Chapter 7

2846 Words
Nakatingin ang lahat sa akin. Nakakailang pero ngumi-ngiti pa rin ako sa harap nila. Naririnig ko ang bawat sinasabi ng mga tao, kaya tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang makarating sa aming mesa. “Ang ganda naman talaga ng aking manugang!” wika ni Tita Rose habang pumapalakpak at abot tenga ang ngiti. “Syempre, kanino pa ba ako magmamana?” taas noong pahayag ni Gerald. “Diyos Ginoo! Manang-mana ka talaga sa iyong, Papa!” bulalas ni Tita. Umupo na ako kasama sila Tita sa table. Sumenyas na rin ako kila Imee na sulitin ang gabi na ito. “Thank you po,” sagot ko sa kanila. Tumingin ako sa kinaroroonan nila Imee, naroon pa rin sila, at kumakain. “You look so gorgeous,” bulong ni Gerald. Nanindig ang aking balahibo dahil sobrang nakaka-akit ang tinig ni Gerald nang siya’y bumulong. “Stunning,” bulong niyang muli. Medyo nakiliti na ako sa buga ng hininga niya. Baka mamaya sunggaban ko na lang siya bigla kapag hindi ko siya pinigilan kaka-bulong. “Stop it,” mahina kong sabi. “Why?” bulong niyang muli with a husky tone. “s**t, mamaya ka na bumulong ng ganyan,” pagtitimpi ko. “Feeling seduced?” pang-aasar niya. Tinignan ko siya ng masama, sakto naka-ngiti siya ng nakakaloko. “Isa,” wika ko sabay inismiran siya. “Fine, mamaya na lang,” aniya habang ina-akit ako sa pamamagitan ng pagkagat-labi. “What time na ba?” tanong ko. “8?” sagot niya habang nakatingin sa kaniyang rolex. “Baka naghanda si Aling Conching ng hapunan para sa akin,” sambit ko. “No worries,” aniya, “Natawagan ko na si Aling Conching kaninang hapon,” dagdag pa niya. “Talaga?” hinding makapaniwala kong sagot. Tumango si Gerald at saka uminom ng wine. “Masakit ang balakang niya kaya hindi nakadalo sa aking proposal party,” aniya. “Kawawa naman si Aling Conching,” malungkot kong sabi. Nanlumo ako nang marinig ko iyon, sana maalagaan siya ng iba naming kasambahay. “Pinapunta ko na family doctor namin, kaya wag ka na mag-alala,” aniya. Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon sa akin, alam kasi niya na si Aling Conching lang ang nakasama ko buhat nang mamatay ang aking Ina. “Thank you,” mangiyak-ngiyak kong sabi. “Don’t cry, makikita ng mga bisita,” aniya habang pinupunasan ang mga nangilid na luha sa aking mga mata, “Baka isipin nila pinapa-iyak kita,” dagdag pa niya. “Okay, okay, salamat,” ngumiti ako sa kanya. Tumayo ako at hinawakan ang mikropono. “Good evening everyone,” bungad ko, “Thank you for coming though I didn’t expected this proposal,” wika ko. Ngumiti ang mga tao sa akin. “I thought it will be an ordinary anniversary to us,” wika ko, “but then, my dream to become a wife will soon to come true,” dagdag ko pa. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Gerald saka hinila patayo. Tumayo naman siya at inakbayan ako. “To his loving and supporting parents, Tita Rose and Tito Rey,” nakangiti kong sabi, “Thank you for accepting me as your future daughter-in-law,” tumulo na ang mga luha nang sandaling iyon. Tinapik-tapik ni Gerald ang aking likuran. “Thank you for being my second parents through all years,” wika ko, “I can’t ask for more,” naiyak na akong tuluyan. Nilapitan naman ako ni Tita Rose saka hinagkan. Si Tito Rey naman ay hinawakan ang aking kamay. “Tahan na,” wika ni Tita. Nagpunas na din ng mga luha ang ibang bisita, na-antig din sa mga sinabi ko. “And for everyone that has come,” ngumiti ako, “Thank you,” umiyak akong muli hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na nadarama ko. Alas diyes na ng gabi nang matapos ang aming muntinf handaan. Isa-isa nang nagsila-alisan ang mga bisita. “Congrats, Iha!” masiglang bati sa akin ng aking Tiyahin, pinsan nang aking papa. “Thank you po Tita Grace,” wika ko sabay halik sa kaniyang pisngi, “Ingat po kayo pauwi, Tito Roger,” ngumiti lamang ako sa kaniyang boyfriend. “See you on your wedding day,” aniya at saka umalis kasama ang kaniyang bagong kinakasama. “Iha, mauna na rin kami,” paalam sa akin nila Tita Rose. “Hatid na po namin kayo sa sasakyan niyo,” alok ko sa kanila. “No need na, may ibang mga bisita ka pa,” aniya. “Thank you po ulit, Tita and Tito,” niyakap ko sila nang mahigpit. “Ma, Pa, ingat sa pagmamaneho,” wika ni Gerald. Inakbayan naman siya ng kaniyang Ama at hinagkan ng kaniyang Ina. “Salamat, ingat din kayo,” sambit ng kaniyang Ama. Sunud-sunod na rin ang ibang mga tao na nagpaalam sa amin, pinaka-huli ay sina Imee. “Alas diyes na pala!” bulalas ni Imee habang nagmamadaling itext ang kaniyang magulang. “Pasensya na at hindi kayo nakauwi agad,” wika ko. “Puntahan ko muna yung owner sa office niya,” singit niya ni Gerald sa usapan amin. “Sige,” sagot ko. Pumaroon na siya sa direksiyon kung na saan ang opisina ng may-ari. “Pasensya na ulit,” nahihiya kong pahayag sa dalawa. “Okay lang, wala naman nang naghihintay sa akin sa bahay eh,” sagot ni Joyce. Napatigil si Imee sa pagtetext nang marinig niya iyon. “Wala?” tanong ko. “Bakit wala?” usisa pa ni Imee. “I lived alone, my parents are in U.S,” sagot niya. “Pati kapatid, wala?” tanong pang muli ni Imee. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. “Mayroon akong kapatid na lalaki, pero may sarili siyang condo,” aniya. “Kaya pala,” sambit ni Imee saka ipinagpatuloy ang pagtetext nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hala, natawag na,” aniya habang natataranta. “Sagutin mo na iyan,” sambit ko. “Baka nag-aalala na sa iyo,” pahayag ni Joyce. “Teka, doon muna ako,” tinuro ni Imee yung front desk. Tumango naman kaming dalawa ni Joyce. “Saan ka nga ulit nakatira?” tanong ko kay Joyce. “Sa Makati,” sagot nito. “Ang layo!” bulalas ko. “Okay lang, maaga naman akong nagigising,” pahayag niya. Hindi ako makapaniwala. Imagined from Makati to Manila? Samahan mo pa ng sobrang tinding traffic. “Hatid na namin kayo,” sambit ko. “Huwag na po, oras niyo ngayon para sa isa’t isa,” aniya. Lumapit naman na sa amin si Imee nang may malaking ngiti. “Akala ko magagalit si Mama,” wika ni Imee, “Nagpapabili lang pala ng ice cream,” natatawa niyang sabi. “Tara na, Imee?” aya ni Joyce. “Tara, dadaan pa ako sa convenient store,” sagot ni Imee. “Mag-iingat kayo,” sabi ko. “Mauna na kami, bibili rin ako ng cat food,” wika ni Joyce. “May pusa ka?” usisa na naman ni Imee. “Oo,” sagot ni Joyce. “Hala, anong lahi? May breed ba? Female? Ilan?” sunud-sunod na tanong ni Imee kay Joyce. “Sunud-sunod talaga?” natatawang sagot ni Joyce. “Mahilig kasi ako sa mga pusa,” sagot ni Imee, “Noong nag edad ako ng pito, may alaga akong pusa,” dagdag pa niya. “Na saan na?” tanong ko. Wala kasi akong natatandaan na may pusa sa amin. “Namatay,” malungkot niyang sabi, “may nakain atang nakakalason,” dagdag pa niya. “Hindi ko matandaan na nagkaroon ka ng alagang pusa,” sabi ko. “Ikaw nga nakakita sa pusa na iyon sa pagkakatanda ko,” sagot ni Imee. “Memory loss?” tanong ni Joyce. “Ay oo nga pala, kaso yung trauma part lang nawala hindi ba?” tanong ni Imee. “Oo, ayaw ko na rin maalala iyon,” wika ko. “Bakit?” usisa ni Joyce. “Masakit sa ulo noong unang mga araw,” sagot ko. “Hindi, bakit ka nawalan ng alaala?” seryoso niyang tanong. “Sabi nang mga dalubhasa, dahil sa shock and trauma,” sagot ko. Ngumisi ng bahagya si Joyce at saka nagtanong muli. “Trauma? Bakit?” tanong niya. “Nama—,” naputol ang sinasabi ko nang sumingit si Imee. “Yung best friend niya namatay,” wika ni Imee. “Oo, sabi sa harapan ko raw namatay,” sagot ko. Napansin ko naman ang expression na pinapakita ni Joyce lalo na ang kaniyang dalawang kamay na nakayukom tila nagpipigil ng galit. “Okay ka lang ba?” tanong ko kay Joyce saka hinawakan ang kaniyang balikat. Agad naman itinaas ng bahagya ni Joyce ang kaniyang balikat at saka inaalis ang aking kamay “Sorry, okay lang ako,” sagot niya. “Sure ka, Joyce?” nag-aalalang tanong ni Imee. Tumango lang ito at saka kinuha ang phone niya at binasa ang text ng tahimik. Ngumiti lang ito at ibinalik na ulit ang phone sa bag niya. “That’s my brother, he’s on the way to my place,” nakangiti niyang balita. “Yay! May makakasama ka na ngayong araw,” masiglang sabi ni Imee. “Hindi, dinalhan lang niya ako ng groceries and cat food,” aniya. “Tara na, mauna na kami,” paalam ni Joyce saka hinigit si Imee. “Oh siya, mauna na kayo, at baka naghihintay ng matagal ang iyong magulang,” wika ko. “Paalam,” sambit ni Imee. Naiwan akong mag-isa habang tinitignan ang dalawa na naglalakad palayo. Naisipan kong magpadala ng text message kay Gerald. “Babe, where are you? I’m all alone with the restaurants employees.” Sinend ko agad kay Gerald ang mensahe kong iyon. Agad naman na tumawag si Gerald. “Pabalik na diyan, nakaalis sila Imee?” bungad niya. “Yep,” sagot ko. “Okay,” saka niya binaba ang tawag. Tumingin ako sa paligid tanging mga empleyado ng restaurant na lang ang kasama ko. Nagtatawanan ang mga ito, masaya sa kanilang ginagawa. Ilang sandali lang ay dumating na si Gerald, kasama ang may-ari ng restaurant. Napakagandang babae ang nasa harapan ko kasama ang aking boyfriend. Lumapit sa akin si Gerald at hinawakan ang aking kamay. “Babe, this is Coleen, classmate natin noon sa Marville Academy,” pakilala niya. Inilahad naman agad ni Coleen ang kaniyang kamay para mag magdaupang palad kami. “Hello, nice meeting you again, Christine,” aniya. Naguguluhan pa rin ako, hindi ko matandaan si Coleen. “Sorry, but I can’t remember you,” diretso kong sabi. “Well, hindi tayo close that time, kaya marahil hindi mo ako tanda,” aniya. Medyo nainis ako sa pagkakasabi niya at pananalita niya. Maldita tong babae na ito sa isip isip ko. “Kaya pala,” sagot ko, “Babe, gusto ko nang umuwi,” sambit ko kay Gerald. Nilingkisan ko si Gerald na nagsasabing, ‘Back off b***h, this man is mine’ para ipahiwatig kay Coleen na huwag lalandin ang aking boyfriend. Natawa naman si Coleen sa ginawa ko. Napa-taas kilay ako sa pagtawa niya. Si Gerald naman ay nagpipigil ng tawa nang mga sandali ring iyon. “No worries,” aniya. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamat at ipinakita ang singsing na suot. “I’m already married,” natatawa niyang sabi. Namula ang buong mukha ko, hindi ko alam paano ako hihingi ng depensa dahil sa inasal ko sa harap niya. “Thank you for accomodating my restaurant tonight,” naging professional ang pananalita ni Coleen. “Thank you for having such great employees here,” sagot ni Gerald. Tahimik lang ako, nahihiya pa rin ako. Hindi ko na inalis pa ang pagkaka-kapit ko kay Gerald. “Well, see you on your wedding day, hope I’m invited,” pabirong sabi ni Coleen. Maya-maya pa dumating ang asawa niya sa restaurant para sunduin siya. “This is Billy, my husband,” pakilala niya sa asawa niya. Agad naman kaming nakipag-shake hands sa asawa niya. “Thank you for trusting my wife’s restaurant,” wika nito. Humawak ito bewang ng asawa niya, halatang proud na proud sa kaniyang asawa. “Here’s my business card,” sabay abot ng card niya sa aming dalawa. “You’re a lawyer,” wika ni Gerald. “Yeah, already heard about your Mom, hope I can talk to her about being a lawyer someday,” aniya. “Yeah, I will tell this to my Mom,” sagot ni Gerald. “Just contact me anything regarding about Laws,” sambit ni Billy. “We’re gonna head home, its a bit late already,” wika ni Gerald, “Thanks again,” dugtong pa niya. “Thank you,” sabi nang mag-asawa sa amin. Naglakad na kami patungo sa labas at dumiretso sa sasakyan. Sumakay na kami at pinaandar na ni Gerald ang sasakyan. Hindi pa man kami nakakaandar ay may napansin kaming papel ulit sa wind shield. Saka ko lang naalala na mayroon din naunang sulat. Bumaba si Gerald at kinuha ulit ito. Binasa at saka niya ibinulsa. Lumabas ako para tignan ang papel. “Anong nakasulat?” tanong ko. “Nanghihingi lang ng donasyon,” sagot niya, “ pumasok ka na sa loob,” utos niya. Pumasok naman na ako, pero hindi ko talaga matiis kaya nagtanong akong muli patungkol sa papel. “Maari ko bang makita ang papel?” tanong ko. “Huwag na, nanghihingi lang iyon ng donasyon,” aniya. Kinulit-kulit ko siya hanggang sa bumigay ito at pinabasa sa akin ang nilaaman ng papel. Nabigla ako. Sa dalawang sulat na iyon, pagbabanta ang nilalaman. “Chrys,” sambit ko. “Kaya ayaw kong ipabasa sa iyo yan, dahil alam kong matatakot ka,” naiinis na sabi niya. Binasa kong muli ang unang sulat. “Masaya ka ba? Lubusin mo na ang mga araw na masaya ka,” --CHRYS Binasa ko ang pangalawang papel. “Alam kong mamamatay tao ka, huwag ka na magtago sa anyong bait-baitan pa,” —CHRYS Una, text message. Ngayon sulat na. Kinakabahan ako. “Akin na iyan, ako magtatabi,” wika ni Gerald. “I’ve already checked the Cctv’s but no one has captured on the camera,” aniya. “Marahil alam ng naglagay kung saan nakapwesto ang mga camera,” dugtong pa niya. “Umuwi na tayo,” naiiyak kong sabi. “Gusto mo ba sa bahay ninyo?” tanong niya sa akin. “No, samahan mo ako,” wika ko, “I don’t feel safe there, ayaw ko na madamay sila Aling Conching if ever may mangyaring masama,” naiiyak kong sabi. Nagmaneho lang si Gerald hanggang sa makarating kami ng hotel na pina-reserved niya. Nag-park na kami sa basement dahil ayaw kong maiwan mag-isa kaya hanggang basement sumama ako. Sumakay ng elevator at nagtungo na sa aming kwarto. Nasa sixtenth floor pa ang aming kwarto kaya dumungaw muna ako sa labas ng elevator. Kitang-kita ang buong Manila Bay, napaganda nang tanawin dahil sa mga ilaw sa kalsada. “Ang ganda,” mahina kong sambit. Niyakap naman ako ni Gerald mula sa likuran at sinabing, “Mas maganda ka sa lahat ng tanawin na iyong matatanaw, tandaan mo iyan,” aniya Ang sarap sa pakiramdam nang marinig mo iyon sa taong mahal mo. Nawala ang takot ko nang mga sandaling iyon. Bumukas na ang elevator at lumabas na kami, muntik pa akong mabangga ng naglilinis ng mga kwarto. “Sorry,” sabi ko. “Sorry din po,” wika ng lalaki. Hindi ko nakita ang mukha dahil sa face mask na suot nito at sombrero pero familiar yung boses niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko iyon narinig.. Dumiretso na ang naglilinis at kinatok ang Room 1610. Hindi ko na pinansin pa at tumuloy na rin kami sa paglalakad. “Here we are,” masiglang sabi ni Gerald. “1621,” sambit ko. “Yeah, 1 week reserved,” nakangiti ito nang nakakaloko. Hinampas ko siya sa likod, alam ko ang nasa isip niya. “Loko ka, tara na nga,” pag-aaya ko. Iswa-swipe na sana niya ang kaniyang card nang may mapansin siyang ppael na naka-ipit sa pinto. Kinuha niya iyon saka binasa. Nagbago ang timpla ng mukha niya. Nilukot niya ang papel saka binuksan ang pinto at dumiretso sa telepono. “Hello, this is Room 1621, can I have a footage of your cctv in this hallway?” diretso nitong tanong. Hindi ko marinig ang usapan nila. “I found a note in my door, and its alarming,” aniya. “Okay thank you, I’m going down there,” saka niya binaba ang tawag. “Anong nakasulat?” tanong ko. Inaabot nito ang papel. “You shoudn’t lived in a paradise, you should live in the hell.” -CHRYS Nanghina ako at napaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD