Chapter 16

1635 Words
“Grabe!!” bulalas ni Alexa. Natatawa akong tumingin sa kaniya. “Nakita ko nga pala iyon,” aniya. “I told you,” sambit ko. Natapos na ako sa harap ng salamin at inaya siya na lumabas na. Lumabas na kami at masayang nagtatawanan dahil sa mga naaalala niya sa nakaraan. “Alam mo na kung gaano ka kakulit noong college tayo?” wika ko. “Oo, parang hindi ako,” sagot niya. “Oo, mataray ka na ngayon eh,” sambit ko. “Slight lang,” aniya. Naabutan naman namin sila Jaeryll at Imee na nanonood at masayang nagtatawanan. Si Jaeryll ay nasa kabilang bahagi ng front desk at nakayuko ngbbahagya para makita ang pinapanood ni Imee. “Ang galing ng bida,” turan ni Jaeryll. “Oo, lalo na yung naglabas na siya ng super powers niya,” kwento naman ni Imee. Nakatitig lang ang dalawa sa kanilang pinapanood kaya hindi nila kami napansin na naroon na din. Umubo ng tatlong beses si Alexa kaya napatingin ang dalawa sa amin. “Andiyan na pala kayo,” sambit ni Jaeryll. “Mahilig din pala manood ng K-drama itong kasama niyo, Miss Alexa,” kwento ni Imee. “Ganoon ba,” sagot ni Alexa, “hindi mo naman kasi sinabi na mahilig ka pala diyan,” dagdag pa ni Alexa. Nailang naman si Imee at Jaeryll. Nahalata ata nila na nagseselos si Alexa. Selosa lang peg. “Hobby ko lang kapag wala akong magawa,” sagot ni Jaeryll. Lumapit naman si Jaeryll kay Alexa. Pinatay ni Imee ang kaniyang pinapanood na palabas. “Puwede rin tayo manood niyan, kung gusto mo,” sambit ni Alexa. “O-o naman,” sagot ni Jaeryll. Kinalabit ko si Alexa, napatingin ito sa akin. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tainga at bumulong. “Selos ka girl?” sambit ko. Natawa naman si Alexa. “Hindi ah,” aniya, “bakit naman ako magseselos,” dagdag niya. Nagkibit-balikat naman ako. “Hindi ako pwede magselos dahil friends pa lang kami,” sambit ni Alexa. Tumingin naman si Alexa kay Jaeryll na tila sinasabi na, ‘Gawin mo na akong Girlfriend mo,' Ngumiti naman si Jaeryll, medyo nag-aalangan na ngiti. “Nagseselos ka?” aniya “Hi-hindi,” nauutal na sagot ni Alexa. Halata naman na nagseselos siya, possessive ka Bessy. “Manliligaw muna ako nang maayos,” turan ni Jaeryll. Ngumiti nang pagkalaki-laki si Alexa. Pumalakpak ang kaniyang dalawang tainga sa narinig mula kay Jaeryll. “Oo, sige, magpapaligaw ako,” sagot nito. I’m witnessing two lovers expressing their loves. Yikes! “Congratulations po agad Miss Alexa,” masayang bati ni Imee. Napatingin si Jaeryll kay Imee, nagbago ang hulma ng mukha niya na tila nanghihinayang. ‘Ano ba ito, love triangle?’ sa isip isip ko. Grabe naman itong nakikita ng dalawang mata ko. “Thank you, Imee, hoping for it,” wika ni Alexa. Bigla naman na nagring ang phone ko kaya tinignan ko ito. Si Gerald ang tumatawag. “Excuse me, I need to take this phone call,” turan ko Lumayo ako sa kanila at lumabas. Sinagot ang tawag ni Gerald. “Babe, whats up?” bungad ko. “Wala lang, namiss lang kita,” sagot nito. Kinilig naman ako, marupok ako e. “Ilang oras pa lang tayong nagkahiwalay, miss mo na agad ako,” turan ko. Pakipot muna ako ng kaunti. “Well, sino ba naman ang hindi makatiis na hindi makita ang napakagandang Girlfriend niya ‘di ba?” sagot nito. Ang haba ng buhok ko, parang gusto ko ng putulin. “Saan ka ba nang mapuntahan na kita agad,” pagbibiro ko. Narinig ko naman na tumawa si Gerald sa kabilang linya. “Nasa office,” sagot niya, “mag ala fifty shades tayo dito,” dagdag niya. Natawa naman kaming pareho sa mga pinagsasabi namin. “Loko ka talaga,” wika ko. “sunduin kita mamaya,” sambit niya. “anong oras?” tanong ko. “mga alas sais, okay lang ba?” aniya. “Yeah, much better,” sagot ko. “Okay, I love you,” sambit niya. “I love you, too,” sagot ko. Binaba na namin ang tawag. I’m getting excited. Pumasok na ako sa loob. Naabutan ko na kausap ni Alexa si Imee at wala roon si Jaeryll. “Anong maganda na kdrama ang pwede mong irekomenda?” tanong ni Alexa “Ano bang genre gusto mo?” tanong ni Imee Nag-isip naman si Alexa. “Romance comedy,” sagot ni Alexa. Nag-isip naman si Imee. “Pwede ka muna magsimula sa mga not too old rom-com,” aniya. “Like?” tanong ni Alexa. “Secret Garden, Full house, ganiyan na palabas,” sagot nito. “Okay, I’ll search it then will watch it,” sagot ni Alexa. “busy kayo,” singit ko sa kanila. “Oo, tatanong ako about K-drama’s,” sagot ni Alexa Nagpalinga-linga ako para magbigay ng hinuha kay Alexa patungkol sa kinaroroonan ni Jaeryll. “Kung hanap mo ang soon to be Boyfriend ko, nasa banyo lang siya,” natatawang sambit ni Alexa. “Your claiming it,” sarkastiko kong wika. Natawa naman sila ni Imee. “Yes, claiming it earlier,” aniya, “is much better,” dagdag pa nito. “Manonood na po muna ako ulit,” usal ni Imee. Umupo na itong muli at binuksan ang kaniyang cellphone, nagsuot na rin ito ng earphone para hindi makaistorbo sa amin. Tumango lang kami at hinayaan siya. “Maiba ako, saan pala kakambal mo ngayon?” tanong ko. Naalala ko, wala pala akong contact number ng dalawa na ito. Tanging sa social media lang kami nakakapag-usap. “Nasa condo, busy sa mga alaga niyang ibon,” tamad na sagot ni Alexa. “Hindi pa rin pala nagbabago iyon,” sambit ko. “Oo, kaya walang Girlfriend e,” turan ni Alexa. Nagulat naman ako, ang gwapo gwapo niya pero ayaw niyang mag Girlfriend. “Baka naman ayaw niya ng Girlfriend, hindi kaya?” tanong ko. “Hindi, may gusto iyon pero hindi na pwede,” aniya “Bakit?” tanong ko. “Mag-aasawa na yung gusto niya,” sagot nito Bigla naman akong naawa kay Alexis, baka biglang tumandang binata iyon. “Hanapan mo na kasi ng partner,” sambit ko. Medyo nainis si Alexa nang maisip niya ang kakambal niya. “Hindi mo lang alam kung ilang beses na siya ipinares sa mga babae sa Amerika,” sagot ni Alexa. “Bakit ka naiinis?” tanong ko. “Paano, wala raw siyang nagugustuhan sa mga pinapares namin ni Mumma,” sagot nito. “Baka humanap na lang iyon ng kapwa lalaki,” pabiro kong sambit. Natawa naman si Alexa. “Mas maigi na iyon kaysa tumanda siyang mag-isa,” aniya. “Bakit ‘di mo ipasubok sa kaniya yang dating app kung saan kayo nagkakilala ni Jaeryll?” turan ko. Hindi agad sumagot si Alexa tila siya’y nag-iisip. “Tama!” bulalas niya. Sakto naman na bumalik na si Jaeryll mula sa banyo. “Bakit ka napasigaw?” tanong nito. “Nag-iisip lang kami kung paano namin malulusutan ang inaalala kong problema,” sagot ni Alexa. Medyo naguluhan si Jaeryll, marahil ay hindi rin nai-kwento ni Alexa ang tungkol kay Alexis. “Problema?” tanong nito. “Yep, problema sa kambal ko,” sagot ni Alexa. Tumango lamang si Jaeryll nang marinig niya na patungkol ito sa kambal ni Alexa. “Ano bang problema?” tanong niya. “Hindi pa rin kasi nagkakaroon ng kasintahan hanggang ngayon,” turan naman ni Alexa. “Hindi ba lalaki ang kambal mo,” wika ni Jaeryll. Napangiti naman si Alexa. “Oo, natatandaan mo pala ang mga sinabi ko noon,” aniya. Lumapit si Jaeryll kay Alexa at hinaplos nito ang pisngi ni Alexa. “Syempre naman,” sagot nito. Sumingit na ako sa kanilang usapan dahil masakit sa mata ang aking nakikita. “Ako na sasagot, ang haharot niyo,” sambit ko. Nagtawanan naman ang dalawa sa aking tinuran. “Sige, ipaliwanag mo, Bessy,” wika ni Alexa. “Bago ko sabihin ang problema,” wika ko, “maaari ba muna tayong maupo?” dagdag ko pa. Nangangalay na kasi ang mga binti ko sa kakatayo. Sana, sila rin. “Oo naman, tara na Alexa,” aya ni Jaeryll. Hawak niya ang kamay ni Alexa habang papunta sa sofa. Nakaupo na kaming tatlo, sa kabilang sofa sila kaharap ko. Nag-unat muna ako at sinimulan na ang pagkwento ng buhay ni Alexis. “Ganito kasi iyon, Si Alexis, kambal niyang si Alexa ay never pang nagkaroon ng Girlfriend,” Nakikinig lang si Jaeryll habang pinaglalaruan ni Alexa ang bawat daliri nito. “Kahit nasa Amerika na sila ay never itong nakipag-date sa mga babae maliban na lang kapag sinabihan siya ng mama nila na magpunta sa naka-plano na blind date,” turan ko. “Ngunit, wala itong nagustuhan ni isa sa mga iyon,” dagdag ko pa. Huminto muna ako, para mapakinggan ang nasa isip ni Jaeryll. “Baka nga lalaki ang gusto,” aniya. “Nope, may nagugustuhan daw ito na babae kaso malapit nang ikasal,” usal ko. “Yes, that’s what my twin brother said,” singit ni Alexa. Humarap si Jaeryll kay Alexa at tinanong. “Did you know the girl that he likes?” aniya. Umiling-iling si Alexa. “No, he didn’t say her name,” sagot niya. “Kailan ba niya nagustuhan yung babae?” tanong ko. Hindi ko rin kasi alam ang nasa isip ni Alexis. We’re friends but we don’t talk much about his personal matters. “When he was in High School, he first saw that girl,” sagot ni Alexa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD