Sa gulat ko sa aking nakita kamuntik na akong matumba.
Lahat na ata ng emosyon ay nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Miss, are you alright? You look so pale,” ani ni Joyce.
Hawak niya ang aking braso dahil muntik na akong matumba sa aking kinatatayuan.
Nilingon ko siya.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayos lang ako kahit na alam ko na hindi.
“Miss, magsalita ka naman,” aniya.
Natataranta na si Joyce na hindi alam kung ano ang gagawin.
Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa upuan.
Umupo rin siya sa aking tabi at marahan akong kinausap.
“Miss, may problema ba?” tanong niya.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Ang lakas ng impact ng litrato na ipinadala sa akin ngayon ng kung sino man ang tao na ito.
Tumayo si Joyce, hinawakan ang aking balikat.
“Hintayin mo ako, I’ll go get some waters and foods baka nahihilo ka lang dahil sa gutom,” saad niya.
Hindi pa rin ako nakasagot sa kaniya, ni ngiti o pagtanggi ay wala akong ginawa.
Hinayaan ko lang siyang umalis at iwan akong mag-isa.
Nang makaalis na siya ay nilakasan kong muli ang aking kalooban sa pagtingin ng litrato.
Nanggigil ako. Hindi talaga ako nagkamali, si Gerald iyon dahil tanda ko ang suot niyang tshirt kanina.
Nasaktan ako. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang kung bakit ginanito ako ni Gerald.
Labis na paghihinagpis ang aking nadarama ngayon na sa sobrang sakit ay hindi ko magawang umiyak o magalit.
Napapikit ako. Iniisip ang bawat araw na nagdaan kasama siya. Wala akong nakitang mali o pagkukulang.
Bigla naman na nag-vibrate muli ang aking cellphone. Dalawang mensahe ang natanggap ko mula sa magkaibang tao— kay Gerald at sa taong nagpadala ng litarto.
Una kong binuksan ang mula sa hindi nagpapakilalang tao.
“Yay! Did you see your boyfriend having another girl? Well, I’m just concern tho,” saad sa text.
Pagkabasa ko no’n ay agad ko naman na binuksan ang kay Gerald.
“Sorry, I’ll be late, lots of paper works to do,” saad niya sa text niya para sa akin.
Napangisi ako.
Paper works, huh? Really.
I texted him back.
“Okay, I’ll be there at your office,” reply ko.
Hinintay ko muna na magreply siya, kung hindi ito papayag ay ililihim ko na lang ang pagpunta ko sa kaniya.
Mabilis naman na nakatanggap ako ng tugon mula sa kaniya.
“Okay, see you,” aniya.
Nagtaka ako. Napaisip ng sobra, kung may babae na itinatago siya dapat hindi ito papayag na pumunta ako.
Hindi ko na siya nireplyan pa. Itinuon ko naman ang sarili ko sa hindi nagpapakilala na tao.
“Yes, unfortunately, I don’t believe in that photo,” reply ko.
Three minutes have passed but I didn’t receive another reply from that person.
Inilagay ko sa aking bag ang cellphone. Akmang aalis na nang makabalik si Joyce.
“Miss, ayos ka na ba?” tanong niya.
Tumango ako at ngumiti.
“Salamat sa pag-aalala,” tugon ko.
“No problem, Miss,” aniya.
Nakita niya na nakasuot na ako ng sling bag.
“Aalis ka na ba? Hindi ka ba kakain?” tanong niya.
Napatingin ako sa dala niya. Marami ito. Nahiya akong umalis na hindi man lang ginagalaw ang pagkain na binili niya para sa akin.
“Oo sana pero dahil may dala kang pagkain, mamaya na lang,” turan ko.
Napangiti ito sa akin. Inilapag ang aking kakainin sa aking mesa.
“There,” aniya, “I bought you some meats, so you can have energy,” dagdag niya pa.
Binuksan ko iyon, may inihaw na liempo itong ulam.
Tumingin ako sa kaniya.
“No worries, I have mine, too,” aniya.
Iniangat niya ang kaniya at ipinakita sa akin.
“I see, thank you,” sambit ko.
Ngumiti lang ito at nagtungo sa banyo.
“Hugas muna ako kamay, masarap ang inihaw kapag gamit ang kamay sa pagkain,” turan niya.
“Sama na ako, magkakamay na lang din ako,” wika ko.
“Sure ka? Baka hindi ka marunong,” sambit niya.
Natawa naman ako.
“No, marunong ako,” saad ko.
“Sige,” tugon niya.
Sabay kaming nagtungo sa banyo at naghugas ng aming mga kamay.
“Nahihilo ka ba kanina? Kasi nagbago kasi timpla ng mukha mo after mong tingnan ang cellphone,” kwento niya.
Nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Ngumiti ako at hindi ipinakita ang tunay na nararamdaman.
“Yes, nahihilo lang ako baka dahil gutom na ako,” sagot ko.
Bigla naman siyang nagkaroon na naman ng energiya pagkarinig niya noon.
“Mabuti naman kung ganoon, tara na kain na,” saad niya.
Tumango lang ako at sumunod sa kaniya palabas.
Tama naman ang ginawa ko. Hindi ko ipinagsabi ang tungkol sa litrato dahil kapag marami ang nakaalam mas nagiging problema at hindi agad masusolusyonan.
Nakabalik na kami. Nagsimulang ilabas mula sa mga plastic ang mga pagkain.
“Mabuti na lamang at may malapit na ihawan dito,” wika niya.
Tumingin ako sa kanjya.
Tuwawa pa siya, “Bumili pa ako ng kanin kahit wala silang tinda noon,” aniya.
Nagulat naman ako.
“Hala! Sorry,” saad ko.
Sumenyas lang ito.
“Okay lang iyon, masarap naman pala,” wika niya.
Nakasubo na siya ng kanin gamit ang kaniyang kamay at sinawsaw ang inihaw sa dala pa niyang sauce na toyo’t kalamansi na may sili.
Sinubukan ko na rin ang sa akin. Tama siya, masarap ang kanin at ang liempo na inihaw.
Nang malunok ko na ay agad ko itong tinanong.
“Saan banda mo ito nabili?” wika ko.
Muntik na siyang mabilaukan sa kaniyang pagmamadali sa paglunok ng kaniyang kinakain.
Uminom agad siya ng tubig mula sa bote.
“Huwag ka kasing magmadali, mahaba pa ang oras,” turan ko.
Natawa ito.
“Sobrang sarap kasi,” aniya, “Doon sa ikalawang kanto, may ihawan na maraming customer,” dagdag niya.
“Makabili nga mamaya,” saad ko.
“Oo, marami pa silang inihaw doon, sana hindi maubos agad kasi maraming tao na nakapila,” kwento niya.
Kumain na siyang muli. Tunay ngang masarap ang liempo, marahil ay dahil sa pagmamarinate ng may-ari sa karne.
Inubos ko ang kanin at ang liempo. Sinimot ko iyon hanggang sa wala nang natira pa sa styro na kanin.
“Wow!” bulalas ni Joyce.
Napalingon ako sa kaniya.
“Bakit?” tanong ko.
“Wala lang, akala ko sa mga mamahaling restaurant ka lang kumakain,” turan niya.
Natawa ako.
“Ano bang akala mo sa akin? Mayaman?” wika ko.
Tumango naman ito.
Umiling ako.
“Hindi ako mayaman, kung mayaman ako, magtitiyaga pa ba ako mag-auction ng mga pininta ko?” saad ko.
Napasimangot naman si Joyce.
“Mas mukha kang mayaman kaysa sa kaibigan mo na si Alexa,” turan niya.
Napanganga ako.
“Ano ka ba, nakakahiya,” wika ko.
“Totoo iyon, inglisera lang talaga ang kaibigan mo,” aniya.
Natawa naman ako. Grabe pala makahusga si Joyce.
“Mas mukha ka rin naman na mayaman,” saad ko.
Nagulat siya.
“Totoo iyon, may mga branded kang gamit na wala ako,” wika ko.
Napakagat-labi siya at biglang ngumiti.
“May secret akong sasabihin,” aniya.
Sumenyas siyang ilapit ko ang ulo ko sa kaniya.
Ginawa ko naman.
Bumulong siya, “Hindi iyon totoo, imitation lang lahat,” at tumawa naman siya ng malakas.
Hindi ako naniniwala sa kaniyang sinabi. Alam ko sa unang tingin pa lang ang original sa fake.
“Hala, bakit naman ganiyan?” sambit niya, “Totoo naman, fake lang sila,” Kinuha niya ang kaniyang bag at ipinakita sa akin, “Like this Louis Vuitton na bag ko, fake lang,” Iniabot niya ito sa akin.
Tinanggihan ko itong kunin.
“Amoy sawsawan ang aking mga kamay, pero sige naniniwala na ako,” saad ko.
Alam kong original iyon, ayaw ko lang madumihan ang kaniyang bag kaya nagdahilan ako.
“Nabusog ako,” Napasandal siya sa kanyang upuan, “Sulit ang liempo,” Humawak sa kaniyang tiyan at ito’y kaniyang hinimas.
“Salamat sa pagkain,” wika ko.
“Welcome, tara hugas na tayo ng kamay,” aniya.
Tumayo na ito kaya naman napatayo na rin ako.
“Teka, isabay na natin ang mga kalat,” saad ko.
Napakamot naman ito sa kaniyang ulo gamit ang pinakamaliit niyang daliri sa kamay.
“Nakalimutan kong nakaplastic pala sila kanina,” aniya.
Tumawa siya at saka iniligpit ang kaniyang pinagkainan. Iniligpit ko na rin ang sa akin.
Sabay namin iyon na inilagay sa basurahan at sabay nagtungo sa banyo para makaoaghugas ng kamay.
Habang nasa banyo kami ay biglang humuni si Joyce.
Pakiramdam ko ay alam ko ang kaniyang hinuhuni. Nakatuon lang ako roon at pinakinggan iyon ng maigi.
Pamilyar talaga iyon para sa akin. Habang tumatagal ang aking pagiisip kung saan at kanino ko iyon napakinggan ay pasakit ng pasakit ang aking ulo hanggang sa mawalan ako ng malay.