Chapter 58

1388 Words
Nabigla ang lahat sa aking sinabi. Hindi makapaniwala ang kambal sa kanilang narinig. Mula kolehiiyo ay magkakasama na kaming apat. “A-are you sure?” Tanong ni Alexa. Tumango ako. “May ebidensya ka ba?” Tanong ni Alexis. Napailing ako. “I don’t have any solid evidence right now…” sagot ko, “But the girl answered my call, twice,” dagdag ko pa. Napatayo si Alexa. “God! I can’t believe Gerald would do that,” aniya. Malakas niyang pinadyak ang kaniyang paa sa sahig habang nakahawak sa kaniyang bewang. Humarap ito sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. “Nasa hotel niyo ba siya ngayon?” tanong niya. Umiling ako. Napasinghal siya sa inis. “Where the hell is he?” tanong niya. Napangiwi ako. “As what I’ve said earlier to Alexis, wala akong kasama,” wika ko. “And then?” aniya. “I don’t know where he is,” sagot ko. Napahawak si Alexa sa kaniyang buhok. “Jaeryll, kanina ka pa tahimik, may gusto ka bang sabihin?” Turan ni Alexis. Nagulat naman si Jaeryll sa sinabi ni Alexis. “A-ano kasi,” sambit niya. “Ano?” tanong ko. Naguguluhan at nagtataka ako. Ano bang kinalaman ni Jaeryll sa usapan namin ngayon. “Habang pinapakinggan ko kayo, may naalala lang ako bigla,” aniya. “Is it related to Gerald or not?” tanong ni Alexa. “I think kind of,” sagot ni Jaeryll. Natulala si Alexa. “What is it?” tanong ko. “I think I saw him, while driving home,” aniya. Napakunoot noo ako. “As what I expected, kanina ka pa kasi hindi mapakali na parang may gusto kang sabihin,” sambit ni Alexis. Nilingon naman ni Alexa ang kaniyang kambal. “Don’t tell me, you’re into boys?” tanong niya. Humagalpak naman sa tawa si Alexis. Tumayo ito at lumapit kay Jaeryll at umakbay. “Bagay ba kami?” tanong nito. Nagulat ako sa ginawa ni Alexis. Samantalang, nag-ngingitngit sa inis si Alexa sa kaniyang kakamabl. “Stop toying Jaeryll,” saad niya. Mas lalo pang naging clingy si Alexis kay Jaeryll. Si Jaeryll naman ay natatawa sa kambal. “Jaeryll, make him stop, its not funny,” turan ni Alexa. Tumawa ang dalawang lalaki ng malakas. “Ewan ko sa inyo..” nilipat ni Alexa ang kaniyang paningin sa akin, “Gusto mo bang sugurin natin ang babae niya?” tanong nito sa akin. Napaisip ako. Parang wala naman kaming delikadesa kapag ginawa namin iyon. Pero kung gagawin man namin ay hindi ko alam kung saan pupuntahan at ang pangalan ng babae na iyon. Marahan akong tumawa, “Ano ka ba, huwag na,” Napahawak ako sa aking braso. Yung tingin ni Alexa sa akin, tingin ng isang babae na naagawan rin ng minamahal. Alam ko iyon dahil iyon ang kaniyang karanasan mula sa dati niyang kasintahan na iniwan siya. “Alexa,” tawag ko. Napaluha si Alexa at agad naman niya iyon na pinunasan. “Oh, ano?” sagot niya. Mukhang nagbabalik ang alaala niya sa kaniyang dating nobyo. “Tara magsaya tayo,” wika ko. Napataas ng kilay si Alexa dahil sa pagtataka. “Tara mag-clubbing tayo!” saad ko. Napatulala si Alexa. “A-alexa, huwag na,” wika ni Alexis. Tumingin ako kay Jaeryll. “Kahit saan, go lang ako,” sambit niya. “Christine,” tawag sa akin ni Alexa. Nilingon ko siya. “Ang pangit ng suot mo,” aniya. Napatingin ako sa suot ko. Samantalang si Alexis ay napapailing at si Jaeryll naman ay tumatawa. “Maganda naman ang suot ko,” turan ko. Umiiling ito at tila nandidiri. “Hindi akma iyan na suot mo ngayon,” tugon niya. Naguluhan na ako. “You said you want to go clubbing?” aniya. Hinili niya agad ako papunta sa kaniyang silid ng hindi hinintay na makasagot. “Te-teka lang,” wika ko. “Lets go change what your wearing,” sambit ni Alexa. Bago pa kami tuluyang makapasok sa silid ni Alexa ay narinig ko pa ang dalawang lalaki na nag-uusap. “Well, I guess I’ll be back again there,” wika ni Jaeryll. “Kailangan ko na magpalit ng damit, you okay with your clothes?” tanong naman ni Alexis. “Yeah, I have mine in my car,” sagot naman ni Jaeryll. Naisara na ni Alexa ang pinto ng kwarto. Lumapit siya agad sa kaniyang closet at namili ng mga damit. “Lets see, what dress will be perfectly fit to her,” bulong ni Alexa. Umupo ako sa gilid ng kaniyang kama. Naglabas siya ng damit at itinapat sa akin. “Nah, masyadong maliwanag ang kulay,” aniya. Ibinalik niya ang damit sa closet at naghanap ulit. “Here,” aniya. Naglagay ulit siya ng damit na parang ako’y sinusukatan. “Can you stand up?” tanong niya Sinunod ko naman siya at tumayo. “Oh, you look stunning wearing this,” aniya. Napatingin ako sa damit. Napa-iksi ng damit at sobrang hapit sa katawan ko kapag sinuot. Napangiwi ako. Itinuro ko ang damit na medyo nahihiya. “A-are you sure you want me to wear that?” tanong ko. Tumawa ito at pumunta sa kaniyang vanity mirror. Naghahanap siya sa kaniyang mga make up. “Well, yes, so you can find someone better than that jerk,” wika niya. Humarap siya sa akin na may nakakatuwang ngiti. “Come here, my girl,” aniya. Nag-alangan ako. Mukhang gagamitan na naman niya ako ng kaniyang mahika sa paglalagay ng kolorete sa mukha. “Oh, don’t be afraid, I’ll just want you to be more beautiful,” saad niya. Lumapit ito sa akin. Hinawakan ang aking kamay at ngumiti. “Tara na,” wika niya. Hinila niya ako hanggang sa pa-upuin ako sa harap ng salamin. “Look, you look lovely but…” Inikot niya ang aking upuan paharap sa kaniya, “I’ll make you more beautiful to stun everyone that will see and look at you,” Hinaplos niya ang aking pisngi. “Pero parang hindi naman na kailangan,” wika ko. “Uh-uh-uh,” Umiling siya at sumenyas sa gamit ang kaniyang hintuturo. “Lets start,” saad niya. Nagsimula na siyang ayusan ako. Hindi ko na napansin ang oras. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ang itinagal ng paglalagay ng kolorete sa aking mukha. “Look,” aniya. Pinaharap niya ako sa salamin. Namangha ako. Hindi ko aakalain na mas gumaling si Alexa sa larangan ng pag-mamakeup. “See? You look more beautiful,” wika niya pa. Talagang pinagmamalaki niya na ang kaniyang gawa. Hindi gaya ng dati noong nag-eensayo pa lang siya. “Yes, thank you,” tugon ko. Naglakad siya at kinuha ang damit na ipapasuot niya sa akin. “Wear this, go,” aniya. Sinunod ko siya. Kinuha ko ang damit at nagpunta sa banyo para makapagpalit. Tinignan ko ito habang nasa banyo. Kaya ko ba talagang suotin ang damit na ito? Kahit na may pag-aalinlangan, hinubad ko na ang suot ko at pinalitan ng damit na pinili ni Alexa. I looked at the body mirror in the bathroom. She’s right, I look stunning wearing this plus the make up in my face. It’s perfect! Ngumiti ako. Tinignan ang mga damit na hinubad ko. Itinupi iyon ng maayos at dinala palabas. Lumabas na ako. Naabutan ko si Alexa na nakabihis na at may make-up. “Walang kupas,” aniya. Napangiti ako. Inilpag ang aking damit sa ibabaw ng higaan. Hinigit na niya ako at nang nasa pinto na kami ay pinatigil niya ako ag binulungan. “Ako muna ang lalabas, tapos kapag binanggit ko na pangalan mo saka ka lalabas, ‘kay?” Saad niya. Tumango naman ako. “Good,” sambit niya. Lumabas na siya at isinara ang pinto. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto para marinig ang kaniyang sinasabi. “Gentlemen, I would like to present to you, Christine!” turan niya. Is that my queue? Bigla naman bumukas ang pinto kaya naman muntik na akong masubsob. Natumba ako. Narinig kong napasigaw si Alexa sa gulat. Pero hindi ako bumagsak sa sahig. Kaunting agwat na lang ang pagitan ko mula sa sahig. Iniangat ko ang aking ulo. “Are you okay?” tanong ni Alexis. Sinalo niya ako mula sa pagkakatumba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD