bc

Heartless Romance (SPG)

book_age18+
3.9K
FOLLOW
24.4K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
contract marriage
drama
twisted
sweet
straight
medieval
like
intro-logo
Blurb

Everything in Alyssa’s life is normal, not until she got accepted as the only scholar at the prestigious school in their town and met the “powerful kings”. She soon learned that these people are part of their past that her parents want to forget forever. But destiny did not allow it because after five years of hiding, Alyssa and Zayn met again. Zayden is her boss while Alyssa is just an intern. Alyssa can’t deny the fact that she still has feelings for Zayn after all these years, they share good memories before that is so hard to forget. She can help herself but respond to his sweet kisses. She started to disobey her family just to be with Zayn not until she found out that Zayn is already married to Madison—the girl who made her life a living hell when she was still on senior high. She tried to control her feelings and emotions because she doesn’t want to be a mistress, she tried until her internship is done, and she did. But life is hard and tough for Alyssa, the day before her college graduation she learned that her father has a huge debt to a loan sharks and because they do not have the money to pay for it, they kidnapped her. And Zayn as her knight in shining armour who everything for her will do, get her from those loan sharks in exchange of a million peso. Alyssa doesn’t have a choice but to accept his “deal” just to pay back on her family’s debt.

They got married with the help of a judge with one and only witness and flew to Canada to live there, at doon magsisimula ang lahat ng bagay na hindi niya inaasahan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
First day of school. Hindi ko maiwasan maka-ramdam ng excitement habang nakatitig sa malaking dilaw na gate na nasa aking harapan. St. Bernadette University, ang nag-iisang prestigious school sa buong bayan ng Aldwyne. Napaka-swerte ko at ako ang napiling mabigyan ng full scholarship ng school na ito, kaya nangangako ako na hindi ko sasayangin ang opportunity na binigay ng kung sinuman sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago humakbang papasok at humalo sa mga estudyante. Ang instructions noong enrollment ay kailangan ko muna magtungo sa admin office to get some stuff bago pumunta sa designated classroom ko. Patuloy lang ako sa paglalakad at nakasunod sa mga estudyante habang inililibot ang paningin ko sa buong school. Napangiti ako nang may makita akong sign kung saan nakaturo ang admin office. Agad akong lumiko at sinundan iyon. Sa sobrang occupied ko sa pagsunod sa mga poste ng directions ay hindi ko napansin ang biglang pagsulpot ng kung ano sa harapan ko. Namalayan ko na lamang na lumipad na ang gamit ko kasabay nang pagbangga ng noo ko sa matigas na bagay. "I'm sorry…" Mabilis kong sabi at agad umatras, saka yumuko para kunin ang iilang gamit ko na nahulog dala ng impact. Agad din akong tumayo at hinarap ang dahilan ng pag-hulog ng gamit ko, siya namang mabilis nitong pag-galaw at namalayan ko na lamang na naka-pulupot na ang braso niya sa baywang ko. Awtomatikong pumatong ang mga kamay ko na may hawak na envelope sa dibdib nito at mahina itong tinulak na hindi naman nito ikinatinag. "It's okay, cute girl. What's your name?" Nakangiti na sabi nito saka tumingin sa mga mata ko. Naramdaman ko din ang mabilis na paghaplos nito sa pisngi ko na agad kong ini-iwas. Narinig ko ang mahina nitong pag-tawa. Nakaramdam ako ng pagka-ilang ng magdikit ang mga balat namin kaya nagpumilit akong lumayo, agad naman ako nitong binitawan at mabilis na umatras. Muli kong narinig ang tawa niyang nakakaloko kaya hindi ko maiwasan na tignan siya ng masama. Doon ako nakakuha ng pagkakataon na titigan ang mukha niya na sobrang kinis at walang bakas ng kahit anong pimples o black heads na dinaig pa ang sa akin. Matangos ang kanyang ilong at bilugan ang kanyang brown na mata, pati ang kulay ng buhok niya ay brown din at mukhang mas matangkad siya sakin dahil nakatingala ako sakanya. Gwapo siya, kaso mukhang playboy base narin sa mga ngiti na pinapakita niya sakin. Normal ba na i-judge ang isang tao base sa mga ngiti nito? "Pasensya na ulit, hindi talaga kita nakita. May hinahanap kasi ako…" Sabi ko pa dito. Nanatili lamang siyang naka-tayo sa harapan ko at nakangiti, mukhang i-n-e-eksamina din ang mukha ko. "No big deal. Just tell me your name, miss beautiful?" Sabi niya pa. I shrugged my thought. I am not an expert of knowing the person's personality but this one is sure a playboy. "It's Alyssa. I'm sorry but I really have to go…" Sabi ko saka agad na tumalikod. Nag-sorry naman na ako, okay na siguro 'yon. "You're unbelievable, Alyssa.." Dinig ko pa na sabi nito bago ako tuluyang maka-layo. Just one more building at mararating ko na ang admin office. Napakalaki pla talaga ng school na ito. Bawat building ay malalayo ang pagitan, ang dami din namga estudyante at ngayon ko lang nalaman na marami palang mayayaman dito sa Aldwyne, or baka kami lang ang mahirap? Naputol ang pagmumuni-muni ko nang maka-rinig ako ng sigawan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Agad akong tumigil sa paglalakad at nilingon iyon. Isang kumpulan ng mga estudyante, specifically mga babaeng estudyante. Para silang may pinagka-ka-guluhan at parang nag-tsi-cheer pa ang iba. Nagkibit-balikat ako at nag-patuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa admin office, at last. Ngunit, pinapatay ako ng kuryosidad ko. Nanatili akong nakatayo at nagda-dalawang isip. Nagtatalo ang dalawang bahagi ng isipan ko. Gusto ko na malaman kung ano ang nangyayari doon. Gusto kong makita. Napailing ako. Bahala na. Huminga muna ako ng malalim at saka tumakbo patungo doon. Nahugot ko ang aking hininga nang makita ang pinagka-kaguluhan nila, matapos ko maki-pagsisikan ng bahagya. Isang babae na naka-salamin ang naka-upo sa white monobloc, nakayuko ito at dinig na dinig ko ang mahihinang hikbi nito habang binubuhusan ng harina, kitang-kita ko din ang reaksyon nito habang binabato ng itlog mula sa mga tao na nasa paligid. Nakaramdama ako ng awa sa babae, habang 'yong ibang nakaka-saksi ay tila enjoy na enjoy pa sa napapanuod nila. I suddenly felt the urge to help her. For a quick moment, I really wanted to stood up in front of her at saluhin ang mga bagay na binabato nila, ngunit hindi ko magawa. Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Dahil ba ito sa pangakong hindi ko sasayangin ang opportunity na makapag-aral dito? Mabilis akong umiling, huminga ng malalim saka nagdesisyon na umalis. Ayokong makisali. Maybe I am a selfish girl after all. I was an outcast. Mas peaceful kapag walang pinapaki-alaman at kapag walang iniintindi. Naglakad ako paalis sa lugar na iyon at mabilis na nagtungo sa admin office. Dahan-dahan kong itinulak ang glass door at isang seryosong ginang na sa tingin ko ay nasa mid-thirties ang bumungad sa akin. "Hi! My name is Alyssa Castro. I am the transferee student and a scholar from Aldwyne National High School." Pagpa-pakilala ko saka ngumiti. Naasiwa ako nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa saka bahagyang tumaas pa ang isang guhit niyang kilay pag-kuwa'y bumuntong hininga. "Okay, Miss Castro. Please sit down, at may kukuhanin lang ako." Sabi niya saka tumayo at nagtungo sa malaking wooden cabinet sa gilid lang din ng table niya. Umupo ako sa receiving area sa tapat ng table niya at doon siya hinintay, ilang sandali pa ay bumalik na din siya dala ang isang brown envelope at maliit na notebook na may logo ng school. "By the way, I am Mrs. Einah Cruz, ang registrar and admin ng university." Pagpapakilala niya kahit na nakilala ko na siya noong enrollment. Tumatango-tango ako at muling ngumiti. Tumayo siya sa harapan ko at ini-abot ang envelope at maliit na maroon na libro na sa tingin ko ay handbook na agad ko naman tinanggap. "These are the files that you need for the school. You can read it later, especially the handbook dahil dyan nakasulat ang mga rules and regulations ng university as well as the do's and don'ts...." "Inside the envelope is your atm card for the cafeteria food and other things that you need to pay like photocopies, etc. That is funded by the school so you don't need to worry about money while you're here. This envelope also has your schedule for the whole school year and just be mindful of the time per subject because the instructors and teachers are very strict regarding time and tardiness." Tumatango-tango ako at hindi maitago ang pagka-mangha. At least hindi na mahihirapan maghanap pa angga magulang ko ng allowance ko sa araw-araw. "Do you have any questions or clarifications?" "Wala na po. Maraming Salamat po, Mrs Cruz…" Nakangiti kong sagot. Tumango naman ito saka bumalik sa upuan nito sa likod ng lamesa. Tumalikod na ako at nagtungo sa pintuan nang marinig kong magsalita ito ulit. "I forgot to tell you something, hold on…" Muli akong humarap dito. Nakaramdam ako ng pagka-ilang ng tignan niya ako sa mga mata. "We have powerful students in this school, the rankings are based on how much money they have, academics and power. Students call them powerful kings and powerful queen. I suggest you not to mess with them if you want to stay here…" Tumango-tango ulit ako saka muling tumalikod nang wala na siyang susunod na sasabihin. Huminga ako ng malalim. Mahigpit na hinawakan ko ang envelope saka napa-isip. Kings? Hindi ko alam na may nag-e-exist pala na ganoon sa real world. Akala ko kasi sa mga stories or series lang ang mga ganoong pangyayari. Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong lahat ng taong lampasan ko ay napapalingon sa akin. Bakit kaya? Dahil ngayon lang nila ako nakita o dahil alam nilang scholar ako? Wala akong naririnig before na nag-o-offer ng scholarship ang St. Bernadette so maybe I am the only one. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad nang hindi mapansin ang lalaking tumatakbo na patungo sa direksyon ko, at dahil hindi ko ito inaasahan, mabilis tumilapon ang mga dala ko. Napabuntong hininga ako. Pinanuod ko na lamang ang papalayong bulto nung lalaki na hindi man lang tumigil para mag-sorry. Napapa-iling na lamang ako habang pinupulot ang mga gamit. Hindi ko na alam kung bulag lang ba talaga ako o wala lang silang pakialam. Pangalawang beses ko na 'tong nababangga at hindi na nakakatuwa. Nakarating ako ng mabilis sa room ng first subject ko. Nakaramdam ako ng hiya nang makita ang mga tingin ng mga kaklase ko na mukhang kompleto na at ako nalang ata ang kulang. Nakatingin din sa akin ang teacher na nasa harapan na sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ng pagtuturo. He gestured me to stand beside him kaya agad akong tumabi sa kanya at nagpakilala kahit hindi niya pa sinasabi. "Good morning! I am Alyssa Castro, sixteen years old. Please be good to me..." I'm not sure if that's the right thing to say pero bahala na. Mukha naman wala silang pakialam sa akin kaya okay na siguro ang sinabi ko. "And I am Ramonito Loreto, your teacher for English Communication. Please take your seat…" Tumango ako saka naghanap ng upuan, at napangiti nang may makita malapit sa may bintana. Agad akong nagtungo doon at naupo. Seryoso akong nakinig nang mag-patuloy sa pagtuturo ang guro na nasa harapan and i can say na magaling siya. Ganito siguro talaga kapag mamahalin ang school na pinapasukan. The class for my third subject has ended, at ayon sa schedule ko ay lunch time na. Sa tatlong oras kong pa-ma-ma-lagi sa classroom na ito ay wala man lang lumapit para maki-pagkilala. I was an outcast, pero hindi ko alam kung bakit gusto ko magkaroon ng kaibigan dito. Siguro dahil bago ang environment at ibang-iba sa dati kong school. Nasa cafeteria na ako at kasalukuyang nakapila sa counter para bumili ng pagkain. Hindi naman ito mahirap hanapin dahil sa malaking karatula sa labas na SBU Diner at mayroon din na mapa sa handbook. Nakakapagtaka lang dahil hindi ito maingay kagaya ng ibang cafeteria o canteen ng bawat school. Siguro dahil mayayaman sila at sanay silang magsalita ng mahihina? I have no idea. Matapos maibigay sa akin ang order ko na carbonara, tuna sandwich at iced tea ay lumiko na ako para maghanap ng table ng bigla akong mabangga sa kung sino, mabilis na tumapon ang iced tea na nasa tray ko. Pareho kaming nagulat sa nangyari, maging ang lahat kaya lalong tumahimik dito. Stupid Alyssa, pangatlo mo na ito ngayong araw! Mabilis kong inilapag ang tray sa mesa na nakita ko at agad kinuha ang panyo sa bulsa ko at ini-abot iyon sa kaharap ko. Nakita ko pa ang mabilis na pag-mantsa ng iced tea sa damit nito. "I am sorry miss, hindi kita nakita. I'm sorry talaga…" Sabi ko. Biglang tumalim ang mga mata nito saka malakas na tinabig ang kamay ko, dahilan para mabitawan ko ang panyo na hawak ko. "b***h! Hindi mo ba alam na ang stupid mo?!" Malakas na sigaw nito na dumagundong sa buong lugar kaya natahimik lalo ang lahat. Nakita ko din ang pag-tigil ng iba sa kanilang mga ginagawa. Bigla akong nakaramdam ng inis. No one dared telling me na I'm stupid since I am always at the top of my class. This is the first time. "I said, I'm sorry. You don't need to shout, miss…" Mahinahon kong sabi saka tinignan ito. Nakita ko ang dahan-dahang pamumula ng mukha nito na para bang sasabog na sa galit. Mabilis itong lumapit sakin at tinulak ako. "How dare you?! Sino ka para sabihin sa akin yan?!" Sigaw nitong muli. Napa-pikit ako. Hindi ko alam kung paano i-ha-handle ang ganitong senaryo dahil first time ito na nangyari sa buong buhay ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang isa niyang kasama na bumulong dito, at ilang saglit pa ay biglang nagbago ang ekspresyon nito, kasabay ng unti-unting pag-kawala ng pamumula ng mukha nito saka nakakalokong ngumiti. "So you are the beggar that was transferred here and also the scholar?" She asked. She paused for a moment saka tinignan ako mula ulo hanggang paa, pabalik sa mga mata ko. "FYI, pera ko ang ginagamit para makapag-aral ka sa magandang eskwelahan na ito, so you better respect me and always know your place…" Aniya saka tumawa. Huminga ako ng malalim. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako naiinis sa buhay na mayroon ako. Ayoko sa lahat ang magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino, pero dahil mahirap lamang ako, wala akong choice kundi lunukin ang lahat ng ito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita nang hindi ako umimik. "Stupid girl. Hindi mo siguro binasa ang handbook kaya wala kang alam. But since this is your first day, gusto mo ba ng welcome party?" Wika pa nito habang tatawa-tawa. "You just ruined my limited edition chanel off shoulder blouse, by the way. So I am willing to give you a welcome party that you'll never forget during your stay here…" Dugtong pa nito. Napaisip ako at naalala ang tungkol sa powerful students na sinabi ng registrar. Huminga ako ng malalim. This is too much to handle just for my first day. "I'm really sorry, hindi ko talaga sinasadya--" She cut me off. "I don't care! You will pay for the damage that you did to my precious chanel na kahit mag-trabaho ka buong buhay mo ay hindi mo kayang bayaran dahil mahirap ka lang. You beggar stupid girl..." Sabay tawa ng malakas na sinundan ng dalawang babae sa likod niya na sa tingin ko ay kaibigan niya. I can't help but to roll my eyes. Hindi ko akalain na may mga ganito sa totoong buhay. I just read this on the novel na hinihiram ko pa sa mama ko. Ako na ba ang susunod na nakaupo sa monobloc kanina habang walang laban na pinagtatawanan at binabato nila ng kung anu-ano? "How dare you roll your goddamn eyes on me b***h?!" At sinong nag-pauso na pu-pwede palang mag-mura ang mga estudyante dito? Napakalakas pa ng boses kung maka-sigaw ang babaeng ito na para bang walang mga teacher's sa paligid. Oh well, kakaiba nga pala ang St. Bernadette. Mga estudyante ang bumubuhay sa mga teachers dahil sila ang nagpapa-sahod daw dito. And this girl in front of me is one of those entitled students. Hindi ko pinansin ang pagtili nito at nanatili lang na nakatitig dito. I can say na maganda siya at maputi, makinis din ang balat nito na hindi ma-i-ka-kaila na galing sa mayaman na pamilya. Straight ang black na buhok nito na naka-full bangs at may green na ribbon sa ulo, terno ng green na off shoulder nito na may mantsa na ng iced tea. Naka-jeans ito na kulay white na fitted at green high heels. She also looked sophisticated and classy, ibang-iba sa pag-uugali at pananalita nito. "Dalhin niyo na 'yang babaeng 'yan at ng matuto!" Dinig ko pang sabi nito. Hindi ko na nagawang mag-react pa dahil kasunod niyon ang pag-hawak sa akin ng dalawang lalaki sa magkabila ko na braso kasunod ang pagkaladkad sa akin palabas ng cafeteria.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
999.9K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
458.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook