Chapter 15

1597 Words
Alexa’s Memories Nakatanaw ako ngayon sa kalangitaan. Kulay asul ang alapaap at sobrang puti ng mga ulap. “May pasok ka ba?” tanong ko kay Christine. Nakaupo ako sa bandang bintana ng aming silid-aralan kklase ko si Christine na busy sa kaniyang project na deadline na mamaya. Hindi ako tinitignan ni Christine pero sumasagot pa rin ito sa mga tanong ko. “Mayroon, ‘di ba obvious?” sagot nito sa akin. Hindi kasi kami same schedule sa klase, ayaw niya sa regular class na block section at ayaw ko rin ng gan’on. Kaunti lang kasi makikilala namin kapag pare-parehas na mukha lang sa iisang klase. “Punta sana tayo sa inyo,” sambit ko. Pagtapos kong sabihin iyon ay bumalik na ako ss pagtingin sa kalangitan. “Bakit?” tanong nito. Humarap ako sa kanya at nakita na nakatingin ito sa akin. Ngumiti ako. “I just want to relax from stress,” sagot ko. Sobrang stress na kasi ako sa bahay, family problems. Then, dagdagan pa ng school academics, super stress ang kinalabasan. Sumang-ayon naman agad si Christine dahil alam niyang problemado ako. “Sige, tapusin ko lang ito,” aniya, “text mo kambal mo,” utos niya. Nagtaka naman ako nang marinig ko iyon. “Bakit?” tanong ko. “Siya magpapasa nito mamaya sa Fil 2 na subjects namin,” sagot nito. Magkaklase nga pala sila ng kakambal ko sa subjects na iyon, hindi na ako pinagbigayan sa office ng fine arts na ilapit ako sa section na gusto ko dahil madami silang inaasikaso. “Sige,” sambit ko. Inilabas ko ang aking Apple iphone 4 at tinawagan ang kakambal ko. Nakatatlong ring ito at bumungad sa akin ang tinig na tila kinakapos ng hininga. “Baaaa-kit?” bungad ng kambal ko. “Anong nangyayari sa iyo, Alexis?” tanong ko. Nag-aalala na kasi ako baka kung anong nangyari sa kaniya. Kinalabit naman ako ni Christine para usisain kung anong nangyayari, malalaman kasi sa tono ng pananalita ko na tila may problema. Sumenyas lang ako ng ‘sandali lang' gamit ang aking kamay. Tumango naman ito. “Nasa banyo kasi ako,” sagot nito. “Langya ka! Akala ko naman may nangyayari na sa iyong masama,” inis kong sabi. Nawala na nag pag-aalala ko at napalitan ng inis. “Te-teka lang, lalabas na,” aniya. Binaba ko na ang tawag. Ayaw kong marinig kung paano niya ilabas ang sama ng loob niya. “Bakit ka naiinis?” usisa ni Christine. “Nasa banyo ang loko,” sagot ko. Tumawa naman si Christine ng sobrang lakas kaya nakuha niya ang atensyon ng buong klase. Hindi pa rin niya mapigilan ang tawa niya kahit humihingi na siya ng depensa sa mga kamag-aral namin. “Sorry,” aniya sabay tawa. “Tapos ka na?” pagtataray ko. “Teka, hindi pa,” sambit niya at tumawang muli. Habang tumatawa si Christine ay tumawag naman si Alexis, ang kakambal ko. “Tumigil ka na, tumatawag si Alexis,” suway ko kay Christine. Tumango-tango ito at sinusubakan na pigilan ang tawa. Sinagot ko na ang tawag at tinarayan ko agad. “Oh bakit? Tapos ka na?” mataray na sagot ko. “Oo, success,” sagot nito. “Baka gusto mo rin ipaamoy ‘yan?” wika ko. “Ay ‘wag na, maarte ka,” sagot niya. “Buti alam mo,” usal ko. “Bakit ka pala napatawag?” tanong niya. “Ikaw magpasa ng project niyo sa Fil 2,” utos ko. “Bakit?” tanong niya “Punta kami sa bahay nila Christine,” sagot ko. Hindi na nga napigilan ni Christine ang pagpigil sa tawa niya, rinig na rinig sa kabilang linya ang boses niya. “Sino ba ‘yang tumatawa?” tanong niya. “Si Christine,” sagot ko. “Makatawa naman parang walang bukas,” aniya. “Tatawa talaga iyan lalo na kapag siya nakarinig ng pag-ire mo,” turan ko. Napamura naman ang loko. “Sinabi mo?!” bulalas niya. “Aba’t oo, may problema ba?” tanong ko. “Baliw ka, saan ba kayo? Kukunin ko na ngayon,” wika niya. “Room 367,” sagot ko. Aba’t loko, binaba niya agad hindi pa nga siya nagpapaalam sa akin. Ilang sandali lang ay kumatok si Alexis at dumiretso sa upuan namin. “Nailabas mo ba lahat?” bungad ni Christine. Bastos din na bata ito, walang pakundangan sa tanong. “Oo, gusto mo ba marinig?” inis na wika ni Alexis. “Samahan kita, tara,” pang-aasar ni Christine. “Sige, ikaw mag-punas ng p’wet ko,” turan ni Alexis. “Oo ba,” Nag-asaran pa nga ang dalawa, hindi na lang hiningi at binigay ang kailangan sa isa’t isa. “Tapos na kayo?” mataray kong tanong. Tumingin naman sa akin ang dalawa. “Ito Alexis, salamat,” marahan na wika ni Christine. Tignan mo ito, naging maamong tupa kapag may kailangan. Kinuha naman ni Alexis ang inaabot na big notebook ni Christine. “Walang anuman, sana ma-impatso ka,” wika niya “Oo, basta kasama ka,” natatawang sagot ni Christine. Lumabas na ng silid si Alexis dala dala ang big notebook ni Christine, naroon kasi ang kanilang project. “Ang utak din ng Professor niyo, sa big notebook ipinalagay para sa buong semester na file na lahat doon,” wika ko. “Kaya nga e, mautak,” sagot nito. “Tara na?” tanong ko. “Tara,” sagot niya. Iniligpit na namin ang aming mga gamit at inaayos na sa loob ng bag. Lumabas ng silid at dumiretso na sa baba. Naghintay kami ng shuttle bus para hindi na maglakad patungo sa sakayan ng jeep. “Teka, wala na akong bus ticket,” bulalas ni Christine. Nasa pilahan na kasi kami ng shuttle bus nang maalala niya na nagamit na niya ang huling piraso ng kaniyang bus ticket. “Dalian mo, bumili ka na sa booth,” sambit ko. Tumakbo naman si Christine papunta sa booth buti na lang at nasa ground floor lang din ang pwesto ng booth kung saan kami bumibili ng bus ticket. Sakto naman na dumating ang shuttle bus, binagalan ko ang paglalakad para makaabot si Christine at buti naman ay sobrang bilis nitong tumakbo. “Nakaabot din!” bulalas niya. Iniabot na niya ang kaniyang bus ticket sa konduktor at nagpalinga-linga muna upang makahanap ng maganda pwesto na uupuan. “Doon tayo,” aniya. Inabot ko na rin yung sa akin at sumunod sa kinauupuan ni Christine. Umandar na ang shuttle bus. May t.v sa loob ng bus kaya hindi boring habang nasa 3 minutes na biyahe. Kapag nilakad mo kasi iyon ay aabutin ka ng 5-10 minutes kapag mag-isa ka lang at aabutin ka ng kalahating oras kapag may kasama ka dahil sa mga kalokohan na maiisip niyo habang naglalakad. So, nasa terminal na kami. Kung saan babaan at sakayan. Umakyat sa overpass para makarating sa kabilang bahagi ng kalsada. Naghintay ng jeep at sumakay. “Manong, dalawang litsunan po,” sigaw ni Christine. Napakunot noo ako. Bakit litsunan? Ano ba iyon? “Litsunan?” tanong ko. “Doon kasi tayo baba,” sagot niya. Tahimik lang kami, hindi rin kasi madaldal si Christine kapag nasa public places. Bente minutos din ang inabot ng biyahe namin dahil walang traffic, banayad ang daan kaya dire-diretso lang ang mga sasakyan. Pagbaba namin ay tinahak namin ang diretsong daan, nasa kalagitnaan na kami nang matanaw ko ang isang mansyon. Luma na ito pero maganda. “Welcome to my place,” sambit ni Alexa. Yes, hindi pa ako nakakapunta sa kanila sa loob ng isang taon na nagkakilala kami. This is my first time. “Malakin din pala, at may garden kayo,” sambit ko. Ngumiti si Christine at tinawag ang batang babae na nakasuot ng pang high school uniform. “Imee, tara, may bisita tayo,” aniya. Tumakbo naman ang batang babae at ngumiti. “Hello, ako si Imee,” bati niya. “Hello, ako si Alexa, friend ni Christine,” sagot ko. Ngumiti itong muli at ipinakita kay Christine ang mga poster na hawak niya. “Tignan mo, may bago akong poster,” natutuwa nitong sabi. “Ang gaganda naman,” sagot ni Christine. Pumasok na kami sa loob kasama si Imee. Pumunta sa kusina para tignsn kong may makakain, nang makita na may nakahain na pagkain ay dinala ito agad ni Christine at pumanhik. Sumunod naman ako. “Is this your room?” tanong ko. Namangha kasi ako sa kwarto niya. Puro ito bulaklak. “Yeah, kinuha ko lang sa hardin namin,” sagot niya. “Punta na muna ako sa kwarto namin, ididikit ko pa ito,” masayang paalam no Imee sa amin. Tumango naman si Christine at naiwan kami sa loob. “P’wede ka mag-ikot ikot dito kung gusto mo,” turan ni Christine. “Ay salamat,” sambit ko. “Magbibihis lang ako,” paalam nito. Una kong tinignan ang family pictures nila. Ang ganda ng mama ni Christine at ang gwapo ng tatay niya. Napakasayang pamilya na nakita ko. Sunod ay inamoy ko nag mga bulaklak na nasa vase. Mababango ito at halatang sariwa pa. Sunod na tinignan ko ay ang aparador, malaki ito at may salamin. Tinignan ko muna ang pigura ko sa harap ng salamin saka ito binuksan. Tumambad sa akin ang mga lumang kasangkapan na nakatago. Napukaw ang atensiyon ko sa isang larawan. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Isang bulaklak na may isang mata sa gilid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD