niya. Agad niya akong tinitigan sa mga mata at hinalikan ang aking noo sa harap ng maraming tao. ? On Sunday mornings we sleep in 'til noon Oh, I could sleep forever next to you, next to you And we, we got places we both gotta be But there ain't nothing I would rather do Than blow off all my plans for you.? “Nakakahiya, ano ka ba,” sambit ko, “Maraming tao,” dagdag ko pa. “Don’t mind them,” sagot niya. Ngumisi lamang ito, at itinuloy ang pagsayaw. ? And you say that you're not worthy And get hung up on your flaws But in my eyes, you are perfect as you are As you are.? “Thank you,” sambit ko. ? I won't ever try to change you, change you I will always want the same you, same you Swear on everything I pray to That I won't break your heart I'll be there when you get lonely, lonely Keep the secrets that you told me, told me.? “For what?” tanong niya. And your love is all you owe me And I won't break your heart. “For loving me,” wika ko. Nakatitig lamang siya sa akin tila naghihintay pa ng kasunod na talata. When no one seems to notice And your days, they seem so hard My darling, you should know this My love is everywhere you are. “I love you, Gerald,” marahan kong sambit. Niyakap ko siya ng mahigpit. ?I won't ever try to change you, change you (Yeah) I will always want the same you, same you (Oh-oh) Swear on everything I pray to That I won't break your heart (Yeah) I'll be there when you get lonely, lonely (Oh, when you get lonely) Keep the secrets that you told me, told me (Yeah-yeah) And your love is all you owe me And I won't break your heart.? “I love you more, Christine,” sagot nito sa akin. ?Ooh. Ooh I won't break your heart.?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD