Chapter 10

1490 Words
Dali-dali akong lumabas at nagtungo sa kusina, pagdating ko roon ay nakahain na ang aming agahan. “Babe!” sigaw ko. Nagulat naman siya sa akin dahil ako’y sumigaw ng pagkalakas-lakas. Tumayo siya sa pagkaka-upo at sinalubong ako. “What’s the matter?” tanong niya. Hinaplos-haplos pa nito ang aking buhok. Nataranta ata talaga. “I just received a text from Imee, and guess what?” excited kong sambit. He frowned. “What?” tanong niya. “She received an email from an organization that,” kwento ko. “That?” usisa nito. “That they will go to our gallery, find a unique paintings of us,” Nagtalon-talon ako galak, napatalon na rin si Gerald. “I’m so happy for you, Babe,” aniya. “Me too!” bulalas ko. Hindi naman ito ang unang beses na may bibili sa mga gawa ko pero kasi everytime na may bibili ay natutuwa talaga ako. Worth it ang pag-iisip ng theme at pagpipinta ko. Umupo na ako sa upuan at inaya si Gerald na kumain, sobra akomg na-e-excite. “I’ll drive you there,” aniya. Tumango lang ako habang nginunguya ang mga pagkain. “Huwag kang magmadali, makakapaghintay din ang buyers,' turan nito sa akin. Uminom ako ng tubig at sinabing, “sorry, excited lang,” Natawa naman siya, hindi na siya kumain ng marami at nagtungo agad sa banyo upang maligo at makapaghanda na rin. Naiwan ako sa hapag at sinimot ang mga hinanda niya, baka kasi magtampo. Niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan na rin. Bumalik na ako sa aming silid para makapg-ayos ng sarili. Ilang saglit pa ay tumawag sa akin si Imee, naroon na raw ang buyers. Pinagmamadali niya ako sapagkat hindi niya alam kung paano ito ililibot sa gallery. Kinuha ko ang bag at sumigaw, “Babe, gotta go!” Nasa loob pa rin ng banyo si Gerald. “Huh? Wait!” aniya. “The buyers is already in the gallery,” kwento ko. Lumabas naman siya sa banyo na walang saplot at hinabol ako bago makalabas ng kwarto. Nahablot niya ang aking sling bag saka ako hinila pabalik sa loob. Marahan niyang nilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga at bumulong. “Where do you think you’re going?” aniya. “Need to hurry,” sagot ko. Binitawan niya ako at tumawa, inutusan niya na rin akong maghintay sa kaniya. Dalawang minuto lang ang itinagal at nakapagbihis na ito, hinawakan ang aking kamay at sabay lumabas sa aming room. Sumakay na kami sa elavator, magka-hawak ang kamay at nagsabing, “you should wait for me,” aniya. Napangiti ako, sinagot ko siya, “opo, sorry,” Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Good luck sa gallery,” sambit niya. Hinalikan niya ako sa aking noo at hinagkan ako habang nakatanaw sa baybayin Ng Manila Bay. Napa-urong kami ng kaunti nang may sumakay din na guests ng hotel. Tinignan ko ang dalawang kasasakay pa lamang, mukhang mag-kasintahan dahil magka-hawak din ng kamay. Nakababa na kami nang dumaan kami sa front desk. Tinawag kami at pinalapit sa kanila. May nag-iwan raw ng sulat para sa akin. “Kanino po galing ito?” tanong ko. “Hindi po nagpakilala,” sagot ng teller, “basta ang sabi ay iabot sa inyo kapag bumaba kayo,” kwento niya. Nagtaka naman ako, dahil wala naman akong inaasahan na sulat. Tinanong ko rin si Gerald lero wala raw siyang alam patungkol dito kaya napagpasyahan kong basahin ito sa harap ng teller. “Hi, Christine! Did you enjoyed your night? I’ve been watching you last night and oh you’ve such a great body. You are great in s*x, too. I hope that your body will still remain great after it was bury. -CHRYS” Nanginig ako pagkabasa ko ng sulat. Nagulat naman ang staff na babae ng hotel. Dali-dali naman na pinatawagan ni Gerald ang security team para matignan ang cctv. After nilang mag-abiso ay nagpaalam na muna ako ako kay Gerald na kung pwede ay siya na muna ang tumingin sa cctv at ako ay didiretso na sa gallery. Pumayag naman ito at inihatid ako sa taxi bay, pumara siya ng taxi at hinalikan ako. “Babe, ako na bahala,” aniya. Nasa loob na ako nang taxi nang sabihin niya iyon, tumango lang ako at isinara ang pinto. “Manong, sa Malate po,” wika ko sa driver. “Sige po, Ma’am,” sagot ng driver. Pinaandar na niya ang taxi, kinuha ko phone sa aking sling bag at nagtext kay Imee na kung maari ay aliwin niya pansamantala ang mga bisita dahil on the way na ako. Wala pa siguromg trents minutos ay nakarating din ako sa Malate. “Ang bilis,” bulala ko. “Opo, Ma’am,” aniya, “ wala gaanong traffic,” dugtong niya pa. Nagbayad na ako ng taxi fare at nagpasalamat sa driver. Pagpasok sa gallery ay agad akong nagtaka. Hindi ko pala nasabi sa driver kung saan niya ako eksaktong ibaba pero paano nito nalaman? Ayun ang gumugulo sa isip ko. Nawaglit pansamantala iyon nang makita ako ni Imee ay binungad niya sa akin na okay na ang lahat. Nagtaka naman ako dahil walang alam si Imee pagdating sa mga paintings. “Paano?” tanong ko. Ngumiti ito at parang gusto na lumukso lukso sa sobrang galak na nadarama. “Dahil kay Joyce,” sabi niya. Hinanap ng aking paningin si Joyce, ngunit hindi ko iyon makita. Naglakad si Imee na hila-hila ako patungo sa aming ginawang mini lobby. Nakita ko si Joyce na nagsasalita, kausap ang mga buyers. Nagtatawanan pa sila na tila matagal nang magkakilala. Kumatok muna si Imee, binati ang mga tao sa loob at ipinakilala ako. “This is Ms. Christine Gallerno, the owner of this Gallery,” aniya. Tumayo naman ang apat na buyers, isa-isa akong kinamayan. “Thank you for choosing my Gallery to find new interesting paintings,” wika ko. Umupo ako sa sofa na katabi ng kay Joyce, si Imee naman ay lumabas na para pumwesto sa front desk. Nagsalita naman ang lalaking nakasuot ng suit, pormahan na mala- CEO at base sa kaniyang pangangatawan marahil ay nasa late 30’s na siya at super gwapo, pero mas gwapo pa rin ang Gerald ko. “Hello, I’m Mr. Richard Robinson,” aniya. Sunod na nagpakilala yung lalaking medyo may edad na pero gwapo pa rin, siguro ay nasa late 40’s na siya. “I’m Christian Morella,” ngumiti ito na parang isang bachelor. Pangatlo, yung babaeng nasa mid 40’s na yung age pero yung katawan ay swak pa rin sa taste ng mga kalalakihan. “I’m Sandy Pacheco,” sambit niya sabay ngiti sa akin. “And I’m Lara Raven De Guzman,” madiin na sabi ng babae. Marahil ay kaedaran ko siya, sexy ito, maputi at matangkad. Medyo na-inggit ako ng bahagya. “Nice to know you all,” wika ko. “Miss Christine, I’ve already tour them around our Gallery,” kwento ni Joyce. Tumango lang ako habang nagsasalita si Joyce, nagsalita na rin sila isa-isa about sa paintings na napili nilang bilhin. Naunang magsalita si Ms. Sandy, ang napili raw niya ay yung abstract na gawa ko 10 years ago and still nakasabit sa wall ng Gallery. Sumunod si Mr. Christian, napili niya ay yung portait painting ng isang babae na nakasalamuha ko sa Baguio limang taon na ang nakakalipas. Napagdesisyunan ko iyon na ipinta ang kaniyang mga matatamis na ngiti at pumayag naman ito. Nagsalita na rin naman si Mr. Robinson about sa mga paintings na nakasabit sa Gallery. “Wala akong nagustuhan,” madiin niyang sabi. Nabigla ako, akala ko ay aalis na lang si Mr. Robinson after ng meeting namin pero muli siyang nagsalita at sinabing, “I want the newest one,” aniya. Dali-dali akong sumagot, “which style do you prefer, Sir?” tanong ko. Ngumiti ito at sinabing, “Surrealism,” aniya. “Concept?” tanong ko. “Its up to you,” sagot niya. Mukhang hinahamon ako ni Mr. Robinson, marahil hindi pa siya kumbinsido sa mga artworks ko. “Okay, I’ll do it,” sagot ko. Ang huli ay si Ms. Lara na ang napili ay ang still life painting ko. Nagulat ako, dahil karamihan sa still life na gawa ko ay puro withered flowers such as chrysanthemums. “My still life painting of chrysanthemums?” tanong ko. “Yes, the one with slight red color in it,” sagot niya. Hindi ko alam pero parang may kakaiba kay Lara habang kausap ko siya, madiin siya magsalita na tila may galit or baka naging hobbit lang talaga. Sumabat naman bigla si Joyce at sinabing, “Maganda ‘yong mga still life paintings ni Ms. Christine ‘no?” aniya. Medyo nailang ako sa sinabi niya but still thankful na inaaddress niya na maganda ang pagkakagawa ko. “Yes, chrysanthemums, is reminded me of someone I know,” sagot ni Lara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD