Chapter 6

2678 Words
“Ang saya at ang ganda ng proposal ni Sir Gerald sa iyo,” ani ni Imee. Ngayon ay narito kami sa loob ng banyo upang mag-ayos at maglagay ng konting kolorete sa aming mukha. “Kasabwat kayo ano?” tanong ko. Natatawa naman si Imee habang naglalagay ng kulay pulang lipstick sa kaniyang labi. “Oo, sinabihan kami ni Sir na isu-surprise ka niya,” sagot ni Imee. Napangiti na lamang ako at itinuloy ang pag-aayos sa aking buhok. Napansin ko na kanina pa tahimik si Joyce at hindi man lang nag-aayos sa sarili marahil ay may malalim na iniisip. “Joyce, okay ka lang ba?” tanong ko. Nabigla naman siya sa aking tanong at nagkibit-balikat na lamang. “Wala naman po, Miss,” sagot niya sa akin. Kinuha naman niya ang kaniyang cellphone sa bag dahil bigla itong tumunog. “Excuse po, sagutin ko lang po ito,” aniya. Tumango lang ako sa kanya, at si Imee naman ay sumenyas ng okay sa kanya. Lumabas na siya ng banyo at naiwan kami ni Imee sa loob. “Kakaiba ata si Joyce ngayon,” sambit ko. “Nabigla rin po kasi, hindi niya po alam yung plano,” sabi ni Imee. “Nabigla?” tanong ko. Napa-kunot noo ako at nagtaka. “Bakit naman mabibigla si Joyce?” tanong kong muli. “Hindi ko po alam, marahil naalala niya ang kaniyang boyfriend?” patanong na sagot sa akin ni Imee. “May boyfriend siya?” tanong ko. “Siguro po, sa ganda niya na iyon tiyak may nanalo na sa kaniyang puso,” pabirong sagot ni Imee. Natapos na si Imee sa pag-ayos ng kaniyang mukha, at nagpaalam sa akin kung maari kaming kumuha ng litrato na magkasama. Sumang-ayon naman ako. Humanap siya ng magandang anggulo para sa aming litrato. “1, 2, 3, cheese!” aniya. Tinignan naman agad niya ang kuha at ngumiti. “Isa pa, yung wacky naman,” wika niya. Tumango ako bilang pag sang-ayon. Inilagay ko ang aking kaliwang kamay malapit sa aking mukha at sumenyas ng peace sa harap ng camera samantalang si Imee naman ay ipinikit ang kaniyang mga mata, nilabas ng bahagya ang dila at nag peace sign din. “Wow! Ang cute,” aniya, “post ko po ito sa social media ko,” paalam niya sa akin. “Oo sige, tara na kaya, kanina pa tayo sa cr eh,” wika ko. “Oo nga, tara na po,” aniya, “baka naroon na rin si Joyce sa mesa,” dagdag pa niya. Paglabas namin ay may naka-bangga akong lalaki at natapunan ako ng wine, marahil ay waiter sa restaurant na ito. “Sorry, Ma’am,” ani ng lalaki. “Hala! Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Imee. Tumingin ako kay Imee at sa nakabangga sa akin. Familiar sa akin ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. “Oo,” sagot ko kay Imee. “Oo, pasensya na rin hindi ako nakatingin sa daan,” malumanay na sagot ko sa lalaki habang pilit inaalis ang mantsa sa aking palda. “Pasensya na po talaga, Ma’am,” sabi ng lalaki, “bago pa lang po ako dito,” dugtong niya. Naawa naman ako sa lalaki dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kaniyang trabaho. “Okay lang, kasalanan ko rin,” wika ko. “Ito panyo ko, pamunas mo na diyan,” alok ng lalaki sa akin. “Salamat pero okay lang ako,” nakangiti kong sagot. “Nagkita na ba tayo?” tanong ko sa lalaki. Hindi na kaya ng isip ko na isipin kung saan ko siya nakita dahil super familiar ang face niya. “Hi—” naputol ang sasabihin ng lalaki nang biglang sumingit si Imee. “Sige kuya, next time mag-iingat ka,” sambit ni Imee sa lalaki. Tumingin ang lalaki kay Imee, medyo natulala nang masilayan ang maamong mukha nito. “O-o,” nauutal na sagot nito kay Imee. “Tara na po,” aya sa akin ni Imee. Napatikom lang ako at tumango, alam ko ang sensasyon na iyon. “Imee, napansin mo ba itsura ‘non?” mahina kong tanong. “Nino po?” tanong niya. “Yung waiter,” sagot ko. “Hindi masyado,” aniya, “bakit?” tanong niya. “Nakakatitig sa iyo,” wika ko, “Natulala ata sa taglay mong kagandahan,” pabiro kong sabi. “Hindi ko napansin,” aniya. Hindi ko na inusisa pa si Imee, pero alam kong love yung titig ng waiter sa kaniya. Malapit na kami sa aming mesa nang bigla akong hagkan ni Alexa. “Why?” taka kong tanong. “Why you took so long?” she frowned. “Sorry, may nangyari lang na hindi inaasahan,” sagot ko. “Sorry, she’s a bit tipsy,” sambit ni Alexis, “she drank three glass wine in one shot,” dugtong pa niya. Nabigla ako, naglalasing na ba si Alexa? Sabagay, maraming pwedeng pagbabago sa kaniya sa loob ng isang taon doon sa Amerika. “Is she gone bar hopping in America?” tanong ko. “Maybe?” sagot nito sa akin. “Who’s drunk?” tanong ni Alexa. Sumingkit na ang mga mata nito sa kalasingan. “Stop it, Alexa,” utos ni Alexis sa kambal. “Why would you tell me to stop?” tanong nito. Natahimik na lamang ako habang akay-akay si Alexa sa aking harapan. Ganito na ganito sila noon na nasa college pa lang kami. “Because you’re drunk,” seryosong sagot niya. “I am not drunk,” aniya, “see? I can still recognize you all,” dagdag pa ni Alexa. Inisa-isa naman niyang tinuro at banggitin ang aming pangalan. “You!” bulalas niya. Napalingon kaming lahat sa tinuro niya, si Joyce. “You’re suma c*m laude!” sigaw niya kay Joyce. Natahimik ang karamihan sa amin na tila naguguluhan at ang iba’y pumalakpak nang marinig iyon. “I’ve read your best selling novel!” bulyaw ulit ni Alexa. “Ssshh. Stop it, Alexa,” ani ko. Hinahila ko si Alexa pero pilit na nagpupumiglas. Tumulong na sa akin ang kaniyang kambal na si Alexis at doon ay naawat na siya. “Babe?” tanong ni Gerald na ngayon ay kararating lang mula sa kung saan. “What happened?” tanong niya. “Maraming nainom na wine si Alexa,” sagot ko. “Sorry,” sambit ni Alexis. “Who’s drunk?!” makulit na tanong ni Alexa, “Me? No” sagot din niya sa sarili “Sorry, again,” depensa ulit ni Alexis. “It’s okay, hatid na namin kayo sa parking lot,” sambit ni Gerald. “Thanks, bro,” sagot ni Alexis, “Sorry, Christine,” dagdag pa niya. “Okay lang,” nakangiti kong tugon. Sumulyap ako kay Joyce at kay Imee. Mukhang nagtatanong si Imee patungkol kay Joyce. Nasa parking lot na kami at ipinasok na sa loob ng kotse si Alexa. “I’m very sorry for the trouble made by my sister,” pakumbabang loob na sambit ni Alexis. Yumuko ito ng bahagya sa amin ni Gerald at sumakay na sa kaniyang sasakyan. “It’s okay, drive safely!” sambit ni Gerald. “Ayos lang ‘yon!” nahihiya akong sabi. “Sige, sorry again,” wika nito. Tinapik nito ang kaniyang balikat at isinara na ang pinto ng kotse. Bahagya kong rin naman na winagayway ang aking kamay habang papalayo ang sasakyan nila. “Babe, balik na tayo sa loob,” aya ko kay Gerald. “Tara!” sagot nito. Habang papasok na kami sa loon ng restaurant ay nadaanan namin ang sasakyan ni Gerald, may nakalakip na sulat na naka-ipit sa kaniyang wind shield. Kinuha ito ni Gerald, at saka binasa ng tahimik. Nagbago ang timpla ng mukha niya nang mabasa ang nakasulat roon. “Anong nakasulat?” usisa ko. “Wala naman, may nag-prank lang siguro,” aniya, “O kaya yung mga batang hamoh na pakalat-kalat dito sa kalsada,” dagdag pa niya. “You sure?” tanong ko. “Yeah,” aniya, “Let’s go back inside,” dugtong pa niya. Sa loob-loob ko ay parang may iba, mula sa mukha niya at ekspresyon ng kaniyang mata buhat ng basahin niya ang nakasulat sa papel ay masasabi kong kakaiba. Hindi na ako naglakas-loob pang usisahin ng maigi iyon at baka mauwi lamang sa away iyon. Pagkapasok namin ay tinungo agad namin ang lamesa nila Joyce upang humingi ng depensa sa nangyari ngunit nang makarating kami ay wala roon sila, marahil ay nasa banyo at nag-aayos. “Sorry everyone for the commotions that happened,” bungad ni Gerald nang mahawakan ang mikropono. Ipinasa naman niya ito agad sa akin. ‘Ano bang sasabihin ko?’ tanong ko sa aking isipan. “Uhm, ano,” wika ko, “ sorry” dagdag ko pa. Hindi ko talaga alam ang aking sasabihin sa harap ng mga bisita. “Sorry for the earlier, just continue everything,” sambit ko. Inikot ko ang aking paningin at sakto na bumalik na sina Imee sa upuan. “Hope you all enjoy!” sabi ko. Ibinalik ko na ang mikropono kay Gerald at nagpaalam na tutungo sa pwesto nola Imee. “Saan kayo galing?” tanong ko sa dalawa. “Inayos ko lang si Joyce,” sambit ni Imee, “Hindi ba gumanda siya,” dagdag pa niya. “Ano ka ba, nakakahiya,” wika ni Joyce. “You look gorgeous, Joyce,” sambit ko. “Thanks, Miss,” sagot ni Joyce. “Sorry pala sa nangyari kanina,” ani ko, “ Nasobrahan na sa wine na nainom eh,” dugtong ko pa. “Okay lang po,” aniya. “Patungkol nga pala sa sinabi ni Alexa—,” naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Imee. “Oo nga pala!” bulalas ni Imee, “True po iyon, Suma c*m Laude si Joyce,” dagdag niya. “Really? That’s so nice,” sambit ko. Binigyan ko nang napakalaking ngiti si Joyce, ang talino pala ng taong ito. “So, nagsusulat ka rin pala ng novel?” tanong ko kay Joyce. “Not really into it,” walang pag-aalinlangan na sagot niya sa akin. “Talaga?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Imee. “Can we read it?” tanong ko. Tumango lamang si Joyce sa amin at sinabing, “Hindi ko lang alam kung mayroon dito n’on sa Pinas,” aniya. “What’s the title of your novel?” tanong ko, “I can search it on google,” dugtog ko pa. “Betrayal,” sagot niya. Naging seryoso muli ang mukha ni Joyce na tila naiinis ngunit napawi ito nang siya’y ngumiti. “Kung maari, bigyan niyo ako nang reaction sa novel ko kung maganda ba or what,” aniya. “Yeah/Oo,” sabay na sagot namin ni Imee. Nagtawanan naman kami nang magkasabay kaming magsalita at ayun naging hyper na naman si Imee, daming kwento. “Joyce, sabay na lang tayo na umuwi,” wika ni Imee. “Bakit?” tanong nito. “Ayaw niyo bang sumabay sa amin?” tanong ko sa dalawa. “Nako, Miss,” sagot ni Imee, “Huwag na po, sulitin niyo itong gabi na ito,” dagdag pa niya. “Kaya nga,” sambit ni Joyce. Tumingin ako sa kanila, ang mga mukha nila ay di mawari. Yung isa nakangiti ng nakakaloko, at yung isa naman ay tila naiinis pero nakangiti pa rin ng bahagya. “Sure kayo?” tanong ko sa kanila. “Opo,” sagot ni Imee na may sobrang laking ngiti sa mukha. Tumango lang si Joyce sa akin saka hinawakan ang balikat ni Imee. “Mauna na kami, Miss,” winika ni Joyce. “Ay sige, ingat kayo,” sagot ko. Lumakad na sila palayo at kumaway-kaway pa sa akin. “Teka!” sigaw ko sa kanila. Hinabol ko sila, binilisan ko ang aking lakad, buti na lang at hindi pa sila gaanong nakakalayo mula sa aking kinatatayuan. “Hatid ko na kayo sa sakayan,” wika ko. “Huwag na po, malapit lang naman dito ang sakayan ng taxi eh,” sagot ni Imee. Nag ekis pa ang kaniyang dalawang kamay habang sinsaabi niya iyon sa akin. Pero dahil mapilit ako, wala na silang nagawa pa at pumayag na sumama ako hanggang sa sakayan ng taxi. “Bahala ka po,” sagot ni Joyce. “Sige, text ko lang si Gerald,” wika ko, “Baka hanapin kasi niya ako,” dagdag ko pa. Nagtetext ako habang kami’y naglalakad patungo sa sakayan nang makabunggo akong muli ng lalaki sa loob ng restaurant at nahulog ang aking phone sa daan. “Sorry,” aniya. Hindi ko muna siya sinagot dahil napasama ata ang pagkakatumba ko sa semento. “Okay ka lang ba?” tanong ni Imee na nag-aalala. Tumango lamang ako kay Imee at saka dinampot ang ang aking cellphone sa hindi kalayuan at tumayo habang inaalalayan ni Imee. “May dumi na yong dress mo,” wika ni Joyce habang nakatiro sa laylayan ng akkng damit. “Sorry po ulit,” wika ng lalaki. Yumuyuko ito ng paulit-ulit habang humihingi ng depensa. “Familiar ang boses mo,” sambit ni Imee. “Kayo po pala ulit,” sagot ng lalaki. “Magkakilala kayo?” tanong ni Joyce na tila naguguluhan sa nangyayari. “Okay lang ako,” sagot ko. Sobrang sakit ng balakang ko sa nangyari pero sinabi ko pa rin na okay ako kahit na hindi talaga ako okay sa pagkakatumba. “Sorry po talaga ulit,” sabi ng lalaki. “Next time kuya, mag-iingat ka sa paglalakad,” inis na sabi ni Imee sa lalaki. Tumikom naman ang bibig ng lalaki nang magsalita si Imee patungkol sa kaniya tila nahihiya sa kaniyang nagawa na animo’y pinapagalitan nang kaniyang nanay. “Opo, sorry,” sagot nito kay Imee. Sa kabilang banda, palihim na tumatawa si Joyce hindi ko alam kung bakit. “Ito panyo,” wika ni Joyce sa akin. Kinuha ko ang panyo at saka pinunasan ang dumi ng aso na dumikit sa laylayan ng aking dress. “Salamat,” sambit ko. “Walang anuman,” aniya, “Balik tayo sa loob ng restaurant,” dagdag pa niya. “Samahan ko na po kayo, nahihiya po ako sa nangyari,” wika ng lalaki. “Oo tama, samahan mo kami dahil kasalanan mo ito,” inis na sambit ni Imee. “Kasalanan ko rin, hindi ako tumitingin sa daan,” sabi ko. Mabuti na langbat konting lakad lang ang nagawa namin mula sa pinto ng restaurant pagkapasok namin ay napatingin ang mga bisita sa amin marahil ay dahil sa amoy ng dumi ng aso na nakadikit sa aking dress. “Sorry,” nahihiya kong sabi. Napayuko ako ng bahagya habang dumadaan sa gilid patungo sa cr. Nilapitan naman ako agad ni Gerald. “What happened?” tanong niya. “Long story,” sagot ko. “Samahan na kita sa loob,” singit ni Imee. “Kaya ko na ito, umupo na lang muna kayo ni Joyce,” sagot ko. Pumasok na ako sa loob ng cr. Hindi ko alam kung paano ko tatangalin ang dumi na ito. Binasa ko na ng tubig at kinusot-kusot ngunit naroon pa rin ang amoy. Ilang sandali pa ay may kumatok. “Ma’am?” sambit nito, “towel po,” dagdag pa. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang waiter. “Thanks,” sabi ko at kinuha na ang dala nito. Maya-maya pa kumatok si Gerald. “Babe, kunin mo itong dress na inihanda ko incase na hindi ka nakasuot ng bistada ngayon,” wika niya, “alam mo naman ako, laging handa,” natatawa pa niyang sabi. Binuksan kong muli ang pinto, kinuha ang dress at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. “Thank you,” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD