Chapter 65

1766 Words
Naglalakas si Christine patungo sa veranda kung na saan sina Alexa at Jaeryll. Naabutan niya itong sabay na naninigarilyo at kapwa’y nakaupo sa upuan na nandoon. Lumapit siya roon at pumwesto si may railings kung saan tanaw niya ang mga nagtataasang mga gusali. “Nandito ka na pala,” sambit ni Jaeryll sa kaniya. Humarap si Christine sa kanila at ngumiti. “Oo,” tugon nito. Tumingin siya kay Alexa at nagtanong. “May extra shirts ka ba diyan?” tanong niya sa dalaga. Nagbuga muna si Alexa ng usok mula sa sigarilyo bago sinagot ang tanong ni Christine. Tumango muna siya, “Oo, marami,” aniya. “Maliligo na muna ako,” paalam ni Christine sa kaniya. Inabutan naman ni Alexa si Christine ng kaha ng sigarailyo. Tumanggi si Christine sa alok ni Alexa. “Matagal na akong huminto sa paninigarilyo,” saad nito sa dalaga. Napangiti naman si Alexa dahil sa sinabi ni Christine. “Mabuti naman kung gano’n, hala sige maligo ka na,” turan niya. “Sige, mauna na muna ako sa inyo,” tugon ni Christine. Naglakad na si Christine at bago pa man tuluyan na makapasok sa sala ay nagsalitang muli si Alexa. “Sunod ako sa kwarto para maihanda ang masusuot mo,” aniya. Humarap si Christine kay Alexa at tumango bilang pagtugon. Tuluyan nang nakapasok sa sala si Christine at tinungo ang silid ng kaibigan. Nang mapadaan ito sa silid ni Alexis ay napahinto ito. “Ano ba ang nangyari kanina?” mahina niyang bigkas habang nakatitig sa pinto. Napailing ang dalaga at napangiti. “Bakit ko ba iniisip iyon? Sabi nga natulog lang,” aniya. Naglakad na si Christine para makapunta na sa silid ng kaniyang kaibigan. Sa kabilang banda, nang makaalis na si Christine ay bumukas ng bahagya ang pintuan ni Alexis, naroon pala iyon at nakikinig sa sinasabi ni Christine. Sumilip ito sa naglalakad na si Christine. “Mabuti nang hindi mo malaman ang nangyari kanina,” bulong ni Alexis. Tuluyan na siyang lumabas ng kaniyang silid at isinara ang kaniyang pinto. Dumiretso siya sa kinaroroonan ng kaniyang kambal at ni Jaeryll. “Tapos ka na palang maligo,” wika ni Jaeryll sa kaniya. “Oo, mabilisan lang,” sagot nito kay Jaeryll. Naupo sa upuan si Alexis at kumuha ng isang stick ng sigarilyo. Nagulat naman si Alexa sa ginawa ni Alexis. “Hey! You don’t smoke, remember?” saad ni Alexa sa kaniya. Natawa naman si Alexis habang pinaglalaruan ang sigarilyo sa kaniyangga daliri. “Alam mo kasi, lahat ng tao nagbabago,” wika niya. Naguluhan naman si Alexa sa sinabi ng kaniyang kambal. “What do you mean?” tanong ni Alexa. Tila nag-iisip si Alexis ng kaniyang isasagot sa kakambal. Habang si Jaeryll ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa. Tumawa si Alexis at kinuha ang kaha ng sigarilyo. “Ayaw ko na nga, ang daming tanong nito,” aniya. Ibinalik niyang muli ang hawak niyang sigarilyo sa kaha. Naguluhan naman si Alexa sa ginagawa ng kaniyang kambal. Biglang pumasok sa kaniyang isipan na baka may mabigat na pinagdadaanan ang kaniyang kambal kaya naman napatanong ito. “May problema ka ba?” tanong niya. Napalingon sa kaniya si Alexis. “Paano mo naman nasabi na may problema ako?” ibinalik lang ni Alexis ang katanungan kay Alexa. “Kasi… you’re acting weird lately,” sagot ni Alexa. Nagkibit balikat lang si Alexis sa sinabi ng kaniyang kakambal. Nakisali naman na sa usapan si Jaeryll na kanina pa nakikinig sa kanila. “Ano ka ba, Alexa,” Hinawakan nito ang kamay ni Alexa dahilan para mapatingin sa kaniya ang dalaga, “Kaming mga lalaki, hindi masyadong nagsasabi ng mga saloobin basta-basta,” paliwanag niya sa dalaga. Naintindihan naman ito ni Alexa. “Kung ganoon,” Ngumiti ito sa kaniyang kambal, “Kapag handa ka na na magsabi, nandito lang ako, kuya,” saad niya sa kaniyang kambal. Nagulat naman si Alexis at Jaeryll sa sinabi ni Alexa. “Kuya?” tanong ni Jaeryll. “Oo, nauna kasi siyang lumabas sa akin ng limang minuto,” sagot ni Alexa. Ngumisi naman si Alexis. “This is the first time,” aniya. “First time?” wika ni Jaeryll. “First time na tinawag akong kuya ni Alexa sa loob ng labinlimang taon,” tugon ni Alexis. Nagtaka naman si Jaeryll pero hindi muling nag-usisa pa. Alam niyang usapin na ng magkapatid iyon at hindi na siya pwedeng makigulo pa. Nahihiya naman na hinawakan ni Alexa ang kamay ni Alexis at sila’y kapwa nakangiti sa isa’t isa. Samantala, sa silid naman ni Alexa kung na saan si Christine na ngayon ay naghuhubad ng kaniyang mga suot ay nasa loob ng banyo. Biglang naalala ni Christine ang kaniyang gallery. “Did I informed them that I’ll be late?” tanong ko. Pilit niyang iniisip at nang sumagi sa kaniyang isipan na hindi ay agad siyang nagtapis ng tuwalya sa kaniyang katawan at lumabas ng banyo. Kinuha ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kama. Inisa-isa niya ang mga mensahe na naroon, sa pinakagitna ay nakita niya ang pangalan ni Imee. Binasa niya iyon. “Miss, nag-informed sa email sina Mr. Robinson na daraan sila bukas sa gallery to check your work,” Iyon ang nakasaad sa text message. Agad naman na tinawagan ni Christine si Imee. “Hello, Imee?” bungad ni Christine sa tawag. Hindi inaasahan ni Christine ang mga sinabi ni Imee. “Miss Tin! Where have you been? Nandito kanina si Sir Gerald,” saad ni Imee sa kaniya. Napasinghap naman si Christine sa narinig. “I’ll be there in thirty minutes, don’t tell Gerald that I called you,” wika ni Christine. Matagal bago sumagot si Imee sa kaniya. “Imee, still there?” Nag-aalalang tanong ni Christine. “Y-yes, Miss, ingat!” sambit ni Imee. “Okay, see you,” tugon ni Christine. Ibinaba na ni Christine ang tawag at agad bumalik sa loob ng banyo. “Bakit ngayon pa, Mr. Robinson!” sigaw ng dalaga na ngayon ay nagmamadali sa pagligo. Madaliang ligo ang ginawa ni Christine. Lumabas na ito ng banyo at nagsuot ng balabal. Nilagyan niya rin ng maliit na tuwalya ang kaniyang ulo para mabilis matuyo ang knaiyang buhok. Lumapit siya sa kama ng kaniyang kaibigan at kinuha muli ang kaniyang cellphone. “Should I call him or not?” tanong niya. Ngayon ay nagtatalo ang isip ni Christine kung tatawagan ba niya ang kaniyang nobyo na nagloko sa kaniya o hihintayin niya na magkita sila at doon niya aalamin ang katotohan. “You should call him,” wika ni Alexa. Napalingon si Christine sa kaniyang likuran. Naroon si Alexa na nakasandal sa pintuan. “Hindi kita napansin na nagbukas man lang ng pinto,” saad niya kay Alexa. Nakangisi si Alexa sa kaniya. “Paano ba naman kasi,” Isinara ni Alexa ang pinto at naglakad papunta kay Christine, “Hindi mo man lang kinandado ang pinto bago naligo,” turan niya. Napasimangot naman si Christine. “At saka, masyadong nakatuon ang isipan mo diyan sa cellphone kaya hindi mo napansin na nabuksan na ang pintuan ng kwarto,” dagdag pa ni Alexa. Napailing ito habang nakatingin kay Christine. “Iniisip ko lang si Gerald,” tugon ni Christine sa kaniya. “Hay nako! Mamaya mo na isipin si Gerald, malalagot talaga sa akin ang lalaki na iyan,” saad niya. Pumorma pa ito ng kamao sa harapan ni Christine dahilan para matawa ang dalaga sa kaniya. “Ganiyan dapat, smile ka lang lagi,” wika pa ni Alexa. Ngumiti si Christine. “Salamat,” bigkas ni Christine. “O siya, hanapan na kita ng damit para makapagbihis ka na,” turan ni Alexa sa kaniya. Nagbukas ng closet si Alexa at namili ng mga damit na kakasya kay Christine. Naupo naman si Christine sa gilid ng kama habang naghihintay ng damit na mahahanap ni Alexa. “Ibabalik ko na lang ang damit kapag napa-laundry ko,” sambit ni Christine sa dalaga. Napahinto naman si Alexa sa paghahanap at tumawa. Humarap ito kay Christine. “Pinapatawa mo ba ako?” tanong ni Alexa. Umiling si Christine sa kaniya. “Huwag mo ng ibalik, itabi mo para in case na may ganito rin akong sitwasyon may masusuot ako,” saad nito. Nag-sink in naman agad kay Christine ang sinabi ni Alexa. Tumawa ang dalawang dalaga. “Loko ka, plano mo rin ba magpaloko?” natatawang tanong ni Christine. “Hindi naman, pero who knows, ‘di ba?” tugon ni Alexa. Sa wakas matapos ang mahabang tawanan ay nakahanap na ng masusuot si Christine. Iniabot ni Alexa ang damit na kulay black kay Christine. “Black?” tanong ng dalaga sa kaibigan habang nakatitig sa damit. Nakangisi naman si Alexa. “Oo, nagluluksa ka kasi,” sagot ng kaniyang kaibigan. “Wow, saktong-sakto talaga,” sarkastikong sambit ni Christine. Nagtawanan muli ang dalawang dalaga. “Teka, susukatin ko lang itong dress na black,” wika ni Christine. “Teka,” pigil sa kaniya ni Alexa. Naglabas ng bagong set ng panty at bra ang dalaga at ibinigay kay Christine. “Mamili ka na lang diyan ng kasya sa sukat mo,” wika ni Alexa. Napatingin si Christine sa inabot na set. Nag-alangan ang dalaga sa nakita. “Bessy, you sure?” tanong ni Christine sa kaibigan. Tumango naman ang kaniyang kaibigan. “Kasi ano,” Ipinakita ni Christine ang bra at panty na see thru ang disenyo. Humaglpak sa tawa si Alexa, “Oo, para diretso bakbakan kapag nagka-ayos kayo ni Gerald,” Kumindat pa ito kay Christine. Nagpakita naman ng pagkadismaya si Christine. “Grabe ka, pero sige,” aniya. Tumawa naman ito bago suotin ang bra at panty sa banyo. Sumigaw naman si Alexa. “Bessy! If you’re done, patingin muna,” wika ni Alexa. Sumagot naman si Christine. “Ng bra at panty ba?” tanong ni Christine. “Yes,” sagot niya. Hindi na sumagot si Christine at lumabas na lang agad sa banyo pagkasuot niya. “Wow, nakaka-akit,” bulalas ni Alexa. Medyo nahiya naman si Christine. “Okay na ba? Magbibihis na ako,” wika ni Christine. Itinaboy naman siya ni Alexa. “Oo, maganda pala, magbihis ka na,” turan ni Alexa. Pumasok nang muli si Christine at isinuot ang dress na itim na hanggang ibabaw ng tuhod. Sakto lang ito sa kaniyang baywang. Hubog na hubog ang kaniyang balingkinitan na katawan. “Mukhang hindi pang-luksa itong suot ko,” wika niya. Nakatingin siya sa repleksyon ng salamin. Lumabas na siya ng banyo. Hindi niya inaasahan ang dadatnan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD