Chapter 56

1109 Words
Naalimpungatan ako nang hindi ko makapa sa aking tabi si Gerald. Iminulat ko ang aking mga mata at nagpalinga-linga sa paligid ngunit hindi ko siya makita sa apat na sulok ng aming silid. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang aking cellphone sa side table para tignan ang oras. Nagtaka naman akl dahil alas dos pa lamang ng hating gabi. “Where is he?” tanong ko. Tumayo ako at naglakad patungo sa banyo para umihi. Tahimik lang ang paligid, walang ingay na nagmumula kay Gerald. Nang matapos akong umihi ay naghugas muna ako ng aking kamay saka lumabas at dumiretso sa may sala upang tignan kung naroon ba siya. Laking gulat ko nang hindi ko siya roon natagpuan. I checked the kitchen, too. But, Gerald is nowhere to be found. So, I decided to call his phone. It took for about five times of ringing. “Hello? Where are you? Did you know what time is it?’ bungad ko. Medyo nainis kasi ako dahil nakakasanayan na niyang hindi magpaalam sa akin kapag siya ay aalis. “Hello?” tugon sa akin mula sa kabilang linya. Hindi iyon si Gerald. Boses iyon ng isang babae. Tumaas naman bigla ang dugo ko dahil sa galit pero pinanatili ko ang pagiging kalmado. “Excuse me, who are you? And why are you answering someone’s phone?” tanong ko. Kahit naiinis at napapaisip na ako ng kung anu-ano ay sinubukan ko pa rin na maging sibilisado at may magandang ugali sa aking kausap. Hindi niya ako sinagot pero rinig ko na tinawag niya si Gerald. “Hey! Someone’s calling you,” wika ng babae. “Who?” tanong ng lalaki Alam ko na boses iyon ni Gerald. Napatakip ako ng aking bibig. “Oh my God! Christine?!” bulalas ni Gerald. Ibinaba ko agad ang tawag. I cried in silent. Bigla na naman na may tumakbo sa aking isipan na kung anu-ano. “Bakit mo iyon nagawa?!” sigaw ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na kinaya at nailabas ko na ang lahat ng galit ko. Nagsimula akong basagin ang mga naka-display sa ibabaw ng side table. Lahat ng aking madaanan ay aking hinahawi at binabasag. Matagal din bago humupa ang pagwawala ko. Mabuti na lamang ay naka-silent proof ang aming inukopahan na silid sa hotel na ito. Nang makita ko ang paligid ko na puro basag at sirang gamit ang nagkalat ay nagtungo ako sa kusina. Kumuha ng kutsilyo at akmang maglalaslas ng pulso. May bigla akong naalala at napahawak sa aking tiyan. Napaiyak ako. Humagulgol sa sakit na nadarama. Kahit na wala akong matibay na ebidensiya na siya’y nagloloko ay sapat na ang narinig ko na boses babae mula sa kabilang linya at ang hindi niya pagpapaalam kapag siya’y aalis. “Baby, if you are ther inside my tummy, I’m sorry,” saad ko. Hindi ko alam kung buntis ako ngayon pero isa lang ang alam ko, kung mayroon man ay nararamdaman niya iyon ngayon. Tumayo ako at nag-ayos sa sarili. Tinawagan na rin si Alexa pero walang sumasagot marahil ay mahimbing ang tulog. Wala akong matawagan, so no choice kung hindi si Alexis na lang tutal sa iisang condo lang sila nakatira ng kambal niya. Tinawagan ko na si Alexis. Dalawang ring lang ay sumagot agad ito. “Christine?” bungad niya. Biglang pumasok sa akin ang hiya. “A-ano kasi…” Huminga ako ng malalim, “Puwede ba akong manatili diyan hanggang sa mag-umaga?” tanong ko. Matagal din na natahimik si Alexis. “Alexis, still there? If its not okay, then I’ll stay to other place,” wika ko. “No! Y-yes, you can come here, I’ll wake up Alexa for you,” aniya. “Hoy! No need, I will not sleep, just want to have a place to stay,” saad ko. “Why? Is something wrong?” tanong niya. Humapdi naman bigla ang mga mata ko. Gusto kong umiyak ngayon pero naisip ko na baka mataranta si Alexis at dito pa magpunta. Ayaw kong maabutan ni Gerald dito. “Nothing, punta na ako diyan,” wika ko. “O-okay, ingat ka,” aniya. Ibinaba ko na ang tawag at kinuha ang bag ko. Tumingin ako sa paligid. Sobrang kalat ng nagawa ko, naawa tuloy ako sa maglilinis ng silid namin. Tuluyan na akong lumabas. Nasa taxi bay na ako, naghihintay ng taxi nang may huminto sa harapan ko. Hindi ko iyon pinansin. “Christine!” tawag nito sa akin. Dahan-dahan akong lumingon. Iniisip ko na baka si Gerald iyon at naabutan na ako. Nagkamali ako, hindi iyon si Gerald kung hindi si Jaeryll. Napatayo ako at lumapit sa sasakyan niya. “Anong ginagawa mo sa ganitong oras?” tanong ko. Ngumiti ito sa akin, “Galing akong club, kasama mga kaibigan ko,” Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha, “Eh, ikaw? Anong ginagawa mo nang ganitong oras?” tanong niya. Napangiwi ako, ayaw kong ipaalam sa iba ang pinagdadaanan ko kaya naman ngumiti lang ako, “Pupunta ako sa condo nila Alexa,” sagot ko. Totoo naman na pupunta ako kanila Alexa, hindi ko lang masabi ang pinakadahilan kung bakit ako roon pupunta. “Kung ganoon, halina’t sumabay ka na sa akin, ibaba kita sa condo nila,” turan niya. Wala na akong ibang pagpipilian, kung hindi ako sasabay sa kaniya ay matagal akong maghihintay ma may dumaan na taxi at baka pigilan pa ako ni Gerald sa pag-alis. “Sige, salamat,” tugon ko. Binuksan ko na ang pinto at naupo sa loob. Umandar na ang sasakyan at tahimik lang kami sa loob. Marahil kapwa kami walang masabi at medyo naiilang pa sa isa’t isa. “Alam mo, hindi naman sana ako magtataka kung pupunta ka kanila Alexa,” aniya. Bigla niyang binasag ang katahimikan kaya naman napalingon ako sa kaniya. “Ang nakakapagtaka lang ay ang oras ng pagpunta mo roon,” wika niya pa. Tumingin siya sa akin. “Kung ayaw mo pang magsabi sa akin, naiintindihan ko dahil ilang araw pa lang naman mula nang magkakilala tayo,” saad niya. Napakagat labi ako. Masyado pa lang malalim kung mag-isip si Jaeryll. Hindi ko inaasahan na ganoon ang kaniyang iisipin. “Pero isa lang ang masasabi ko, alam kong malalagpasan mo iyon,” sambit niya. Pakiramdam ko ay uminit sa loob ng kotse kahit nakabukas naman ang aircon. “T-thank you,” wika ko. “Wala iyon, kaibigan na ang turing ko sa iyo,” tugon niya. Matapos ang halos trenta minutos na biyahe ay narating na namin ang condo. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang lalaki. Si Alexis, na naghihintay sa aking pagdating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD