Dumiretso ang magkasintahan sa isang fast food restaurant at doon ay nag-order ng makakain.
Nakaupo ngayon ang dalawa sa gilid ng salamin na pader ng naturang fast food restaurant.
Habang hawak-hawak ni Gerald ang menu book ay naka-isip na siya ng oorderin na pagkain.
“Anong gusto mo, Babe?” Tanong ni Gerald.
Tumanggi naman na si Christine na kumain.
Naintindihan naman agad ni Gerald na kumain na si Christine bago magtungo sa gallery.
“Busog ka pa ba?” tanong ni Gerald.
Tumango si Christine at sumagot, “Oo, nag-kanin at sabaw kasi kami kamina,” wika ng dalaga kay Gerald.
Napangiti na lamang si Gerald at tumayo.
Nagtungo ito sa counter at doon ay nag-order.
“Good morning, Sir, what’s your order?” magiliw na bungad ng kahera sa kaniya.
Ngumiti lang si Gerald at saka sinabi ang kaniyang order.
“Spring fried chicken and two rice, please,” wika ng binata sa kahera.
Napangiti naman ang kahera at tila nagpapa-cute.
“For desserts, Sir?” tanong ng kahera.
Napaisip si Gerald.
“Two leche plan,” sagot ni Gerald.
Nananatiling nakatingin kay Gerald ang kahera.
Kahit saan na lamang magpunta ang binata ay ganoon ang nangyayari lalo na sa mga mas bata ang edad.
Napasinghap naman si Gerald.
Sa kabilang banda habang naghihintay si Christine ay nakatanaw ito sa kaniyang kasintahan na nasa tapat na ng counter. Napansin niyang nagpapa-cute ang babaeng kahera sa kaniyang nobyo.
Napakunoot ang noo ni Christine.
“Bwiset,” bulong ni Christine.
Habang pinagmamasdan niya ang kaniyang kasintahan na pilit nilalandi ng kahera ay nanggigil na siya sa inis.
Matalim na tingin ang ipinukaw ni Christine sa dalawa.
Samantala, sa may tapat ng counter ay naiinip na sa tagal ng serbisyo ng kahera.
Hindi na niya hinintay ang pagtatanong muli ng kahera at agad na sinabi ang ibang kulang na detalye sa mga orders.
“For drinks, any sodas will do and a pitcher of water please,” aniya.
Napangiti ang kahera habang nag-eencode ng order ni Gerald.
“Oh, and please add one more glass,” dagdag pa ni Gerald sa kahera.
Nang matapos nang ma-encode ng kahera ang mga order ni Gerald ay inulit niya itong banggitin.
“Let me repeat your order, Sir,” panimula ng kahera.
Tumango naman ang binata sa kahera at naghihintay na ulitin ang kaniyang order.
“One spring fried chicken, two rice, two leche plan and your drinks will be coke and one pitcher kf water added,” paglalahad ng kahera.
Tumango lang muli si Gerald.
“Six hundred and twenty three Pesos in total, Sir,” wika pa ng kahera.
Naglabas si Gerald ng pera mula sa kaniyang wallet. Iniabot ang buong isang one thousand peso bill sa kahera upang magbayad.
Kinuha naman ito ng kahera at binigyan ng sukli si Gerald.
“Here’s your change, Sir,” Inilahad naman ni Gerald ang kaniyang palad para makuha ang kaniyang sukli. Ginawa naman ng kahera ay binilang ang sukli sa mismong harapan ni Geeald, “One, two, three, three hundred,” Napangiti ang kahera sa kaniya ngunit si Gerald ay naiinip na sa tagal ng nilagi niya sa counter, “Twenty, ten, and 7 pesos, total of three hundred seventy seven pesos, thank you,” magiliw na wika ng kahera kay Gerald.
Akmang aalis na si Gerald nang pigilan siya ng kahera.
“Wait, Sir!” Tawag kay Gerald ng kahera.
Suminghap muna si Gerald bago muling nilingon ang kahera.
“Ano bang problema ng babaeng ito?” mahina niyang sambit na tanging siya lang ang makakarinig.
Nang makalingon na siya ay nakita niya na may hawak itong numero at ang kaniyang resibo.
Kinuha na niya ang numero na pagkakakilanlan na naghihintay sila sa order at ang kaniyang resibo ng order.
“Thank you,” saad ni Gerald sa kahera at saka naglakad pabalik sa kinauupuan ni Christine na ngayon ay nag-ngingitngit sa inis.
Nang makadating si Gerald ay agad itong nagtanong king anong problema ni Christine.
“What’s the matter, Babe?” tanong ni Gerald.
Umiwas lang ng tingin si Christine.
“Babe, you can tell me your problem,” wika pa ni Gerald.
Tila pumintig ang tainga ni Christine nang banggitin iyon ni Gerald.
“You know what’s my problem? You,” diretsong sagot ni Christine sa kaniya.
Nagmaang-maangan naman si Gerald.
“Huh? Ako? Ano na naman bang ginawa ko?” tanong nito sa kasintahan.
Christine pouts her lips pointing it to the cashier girl.
Sinundan ng tingin iyon ni Gerald.
Nang makita kung saan na direksyon iyon nakaturo ay natawa.
“Are you jealous?” nakangisi si Gerald nang magtanong.
Christine smirked, “Bakit ako magseselos? ‘di hamak naman na mas maganda ako doon,” pagmamayabang ni Christine.
Napailing si Gerald.
Natutuwa siya at iniisip na manunumbalik ang lahat sa dati.
Sa isipan naman ni Christine, iniisip niya na sa bawat babae na makadaupang palad ni Gerald ay magiging kapalit niya sa hinaharap. Kaya labis na lamang ang pang-gigil niya sa kahera ngayon.
Habang nakatitig si Christine sa kaniyang nobyo na ngayon ay masyaang tumatawa at ngumingiti sa kaniyang harapan ay dumating ang mga pagkain.
Hindi lalaki ang waiter na nagdala ng pagkain kung hindi isang babae.
“Here’s your order, Sir,” malambing na wika ng kanina ay kahera lang at ngayon ay naging waitress.
Iniangat ni Christine ang kaniyang ulo para makita ng malapitan ang babaeng kahera.
Sa isip ni Christine ay talagang malandi ang babae dahilan para siya pa mismo ang maghatid ng orders ni Gerald.
Tinignan ni Christine si Gerald. Naiilang itong ngumiti sa kahera kaya naman sinamantala ito ni Christine. Saktong paglingon ng kahera ay ang pagtaas ng kilay ni Christine.
Nawindag naman sandali ang kahera at umayos ng pananalita.
“Ma’am, here’s the food,” nanginginig na wika ng kahera.
Dahan-dahan tumingin si Christine sa nobyo.
“Babe, you didn’t say to add a extra plate?” maamong tanong ni Christine.
Gerald snap his fingers.
“Sorry, Babe, nakalimutan ko,” Humarap si Gerald sa kahera at nag-request ng isa pang pinggan at kutsara’t tinidor, “Give us one more plate, spoon and fork, thank you,” aniya.
Napakagat-labi naman ang kahera sa nakitang pag ngiti ni Gerald.
Nabuhayan muli ang kahera dahil sa ngiti na ipinakita sa kaniya ng customer na si Gerald.
“Okay, Sir, in a minute!” magiliw niyang sambit.
Hindi na napansin ng kahera si Christine na nakasimangot dahil sa nakita.
Umalis na ang kahera at nagtungo sa kusina ng naturang restaurant para kumuha ng isa pang plato.
Nang nasa kusina na ang kahera ay agad itong nakipag-kwentuhan sa mga kasamahan na crew.
“Alam niyo ba na may gwapong customer tayo?” balita niya agad sa mga kasmaahan habang kumuha ng plato at kutsara’t tinidor.
Naglakihan ang mga mata ng mga kapwa niya crew na babae.
“Talaga ba?” hindi makapaniwalang tanong ng isang babae na naghahanda ng mga order.
“Oo, kaso may epal na kasamang babae,” Pinaikot pa ng kahera ang kaniyang mata pagtapos sabihin iyon.
Nagpatuloy pa rin ang mga crew sa kanilang ginagawa habang nagkekwentuhan.
“O siya, mauna na ako, hahatid ko pa itong plato sa kanila,” paalaman nito sa mga kasamahan.
Nang lumabas na siya ay pansamantalang huminto ang ibang crew para siyasatin at tignan kung nagsasabi ng totoo ang kanilang kasamahan.
Nakita ng mga kasamahan ng kahera ang napaka-gwapong ngiti ni Gerald habang tinatanggap ang plato.
“Ang pogi nga!” ika ng isa.
Nang humarap na ang kahera pabalik sa kanila ay sumenyas ito ng ‘okay’ sa kanila.
Hindi namalayan ng mga crew na nasa likuran na nila ang kanilang manager.
Nagbago bigla ang timpla ng mukha ng kahera, hindi ito agad naintindihan ng mga kasamahan.
Bumulong ang manager sa isa sa kanila.
“Anong tinitignan niyo diyan?” tanong ng manager.
Agad naman sumagot ang isa sa kanila dahil sa sobrang excited.
“Isa sa customer natin na gwapo, Sir,” sagot ng isa.
Natahimik naman ito bigla nang biglang pumasok sa isipan niya ang kaniyang binanggit.
Dahan-dahan silang lumingon.
Nakangiti ang kanilang manager at naiilang ang lahat na ngumiti. Agad naman silang nagkalasan at nagpunta sa kani-kanilang pwesto.
Nang makaalis na ang mga crew ay dumaan ang kahera.
“Bakit ikaw ang naghatid ng pagkain?” tanong ng manager.
Natataranta naman ang kahera.
“Ah, eh, ano po, break ko po,” sagot niya.
Napataas ang kilay ng manager.
“Balik sa pwesto!” utos ng manager.
Agad na bumalik sa pwesto ang kahero.
Lahat pala ng nangyari ay nakita ni Christine.
Humagalpak ito sa tuwa.
“Bakit ka natatawa?” tanong ni Gerald.
“Wala naman, kinarma ang babaeng naglalandi sa iyo kanina,” sagot ni Christine habang tumatawa pa.
Napalingon si Gerald sa tinitignan ni Christine.
Patuloy pa rin pala na pinagsasabihin ng manager ang kahera dahil sa nangyari.
Napangiti na lamang si Gerald hindi dahil sa pinapagalitan na kahera dahil kay Christine na nagseselos dahilan para malaman niya na mahal pa rin siya nito.