Chapter 49

1365 Words
Umupo ako sa harap ng salamin. Tiningnan ang aking sarili at nag-iisip kung ano ba ang mali o kulang sa pagkatao kaya’t nagagawang maglihim sa akin ni Gerald. Sari-saring mga senaryo ang mga nakikita ko sa aking isipan. Napapikit ako at huminga ng malalim. “Baka naman hindi talaga siya naglilihim sa akin?” Wika ko. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na maging positibo lamang sa mga bagay-bagay, na ang lahat ng iyon ay mayroon kaniya kaniyang dahilan. Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi. “Cheer up! Walang mali sa iyo,” sambit ko. Naglagay ako ng make-up, mabuti na lang ay hindi ako nagmukhang bruha dahil hindi talaga ako naglalagay noon pa man sa aking mukha. “Hindi halatang naglagay ako ng make up,” saad ko. Napangjti ako sa aking nagawa. “Okay, time to go,” wika ko pa. Tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha ang sling bag na nakasabit sa gilid. Sinilip ko ang aking wallet kung marami pa ba itong laman na pera. “Ay, hindi ito sasapat para sa dialysis,” turan ko. Naisipan ko na bago umalis ay mag-withdraw muna sa may lobby dahil may automatic teller machine naman doon na nakalagay. Lumabas na ako at nilock ang pinto. Dumiretso sa elevator para makababa na, mabuti na lang at mabilis na nagbukas ang pinto ng elevator, hindi na ako maghihintay. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ay napalingon ako sa aking likuran. May kung ano kasi akong nadama na nakatingin sa akin pero paglingon ko ay wala naman ng tao kaya tuluyan na akong pumasok sa elevator. Habang nasa loob ako ay nanumbalik na naman sa aking isipan ang boses ng babae na sumagot sa tawag ko kanina. Bigla kong naalala na pamilyar iyon. “That voice sounds familiar,” bulong ko. Hindi ko maalala kung saan o kanina ko iyon narinig. “Sino ka?” tanong ko. Nakahawak ako sa salamin ng elevator habang iniisip kung sino iyon. Bigla naman akong nagulat nang biglang magbukas ang elevator. Nasa lobby na pala alp kaya naman nagmadali akong lumabas. Habang hindi ako nakatingin sa daan ay bigla akong nabunggo. “Sorry,” aniya. Boses lalaki iyon at medyo pamilyar. Tinulungan niya akong tumayo, inabot niya ang kaniyang kamay sa akin at humawak naman ako roon. “O-okay lang,” wika ko. Hindi ko pa rin tinitignan ang lalaking nakabunggo sa akin, inuna ko munang pagpagan ang aking suot na dress saka tumayo sa pamamagitan ng pag-aalalay niya. “Sorry, Ms. Gallerno,” sambit niya. Napalingon ako nang banggitin nito ang ngalan ko. “Mr. Cristobal,” wika ko. Ngumiti ito sa akin. “Tila nagmamadali ka sa paglalakad at hindi mo na napansin na may kasalubong ka,” turan niya. Nahiya ako dahil totoo ang kaniyang sinasabi. “Sorry,” saad ko. “Its okay, is Mr. Hortaleza is at your room?” tanong niya. Nagtaka ako at umiling bilang tugon sa kaniyang tanong. “May kailangan ka ba sa kaniya?” tanong ko. “Sabi niya kasi if ever may progress sa report niya, puntahan ko lang siya personally,” sagot niya. Tungkol pala jyon sa nagpapadala ng bulaklak ng chrysanthemums. Marahil ay may leads na sila sa taong iyon. “I see, you can come see him at night,” turan ko. Tumango naman ito. “Sige pero hindi mo ba gusto malaman?” tanong niya. Napasimangot ako “Gusto syempre kaso nagmamadali ako ngayon, kaya siguro mamaya na lang kasama si Gerald,” saad ko. Tumango-tango ito. “Ganoon ba? Sige, mauna na po ako at babalik na ako sa aming office,” aniya. “O-o sige, salamat din po,” sambit ko. Naghiwalay na kami ng daan. Lumabas na ko ng hotel at naghintay ng taxi na dadaan. “Ang tagal naman,” bulong ko. Naiinip na ako sa paghihintay dahil lampas labinlimang minuto na ako dito. “Dadalhin ko talaga ang sasakyan ko mamaya,” saad ko. Sakto pagtayo ko ay may dumaan, hindi iyon taxi kundi sasakyan. “Christine!” sigaw niya. Nagulat ako. Si Jaeryll pala ang huminto sa tapat ko. Lumapit ako sa sasakyan niya at dumungaw sa binatana nito. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Mabilis lang itong sumagot sa akin. “May trabaho lang tapos dito ang daan,” aniya. “Kaya pala,” tugon ko. “Tara na, sakay ka na,” wika niya. Nagulat ako at nag-alangan. Hindi ako sanay na sumakay ng sasakyan na dalawa lang kaming lulan nito. Napansin naman ni Jaeryll ang pag-aalinlangan ko. “Huwag kang mag-aalala, video call na lang kayo ni Alexa habang nasa loob ka ng sasakyan para hindi ka mailang” turan niya. Sinunod ko naman ang payo ni Jaeryll. Tinawagan ko si Alexa sa pamamagitan ng video call. Sumagot naman ito agad at halatang nagising lang sa aking tawag. “Bessy, why? Its so early,” aniya. Pumipikit pikit pa ito habang kausap ako. “Nakita kasi ako ni Jaeryll na naghihintay ng taxi dito sa hotel,” wiko ko. Bigla naman ng nagising ang kaniyang diwa at nanlaki ang mata. “Saan siya? Patingin!” saad niya. Natawa naman ako at ipinokus ang camera ng cellphone kay Jaeryll na nasa loob ng sasakyan. “Jaeryll!” tawag niya dito. Sumalado naman si Jaeryll at ngumiti. “Yes, madam?” aniya. “Isabay mo si Alexa!” utos nito. Natawa naman kaming pareho ni Jaeryll. “Yes, I will,” sagot ni Jaeryll, “Gusto niya kausapin ka muna kasi nag-aalangan siya sa alok ko na ohatid siya,” dagdag niya. Napasimangot si Alexa. “Bessy! Iharap mo sa iyo,” turan ni Alexa. Iniharap ko naman ang camera sa akin. “Sige na, sumabay ka na diyan, safe ‘yan,” saad niya. Nagpipigil ako ng tawa. “Oo, salamat,” tugon ko. “Maghihilamos lang ako, call ako later, ingat kayo,” aniya. Pinatay na niya ang tawag at napatingin kay Jaeryll. “Come on, hop in!” aniya. Binuksan ko naman ang pinto at pumasok na sa sasakyan para makaupo. “Sa gallery ba ang punta mo?” Tanong niya. Tumango naman ako. “Papasok ba si Imee?” tanong niya. Nagtaka ako. Bakit si Imee ang kaniyang hinahanap? “Hindi, pero pupunta siya dito mamaya,” tugon ko. Ngumiti ito. “Gano’n ba? Sige, tara na,” aniya. Pinaandar na niya ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay puro tungkol lang kay Imee ang kaniyang tinatanong kaya naman naisipan ko itong tanungin ng pabiro. “Sa pagtatanong mo, parang si Imee ang liligawan mo at hindi si Alexa,” turan ko. Nabigla ito at sandaling natahimik. Pagtapos ng ilang sandali ay humarap siya sa akin ng nakangiti. “Hindi naman, gusto ko lang din malaman ang tungkol sa kaniya,” sagot niya. “Nagbibiro lang naman ako,” saad ko. Sumeryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa daan.. “Kung nandito si Alexa, hindi iyon matutuwa,” wika niya. Napatikom ako. Tama siya, masama ang biro ko. “Sorry,” sambit ko. Tumawa naman ito. “Got you!” aniya. Nagulat ako. Hindi ko naintindihan ang kaniyang sinasabi. “Nagulat ka ba? Nagbibiro lang ako,” turan niya. Napanganga ako. Lakas ng tama niya. Gumanti ng biro sa akin. “Grabe ka,” wika ko. “Kung anong ginawa mo ay siyang babalik sa iyo,” aniya. Natulala ako, at nag-isip. Is that a qoute? “Oh bakit ganiyan mukha mo? Motto ko iyon,” saad niya. Napangiti na lang ako. “We’re here!” Saad niya. Pagtingin ko sa labas at nakita agad na nasa loob na si Imee at naghihintay. “Nandiyan si Imee,” bulong ni Jaeryll. Crush mo si Imee, in denial ka pa. Sa isip isip ko habang tinitignan si Jaeryll na ngayon ay nakatanaw kay Imee na nasa loob ng gallery. “Tara pasok ka, para makapag-hello ka,” wika ko. “H-hindi na,” sambit niya. “No, come on!” saad ko. Napasinghap siya. “Sige,” wika niya. Pinarada na niya ng maayos ang kotse at bumaba. Pumasok na kami sa loob at binati si Imee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD