"Aly, where have you been?" bungad na tanong sakin ni Alex pagka-pasok ko sa kwarto na tinulugan namin.
"Sa tabi ng dagat, nag-pa-hangin lang. Why?" tanong ko. Umiling lang siya bilang tugon at lumabas ng kwarto.
Nagkibit-balikat lang ako sa inasal niya at agad sumalampak sa kama. Sobrang napagod ako kakapilit na maglakad ng mabilis para hindi ako maabutan ni Jared na nakikinig sakanya. Ewan ko ba, simula ng malaman ko ang mga ugali nila mula kay Harlene ay parang natakot na ako sakanila.
Bakit kaya? Nakakatakot naman kasi magkwento 'yon.
Sa sobrang pag-iisip tungkol sa mga tao na kasama ko ngayon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang makaramdam ng gutom. Tumayo ako sa aking kama at nakita ko si Alex na mahimbing na natutulog sa sofa sa paanan ng kama na gamit ko. Tahimik akong umalis sa kwarto at bumaba.
Nang makababa ay nagtungo ako sa kusina para mag-hanap ng makakain. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang pepperoni pizza na nasa tupperware. Sinarado ko ang fridge at sumandal sa may sink habang kinakain ang pizza na sobrang lamig. Hindi na talaga makaka-arte pa ang isang taong gutom.
Nang maubos ko ito ay naglakad na ako palabas ng kusina, paakyat na ako sa hagdan nang matigilan nang may marinig akong nagsalita.
"Why are you not attracted in me?" Sabi nito. Nilingon ko ang pinang-galingan ng boses at nakita si Jared na nakatayo sa may gilid ng hadganan.
"What?" Gulat na tanong ko.
Pero imbis na sagutin ako ay bigla niya akong hinila palabas sa bahay na 'yon, hanggang sa makarating kami sa tabi ng dalampasigan.
"Alam kong nakikinig ka sa akin kanina habang tumutugtog ako." Sabi pa nito. Pilit kong binawi ang braso ko na binitawan naman nito.
"Bakit? Masama bang makinig sayo?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at tumingin sa dagat pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
"Gusto mong kantahan ulit kita?" Tanong niya. This time, nakangiti na siya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Wala sa sariling tumango ako na ikina-ngiti nito. Nag-paalam ito saglit na kukunin ang gitara saka mabilis na umalis.
Tahimik kong hinintay si Jared sa tabi ng dagat, at dahil hating-gabi na ay yakap-yakap ko ang sarili ko habang naka-upo sa buhanginan. T-shirt na manipis at summer shorts ang suot ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas pero walang Jared na bumalik. Ginaw na ginaw na ako dito at pina-papak na ng mga insekto. Hindi ko alam kung pinag-ti-trip-an lang ako ni Jared, at kung totoo nga ay nakakainis siya! Ang stupid ko talaga dahil naniwala ako sakanya.
Huminga ako ng malalim. Nagdesisyon ako na maghintay ng ilan pang minuto dahil baka may ginawa pa siya. Habang nag-hi-hintay ay naisipan kong mag-lakad-lakad sa dalampasigan kung saan nababasa ang aking mga paa ng alon. Impit akong napapa-sigaw sa t'wing nararamadaman ang lamig ng tubig dagat sa mga paa ko.
Aliw na aliw ako sa ginagawa ko, hanggang sa mapa-tigil nang biglang may humawak sa kamay ko na ikina-sigaw ko.
"Why are you here? Bakit gising ka pa?" Agad akong napalingon at nagulat nang makita ito kung sino.
"Zayn..." Mahinang sambit ko at tinitigan siya. Ginantihan niya ang mga titig ko, kapagkuwan ay bumaba ang tingin niya kaya sinundan ko rin ito. Ang mga kamay namin magkahawak! Agad kong binawi ang aking kamay pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito at nagsalita.
"Don't." napayuko nalang ako at sinabayan siya maglakad.
Bakit ganun? Bakit parang natatakot ako sakanya? Feeling ko kapag sinuway ko siya ngayon ay may gagawin siya sa akin. At bakit ang lakas ng kaba ko habang nakahawak siya sa kamay ko? Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko kanina nang kumanta si Jared. Pero bakit iba ang pagkabog nito kapag si Zayn ang kaharap ko?
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya, doon ko napagmasdan ang kanyang mukha. Ang mapupungay niyang mata tanda na galing siya sa pagtulog, ang magulo niyang buhok, ang mga labi niya. Naka-suot din siya ng white shirt at summer shorts.
Napaigtad ako ng bigla niyang pisilin ang kamay ko na hawak niya.
"What's on your mind, Alyssa?" Tanong niya. Sandali akong napa-tigil saka nagsalita.
"Bakit?" Balik-tanong ko.
"Anong bakit? Bakit ko tinatanong 'yan o bakit ko hawak ang kamay mo?" Balik-tanong din niya.
"Parehas..." Mabilis kong sagot. Huminga ako ng malalim nang maramdaman ang paglakas ng kabog ng dibdib ko, at lalo itong lumakas ng bigla siyang ngumiti, doon nasilayan ko mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
Hay. Sana lahat.
"Dahil mahalaga ka sa akin, Alyssa..." Sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Sinong hindi magugulat kapag narinig mo mula sa isang Zayn Sandoval na mahalaga ka daw sa kanya.
Narinig ko ang pag-tawa niya na i-kinapag-takha ko. Lalo na ng guluhin niya ang buhok ko.
Akala ko ba heartless siya?
"Halika, may i-pa-pakita ako sa iyo..." Aniya at hinila ako patakbo.
Napahinto rin siya agad nang marinig niya ang daing ko.
"Sandali, dahan-dahan lang. Masakit yung hita ko." Mahina kong sabi na umabot sa pandinig niya. Bigla naman siyang naalerto kaya lumuhod siya sa harap ko at chineck ang kanang hita ko. Bahagya akong napa-igtad nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa balat ko. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya maya-maya ay tumayo sa harap ko.
"Halika, ipapasan nalang kita." Aniya at muling umupo patalikod sakin. Hindi agad ako nakakilos dahil pino-proseso ko pa ang sinabi niya ng mapalingon kami nang may sumigaw.
"Alyssa! Zayn!" Si Alex.
Napatayo ako ng tuwid nang makitang kasunod niya sina Thunder, Lawrence at Jared. Shoot! Inaantay ko pala si Jared sa dalampasigan.
"Bakit?" tanong ni Zayn sa kanila.
Mabilis na hinila ni Jared ang kamay ko at inilagay ako sa likod niya. Nag-iba ang ekspresyon ni Zayn dahil doon kaya bigla akong naguluhan.
Muli akong nagulat ng hilahin naman ako ni Alex papunta sa tabi niya.
"She's my twin sister, Jared so back-off!" May diin na sabi niya kay Jared.
"I already knew that, Alex." Sagot naman nito sabay lakad papunta sa amin at muli na naman akong hinila papunta sakanya. Sa totoo lang naguguluhan ako sakanila at naiinis na ako. Hila sila ng hila.
"...and she's mine now." Dugtong ni Jared na ikina-kunot ng noo ko.
Nakita ko ang pag-igting ng bagang nina Alex at Zayn at akmang susugod na kay Jared ng bigla akong sumigaw.
"Sandali. Anong bang mga pinaglalaban niyo?" Inis na sabi ko saka lumayo sa mga ito.
"Nobody owns me 'cause I own myself. At pwede bang tigilan niyo na ang pag-hihila at pagha-hawak sa kamay ko dahil hindi nakakatuwa!" Malakas na sabi ko. Natahimik naman agad ang tatlo habang mukhang nag-eenjoy naman ang dalawa sa pa-nunuod.
Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ang biglang pag-sikip ang dibdib ko na para bang pinipigilan ako sa pag-hinga. Lalo akong nilamig kasabay nang sunod-sunod na pag-singhap ko.
"Pero Alyssa, you told me a while ago na attracted ka sa akin..." Sabi ni Jared. Matalim ko siyang tinignan at muling bumuntong hininga.
"I didn't say anything Jared. Baka nanaginip ka lang." Tugon ko sa kanya. Napayuko na lamang siya.
Nag-umpisa na akong magl-akad pabalik sa loob ng mapahawak ako sa dibdib ko. Tumataas na ang mga balahibo ko at nanginginig na ako. Inhaler. Kailangan ko ang inhaler ko.
"Alex..." Mahina kong tawag sa kambal ko na kasalukuyan parin nakatayo doon. Medyo malayo na ako sakanila kaya hindi ako sure kung maririnig nila ako. Napaluhod na ako sa buhanginan habang sapo ang dibdib ko. Lumalabo narin ang paningin ko.
"Alex...." napalingon sakin si Alex at nabahala ng makita niya ang itsura ko. Agad siyang tumakbo palapit sakin at kinuha ang Inhaler na hindi ko alam kung saan
"Breath, Aly...breath." Natatarantang sabi habang hawak ang Inhaler na nakalagay sa bibig ko. Tinanggap ko naman ang hangin na nagmula doon at nakahinga na ako ng maayos.
"Damn it, Aly. Alam mo namang malamig bakit ka pa lumabas?" Galit na sambit nito ng mahimasmasan na ako.
Napatingin ako kay Jared at nakita kong malungkot siya kaya napailing nalang ako.
"Inaantok na ako." Sabi ko sa kanya kaya inalalayan niya na akong tumayo. Nag-umpisa na kaming mag-lakad pabalik sa bahay ng muling tinawag ni Zayn si Alex kaya napalingon kami sakanya. Mabilis itong nakalapit at tinignan si Alex.
"Please, Alex ngayon lang. Sandali lang kami." Sabi nito ay mukhang seryoso siya. Nagulat ako inasta ni Zayn. Narinig ko ba talaga mula sakanya ang 'please'?
Tumingin muna si Alex kay Jared na masamang nakatingin sakanya bago binalingan si Zayn pagkuwa'u bumuntong-hininga.
"Twenty minutes, Zayn. Ihahatid mo siya sa kwarto namin matapos ang dalawangpum minuto..." Aniya at tinapik ang balikat nito sabay abot ng kamay ko kay Zayn. Tinanggap naman niya ito at tumango kay Alex.
"NAGUSTUHAN MO BA?" Tanong sa akin ni Zayn sabay upo sa tabi ko. Tumango lang ako bilang tugon at muling ibinalik ang tingin ko sa paligid.
Ang ganda ng lugar na pinag-dalhan niya sa akin. Nandito kami ngayon sa may gilid ng falls kung saan may kubo at dito kami nakaupo. May mga ilaw sa bawat bato na nandito kaya hindi madilim bukod sa liwanag ng buwan. Malamig ang tubig at parang inaakit kang maligo. Kung hindi lang ako sinusumpong sa lamig ay baka nag-babad na ako.
"Mas maganda dito kapag umaga. Isa ito sa mga secret place ko dito sa summer house." sambit pa niya. Ayon sakanya, sakanila raw ang buong bahagi na ito ng Bueno, sa kanya actually. Niregalo sakanya ng lolo niya nang mag-eighteenth birthday siya kaya malaya siyang nakakapunta dito kahit kailan niya gustuhin.
Napalingon ako sa kanya nang bigla itong tumayo.
"Tara na at mayroon pa akong i-pa-pakita sa 'yo. Last na 'to tapos babalik na tayo. Twenty minutes lang kasi ang sabi ng kambal mo." Paliwanag at inalalayan ako tumayo.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya at sinabayan siya maglakad habang magka-hawak ang aming mga kamay.
"Na-i-ilang ka ba?" Tanong niya habang nag-la-lakad kami. Napatingin muna ako sa mga kamay bago bumaling sakanya.
"Hindi naman masyado..." Sagot ko saka huminga ng malalim.
"Puwede mag-tanong?" Sabi ko pa. Tumango siya. Binawi ko ang kamay na hawak niya saka hinarap siya.
"Bakit...bakit mo ito ginagawa? Paano ako naging mahalaga sayo? Eh, diba hindi naman tayo mag-ka-kilala? Nakita kita sa green park noong time ng welcome party ni Madison, tapos nalaman ko ang pangalan mo ng ipa-kilala kayo ni Harlene sa akin bilang mga powerful kings ng school kaya bakit?" Mahabang paliwanag ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Saglit siyang natigilan saka bumuntong-hininga.
"Because, we're meant for each other, Aly." Simpleng sagot niya.
Napakunot-noo ako sa sagot niya. Humalukipkip ako at tinignan siya ng mariin. Tinaasan ko siya ng kilay.
Kailangan ko ng matinong sagot.
"Fine! Dahil kapatid ka ni Alexandre." Sabi niya pa nang makita na hindi ako kumbinsido sa sagot niya.
"We share the same surname, ar obvious na magkapatid kami dahil magka-hawig kami." Sagot ko dito.
"Alyssa, may mga bagay na hindi pa dapat pag-usapan lalo na kung hindi pa ngayon ang tamang panahon..." Sabi nito at biglang nag-seryoso.
"At kailan ang tamang panahon?" Tanong ko muli.
Napansin niya siguro ang iritasyon sa boses ko kaya napa-buntong hininga siya. Nang wala akong makuhang sagot sa kanya ay agad akong tumalikod at nag-matsa paalis.
"Alyssa." Tawag niya ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pag-la-lakad hanggang sa makarating ako sa bahay. Pumasok agad ako dito at nagtuloy sa likod, kung saan may mga tanim ng bulaklak. Hindi na din naman ako makakatulog dahil five AM na kaya humiga nalang ako sa may duyan na nakita ko doon.
Bakit feeling ko may mga bagay ako na hindi alam. Bakit parang may nakalimutan ako? Bakit ayaw sabihin ni Zayn? Bakit ganun ang reaksyon ni Alex ng sabihin ni Jared na pag ma-may-ari niya ako? Bakit biglang gumulo ang buhay ko? Mag-iisang buwan palang ako sa unibersidad na iyon at pangatlong beses ko palang nakita silang apat kaya bakit?
"Don't think too much, sweetie. Baka sumakit ang ulo mo." Naramdaman ko ang pagluhod niya sa harap ko kaya napa-upo ako.
"Jared, tell me..." Humugot muna ako nang malalim na buntong-hininga.
"May alam ba kayo na hindi ko alam?" Dugtong ko pa.
Ngmiti lamang siya sakin at hinaplos ang kanang pisngi ko.
"Be my girlfriend, sweetie."
Natigilan ako sa sinabi niya, pagkuwa'y umiling.
Tumayo ako at tinalikuran siya saka mabilis na umalis.
Pagpasok ko sa kwarto na i-no-okupa ay agad akong napasandal sa pinto, saka sinapo ang dibdib kong kanina pa kumakabog. Hindi ko na alam kung dahil ba 'to kay Zayn o kay Jared.