Chapter 57

1299 Words
“Alexis?” Tawag ko sa kaniya. Bumungad sa akin mula sa hindi kalayuan si Alexis. Hindi siya sumasagot, nakatingin lamang siya kay Jaeryll. “What are you doing here?” Tanong ko. Nang nasa harapan na niya ako ay sumagot na siya. “I’m waiting to you,” sagot niya. Nakaramdam ako ng kasiyahan. Maaalalahanin talaga si Alexis. Nakatitig pa rin ito kay Jaeryll na ngayon ay malapit na sa amin. “Who is he?” Tanong niya. Tumalikod ako para hatakin si Jaeryll. “This is Jaeryll, your twin sister’s suitor,” tugon ko. “I see, why are you two together?” tanong niya. Tumawa ako. Binitawan ko si Jaeryll at inaya si Alexis na umakyat na sa kanilang flat. “Nakita niya akong naghihintay ng taxi tapos siya pauwi na sana,” kwento ko. “Excuse me, is Alexa’s awake?” tanong ni Jaeryll. “Yes, I wake her up,” sagot ni Alexis. “Tara na, akyat na tayo,” wika ko. Sumunod naman sa amin si Jaeryll, nauna nang maglakad si Alexis. Habang nasa elevator kami, tinitignan ni Alexis ang aking mukha pababa sa paa. Medyo natatawa ako na naiilang sa ginagawa niya pero hinayaan ko lang. “So, can you give some explanations of why all of a sudden in the middle of the night, a woman like you would like to stay in a place that is far from hers?” tanong ni Alexis. Kaya pala niya ako tinitignan ay dahil may iba siyang naiisip na dahilan ng pagpunta ko. “Err.. ang hirap naman ng tanong mo, hindi pa pwedeng gusto ko lang ng ibang atmosphere at saka gusto ko na paglutuan mo ako,” tugon ko. Mabuti na lamang ay mabilis akong nakaisip ng idadahilan sa kaniya. Nakatingin lang ito sa akin at mukhang nakikiramdam sa lahat ng ikikilos ko. Sakto at bumukas na ang elevator. Nailigtas ako sa oras na ito dahil kakaiba na ang tingin ni Alexis. Nakahinga ako ng maluwag. Habang naglalakad kami palapit sa kanilang flat, nauna na akong maglakad. “Bukas ba ang pinto niyo?” tanong ko. Nasa tapat na ako ng kanilang pinto habang ang dalawang lalaki na kasama ko ay naglalakad pa rin. “Yes,” sagot niya. Agad kong pinihit ang kanilang door knob at bumulaga sa akin si Alexa na agad akong niyakap. “Bessy!” sigaw niya. Nagulat ako sa kaniyang ginawa. “Hey! Teka lang, ang ingay mo,” turan ko. Hindi siya nagpa-awat sa pagyapos sa akin. “Teka lang, namiss kita, eh,” aniya. Pinalo-palo ko ang kaniyang likod. “Hoy, tama na iyan, ang pangit mo,” wika ni Alexis. Dumiretso lang ito sa loob at iniwan kami. “Ikaw ang pa— Jaeryll?!” nagulat siya nang makitang itong nakangiti sa banda kong likuran. Napabitaw naman sa akin si Alexa, na ngayon ay namumula sa hiya. Napahawak sa ulo si Jaeryll habang nagpapaliwanag kay Alexa. “Ano kasi… nakita ko si Christine na naghihintay ng taxi kaya isinakay ko,” saad niya. “Kung ganoon, tara pasok ka na rin,” turan ni Alexa. Hinigit ako ni Alexa at naglakad ng mabilis. Bumulong ito sa akin. “Bakit naman hindi niyo sinabi na kasama rin si Jaeryll?” aniya. Hindi ako agad nakasagot dahil nagsalita siyang muli. “Look, I’m still wearing this,” sambit niya. Tinignan ko ang kaniyang mukha, nakakatawa. Hiyang-hiya at namumula siya. Bumulong din ako. “Sorry, akala ko kasi tulog ka pa rin,” wika ko. Napanguso siya sa akin. Naupo na kami sa sofa, katabi ko ngayon si Alexa. “Jaeryll, have a seat,” sambit ni Alexa. Naupo naman na si Jaeryll sa tapat namin. “Malaki rin pala ang place niyo,” turan ni Jaeryll. Inilibot nito ang kaniyang paningin sa buong condo nila Alexa. “Medyo,” tugon ni Alexa. Hinanap ko si Alexis. Ngunit wala ito sa kanilang sala. “Where’s your twin brother?” tanong ko. “I don’t know, maybe in the kitchen?” sagot ni Alexa. Habang masaya kaming nag-uusap ay nakaamoy kami ng masarap. “Mukhang masarap na naman ang ating kakainin,” wika ko. Nakatingin sa akin si Jaeryll. “Masarap kasi magluto ang kambal ni Alexa,” sambit ko kay Jaeryll. “Kaya pala,” aniya. “Marunong ka ba na magluto?” tanong ni Alexa. Nabigla naman si Jaeryll pero agad na ngumiti. “Yes, as I what told you before, I lived the half of my life alone,” saad niya. “C-can you cook here?” tanong ni Alexa. Hindi ito direktang nakatingin kay Jaeryll. Nahihiya siyang humingi ng pabor. “Uhm, yeah sure,” sagot ni Jaeryll. Nagulat sa mangha si Alexa at napalingon kay Jaeryll. “Sige mamaya, sa almusal,” wika ni Alexa. Ilang sandali pa ay lumabas si Alexis na may dalang isang tray. Nang mailapag na niya ay naglaway kami. Siningang iyon at nakalagay na sa apat na mangkok para sa amin. “Teka, gusto niyo ba ng kanin?” tanong ni Alexis. Napailing ako. “Diet, sorry,” sagot ko. “Me too, sabaw lang sa akin,” sagot din ni Alexa. Si Jaeryll na lang ang hindi pa sumasagot. “I’ll have one cup of rice, please,” aniya. Natawa ako. Parang naging restaurant ang condo nila Alexa dahil sa pananalita ni Jaeryll. “Coming right up!” tugon ni Alexis. Umalis nang muli si Alexis. Isa isa naman naming tinikman ang sinigang. “Mmm… ang sarap!” bulalas ko. Wala pa rin talagang tatalo sa husay ni Alexis sa pagluluto. “Baka kambal ko iyon, ang aking alipin,” wika ni Alexa. Tumawa ito ng malakas dahil sa kaniyang biro. Nang matikman iyon ni Jaeryll ay napatanong siya kay Alexa. “Your brother’s cooking skill are too good, why aren’t he establish his own restaurant?” tanong niya. Natahimik naman si Alexa. “I don’t know,” tugon nito. Bumalik naman nang muli si Alexis dala ang isang plato ng kanin. “Here’s your rice, Sir,” aniya. Tumawa kaming lahat. Mukhang komportable na agad si Alexis kay Jaeryll at nakikipagbiruan na. “Thank you,” tugon ni Jaeryll. Nakiupo na sa amin si Alexis. Kumakain na si Jaeryll habang kaming tatlo naman ay humihigop ng sabaw. “Pampatanggal ng hang over,” wika ni Jaeryll. Oo nga pala, galing pala siya sa isang club kasama mga kaibigan niya. Nang matapos na kaming lahat ay nagligpit na si Alexis. Tinulungan naman siya ni Jaeryll. Pumunta silang dalawa sa kusina at nang sila’y bumalik may dala na itong pitsel at mga baso. Uminom na kami ng tubig. “Bakit ang tagal niyo sa kusina?” tanong ni Alexa. Natahimik ang dalawang lalaki na tila may lihim. “Kinausap ko lang,” sagot ni Alexis. Sinamaan naman ng tingin ni Alexa si Alexis ng tingin. “Don’t worry, wala akong masamang ginawa o sinabi sa kaniya,” saad ni Alexis. “I actually, compliment him,” turan naman ni Jaeryll. Naginahawaan naman si Alexa at ngumiti. “Then its settled,” aniya. Naupo na ang dalawang lalaki. Tumingin silang tatlo sa akin. “Why are you here all of a sudden?” tanong ni Alexa. Lahat sila ay seryoso ang mukha at naghihintay ng aking sagot. Nabigla ako. Hindi ko napaghandaan ang aking sasabihin. “Wala kasi akong kasama ngayon,” sagot ko. Lahat naman sila ay hindi naniniwala. “Kahit wala kang kasama hindi ka pupunta rito ng ganitong oras,” sambit ni Alexa. Napakagat labi ako. Wala talaga akong maiilihim sa kambal. Huminga ako nang malalim at malakas iyon na ibinuga. No choice na ako kung hindi sabihin ang totoo. Kaibigan ko naman sila at mapagkakatiwalaan. “May babae si Gerald,” wika ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD