Naririnig ko na may nag-uusap sa paligid ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid.
Boses iyon ni Gerald at Joyce. Mukhang nagtatalo sila pero hindi ko marinig ng mabuti.
Sinubukan kong dumilat kaso parang ang bigat ng aking mga mata at ayaw bumukas.
Napaungol ako.
May biglang humaplos sa ulo ko.
“Babe, are you awake?” tanong nito.
Iminulat ko ang aking mata at unang nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Gerald.
“Miss, thank goodness!” Bulalas ni Joyce.
Hinapo ko ang aking dalawang sintido. Masakit pa rin iyon.
“What happened?” Tanong ni Gerald.
Nagpa-alalay akong makaupo ng maayos at inalalayan naman ako ni Gerald.
“I don’t know…” wika ko, “Bigla na lang dumilim ang paligid ko habang nasa banyo kami ni Joyce,” dagdag ko pa.
“You heard her, bigla lang siyang nag-collapsed,” turan ni Joyce.
Nagpakita ng pagkayamot si Joyce kay Gerald.
Tumawa ako.
“Oo, katatapos lang namin ni Joyce maghapunan tapos biglang sumakit ulo ko,” saad ko.
Hinawakan ako ni Gerald sa aking pisngi.
“You sure you’re okay?” aniya.
Tumango ako at ngumiti.
Bakas sa mukha ni Gerald ang pag-aalala gayon din si Joyce.
Humarap ako kay Joyce, “Did you called him?” tanong ko.
Tumango ito, “Yes, nataranta ako nang biglang may kumalabog, akala ko kung ano kaya nang paglabas ko sa cubicle, nakita kita nakahandusay na sa sahig,” kwento niya pa na may kasamang pang kilos.
Bigla naman na nagsalita rin si Gerald.
“After she called, nagmadali akong magpunta rito at iniwan ang lahat ng paper works ko,” saad niya.
I feel bad for Gerald knowing na iniwan niya ang mga important documents for his company.
“Sorry, naabala ka pa,” wika ko.
Napakunot-noo si Gerald.
“What are you talking about? You’re the most important than any matters,” saad niya.
Niyakap ko si Gerald at niyakap din ako.
“Thank you,” sambit ko.
“Basta para sa iyo,” aniya.
Nahagip ng aking paningin si Joyce. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kaniyang tingin sa amin.
Nang magkasalubong ang aming mga tingin ay agad siyang napangiti, napalitan ang itsura niyang tila naiinis.
“Are you okay, Joyce?” tanong ko.
Umalis naman ako sa pagkakayakap kay Gerald.
Nagulat naman si Joyce sa tanong at umiwas ng tingin.
“W-wala naman,” sagot niya.
“Salamat sa agaran pagtawag kay Gerald,” wika ko.
“Wala iyon,” tugon niya.
Bigla naman pumasok sa aking isipan kung papaano niya natawagan si Gerald gayon na nakalock ang aking cellphone.
“Where’s my phone?” tanong ko.
Agad naman na kinuha ni Joyce ito sa aking mesa.
“Here’s your phone,” aniya.
Iniabot niya iyon sa akin at tinanggap ko naman.
Tama ang naalala ko, nakalock ito.
“Paano mo pala tinawagan si Gerald?” wika ko.
Bigla na lang akong nagtanong ng hindi ko inisip kung maganda ba ang magiging sagot niya.
Natahimik si Joyce at Gerald.
Naghihintay ako ng sagot mula sa kaniya.
“Well, may number niya ako,” turan ni Joyce.
Wala akong natandaan na nagbigay si Gerald o Joyce ng number sa isa’t isa.
Nilingon ko si Gerald.
“Oo, tama, gamit ang kaniyang cellphone tinawagan niya ako,” tugon nito.
Nakakaramdam ako ng mali sa usapan namin. Gusto ko silang komprontahin ngayon pero hindi ko magawa.
Tumingin lang ako kay Gerald, hindi ako nagsasalita.
Bigla naman na nagsalitang muli si Joyce.
“Miss, if you’re ever wondering how I got his phone number, hiningi ko po iyon incase of emergency like this one last month,” saad niya.
I don’t know but it feels so strange.
Napangiti na lamang ako. Alam ko kasi na walang basehan ang pagdududa ko.
“Is that so? Well, thank you,” sambit ko.
Ngumiti ako.
Sinubukan kong tumayo pero kamuntikan na akong matumba.
“Ingat!” Bulalas ni Gerald.
Mabuti na lamang ay agad akong nahawakan ni Gerald sa may braso.
“I want to rest,” wika ko.
“Yes, we’ll go home,” aniya.
“Joyce, okay lang na mag-isa ka lang dito?” tanong ko.
“Yes,” sagot niya.
Napatingin ako sa wall clock. Malapit nang mag alas otso, halos mag-iisang oras pala akong nawalan ng malay.
“Teka, huwag ka na munang tumayo, ako na kukuha ng bag mo,” wika ni Gerald.
Inalalayan niya akong makaupo ng maayos.
Pumunta na siya sa aking mesa.
“Joyce, maupo ka na kaya,” wika ko.
Nabigla ito pero napangiti agad.
“Mamaya na lang kapag mag-isa na lang ako,” aniya.
“Tara na, uwi na tayo,” saad ni Gerald.
Dala na niya ang aking bag at inalalayan akong makatayo.
“Mauna na kami Joyce,” paalam ko.
“Hatid ko na kayo sa labas,” wika niya.
Sinamahan niya kami hanggang makasakay sa sasakyan.
Nakaupo na ako sa sasakyan at dumungaw.
“Mag-lock ka ng pinto, gabi na masyado,” turan ko.
Ngumiti ito sa akin.
“Yes, I will, take care!” tugon niya.
Pinaandar na ni Gerald ni ang sasakyan. Nakita ko pang kumaway sa amin si Joyce.
Medyo malayo na kami mula sa gallery. Tahimik lang kami sa loob.
Bigla naman na pumasok sa isipan ko ang narinig kong tila pagtatalo nila kanina.
“Babe, why are you two arguing a while ago?” tanong ko.
Nabigla naman si Gerald.
“Akala ko kasi kasalanan niya,” aniya.
“Kaya pala, akala ko kung ano na,” sambit ko.
Wala naman akong intesyon sa sinabi ko pero parang may iba kay Gerald nang marinig iyon.
“Mabuti at hindi ka napano, lets go seek your ob gyne, baka buntis ka,” saad niya.
Nanlaki ang aking mata nang marinig iyon.
“How come na naisip mo iyon?” tanong ko.
Tumawa siya.
“Kanina, nagcrave ka ng mga prito tapos ngayon naman nahilo at nawalan ka ng malay…” aniya, “Hindi ba sign iyon ng pagbubuntis?” dagdag niya pa.
Napakagat labi ako. Tama naman siya, those are all signs of pregnancy.
“Paano kung buntis ako?” tanong ko.
Ngumisi ito.
“Hindi ba mas maganda iyon?” aniya.
Napailing ako.
“Hindi pa tayo kasal,” wika ko.
“Yeah, I know, but if ever na mayroon,” Tumingin siya sa aking tiyan, “Be thankful sa blessings,” Hinimas ito saglit.
Natahimik ako.
Hindi ko alam ang sasabihin.
Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na maging nanay.
Pero ayaw ko naman na ipalaglag ang bata kung mayroon man na nabuo sa aking sinapupunan.
Hinawakan niya ang aking kamay.
“Don’t be afraid, nandito ako,” wika niya.
Tama siya. Bakit nga ba ako mangangamba sa pagbubuntis? Wala akong dapat na ikatakot dahil kasama ko naman siya sa journey na iyon— kung sakali man na mayroon talagang bata.